CHAPTER 34

Chapter 34: Traitor


NAPAHAKBANG ako papalapit kay Ivan at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. Dahan-dahang sumilay ang ngiti nito at tuluyang nawala ang kaninang Ivan na nakita ko.

"Ivan. . . b-bakit mo. . ." Napadako ang tingin ko kay Vico na nakabulagta na ngayon sa malamig na sahig at wala ng buhay.

Hindi ko lubos maisip na kakalabanin nito ang sariling grupo at mismong kamay pa nito ang kikitil sa buhay ng kaibigan niya. Hindi ko maintindijan, nagkasama sila ng matagal pero bakit ganoon?

Hindi pa rin nawawala ang gulat kong tingin sa kaniya. Humakbang ito papalapit sa akin at bigla na lamang itinapat ang kamay sa aking noo saka pinitik iyon.

Napanganga ako sa kaniyang ginawa. "P-para saan 'yon?" taka kong tanong sapo ang parte kung saan niya ako pinitik.

"Welcome," ngising aniya at kumindat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napaiwas ng tingin sa kaniya.

Hindi pa man ako nakababawi sa gulat na nadarama ay walang pahintulot na lamang niya akong hinigit.

Napadapo ang mga mata ko sa kamay nitong nakahawak sa aking palapulsuhan. Mainit at napapakiramdaman ko ang pagiging ligtas sa kamay nito ngunit ibang-iba iyon kumpara sa hawak ni Con.

Iyong sa kaniya ay may dulot na ilang libong boltahe nag kumikiliti sa aking sistema na nagdudulot ng iba't ibang emosyon sa akin. Ang init ng bawat lapat ng kamay ni Con ay ibang klase ng kaginhawahan at tila sinasabing nandiyan lamang siya para protektahan ako.

Hindi 'gaya ng kay Ivan, oo 'ramdam ko ang kaligtasan na iyon ngunit may ilang porsyento pa rin sa puso ko na nangangamba at nagdadalawang-isip.

Bigla akong napakunot ng noo sa nakita. Kapansin-pansin ang namumulang kamao ni Ivan at mga gasgas na tila nakatama sa matigas na bagay ng ilang ulit.

Ngayon ko lamang iyon nahalata dahil mas natuon ang atensyon ko kanina sa binti nitong dumurugo. Ni hindi ko man lang tinanong kung mayroon pa ba siyang sugat bukod doon.

"Hey. Nakikinig ka ba, Ysa? This is not the time to dawdle. I know I'm handsome but we need to saved your friend first. Mamaya na natin pag-usapan ang kagwapuhan ko."

Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangisi nitong mukha.

"Ano. . ."

"Tsk. Tsk. Tsk. Ang sabi ko kako kung alam ba nilang nandirito ka."

Agad akong napaiwas ng tingin. "H-ha?  Ano. . . kasi. . . ang totoo niyan ay tumakas lang ako para makarating dito. . ."

"What?" gulat na aniya ngunit kalauna'y napailing lamang at bahagyang napatawa. "I forgot, you're Lolarga's girl. Tiyak na matigas ang ulo," tatango-tangong komento niya.

"Hindi naman matigas ang ulo ko, ah? Gusto ko lang namang makatulong para iligtas si Calum." Bahagya akong napanguso.

"You know that it's dangerous, don't you?" Napatango ako na naging dahilan para mapabuntonghininga si Ivan. "Ano pa nga ba ang magaggawa ko? Andito ka na. Pero, Ysa, I'm warning you, hindi basta-basta ang kalaban natin—" hindi natapos ni Ivan ang sasabihin ng makarinig kami ng sunod-sunod na mga putukan.

Agad niya akong hinila sa isang pader para makapagtago kaming dalawa. May mga taong nagtatakbuhan at halos mapasigaw ako ng marinig ang malapitan na mga putok ng baril.

Halos manginig ang buo kong katawan ng may bumulagta sa harap namin ang isang kalaban na wala ng buhay.

Natakip ako sa bibig para mapigilan lamang ang sigaw. Napatago ako kay Ivan para mawala sa paningin ko ang dilat na matang tila nakatitig sa akin.

Nang humupa ay hinawakan akong muli ni Ivan. Hindi na ako umangal pa ng simulan na nito akong hilahin.

Bawat kalabang nakasasalubong namin ay isa-isa niyang nilalabanan. Paminsan-minsan din akong tumutulong at halos pagod na pagod na ako sa raming tauhan ng grupo ng serpert gang, idagdag pa iyong tulong na galing sa isang mafia group.

Parang hindi naman yata ito nauubos o nababawasan man lang. Iyong totoo? Isang batalyon ba ang dala ng leader nilang si Leo?

Halos ilang minuto na kaming ganito at nananakit na iyong mga kamay ko sa kasusuntok sa kalaban. Idagdag pa iyon tama ko kanina sa tagiliran na hindi na matigil sa pagdurugo. Nagiging mabagal na rin ang bawat kilos ko.

Napatingin ako kay Ivan at walang tigil ang pagprotekta nito sa akin. Ni hindi ko man lang nakikitaan ng pagod, subalit, kapansin-pansin dito ang pagbagal ng mga suntok niya.

Kapag hindi ko nakakaya ay palagi na lang sinasalo ni Ivan na dapat sana ay kinakalaban ko. Tuwing nagugulat ako sa mga paparating na kalaban ay naiistatwa na lang ako sa kinatatayuan. Ni hindi nga ako makagalaw kapag nakakita ng baril sa malapitan.

Napakagat-labi na lamang ako. Heto na naman ako, palagi na lang pinoprotektahan ng mga taong nasa paligid ko. Ang sarap batukan ng sarili ko.

Para saan 'yong mga tinuro ni Con sa akin at ng iba? Oo, nalalabanan ko kahit paano ang mga kalaban pero iyon lang naman ang maambag ko.

Gusto kong kurutin ang sarili sa mga naiisip. Hayan ka naman, Ysa. Hindi na mawala-wala iyang mga ganiyan sa pag-iisip mo!

"Ivan!" sigaw ko  ng bigla na lamang itong napaluhod. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog  dibdib ko patungo sa kaniya para daluhan. "Ivan ayos ka lan—" Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang sitwasyon niya.

Ngunit bago ko pa man siya hawakan ay napansin kong may papalapit na kalaban hawak-hawak ang isang tubo. Mabilis akong napatayo at pilit na iniinda ang tama sa tagiliran para lamang harangan si Ivan at masamang tiningnan ang kalaban.

"Ohhh? Ang ganda mo naman, miss. Bakit parang naliligaw ka yata sa lungga na dapat hindi mo narating?" Malisyoso niya akong hinagod ng tingin at napatigil iyon sa dibdib ko. "Hindi bagay sa 'yo ang pakikipagsuntukan, mas bagay ka sa ka—"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi at malakas na tinadyakan sa tiyan. Napadaing siya at napasapo ang kamay sa parte ng tinamaan na naging dahilan para mabitawan nito ang tubong hawak-hawak,  ngunit hindi iyon naging dahilan para mapatumba ko siya ng tuluyan.

Masamang tingin ang pinukol nito sa akin. Sandali akong napaatras at naalerto nang gumalaw ang kanang kamay nito papunta sa kaniyang likuran.

Dumagundong ng husto ang dibdib ko nang maaninaw ang isang metal na bagay unti-unting nagpapakita sa kinakukublian. Marahas akong napalunok dulot ng kabang nararamdaman.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kalaban at sa hawak nitong baril at pinapakiramdaman ang susunod niyang gagawin.

Wala akong magawa kung 'di ay tumayo na lamang at hindi na gumalaw dahil kapag nagkamali lang ako ay baka nakabaon na iyong bala galing sa baril niya.

"Oh? Palaban ka kanina, ah?" Humalakhak ito na parang nababaliw na. "Na saan na 'yong tapang mo?" Walang ano-ano'y kinasa nito ang baril na nagpalaki sa mga mata ko.

Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari at nagpaulit-ulit ang tinig nang pagkalabit nito ng gatilyo sa utak ko.

Sa saglit na segundo ay nakita ko ang mga imahe ni Con sa aking isipan, ngunit naputol iyon ng ganoon kabilis nang makaramdam ako nang marahang pagtapik ni Ivan sa aking pisngi.

"Ysa. Hey, Ysa! Are you all right?" Alala niya akong tiningnan.

Wala sa sariling napahawak ako sa katawan at sinuri kung may tama ba ako ng baril o wala.  Nang makumpirmang maayos ako ay napabaling ang tingin ko kalaban namin.

Doon ko rin napansin ang dumudugong balikat ni Ivan at napagtantong tama iyon ng baril dahil sa ginawa niyang pagprotekta sa akin kanina.

Nanginginig kong tinuro ang balikat nito at mangiyak-ngiyak na napaangat ng tingin sa kaniya.

"Iyong b-balikat m-mo Ivan. . ." ngumiwi siya sa sinabi ko ngunit kalauna'y napangiti.

"Baka umaasa ako niyan, Ysa." Kunwa'y tumawa ito. "Daplis lang 'yan, malayo sa bituka," saad niya.

Nakuha ko agad ang ibig nitong pakahulugan. Nanatili na lamang akong walang imik dahil baka mas lalo lamang itong masaktan kapag may masabi akong hindi kaaya-aya

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at pinagtuunan na lamang ng pansin ang kalaban. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatutok na ang baril sa aming dalawa ni Ivan.

"Sa kamatayan na lang kayo maglambingang dalaw—" Hindi niya na natapos ang sasabihin at pumainlanlang ang isang malakas na tunog ng baril at bumaon ang bala no'n sa kaniyang dibdib.

Napasuka siya ng dugo at nabitawan ng tuluyan ang baril na kani-kanina lamang ay nakatutok sa amin. Unti-unting bumagsak ay kalaban ng katawan nito ang huli kong narinig.

Hinila ako ni Ivan at mabilis na tumakbo. Hawak-hawak niya pa rin ang baril na hindi ko alam kung saan ba niya nakuha gayong wala naman itong dala kanina.

Napatigil kami sa pagtakbo ng sumalubong sa amin ang isang grupo ng mga kalaban. Agad akong tinago ni Ivan sa kaniyang likuran.

"What's the meaning of this, Grozen?" pakinig kong tanong ng isang lalaki. Napasilip ako para malaman kung kanino nanggaling ang malalim na boses na iyon. Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Ivan nang magtama ang mata naminng kagrupo niya sa serpent gang.

"What do you think, Arl?" ngising tanong pabalik ni Ivan.

Napadapo ang mata ni Arl sa kamay kong nakakapit sa braso ni Ivan at napabalik ang timgin sa kaibigan.

"You traitor!" galit na wika ni Arl at sumenyas sa mga kasamahan kaya napaasugod sila sa amin.

"Ysa, run," sigaw ni Ivan sa akin. Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Ivan, hindi! Hindi kita iiwan dito. Ang dami nila! Hindi mo sila kaya," pilit ko.

Ngumiti ito sa akin na nagpasikip sa dibdib ko. Ngiting may ibig pakahulugan. "Run, Ysa. Trust me this time, okay?"

"Pero Ivan—"

"Just run! Umalis ka na rito, Ysa! Go with Con! Find him!" taboy nito sa akin.

Pinigilan kong maiyak at napatango ng ilang ulit. Nahapahakbang ako paatras  at unti-unting napabitaw sa braso nito.

Ang maliliit na hakbang paatras ay napalitan ng malalaking yapak at tuluyan na akong tumalikod sa kinaroroonan ni Ivan na may bigat sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top