CHAPTER 35

Warning!
Violence ahead.

Chapter 35: Shot


ILANG ULIT akong napapahid sa luhang malayang umaagos sa aking pisngi dala ang bigat ng loob sa bawat takbo ng mga paa ko. Kabog-kabog ang dibdib, ay hindi ko rin maiwasang mag-isip ng hindi maganda.

Sana okay ka lang diyan, Ivan. Hindi p'wedeng

Napailing ako ng ilang ulit. Hindi! Walang mangyayaring masama sa kaniya. Alam kong makakaya iyon ni Ivan. Alam ko! Malaki ang tiwala ko sa kaniya—sa lakas niya. Hindi siya madaling matatalo.

Napatili ako nang makarinig ng ilang ulit na putok na nanggagaling sa lugar kung saan ko iniwan si Ivan. Napatakip pa ako sa tenga nang makarinig ulit ng putok ng baril.

Napahagulgol ako hindi dahil sa takot kun'di  sa pag-aalala kay Ivan. Napahakbang ako papabalik ngunit naalala ko ang sinabi nito na nagpatigil sa akin.

"Just run! Umalis ka na rito, Ysa! Go with Con! Find him!"

Nagpaulit-ulit ang mga salita niyang iyon sa aking isipan kaya napaharap ulit ako para ituloy ang paghahanap kay Con.

Halos hindi ko magawang tumakbo dulot nang panlalambot at panghihina na rin gayong hindi sapat ang kapirasong tali ng damit na nilagay ni Ivan sa aking tagiliran para matigil ang pagdurugo. Idagdag pa itong sugat sa aking kamay kagagawan ng boteng hindi ko nakita kanina sa daraanan.

Con, na saan na kayo?

Parang hindi ko na kakayanin pa. Napahinto ako nang manlabo ang mga mata ko. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo at napahawak na lamang sa pinakamalapit na pader para lamang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

Napahawak ako sa tagiliran at napatingin sa dugong  kumapit sa kamay ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.

Kahit ilang saglit pa, kayanin mo. Ysa. Lumaban ka! Hindi mo pa nga nasasabi kay Con na mahal mo siya! Hindi puwedeng may masamang mangyari sa iyo!

Bubuksan ko na sana ang isang itim na pinto dahil may naririnig akong mga boses doon ngunit bigla na lamang may pumulupot na braso sa aking leeg na naging dahilan para hindi ako makahinga ng maayos.

Kumalaboh ng husto ang dibdib ko at tila nagrarambulan ang lamang loob ko kasabau nang panginginig ng aking mga tuhod.

Hindi ko matingnan ang mukha nito dahil sa bawat pagpupumiglas ko, ay  siya namang paghigpit nang pagkasasakal ng braso nito.

"Huwag ka nang manlaban kung ayaw mong. . ." sinadya nitong bitinin ang sasabihin sa huli at idiniin sa sentido ko ang malamig na dulo ng kaniyang baril.

Pinapakiramdam ang bawat galaw ng kaniyang kamay at napapadasal na lamang na sana'y huwag siyang magkamaling kalabitin ang gatilyo.

Kagat-labing napapikit na lamang ako kasabay ng unti-unting pagbukas ng pinto at tila dinadaga ang dibdib sa bawat segundong lumilipas.

Umalingawngaw sa buong paligid ang seradura ng pintuan na halatang-halata sa pangangalawang dulot nang malakas na tunog na nanggagaling rito.

Tila bumagal ang oras pati na rin ang pagtibok ng puso ko. Naging blangko ang isip ko nang masilayan ng paunti-unti ang loob ng kuwartong iyon.

Mga daing at mga nagpapalitang putukan ang sumakop sa aking pandinig.

Mas lalong dumagundong ang dibdib ko ng tuluyang tumambad ang kabuuan ng kuwartong iyon. Sira-sira ang bubong at nagkalat ang mga piraso nito sa sahig. Ang mga pader ay bitak-bitak at may mga bakas ng bala na nagmula sa iba't ibang baril. May mga tilamsik ng dugo ang bawat sulok nito at halos magkulay pula ang pader.

Ganoon din ang sahig na halos hindi na malaman kung ano ang orihinal na itsura. Nagkalat ang mga katawang wala ng buhay at halos hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanila. Hindi ko sila kilala at sigurado akong mga kalaban iyon.

Nagtatago ang bawat isa sa mga tambak-tambak na mga sako at mga malalaking gulong sa bawat sulok. Sari-sarili na lang ding diskarte ang bawat isa sa kanila para may mapagtataguan at hindi matamaan ng kalaban.

Naaninaw ko si Con at ang iba na nakikipagbuno at nasa panig na nila si Calum tangan-tangan ng isang lalaki. Naluha ako dahil nagtagumpay silang makuha si Calum. Mabuti na lang.

Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko ng masiguradong okay si Cal ng gumalaw ito at nagpumilit na tumulong kina Con.

Hatalang hindi pa rin nila kami napapansing lahat dahil patuloy pa rin sila pakikipaglaban. Napadaing ako ng sinabunutan ako ng lalaking may hawak sa akin. Parang matutuklap ang anit ko sa ginawa niya at halos hindi ko na mailarawan ang sakit no'n.

Humalakhak ang lalaking may hawak sa akin kaya mariin akong napapikit dulot ng pagdiin lalo ng nguso ng baril nito sa aking sintido.

Binalot ang malaking kuwartong iyon ng kaniyang nakikilabot na paghalakhak. Doon na rin tumigil ang lahat at nakarinig ako ng iba't ibang mura.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumalubong sa akin ang nag-aalalang tingin ni Con pati na rin ang kagurpo niya.

Mukhang hindi ito nagulat nang makita ako. Natitiyak kong nakarating na sa kaniya na tumakas ako. Doon ko rin napansin ang taong nagbabantay kanina sa akin sa apartment na nasa gilid niya, hawak-hawak ang kaliwang braso na dumudugo.

Napabalik ang tingin ko kay Con, ngunit hindi pa man ako nakatatagal ay agad akong umiwas.

Lagot talaga ako.

"Ysa—" hindi niya natapos ang sasabihin dahil sumigaw ang lalaking may hawak sa akin.

"Ho! Isang hakbang, ipuputok ko ito," banta niya kay Con.

Napabalik ulit ang tingin ko sa kaniya. Ang pag-aalalang nasa mukha niya ay nahaluan ng takot. Nabitin din sa ere ang kanang kamay nitong tila inaabot ako.

Napasinghap ako ng maaninaw ang mga bulto ng tao sa likod nilang lahat. Kumpara sa mga napatumba nila ay halos kasing doble ang katawan niyon sa unang kalaban nila.

Ang dami na nilang napabagsak subalit bakit ganoon? Hindi ba ito nauubos? Walang katapusan ito! Nanginginig kong tinuro ang nasa likuran nila gayong hindi pa nila ito napapansin.

"C-Con. . . a-ang dami n-nila. . ." mangiyak-ngiyak kong turan, sapat na iyon para marinig noya dahil sa katahimikan ng buong paligid.

Napalingon ang iilan sa kanila sa likod ngunit si Con ay hindi pa rin inaalia amg tingin sa akin. Humakbang ito papalapit sa kinaroroonan namin kaya nahila ako sa buhok ng lalaking may hawak sa akin.

"Let go of her, f*cker." Masama niyang tiningnan ang lalaki ngunit humahalakhak lang ito.

"Sino ka para utusan ako? Si bossing ka ba?" Inalis nito ang pagkakatutok ng baril sa sintido ko at walang habas na pinaputukan ang sahig malapit kay Con.

"Con!" nanlalaking matang sigaw ko at halos magpumiglas ako sa pagkahahawak sa akin ng lalaki para lamang makalapit kay Con.

Hindi ako makahinga ng maayos at halos lumukso na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kahit sinadya niyang huwag patamaan si Con ay mangiyak-ngiyak na ako, paano na lang kung. . . hindi!

Inalis ko ang isiping iyon. Ligtas kaming lahat na makaaalis sa lugar na ito. Walang mapapahamak at malalagay sa alanganin ang buhay.

"Sige! Isa pang hakbang, sa kaniya ko na ito ipuputok!" banta niya kay Con.

"Daril," malalim na boses ang tumawag sa kung sino na nanggagaling sa likuran namin.

Napapihit ang katawan ng lalaking may hawak sa akin kaya napasunod ako dahil hawak-hawak ako nito.

Sa oras na nagtama ang mga mata namin ng lalaking iyon ay mas lalo akong ginapangan ng kaba. Tuwing nakikita ko ang mga mata niyang malamig pa sa yelo, ay nagtitindigan ng kusa ang aking mga balahibo.

Ano't ganoon na lang ang epekto nito sa akin? Ganito na ba ito katakot-takot na pati sa simple nitong pagtitig ay halos maihi ako sa takot?

"B-Boss L-L-Leo. . ." pakinig kong usal ng lalaking may hawak sa akin.

Pansin ko ang panginginig ng kamay nitong may hawak ng baril at halos napapadasal ako ng sampung beses na sana nama'y huwak niyang aksidenteng mapihit ang gatilyo.

Napunta ang ang tingin ni Leo sa tinawag niyang Daril. Napaatras ng isang hakbang si Daril kaya napasunod din ako sa galaw nito.

"Bitiwan mo siya," pag-uutos ni Leo patungkol sa akin.

"Pero—" hindi na natapos ni Daril ang sinasabi ng kuhanin ni Leo ang baril na nakasuksok sa kaniyang likuran at ikinasa ito.

Hindi man sa kaniya nakatutok ang baril ay bigla na lamang nataranta si Daril, kaya, agad niya akong binitiwan sabay tulak sa akin na naging dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

Napadaing ako dahil unang tumama ang tuhod ko ay aksidente kong naitukod amg kamay na may sugat.

Naramdaman ko rin ang mainit na likidong lumalabas sa kamay dulot ng pangyayaring iyon. Napahawak ako sa kamay na nababalot ng telang nanggaling sa damit ni Ivan. Tumigil na ang pagdurugo nito kanina, subalit nagsimula muli ang pagdurugo nito.

"Ysa!" pakinig kong sigaw ni Con.

Bago pa man ako makalingon ay marahas akong hinawakan ni Leo sa buhok at walang awang pinaputukan ang tinatawag niyang Daril sa ulo na naging daholan para bumulagta ito sa malamig na semento.

Napasinghap ang lahat maliban sa mga kalaban. Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko sa walang-awang pagkabit nito ng gatilyo.

"Kasamahan mo 'yon! Bakit mo pinatay? Wala ka bang awa, ha?!" puno ng emosyong sigaw ko sa kaniya habang hawak ang buhok ko. "Ahh!"

"Ysa! F*ck you, Leo! Let go of her, you f*cker! Wala siyang kinalaman dito! Let her go, a*shole!" Halos maputol ang litid ni Con sa sigaw niyang iyon. Pinipigilan lang siyang sumugod dito nina Calum at ng iba niyang kaibigan.

Gusto kong maiyak pero hindi dapat. Ayokong ipakitang, mahina ako. Kahit ngayon lang. Gusto kong mapatunayan na kaya ko, na may magagawa ako.

Nakarinig ako nang nakahihilakbot na tawa na nagmumula kay Leo. Mas lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa akin na naging dahilan para mapatayo ako. Parang matutuklap na ang anit ko sa ginagawa niya at hindi ko na maestima ang sakit na dulot niyon.

"You kidding me? Of course, she's involved here! Don't you remember, Con? She's your girl. Your girl! At ayaw na ayaw kong nakikita kang masaya. Not with this girl! Not with the person who killed my girlfriend!" Tinutok ni Leo ang baril sa direksyon ni Con na nagpasinghap sa akin.

"You know that I didn't killed your girlfriend, Leo. She's just a victim, an innocent who died during that shoot out. Kung gago ako, mas gago ka! Pinapaniwala mo 'yong sarili mo sa maling impormasyon kahit alam mo ang totoong nangyari. Why can't you accept the truth? Why can't you accept—"

"Shut the f*ck up, Lolarga! You can easily say that because your not in my shoe! You will never understand what I—"

"As*shole, crybaby." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Con.

Mas lalo lang mag-iinit ang ulo ni Leo sa kaniya nito. Hindi ba siya marunong magbasa ng sitwasiyon?

"W-what did you say?" Napapikit ako sa tono ng boses ni Leo, napipikon.

Con, tama na, please. Huwag ka nang magsalita, baka magalit si Leo lalo. Napapikit ako marinig muli ang boses ni Con.

"Playing deaf? I said, you're worse than a crybaby," ulit ni Con, hindi nang-aasar kung 'di tono na parang nagsasabi talaga ng totoo.

Nakaramdam ako nang pagluwag sa pagkakasabunot ni Leo sa akin, marahil ay tuluyang napako ang atensiyon kay Con. Nakagat ko ang pang-iibang labi at napatingin kay Con.

Napako ang atensiyon ko sa hintuturo nito. Parang may sinesenyas pero hindi ko ito maintindihan. Napakunot ang noo ko sa kaniyang inaakto. Anong ibig pakahulugan nito?

Subalit, sandali lamang iyon at tuluyan na niyang nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Hindi ko na lamang inisip iyon at tinuloy ang balak. Napansin ko pa ang pagbuka sana ng bibig nito pero agad na nanlaki ang mata nito sa aking ginawa at huli ko nang napagtanto kung bakit ganoon ang sinenyas niya kanina.

"No! No! Ysa, no!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top