CHAPTER 37

Warning!
Strong languages and violence ahead.
-
Chapter 37: Critical


"CON. . . natatakot ako," mahinang wika ko.

Iba ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko iyon maipaliwanag at naiiyak ako. Natatakot ako sa isiping anumang oras ay ipuputok iyon ni Leo.

"Don't worry, Ysa. I got you. Hindi kita pababayaan," pagpapakalma ni Con sa akin.

Pagak na tumawa si Leo nang marinihg angga pulisya sa labas.

"Ito? Ito lang kaya ninyo, ha? Pulis?" Mas lalo siyang tumawa. "P*tangina ninyo! Hindi ako matitinag sa mga otoridad na dinala ni'yo sa lungga ko!"

Mukha na siyang baliw, parang nag-iba bigla amg buo niyang pagkatao. Ginulo ni Leo ang buhok niya at umikot. Pinagbabaril niya rin ang mga malapit na kasahan niya.

Napapapikit na lamang ako sa kahindik-hindik na sinapit ng mga kasamahan niya sa kanyang kamay.

"Leo, please, stop this!" sigaw sa kaniya ni Con.

Napasinghap ako nang muli niyang itutok sa amin ang baril. "Stop this? You're ordering me to stop this sh*t?" Tumawa na naman siya.

Ako iyong kinikilabutan tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa ni Leo kaya napapatago ako sa likod ni Con.

Rinig na rin ang sirena ng sasakyan ng mga pulisya sa buong paligid at nasisigurado kong napapalibutan na nila ang buong lugar.

Wala pa rin akong ideya kung sino ang nagtawag ng mga pulisya at kung paano nika narating ang lugar na ito.

Siguro ay mga kasamahan namin iyon o hindi kaya isa kina Con. Hindi na lamang ako nagtanong pa at piniling manahimik.

Hindi ko pa rin mahinuna kung saan nanggagaling iyong galit ni Leo. Kasi, kahit saang anggulo mo tingnan ay wala talagang kinalaman si Con sa pagkamatay ng kasintahan nito.

Parang may iba pang pinagmumulan at ibang dahilan. Pinagmasdan ko si Con, malungkot ang mga mata nitong nakatitig kay Leo. Samantala ang kay Leo naman ay napupuno ng galit at poot.

Kung magkabati kaya sila? Siguro ay magandang samahan ang mabubuo sa pagitan nila. Sayang mga lang ay ito ang kinahantungan niyon.

"Alam mo ba?" Tumawa si Leo at napailing sa sariling sinabi. "No, let me rephrase that. . . you don't know anything about Liz!"

Nangunot ang noo ni Con sa narinig. "What the f*ck are you talking about?"

"Mall! Noong pumunta siya sa mall! Alam mo bang nakipag-break siya sa akin noon?" Sarkastiko itong tumawa at may sumilip ang sakit sa kaniyang mata. "Do you know what kind of reason she said to me that day? F*ck you, Lolarga!"

Napasigaw ako nang pinaputok nito ang baril sa kung saan at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na walang may natamaan o mas lalo lamang kakabahan.

"What the hell are you talking about, Leo?" Nagugulahan man ay pinatili pa rin ni Con ang pagiging kalmado.

Mabilis akong tinago ni Con nang humakbang papalapit si Leo papunta sa amin. Nanlilisik ang mata nito kay Con na animo'y nakagawa nang malaking kasalanan.

"That day. . . that f*cking day! She broke up with me because she's inlove with you! Ginamit niya lang ako para mapalapit sa iyo! Hindi niya ako minahal dahil 'yong puso niya ay nasa iyo! P*ta, Con! Mahal ka ng taong mahal ko! At iyon 'yong araw na sana ay magtatapat siya sa 'yo! Sana hindi ko na lang siya hinayaan! Maybe if I stop her from coming to that f*cking mall, sana buhay pa siya ngayon! It is all your fault! Kasalanan mo lahat!" Namumula na ang mata ni Leo at halos mapigtas na ang litid sa paraan niya nang pagkakasabi ng lahat ng iyon.

Hindi ko lubos maisip ang sakit na dulot niyon sa kaniya. Mahal na mahal niya ang babae at hindi iyon maipagkakaila.

Nagsalita si Con pero parang nabingi ako at walang kahit anong naririnig. Napahawak ako bigla sa ulo ng mandilim ang paningin ngunit nilabanan ko iyon. Lihim kong kinurot ang tagiliran para masigising ang diwa.

Hindi pa puwede! Alam kong hinang-hina ka sa dami ng dugo at sugat na natamo mo, Ysa, pero hindi pa ito ang tamang oras para manghina.

Huminga ako nang malalim at ilang ulit na pumikit. Pagkadilat ko ay okay na ulit ako ngunit maramdaman ko na nag panghihina.

Siguro ay dulot ng kaba at tensyon na nararamdaman ko kanina ay hindi ko na napansin ang sariling kalagayan.

Hindi ko pinahalata kay Con ang nararamdaman kong iyon. Kailangan kong tatagan ang sarili.

Napapansin ko na rin ang mga pulisyang nakapaligid sa amin. Kitang-kita sa mga butas sa pader ang mga nagtatagong pulis at bukod doon ay sobrang dami nila.

Maingat silang nagsesenyasan sa bawat isa para hindi masyadong mahalat ng kalaban. Napakunot ang noo ko at napapunta kay Con ang paningin.

Kaya pala! Kinukuha niya ang atensyon ni Leo para hindi nito mapansin ang mga pulis na nakapalibot sa amin.

Napalingon ako kung saan sina Calum. Halos lahat ng kalaban nila ay bagsak na at hindi ko lubos maisip na nakaya nila iyon.

Naagaw ng atensyon ang lalaking nakaitim sa mataas na bahagi lugar. Naaninaw ko ang pamilyar na mukha nito at hindi ako nagkakamali, siya 'yong tinakasan ko apartment namin!

May iba siyang kasama at may hawak na baril. Hindu pangkaraniwan ang baril na 'yon sa labas na kaanyuan pa lang nito.

Nabalik ulit ang paningin ko kina Calum. May lalaking paparating at may baril na dala ngunit bago pa nito makalabit ang gatilyo ay kusa na lang itong natumba.

Bakit bumulagta na lang iyon? Wala naman akong narinig na kahit anong tumama sa kaniya.

"Nice, Kir!"

"Asintado!"

"Ilibs na talaga sa 'yo, dude!"

Nabaling ang tingin ko sa kinakausap nilang lahat at doon napunta sa mga kalalakihang hindi pa rin umaalis sa mataas na bahagi ng lugar. Doon ko rin napagtanto kung bakit bumulagta na lang ang kalaban. May silencer iyong baril na hawak nila! Kaya pala.

Nakipag-apiran sina Shun at Calum sa mga natirang kasamahan namin. Mapapansin talaga ang pagod nila at ang iba'y inaakay na lang ng mga kaibigan nila. Ang iba nama'y napaupo na lang sa lapag at hindi alintana ang nangyayari sa amin dito. Grabe, iba!

Napatitig akong muli kay Leo, halatang ukupado talaga ang isip nito sa pinag-uusapan nila ni Con kaya hindi na napansin ang mga pulisyang nakapalibot sa kaniya ngayon.

"I. . .didn't know. . . I-I-I'm sorry," mahinang ani Con.

"Mababalik ba iyan ng sorry mo ang buhay niya? Wala kang kwentang kaibigan, Con! Lahat na lang ng babaeng gusto ko ay napupunta sa 'yo! F*ck yo—" hindi na natapos ni Leo ang sasabihin nang pinalo siya ni Ivan ng tubo sa likod.

Napasigaw ako nang hindi man lang natumba si Leo sa ginawang iyon ni Ivan. Agad niya iyong tinutukan ng baril ngunit pumailanlang ang isang putok ng baril na naging dahipan para malaglag sa sahig ang hawak nito.

Nanlalaking mga matang sinuri ko si Ivan kung siya ba iyong naputukan at nakahinga lamang ako nang maluwag ng wala itong natamo.

Hawak-hawak ni Leo ang kanang kamay na kung saan iyo natamaan. Pinukol niya nang masamang tingin amg pinanggalingan ng putok at sumalubong sa kaniya ang hindi mabilang na mga pulis.

"F*ck you, Lolarga!" inis na aniya habang hingal na hingal sa sobrang galit. 

"Sumuko ka na, Leo Hashimoto! Wala ka nang takas, napapalibutan ka namin ngayon!"

Nagmumula ang tunog na iyon sa isang mega phone at naging dahilan iyon para maalerto si Leo. Napabaling ang tingin nito sa mga kasamahan, malamang ay tinitingnan kung sino pa ang gumagalaw.

Napasabunot si Leo sa sarili nitong buhok tila nawawalan ng rason sa buhay.

"Kasalanan mo 'tong lahat. Kasalanan mo 'tong lahat!" Dinuro niya si Con gamit ang baril na kinuha nito tagiliran ngunit bago pa niya makalabit ang gatilyo ay tinamaan na ito ng bala sa tagiliran.

Napasigaw ako sa takot kaya agad akong dinaluhan ni Con para itago sa tanawing iyon.

Sa paglapit isa-isa ng pulisya kay Leo ay roon ko na lamang naramdaman ang matinding pagod at panghihina. Lahat ng timbang ko ay nalipat kay Con dahil hindi ko na kayang suportahan pa ang sarili.

"Ysa!"

Halos magkakasabay ang pagkakasabi niyon nina Con at ng mga kaibigan niya pero hindi ko na iyon inintindi pa. Tila nasusuka ako sa pag-ikot ng paligid na mas dumagdag pa sa panghihina ko.

Ramdam ko rin ang mainit na mga braso ni Con na nakapulupot sa aking bewang. Napapikit ako ng ilang sandali ay napamulat ulit ngunit sa ikalawang pagkakataong buksan ko ang mata ay tola hinihigop ako sa kadiliman.

Pahina nang pahina ang mga boses na naririnig ko ngunit nilabanan ko iyon pero hindi ko ma talaga kaya.

Nahagip pa  ng paningin ko ang nagpipumiglas na duguang si Leo sa mga pulisyang nakahawak sa kaniya at inagaw ang baril ng isa sa kanila. Nakatutok iyon sa likod ni Con at gusto kong sumigaw sa mga oras na iyon, subalit, hindi na sumusunod ang katawan ko.

Con. . .

Parang may sariling  isipan ang katawan ko ngayon at wala na akong kakayahang ma-control pa iyon. Hanggang sa unti-unti ko na lamang nasara ang talukap ng mga mata at tiluyan nang nagpahigop sa kadiliman walang katapusan.

"CON!" SIGAW KO nang magmulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang nakasisislaw na ilaw sa paligid.

Napalilibutan ako ng puting mga dingding at pilit na iniisip kung na saan akong lupalop ng mundo. Nabaling ang paningin ko sa kamay na nakaswero at sa hinihigaan ko.

Nasa hospital ba ako? Anong nangyari kanina? Ayos lang kaya si Con?

Agad na hinanap ng mata ko si Con pero hindi ko ito mahagilap sa kuwarto. Dumagundong ang dibdib ko sa mga posibleng mangyari nang wala akong malay kanina.

Paano kung. . .

Napailing ako, hindi! Walang nangyari sa kaniya. Ysa, naman!

Napasabunot ako sa buhok at walang pag-aalinlangang bumaba sa kama. Walang takot kong hinugot ang swerong nakalagay sa kamay ko at napapikit sa sakit na dulot niyon.

Kahit medyo nahihilo ay pa ay naglakad ako papunta sa pinto, hindi alintana ang paang walang sapin sa malamig na sahig.

Nang lumabas ay bumungad sa akin ang tatlo—Shun, Areon at Tim. May kaniya-kaniya itong puwesto at parang hindi mapapirmi sa inuupuan. Tila may malalalalim na iniisip ang bawat isa na nagpakaba sa akin.

Napatayo si Shun kaya ito ang unang nakapansin sa akin. Nanlaki ang mata nito.

"Ysa, bakit ka umalis sa kuwarto mo?" aligagang anito.

Sabay na napatingin sina Tim at Areon sa gawi ko at malungkot akong sinalubong ng mga mata nila.

Agad na tumayo si Areon at inalalayan ako. "You need to take a rest, Ysa. Kailangan mong magpalakas."

Bakit parang may mali? Hinuhuli ko ang tingin nila ngunit agad itong umiiwas sa akin.

May ideyang nagsusumiksik sa isipan ko kaya hindi ko na mapigilang mangiligid ang luha.

"Si C-Con?" Napaiwas silang tatlo sa akin at lalong sinapo ang bibig. Nangangatal akong napalapit kay Areon at hinawakan ang braso nito. "Sabihin mong okay lang si Con, Ars. Sabihin m-mo. . ."

Hindi ito tumingin sa akin at pinatiling nakabaling ang paningin sa ibang direksyon. Tuluyan na akong napahikbi sa harap nito.

"I'm sorry, Ysa." Si Shun iyon at hinagod ang likod ko. Mas lalo akong napaluha sa sinabi niuang iyon, parang kinukumpirma nito ang ideyang nasa isipan.

"Nang mawalan ka ng malay ay prinotektahan ka niya. Gagong, Con na 'yon! Akala niya yata siya si superman para sapuhin ang b-bala." Nabasag ang boses ni Tim sa huling sinabi nito.

Napailing ako. "Hindi. . . okay lang siya 'di ba? Okay lang siya! Hindi maari!" sigaw ko.

Halos pagtinginann na ako ng ibang staff sa hospital na iyo pero wala akong pakialam. Napahagulgol ako sa halo-haling nararamdaman.

Sana ako na lang. Ako na lang sana ang namatay! Nakaiinis ka Con! Hindi mo pa nga nalalamang mahal kita! P*tangina mo, Con! Ang daya-daya mo!

"He's critical few hours ago but. . . he didn't make it, Ysa," dugtong pa ni Shun tila hirap na hirap sa sinasabi.

Inakay nila ako papunta sa kuwarto niya at hindi na ako magsayang pa mg oras para buksan iyon.

Nang makapasok ay agad na sumalubong sa akin ang taong nakahiga sa kama at nakatabon ng puting tela ang buong nitong katawan.

Napasapo ako sa bibig at nanginginig na napalapit roon. Bawat hakbang ko ay tila milyon-milyong patalim ang tumatarak sa akin.

Ganito na ba kasakit ang sasapitin namin? Ni hindi ko nga nagawang umamin sa kaniya pero bakit kinuha na agad sa akin?

Gusto kong murahin ang sarili. Kung sana ay hindi ko tinago ang nararamdaman at agarang sinabi iyon sa kaniya. Kung sana ay mas maaga akong nagsabing mahal ko siya. Kasi siya, hindi siya nag-aksaya ng oras para lang iparamdam sa akin na mahal niya ako.

Alam ko iyon ngunit ayokong mag-assume kaya minabuti kong huwag na lang umimik.

Pero, sabi nga nila, actions speaks louder than words. Alam ko sa sarili ko na may mga oras na nahahalat ni Con amg nararamdaman ko pero nahihiya talaga kong umamin.

Pinalis ko ang luhang nagkumawala sa mata ko. Paano ko masasabi ito kung huli na ang lahat?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top