CHAPTER 38
Chapter 38: The great confession
ILANG MINUTO na akong nakatingin sa nakahigang katawan ni Con. Hindi ko kayang buksan ang puting telang nakatakip sa kaniya at baka hindi ko na kayanin pa.
Hinahagod ni Areon ang likod ko at handang alalayan kung ano man angangyari sa akin.
Si Shun ay nakatalikod sa amin at nakaharap sa pader kaya hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano. Si Tim naman nakaupo sa sofa at nakatukod ang dalawang kamay sa sentido nito.
Inalis ko ang tingin sa kanila, alam kong mas nahihirapan sila sa sitwaayong ito gayong matagal na silang panahon na nagkakilala.
Napayakap ako sa katawan ni Con at humagulgol, hindi ko na mapigilang ilabas ang nararamdaman.
"Ang daya mo! Ang d-daya-daya mo, Con! Bakit? Bakit mo naman ako iniwan, ha? Alam mo, nakaiinis ka!" anas ko ngunit mas lalong lumuha, umaasang sasagot siya sa akin gayong alam ko namang hindi na, kaihit kailan.
"Kompleto d-dapat tayong lalabas sa lugar na 'yon! Kompleto, Con! Hindi n-naman yata patas itong ginagawa mo sa amin, sa a-akin. . ."
Hinawakan ako sa balikat ni Areon ngunit hindi ko siyang pinansin.
"Ysa, tama na 'yan. . . hind-"
Hindi natapos ni Areon ang sasabihin ng magsalita si Shun.
"Ars! T-Tara muna sa labas! Hayaan muna natin si Ysa!" pakinig kong sabi niya.
"Oo nga, Ars. Doon na muna tayo sa kuwarto ni Calum."
Halos makalimutan ko na si Calum dahil sa nangyari kay Con. Napuruhan din iyon ngunit hindi ko man lang kanina kinamusta at natanong sa tatlo kung na saan siya.
Sorry, Cal.
Napabuntonghininga si Areon bago ako tinapik sa balikat saka nagpahila kay Shun at Tim ng tuluyan.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto pati ang mga nagmamadaling mga yapak nilang tatlo. Nabalot muli ng katahinikan ang apat na sulok na kuwartong ito at tanging mahihinang pag-iyak ko na lamang ang naririnig.
Gusto kong buksan ang puting telang nakatabon kay Con ngunit hindi ko talaga kaya.
Napailing ako ng ilang ulit.
"Con. . . gumising ka r-riyan. Nakaiinis ka talaga!" Mahina kong punalo ang katawan nito. "Hindi ko pa nga nasasabing mahal kita tapos iniwan mo na ako? Oo! Mahal kita, Con! Anong silbi ng pagmamahal ko kung wala ka naman sa piling ko ngayon? Bakit ba ang malas-malas ko? Lahat na lang nga taong mahal ko iniiwan ako!"
"Mas mahal kita kaya 'wag ka nang umiyak diyan," pumailanlang ang malalim na boses na iyon at nalalaking mata akong napatingin sa pinto. Napatigil din ako sa pag-iyak.
Napakunot ang mata ng wala namang tao roon. Nakarinig ako ng mahinang tawa, tawa ng isang pamilyar na tao. Taong laman ng puso ko.
Dumagundong nang husto ang dibdib ko at halos hindi na makagawang huminga. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo sa direksyon ng nagsalita at ilang ulit akong napakurap nang magtagpo ang mata naming dalawa.
Tila naistatwa ako sa kinalalagyan at halos hindi maproseso ang pangyayari. Paanong. . .
Wala sa sariling inabot ko ang mukha ni Con at pinakiramdaman ang init niyon. Mas lalo siyang natawa sa naging reaksiyon ko.
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya napunta ang atensyon ko roon. Inuluwa no'n sina Shun, Tim, Areon at ang naka-wheelchair na si Calum. Puno ng bandage ang katawan nito at kitang-kita ang mga namuong pasa sa mukha niya.
Nakangisi silang apat at unang umiwas sa tingin ko ay si Areon na nagkibit-balikat lamang.
"They forced me to do it, Ysa, I swear I don't want to see you crying but-" pinutol
"Bibigay ka na sana kanina nang makita mo si Ysa na iyak nang iyak, e! Gago ka talaga, Areon! 'Buti na lang ay bumenta 'yong palusot ko!" ani Shun.
Tawang-tawa naman si Calum tila kakuntiyaba ng tatlo. Kita mo 'to, mukhang baldado na nga, nakuha pang mangtrip. Sarap ilagay sa drum.
Pinalo ko si Con at sinamaan nang tingin nang makabawi.
"Bwisit ka, Con!" sigaw ko sa sobrang gigil.
"Sorry, okay?" natatawang aniya.
"Kainis!"
"Mahal mo naman." Ngumisi ito kaya napaiwas ako ng tingin.
Pinaglalaruan lang pala nila ako, tapos ako iyong paniwalang-paniwala na parang tanga kaiiyak sa harap nila.
Namula ako sa sobrang kahihiyan. Yawa lang sila nang taw at ang sarap nila bugbugin ay itali sa hospital bed.
"Alam ninyo? Ang babaho ng ugali ninyo! Lagyan sana kayo ng dextrose na kasing laki ng tubo!" Inirapan ko silang lima ngunit kalauna'y napangiti lang din.
Mabuti na lang at okay ang lahat, masaya akong makitang kumpleto ang limang ito at ginagambala ang tahimik kong mundo.
Tumikhim bigla si Con at walang pahintulot akong hinila papunta sa kaniya. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng hospital bed at parang walang labanang nangyari kanina. May mga galos siya sa mukha pero hinsi naman iyon malala.
Walang ano-ano'y nilagay niya ang kanang kamay sa batok ko at inilapit na lang iyon sa mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang magdampi ang labi naming dalawa.
Nakarinig din ako ng samu't saring mga kantyaw galing sa apat.
"Nang-iinggit ang p*ta! Umalis kayo rito! Mas lalo akong hindi gagaling niyan!" sigaw ni Calum.
"P*tangina ang landi!" segunda ni Tim.
"Hoy, hoy! Walang label pero naghahalikan. Gago, uso ba 'yan?" gatong ni Shun.
"Get a room, dude!" pakinig kong sigaw ni Areon at natatawa.
Napangiti ako sa pagitan ng halik namin ni Con. Dampi lang iyon ngunit nagdala ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko. Namula ang pisngi ko nang umayos siya upo matapos ang ginawa niya.
Dito pa talaga sa harap ng kaibigan niya?
Bumaba ito sa kama kaya napatitig lang ako sa susunod niyang gagawin.
May kinuha itong bulaklak sa side table na ngayon ko lang napansin. Ngumiti ito sa akin.
"So. . . can you be my g-girlfriend?" nahihiyang taning nito at kinamot ang batok.
"Ay iba itong kaibigan natin! Hinalikan muna bago tanungin na maging jowa niya ang isa riyan!" pakinig kong ani Calum.
"Oo nga, dude, ni hindi man lang nanligaw, tanong agad. Ay ang talented!" dagdag la ni Shun.
"Iba talaga ang galawang Con Lolarga!" saad ni Tim.
"Kung ako riyan kay Ysa, hindi ko 'yan sasagutin. Hindi man lang nanligaw, ano 'yon? Shortcut? Naku! Ysa huwag mong sagutin ng oo 'yan. Naglalaway 'yan kapag tulog!"
"F*ck you, Salboza! Do you want me to beat you here?" banta ni Con na ikinalaki ng mata ko.
Pinalo ko siya sa sinabi niyang iyon sa kaibigan. "Nagbibiro lang 'yong tao, e. Baliw ka ba?"
"Ayan,mabuti pa s Ysa, ang bait, 'yong iba r'yan ang pangit ng ugali," pari ig ulit ni Calum.
Gusto kong matawa sa ginagawa niya pero baka magalit si Con, kasalukuyang nagbabanggaaan na kasi ang kilay niya at masamang tinitingnan si Calum na hindi pa rin mapigil ang pagtawa kasama sina Shun at Tim.
Pinalagutok ni Con ang kamao na ikinatigil ng tatlo sa pagtawa.
"I'm innocent here," taas kamay na ani Areon.
"Joke lang, Con! Sabi ko nga sasagutin ka na ni Ysa. 'Di ba, Ysa? Sasagutin mo na! Ayokong mabaldado habang buhay," takot na pahayag si Calum.
Napailing ako. Mga baliw talaga ang mga 'to.
Nabalik ulit ang ti gin ko kay Con. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang bugkos ng pulang rosas.
"Yes!" maikling sagot ko at tumango.
Umaliwalas ang mukha ni Con at niyakap ako nang pagkahigpit-higpit. "Kailangan ko lang pala magpatay-patayan para makamit ang oo mo," bulong ni Con.
Napalo ko sa dibdib. "Ikaw pala ang may pakana nito?" nakabusangot kong tanong. "Nakaiinis ka talaga! Gabalde pa iyong luha ko kanina!"
"Sorry, okay? Hindi na mauulit."
"Inis pa rin ako sa 'y-" Nanalaki ang mata ko nang dampian ulit ako niyo ng halik sa labi.
"Hindi ka na galit?"
Hindi ako makasagot kay Con sa sobrang gulat. Nangangarera ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Napahawak ako sa labi ko.
Ito iyong unang halik namin bilang mag-on. Napakagat labi ako at pinigilang ngumiti sa sobrang kilig.
Sa hospital pa talaga namin naisipan magganito, ano? Malala ka na talaga, Ysa. Malala na talaga nag tama mo kay Con Lolarga.
Umingay muli ang loob ng kuwartong iyon at inaasar kaming dalawa ni Con. Nabalot nang tawanan ang umagang iyon at walang bakas ng hirap na naranasan namin.
--
"YSA, ARE YOU ready?" katok ni Con sa punto ng apartment namin.
"Oo! Teka lang!" Kinuha ko ang gucci bag na niregalo ng Tita Canthy sa akin noong nakaraang linggo.
Naging okay na ang lahat matapos ang pangyayaring labanan sa pagitan ng grupo ng serpent at columnar gang. Napag-alaman ko ring nakuling si Leo at ang iba panng mga kasamahan nila.
Minsan din naming binisita siya sa prisento ngunit hindi niya kami nilabas kaya ang ending ay nauwi kaming bigo. Ilang ulit kaming nagpabalik-balik doon ni Con hanggang sa makulitan na yata si Leo sa amin at lumabas din.
Nagkaroon nang pagtatalo ang unang pag-uusap nila ni Con pero kalauna'y nagpalagayan sila ng loob. Sa konting oras na iyon ay tila bumalik sila sa rati pati na rin ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Masaya ako para sa kanila. Humingi na rin ng tawad si Leo sa nagawa niya sa amin at labis niyang pinagsisihan iyon.
Sa katunayan ay kayang-kaya niyang mapalabas ang sarili sa prisenso dahil sa angking yaman ng angkan nito ngunit pinili niyang huwag iyon gamitin. Paraan niya raw iyon nang pagsisi sa ginawa niya laya nararapat iyon sa isang katulad niya.
Si Ivan? Ayun, okay nan naman siya pero umalis ng bansa dahil sa pamilya niya. Sayang nga at hindi ako nakapagpaalam sa kaniya ng personal, biglaan lang daw kasi.
Sa chat lang kami nag-uusap pero okay na sa akin iyon. Minsan pa ngang gabi iyon tumawag at pinagselosan ni Con. May saltik talaga ang isang iyon. Alam niya namang kaibigan ko lang iyong tao at siya ang mahal ko, e. Seloso talaga.
Nakangiti akong lumabas ng kuwarto at sumalu ong sa akin ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa balat ng lupa.
Nakasuot siya ng paborito niyang longsleeve na kulay asul at pinaresan niya iyon ng pants. Naka-brushed up din ang asul na buhok nito na naging dahilan para mas lalong madepina ang mukha niya.
Boyfriend ko ba ang guwapong nilalang na ito? Halos hindi ako makapaniwala na naging kami. Kalat na rin sa G high ang balitang iyan kaya wala ng halos lumalapit sa aking bully o lalaki. Natatakot yata sa boyfriend kong gangster.
"Okay lang ba 'to, Con?" tanong ko.
Naku-conscious kasi ako sa sobrang garbong dress na binigay ni Tita Canthy sa akin.
"Kahit anong suot mo, maganda ka pa rin sa paningin ko."
"Bola, Con!" Napairap ako sa kaniya.
"What? I'm just telling the truth. Masama bang magsabi ng totoo?" kunot na noong aniya habang bahagyang natatawa.
Napasimangot ako. "Hindi. Pero. . . masama ang manloko!"
Naging seryoso ang mukha nito. "I will never fool you, Ysabelle."
Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Ayan ka na naman, Ysa. Konting kibot, kikiligin. Sobrang lala ko na talaga.
Nakaiinis kasi mahal na mahal ko siya. Sarap niyang pilipitin, 'di joke lang.
Naging maganda ang takbo ng dinner namin sa isang sikat na restaurant dito sa Caloocan. Opisyal din akong pinakilala ni Con bilang girlfriend nito. Tuwang-tuwa si tita at tito sa nabalitaan at siyempre ako rin, sobrang saya ko dahil parang pamilua ko na rin sila.
Naging okay na talaga ang pakikitungo ni Con sa pamilya niya at palagi ng nag-aaral. Aba! Kung liliban siya, e 'di magagalit ako. Baka gusto niyang tikman ang galit ng isang Ysabelle Robles, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.
Sa mga sumunod na linggo ay nag-outing kami kasama si Ivan. Naging okay ang lahat, sobrang nag-enjoy ako at si Con ay palaging nakalingkis ang kamay sa akin tuwing mag-uusap kami ni Ivan. Kaasar nga, e.
Selos na selos pa rin kay Ivan ang tukmol na 'yon. Hindi naman ako papatol doon, baliw talaga. Oo nga't guwapo si Ivan pero mas guwapo si Con para sa akin. Wala nang kukontra sa opinyon ko!
Ngayon ay magsi-celebrate kami ng ika-limang monthsary namin, mabuti na lamang at sabado natuon ang 22 kaya sobrang saya namin. Napagplanuhan kasing pupunta kaming probinsya nina Tita Canthy at Tito Onard para bisitahin sa Iloilo ang nanay nila. First time kong lumuwas sa malalayong lugar kaya labis na lang ang pagka-excite ko.
"Yo!" Kumaway si Shun sa amin na ikinalaki ng mata ko.
May mga dala solang apat na mga back-pack at tanging ang kay Calum lang iyong malaki't hila-hila pa nito amg isang maleta.
Anong gagawin ng apat na 'to? Huwag mong sabihing. . .
Napatingin ako kina tita at tito na nakangiti lang din sa akin.
"Sasama sila, iha. Alam ko kasing magiging masaya kayo kapag andiyan sila," pahayag ni tita.
"Gwapo ko talaga!" Out of no where na ani Calum.
"T*ngina, Calum bakit isang maleta 'yang dala mo?" sigaw ni Tim at binatukan siya. "Ilang araw lang tayo ro'n, hindi buwan!"
"Tsk." Si Areon iyon, as usual tahimik.
Napailing kaming dalawa ni Con sa kanila. Aaminin kong, hindi buo ang araw ko kapag hindi ko nakikitang nagbabangayan sina Shun, Tim at Calum pati na rin ang tahimik na si Areon, ang malanding si Con na ang alam lang ay manghapit ng bewang animo'y tatakas ako.
Natawa ako sa isiping iyon. Sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating sila sa buhay ko at ginambala ang tahimik kong mundo.
Imagine, dahil lang sa pagtira ni Con sa apartment ko ay nagkaroon ako ng instant kaibigan, hindi lang isa kung 'di ay may apat pang kasama.
Sumaya kami at hinarap ang mga pagsubok ng sabay at sabay ring nakamit ang tagumpay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top