CHAPTER 5
Chapter 5: Surprise
“SHE needs to rest and eat nutritious foods. She just need to have a plenty of rest. Don't let her overdo some activities.”
“Yes, doc. I understand. Thank you.”
“You're a grown up man now, Con. Who is she huh? Is this your girlfriend? I never seen you this worried before. I've been watching you since you're a kid.”
“T'ss. She's not. I-I'm just her friend. Stop sticking your nose with someone's business.”
“Hahaha obnoxious as always. Hmm. . .I think she's a special friend?”
“Tito!”
“Okay. Okay! I'll stop.”
Nagising ako sa pag-uusap at tawa ng isang taong hindi ako pamilar kaya napamulagat ako. Narinig ko rin ang boses ni Con kaya mas lalo akong napabalikawas sa kama.
Agad na sumalubong sa 'kin ang nakapamulsang Con at hindi ko inasahang nakatitig pala ito sa 'kin. Napadako ang tingin ko sa katabi nito na nag-aayos ng gamit at nilalagay sa lagayan nito. Base sa nakita kong stetosscope na kakalagay niya lang sa isang itim na attachecase ay nakumpirma kong isa itong doctor.
Bakit may doctor rito? Hindi naman ako tumawag ng doctor ah?
Nanlaki ng husto ang mata ko nang maalala ang nangyari sa 'kin. Doon ko napagtantong kung bakit nandito ang isang doctor sa kwarto ko.
“C-con ikaw ba ang tumawag sa kanya? Wala akong perang pambayad!”
“Relax. That's our family doctor, you don't need to worry anything.”
“P-pero—”
“Tsk!”
Napatingin ako sa pinto nang marinig ang halakhak ng docto na 'yon. “Mauuna na ako Con,” paalam niya.
“Uh. . .don't mention this to my mon and dad please,” wika sa kanya ni Con. Tumawa lang amg soctor at agad na naptingin sa 'kin. Ngumiti ito sa 'kin at agad na nagpaalam para umalis.
Nang makaalis sa kwarto ko ay siya namang lakad ni Con papunta sa pinto. Napatigil lang siya ngunit hindi ako nililingon. Napagmasdan ko tuloy ang likod nito. Nakalagay lang ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa niya. Ang kulay asul na buhok nito ay gulo-gulo at parang hindi nakakakita ng suklay. Subalit, kahit na ganoon ay ang gwapo niya pa rin sa anggulong ito.
“Con. . .uhm. . .ano. . .salamat,” tugon ko. Ilang segundo akong naghintay sa sagot niya pero wala itong naging tugon sa pasasalamat ko. “S-sorry, naabala pa k-kita,”
“T'ss. Stop apologizing, will you? You need to rest. Huwag kang tatanggap ng mga homeworks or other activities galing sa mga kaklase o school mates mo.”
Alam niya? Syempre malamang kaklase nga kami. 'Si ka naman nag-iisip Ysa, e. Akala ko ay tapos na siya at aalis na sa kwarto ko pero may dinagdag pa siya.
“Kumain ka sa eksakto sa oras. You need to take good care of yourself Ysa,” anito na may bahid ng panenermon. Hindi pa rin siya nakaharap sa 'kin. Ganoon lang siya, walang galaw-galaw man lang habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Bigla akong napahawak sa aking dibdib. Hindi magkandamayaw ang pagtibok nito at pabilis nang pabilis iyon. Tila may nangangarerera sa loob ko at hindi ko maintindihan iyon. May kung anong hindi mapangalanang pakiramdam ang umiikot sa t'yan ko.
Gumalaw ng konti angbalikat ni Con at unti-unting lumingon sa deriksyon ko. Tila naging mabagal ang oras sa pagitan naming dalawa na naging dahilan para mapaawang ako. Muling nagtama ang mga mata namin at ganoon na lang ang pag-iiskandalo ng puso ko.
Ano ito? Bakit ganoon na lang ang dulot mo sa 'kin Con?
“Hindi ako nag-aalala sa 'yo baka 'yon ang iniisip mo. Matulog ka na ulit,” sambit niya at agad na lumabas sa kwarto ko.
Napatulala lang ako sa pintong nilabasan niya. Ilang minuto ay pinagsawaan ko rin ang kakatingin doon at nahiga hanggang sa makatulog ulit.
NAALIMPUNGATAN ako sa mga ingay na nanggagaling sa labas pati na rin sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napakamot ako sa ulo at napatingin sa cellphone ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita dahil alas dose na ng tanghali. Tuloy, napabalikwas ako kama.
Nag-unat ako dahil parang ilang dekada akong natulog. Ang sarap pala sa pakiramdama na makatulog ka nang maayos. Tila gumaan ang katawan ko dahil doon. Nawala na rin ang sakit ng ulo ko pati na rin ang pananakit ng katawan.
Agad kong kinuha ang tuwalya pero bago 'yon ay napatulala pa ako doon. Bigla na lang pumasok sa utak ko ang naka-topless na si Con. Pinukpok ko ang ulo para mawala ang imaheng iyon. Baka isipin niyang pinagpapatansyahan ko siya. Yuck! Tumungo na ako sa banyo at pagkalabas ko ro'n ay mabilisan kong sinuklay ang buhok. Nakamaong shorts lang ako at loose pink t-shirt. Nagpulbo lang ako para naman kaaya-aya ang mukha ko.
Pumunta na ako sa baba para alamin kung ano ba ang ingay na 'yon. Parang ang daming tao naman.
“Saan ko 'to ilalagay dude?” Sabi ng isang cute guy na may hawak na karton. Katamtaman lang ang height niya. I think, magka-height lang kami? Siya kasi iyong pinakamaliit sa apat.
Nangunot ang noo ko sa ginagawa nila sa kitchen namin at living room. Paroon at parito ang ginagawa nila at hindi man lang ako napansin.
“Dito ba talaga ito? Parang hindi naman? Con saan 'to?!” Sigaw naman ng isang may hawak na kulay kremang sofa.
“Seriously, dude? You're living with this kind of uh—what do you call this? Ah! Apartment. . .ang liit naman nito? Sure ka rito? Hindi ka naligaw? O nabudol?” Natatawang tugon naman ng isang lalaki at niilibot ang tingin.
“Wooh chicks! Dude may chicks na kasama si Con rito! Unbelievable!” Hindi makapaniwalang sigaw niya sa tatlong kasama. Hula ko chickboy ang isang 'to.
Napunta agad ang atensyon ng apat sa 'kin at nanlalaking mayang ti uro si Con na kakalabas lang mula sa kitchen namin.
“What?” Inis na singhal nito sa apat.
“Live in kayo?” Sabi no'ng cute guy.
Kung tutuusin, cute silang apat. Gwapo nga lang si Con.
“May anak ba kayo?” Nanlalaking matang paratang sa amin ng may hawak na kremang sofa kanina, habang tinuro kami ng sabay.
“Buntis ba siya kaya kailangan mong magtiis sa puder niya?” Histeryang saad ng isa.
“May lagnat ka ba Con?” Lumapit 'yong mukhang chickboy kay Con at kinapa ang noo nito. “Wala naman, ah? Bakit parang iba ka yata ngayon?”
“T'ss. Shut up! Taposin niyo na nga ang ginagawa niyo,” utos sa kanila ni Con.
Kita mo ang lalaking ito. Makapautos sa apat na 'to. Hindi man lang nag-please sa kanila. Hindi pinansin ng apat ang sinabi ni Con at nag-unahan papunta sa tapat ko.
“Hi beautiful. I'm Shun,” sabi niya at kinuha ang kamay ko para makapag-shake hands. Siya 'yong sabi ko na maliit sa apat at halos magkasingtangkad lang kami.
“Tim at your service!” Saludo sa 'kin ng isang.
“Areon.” ngumiti lang siya sa 'kin kaya sinuklian ko 'yon pabalik.
“Ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki sa balat ng lupa at may pinakamagandang pangalan sa aming lahat, Calum,” nakangiting aniya. Kinindatan pa ako nito. Tama nga talaga ako, chickboy ang isang ito.
“Ysabelle, tawagin niyo na lang akong Ysa,” ngiting sabi ko.
“Con grabe ang ganda niya!” Sigaw ni Calum. Binatukan siya ni Areon kaya napahawak ito sa ulo niya. “Mahal na mahal mo naman ako Ars. I love you too,” malambing na ani Calum at aktong hahalik kay Areon.
“Kadiri ang isang 'to. Doon ka nga kay Tim! Miss na miss ka na niya!” Tinulak ni Areon si Calum kay Tim.
Napailing na lang ako at nataqa sa pinagagagawa nila. Parang mga baliw. Napako ang tingin ko kay Con at agad na lumapit sa kanya.
“Mga kaibigan mo ba 'to?” Tanong ko.
“Yeah.”
“So, gangster din sila?” usisa ko.
“Yeah.”
“Parang hindi ko sila nakikita sa G high ah? Sa ibang school ba sila nag-aaral?”
“Yeah.”
“Bakit ba puro ka yeah? Wala ka na bang ibang isasagot bukod do'n?” Inis na sabi ko.
“Yeah?” Patanong na sagot nito at ngumisi.
Lumukot ng husto ang mukha ko dahil parang inaasar pa ako nito. Yeah-yeahin ko 'yang mukha niya, e. Nawala ng ganoon na lang kabilis ang inis ko sa kanya nang makitang kakaiba ang kitchen namin. Parang sumikip dahil sa mga bagay na nadoon.
Dali-dali akong napalakad papunta ro'n. Napatakip na lang ako sa bibig at napalingon kay Con. Nakasuod na pala siya sa 'kin.
“A-anong. . .wala akong pambayad sa rito Con,”
“Hindi naman ikaw ang magbabayad niyan. That's a gift for offering this apartment,” paliwanag ni Con.
Napatitig ako sa mga mata niya, tinitimbang kung totoo nga ba ang sinasabi nito. Pinagtitripan ba ako nito? Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang mga kaibigan niya.
“Ysa mag-thank you ka na lang. Baka biglang magpakalasing 'yan si Con dahil sa kahihiyan,” sigaw ni Calum mula sa living room at humagalpak sa tawa.
“Oo nga Ysa. Mahirap na at baka kami pa ang pagbuntungan ng galit,” tatawa-tawang segunda ni Shun. Sumang-ayon naman sa kanya ang tatlo at nagtawanan.
Agad na dinampot ni Con isa-isa ang mga babasaging baso na nasa mesa rito at pinaghahagis 'yon sa apat na nagtatawanan sa living room.
“Wooh!” Nasalo ni Shun ang baso at tatama sana sa t'yan niya.
“Sh*t huwag mo namang patamaan 'tong mukha ko Con. Best asset ko 'to,” reklamo ni Calum.
“Hina mo namang bumato, dude!” Asar sa kanya ni Tim.
Nailing lang ni Areon ang ulo at bahagyang natawa sa ginawa si Con sa kanila.
No'ng una kinabahan pa ako, pero nang makita kong walang kahirap-hirap nilang nasalo ang lahat ng 'yon at hindi man lang nakatingin ay bumilib ako ng husto. Napaawang na lang ako.
Seryoso ba 'yon? Kung ako siguro ang sa lagay nila, e, baka nasa hospital na ako ngayon.
“Tara?” Biglang may dunaloy na bolta-boltaheng kuryente sa kamay ko nangaglapat ang balat namin. Hindi ko inasahang hahawakan ako ni Con at hinila papunta sa pinto.
“Si Con ba talaga 'yon dude? Gisingin niyo nga ako, baka natutulog lang ako ngayon!" Boses ni Calum ang huli kong narinig bago kami makalabas.
“Bakit ka ba nanghihila Con? Anong gagawin natin dito?”
“I have something for you, look over there.” Tinuro niya ang kung ano sa likod ko kaya napihit ko amg katawan papunta ro'n. “Surprise?”
“A-akin 'to?” Hindi ako makapaniwalang lumapit sa bisekletang kulay pink na nakatayo sa gilid ng pader. May pink na ribbon din itong nakalagay sa manibela. Agad kong sinakyan 'yon at nakangiting nagpedal. “Ang ganda Con! Maraming salamat!” Tumigil ako sa pabibisikleta at maayos na isinandal 'yon sa pader. Nagtatalon akong lumapit kay Con sa sobrang tuwa.
Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng regalo. Ganito pala ang pakiramdaman na sinusurpresa. Ang sarap sa pakiramdam.
Tumikhim si Con kaya doon ko na napagtanto ang ginawa. Tumibok ng husto ang puso ko nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa batok ko.
“S-sorry,” nahihiyang wika ko. Agad akong napabitaw sa pagkakayapos sa katawan niya dulot nang kagalakan kanina. Nakakahiya ka talaga Ysa! “Pero, maraming salamat talaga Con! Hinding-hindi ko makakalimutan 'to!” Ngiting sabi ko.
Nginitian niya lang ako at tumango. Nang binuksan na niya ang pinto ay isa-isang nagsitumbahan ang apat. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil doon. Ibig sabihin. . .narinig nila ang usapan namin ni Con? Mabuti na lang talaga at nari ig lang nila at hindi nakita. Sobrang nakakahiya kapag magkataon!
Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Con at sa apat na ngauon ay inaayos na ang sarili mula sa pagkakabagsak.
“Oppps! Inosente ako dude!” Taas kamay na sabi Areon.
“Ang sakit ng likod ko! Calum gag* ka! Ang bigat mo!” Singhal ni Shun.
“Hindi lang ako ang nakadagan sa ' yo, kengna ka! Inosente ako Con! Sila ang may ideya nito!” Paninisi sa Calym sa tatlo. Nakatanggap naman siya ng sabay-sabay na batok sa ulo mula sa tatlong kasama na ikinasimangot niya.
“Ikaw ang may pakana nito!” sabay-sabay na wika nina Shun, Areon at Tim kay Calum.
Masama siyang tiningnan ni Con kaya agad siyang kumaripas ng takbo papasok ng apartment namin. Natawa ako dahil mukhang takot silang apat kay Con at dinadaan lang nila ito sa biro. Hindi ko pa sila ganoon kakilala pero parang ang gaan na ng loob ko sa kanilang lahat. Para lang silang normal na magbabarkada at hindi mo agad masasabing gangster sila. I mean, normal mga naman talaga sila, 'yon nga lang mas pu aniwalaan ko ang mga sabi-sabi na nakakatakot daw sila.
Napatitig na lang ako sa likod ni Con nang mauna na siyang pumasok sa loob ng apartment namin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman tuwing tinititigan ko siya. Napakagat na lang ako sa labi nang hindi mapigilang mapangiti. Sa simpleng pagtanaw ko lang sa kanya ay tila hinahalungkat ang lamang loob ko.
_
Ganito po 'yong pagbigkas ng pangalan nina Areon at Shun.
Areon - Eyr-yon
Shun - Shan
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top