CHAPTER 36
Warning!
Strong languages and violence ahead.
-
Chapter 36: Ivan
"NO! NO! Ysa, no!"
Dumagundong ang sigaw na iyon ni Con sa buong kapaligiran ngunit huli na ang lahat. Nagkumawala ako sa pagkakahawak ni Leo at tinadyakan ang paa nito na siyang naging dahilan para mabitiwan ako nito ng tuluyan.
"Argh!" pakinig kong daing ni Leo.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabilis na tumakbo papunta sa hindi maipintang itsura ni Con na hindi sa akin nakatingin kung hindi sa taong nasa likuran ko.
Hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang lingunin dahil ang tanging naiisip ko lamang ay mapunta sa kanila.
Ito iyong mga sitwasiyong gusto kong bumilis ang oras ngunit tila nang-aasar ito at mas lalo lamang binagalan ang lahat.
Tila kilometro ang pagitan namin ni Con bagama't hindi naman iyon gaano kalayo ang distanya naming dalawa.
Nakarinig ako nang pagkasa ng baril na nagpatigil sa akin sa pagtakbo. Kapag nakaririnig ako ng tunog na iyon ay tila tinatapon ako bingit ng kamatayan.
Mas lalong dumagundong ang puso ko at mabilis na ipinihit ang ulo para salubungin ang matalim na tinging ipinupukol ni Leo sa akin. Nakatutok sa direksyon ko ang baril nito na.
Doon ko rin napagtanto ang ibig sabihin ni Con kanina. Iyong mga senyas na hindi ko maintindihan, iyong mga titig na tila lumalagpas sa akin, lahat ng iyon ay hindi nga talaga para sa akin kung hindi sa taong nasa likuran ni Leo.
Namali ang pagkakaintindi ko at gusto ko nang sabunutan ang sarili sa walang kuwentang ginawa ko.
Kung mabagal kanina ang oras ay mas lalong bumagal ito ngayon.
Hindi ko maintimdihan ngunit nagpokus ang atensyon ko sa unti-unting pagpihit ni Leo ng gatilyo ng kaniyang baril.
Napigil ko na lamang ang hininga at hindi na narinig ang nagkakagulong paligid.
Mamatay na ba ako?
Mapait akong napangiti. Kahit mamamatay man ako ngayon ay okay lang. Nakita ko na si Con at alam kong maayos na si Calum.
Mariing akong napapikit nang marinig ang putok ng baril kay Leo at hinintay na lamang na bumaon ang bala sa aking katawan.
Subalit, nakalipas na ang ilang minuto pero wala pa ring bumabaon sa katawan ko. Doon na ako napamulat ng tingin at halos masapo ko ang bibig sa sumalubong sa akin.
"I-Ivan. . ." sumamo ko.
Puno siya ng dugo sa katawan at halos manghina ako sa nakitang tama ng bala sa kaniyang kanang balikat. Nanginig akong napasapo sa bibig sa kalagayan niya.
Paanong nakagagalaw pa siya sa sitwasyong iyan? Nahabag ako sa kaniyang sinapit.
Ivan, sobra-sobra naman yata iyan. Sana ay hindi mo na lang sila tinaliwas. Kung sana ay hindi tayo nagkakilala. Kung sana ay hindi tayo naging magkaibigan. Wala ka sana sa sitwasyong iyan kung hindi mo ako tinulungan.
Unti-unting dumaloy ang butil ng luha sa aking pisngi.
Nakikipagbuno siya sa lider nilang si Leo. Nag-aagawan sa baril na nakatutok sa kisame.
Matalim na tiningnan ni Leo si Ivan. "I knew it from the start that you would betray me, Ivan."
"Is that so, bro?" pinagdiinan ni Ivan ang huling salita na nagpadilim sa mukha ni Leo. Tumawa ni Ivan nang nakaloloko at sinipa sa tiyan ni Leo na naging dahilan para mapabitaw ito sa baril na hawak. "Or should I say, my half-brother." Masamang tingin ang pinukol ni Ivan kay Leo na ngayo'y nakabawi na sa ginawa ni Ivan.
"Are you all right, Ysa?" Hindi ko pinansin si Con sa paglapit nito sa akin dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig mula kay Ivan.
Paanong magkapatid sila? Half-brother?
Napakurap ako ng ilang ulit at napaatras nang bumaling si Leo sa direksyon ko. Agad na iniharang ni Con ang katawan niya para maitago ako sa nakamamatay na tingini ni Leo.
"We are not brothers, d*mbass," diing pagsalungat ni Leo. "Give me that gun, f*cker."
Tuluyan ng nawala ang atensyon ko kina Leo at Ivan dahil napunta na iyon kay Con. Agad ko siyang tiningnan at doon na lamang naramdaman ang halo-halong emosyon.
Mabilis na nangiligid ang luha ko at agad siyang niyakap. Alam kong hindi ito ang oras para rito ngunit hindi ko mapigilan.
Sa kaalamang nandirito siya sa tabi ko ay nawawala ang lahat nang pangambang kani-kanina lang ay gumugulo sa aking sistema.
Napabitaw ako sa pagkakaakap at sinuri ang buo niyang katawan. Puno ng galos ang kamay niya dahil sa pakikipagsuntukan sa kalaban. May mga talsik ng dugo ang damit at mukha nito ngunit hindi iyon nagbawas sa angkin nitong kagwapuhan
Kahit na puno siya ng pawis sa mga oras na ito at hindi mo makikitaan ng kapintasan ang kaniyang kaanyuan. Mas lalo siyang gumwapo sa wala sa ayos na buhok nito na kahit kailanman ay hindi niya namang pinagkaabalahang ayusin.
Nawala lamang ang pagpapantansya ko sa kaniya nang magsalita ito at tinapik nang marahan ang aking pisngi.
"Ysa, you need to get out of here," umpisa nito.
Alam ko na ang idadagdag nito kaya nagsalita agad ako. "Con, dito lang ako. Tutulungan ko kayo!"
"Ysa, listen—" Nawala ang atensyon niya sa akin nang may sumugod sa aming kalaban. Agad niya itong pinagsisipa hanggang sa mawalan ng malay ang lalaki. Hinarap niya ako at nilagay ang kamay sa magkabila kong balikat. "I know you can fight but please, listen to me this time, Ysa. Kailangan mong umalis sa lugar na 'to. Alam kong alam mo na mapapahamak ka lang dito. This place was dangerous for you."
Napababa ang balikat ko. Ilang uliy ko na bamga narinig iyan? Halos hindi ko na mabilang pa.
"Con. . . alam ko iyon, kaya nga ako narito para tulungan kayo. Gusto kong tumulon—" pinutol niya ako.
"Do you hear what are you saying? Do you even understand me, Ysabelle?" nagtitimping aniya. Napaigtad ako dahil sa lalim ng boses niyang iyong ngunit nilabanan ko ang titig nito.
Hindi ko na alam ang nagyayari sa paligid dahil nagtatalo na kami rito ni Con. Gusto kong matawa dahil sa katagisan ng ulo na mayroon ako at dito pa talaga naming naisipan na magtalo sa gitna ng gulong ito.
Bumukas ang labi ko para sana magreklampo pa peroulung naglapat iyon nang mapansin ko ang lalaking may dalang tubo na papalapit sa likuran ni Con. Masama utong nakatingin sa likuran ng lalaki at handang-handa na gumawa ng masamang bagay.
Nanlaki ang mata ko at napatakbo sa Con at mabilis siyang niyakap patalikod.
Napapikit ako sa pagtama ng tubo sa likuran ko na naging dahilan para takasan ako ng lakas. Sobrang sakit! Tila pinalo ako ng sampung beses sa sakit na lumatay sa katawan ko.
Narinig ko ang pagmumura ni Con sa ginawa kong iyon at mabilis akong dinaluhan.
Napaluhod ako sa semento at pilit na sinusuportahan ni Con. Napangiti ako. Mukha akong baliw rito sa totoo lang.
Ako itong tinamaan pero ako pa rin itong nakangiti. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Con nang makitang ang matamis kong ngiti.
"Ang sarap pala sa pakiramdam na hindi ako pabigat at may ibubuga," usal ko sa kaniya.
Palagi na lang niya kasi akong pinoprotektahan. Palagi na lang ako iyong i unuuna niya kagit na mapapahamak siya. Palagi na lang siyang nandiyan para alalayan ako kung hindi ko kaya.
Ngayon, ako naman. Ako itong poprotekta sa kaniya. Napakasarap sa pakiramdam. Parang ang lakas ko dahil nagawa ko siyang protektahan.
Pinanlakihan ako ng mata ni Con. "Are you out of your mind, Ysabelle?!" inis na aniya.
"Siguro nga, Con." Napadaing ako ngunit hindi ko iyon pinahalata kay Con.
Dahan-dahan niya akong pinatayo ngunit parang mas lalo lamang ako nanghina. Bawat galaw ko ay napapakagat-labi na lamang sa sakit na nadarama.
May sumugod na dalawang lalaki sa amin ngunit hindi pa man iyon nakakalapit ay kinalaban na nina Areon at Shun.
Hindi ko alam kung paano pero nangangalagati na lamang ang mga tauhan ni Leo. May namataan pa akong mga napabagsak ng miyembro ng serpent gang.
Iyong mga gang na tumulong kay Con ay nakatayo pa rin ngunit ang iilan ay buhat-buhat ng kagrupo dahil mukhang napuruhan talaga.
Marami na rin ang sugatan sa mga kakampi namin at may malalang natamo mgunit patuloy pa rin sa paglaban. May iilan ring hindi na nakayanan at napapatajip na lamang ako sa sarilung bibig para mapigilan ang paghikbi.
Ano ba naman kasi ang napanama namin sa mgga miyembro ng mafia na ito? Subalit, kahit na ganoon na pilit pa rin kamung lumalaban at binubuhos ang lahat para lang makalabas sa lungga nilang ito.
Nakuha ng atensyon ko isang putok ng baril na nanggaling sa likuran namin ni Con. Agad kong naipihit ang katawan para alamin kung saan iyon nagmula.
Halos manginig ang buo kong katawanan sa nasilayang dugo na malayang dumadaloy sa tagiliran ni Ivan. Ilang ulit na nagpabalik-balik ang paningin ko kay Leo na nakatuon ang baril kay sa kapatid at kay Ivan na nakaluhod ang isang paa hawak ang tagiliran.
"I-Ivan. . ." mangiyak-ngiyak kong tawag.
Hahakbang na sana ako ngunit naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Con sa bewang ko. Napatitig ako sa kaniya at nagmakaawa.
"C-Con. . . si Ivan, t-tulungan mo siya, p-please. . ."
Kusang naglalaglagan ang luha ko nang pilitin ni Ivan na tumayo.
"Stop meddling with my business, bastard!" nanggagalaiting sigaw ni Leo sa kaniya. Mabilis siyang sinuntok ni Leo at tinadyakan na nagpasadlak sa kaniya ng tuluyan sa sahig.
Nang hindi na makatayo si Ivan ay sinipa niya pa ito sa sibsib ng dalawang beses. Nagsisigaw na ako ngunit pilit akong pinigilan ni Con na tumakbo sa direksyon ni Ivan.
Ilang beses akong nakiusap kay Con na kyng puwede sana ay tulungan niya si Ivan ngunit malungkot na mata lang ang sinagot niya sa akin.
Alam kong hindi niya ako iiwan dito at pilit niya akong pinoprotektahan sa mga gustong manakit sa akin, pero, kahit na mapahamak ako basta ay maligtas niya lamang si Ivan.
Tila nasasaktan si Con sa mga pakiusap ko sa kaniya ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Ang tanging hiling ko lamang ay matulungan niya si Ivan.
Kahit na 'wag na ako, kaya ko pa naman protektahan ang sarili ko. Kahit na si Ivan na lang ang tulungan niya.
Bigla na lamang lumapit si Leo na amin ni Con habang nanlilisik na nakatutok ang baril sa aming dalawa.
Tila ang mga luha ko ay naudlot sa paglabas at napalitan ng kaba. Tinago ako ni Con sa kaniyang likuran at pilit akong pinoprotektahan.
"Kayo naman ang susunod sa kaniya!" tila baliw na sigaw ni Leo sa amin.
Napapikit ako at napakapit sa damit ni Con nang magpaputok ito. Nakarinig na lamang ako ng pagbagsak ng katawan sa likuran namin.
Napasinghap ako ng malamang kasamahan iyon ni Leo. Agad na nangunot ang noo ko at napabaling sa kaniyang muli.
Nababaliw na siya! Sariling kasamahan ay pinapatay na niya. Walang awa!
Walang ano-ano'y nakarinig kami ng isang tunog sa hindi kalayuan hanggang sa dumami ito at tila papalapit iyon sa kinaroroonan naming lahat.
Lahat ng mga kalaban ay naalarma sa tunog ng mga sasakyan ng mga pulisya. Kinuha rin iyon na pagkakataon ng mga kasamahan namin na patumbabahin ang mga kinakalaban nila.
Mas lalong nanlisik ang mata ni Leo atnarinig ko ang pagngisi ni Con. Napahigpit na lamang ang kapit ko nang ikasa ni Leo ang baril at itinutok sa kay Con.
"Con. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top