CHAPTER 33
Chapter 33: Fooled
HINDI NA ako makapag-isip ng maayos sa kabang pilit kong tinatago sa taong may hawak sa akin. Bawat galaw ko ay lalo lamang dumidiin ang pagkatatakip ng kamay nito sa aking bibig.
Nakarinig ako ng mga yapak sa pinanggalingan ko at halos hindi na ako makahinga ng makitang mga kalaban ito.
Tila namanhid ang buo kong katawan ng makita sa malapitan ang mga mukha nila. Nakatatakot!
Nag-uusap ang mga ito at parang hindi kami napansin at nilampasan na lang ang madilim na parteng aming kinalalagyan.
Hindi ko alam kung ipapasalamat ko ang ginawa ng taong nasa likuran ko dahil kung hindi ay baka nakabulagta na ako ngayon sa sahig. Tuluyan ko nang narinig ang yapak nila na papalayo sa kinalalagyan naming dalawa.
Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay ng taong may hawak sa akin kaya bigla akong nabuhayan ng pag-asa.
Mabilis kong binalya ang lalaki kaya napaatras ito at tumama ang likod sa pader. Agad kong inapakan ang paa nito at siniko sa tagiliran para tuluyan siyang mapabitaw sa akin.
"Argh!" daing nito.
Abot ang kabang napalayo ako. Pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko at napasapo sa bibig.
"I-Ivan. . ."
"Hi?" patanong na aniya hawak- hawak ang tagilirang siniko ko. "Sh*t, ang sakit no'n, ah?" Kapagkuwa'y napailing ito. "You can now defend yourself, huh? Nice."
Napaatras ako ng ilang ulit sa hindi malamang dahilan. May pasa ito sa gilid ng kaniyang labi at halos gulong-gulo na ang buhok nito ngunit hindi naman iyon bumawas sa angkin nitong kagwapuhan.
Napadako ang tingin ko sa kaliwang binti nitong dumudugo at halos manginig ako sa nakatarak na kutsilyo roon.
Tila napansin iyon si Ivan kaya nagsalita ito. "Ah, that. . ." Walang anu-ano'y hinugot nito ang kutsilyo sa pagkabaon sa binti at walnng pasubaling initsa sa kung saan. "May kinalaban lang ako. Some rats that I don't like."
Alam kong kalaban siya ngunit hindi ko mapigilang makaramdam ng pag-aalala sa kaniya. Mukhang nahihirapan siyang maglakad dahil sa sugat na ginawa ng kutsilyong iyon sa kaniyang binti.
"A-ayos ka lang ba, Ivan?" Humakbang ako papalapit sa kaniya at tiningnan ang binti nitong patuloy pa rin sa pagdudugo.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na puminit ng maliit na piraso ng damit at itinali iyon sa kaniyang binti. Ramdam ko ang pagkatititig nito sa akin ngunit inabala ko na lamang ang sarili sa pagtaling ginagawa.
"Why?" pakinig kong tanong nito. "Why are doing this, Ysa? I am your friend's enemy. . . shall I say your boyfriend's enemy?.
May diin pa talaga ang salitang boyfriend? Nang-aasar ba siya o ano? Napatigil ako sa ginagawa at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata.
"Hindi ba puwedeng nagmamalasakit lang ako dahil baka maubusan ka ng dugo?" Tinaasan ko siya ng kilay nang matawa ito sa sinagot ko. "At saka hindi ko pa boyfriend si Con!"
Humagalpak siya sa tawa ngunit kaming dalawa lamang ang nakaririnig. "Hindi pa? So may pag-asa pa pala ako?"
Napanganga ako sa walang prenong pagsasalita nito. Ilang ulit akong napakurap sa narinig. Hindi ko matantya kung nagsasabi ba ito ng totoo o pinaglalaruan ako nito.
"Be my girl, Ysa. I can do all you want. I will do everything just for you. Just say yes and we will run away from here. I can take all the bullets and knife just for you. Be my girlfriend, Ysa. I promised to protect you all my life." Marahan nitong kinuha ang kamay ko at sinserong tinitigan ako.
Tila napipi ako at hindi maproseso ng maayos ang mga lumalabas sa bibig ni Ivan. Ilang beses na bumuka at naglapat ang mga labi ko dahil wala akong mailabas na kahit na anong salita.
Bakit biglang naging ganito sa Ivan? Totoo ba ang lahat ng ipinapahayag niya? Baka dahil may balak siyang masama sa akin ay sa ganito niya ako kinukuha para mapaikot?
Binawi ko ang dalawang kamay na hawak nito ngunit hindi ko magawa dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkahahawak do'n.
"Please, Ysa, choose me over him. I'm much better than him. Your life is precious, hindi kita pababayaan. I can take care of you as much as he do. Wala akong kalaban kaya walang mangyayaring masama sa 'yo unlike Lolarga, mainit ang mga ng ibang gangs sa kaniya at p'wede kang mapahamak."
Totoo iyon. Hindi ko maigagarantiya ang kaligtasan ko kay Con at sa grupo niya. Kabuntot na yata nila si kamatayan at hinihintay lamang ang tamang tiyempo.
Subalit, kahit na ganoon ay pinili pa rin nila akong protektahan kahut na ang kapalit pa no'n ay ang kanilang buhay.
Bigla ko na lamang nalala si Calum na nagpatubig sa mga mata ko. Ginawa niya ang lahat, sumugal siya para lang maprotektahan ako at makatakas pati na rin ang iba tuwing napapahamak ako.
Hindi ko lubos maisip na ipagpapalit ko si Con at ang iba para lang sa sariling kaligtasan, para sa kapayaan.
Hindi yata kayang tingnan ang hinaharap na wala sila sa buhay ko, na walang gulo, na walang naghahabol sa amin at sabay-sabay naming lalabanan.
Mas gugustuhin ko pa ang magulong buhay ko na ito ngayon kaysa sa inaalok ni Ivan na matiwasay na buhay kasama siya.
"I-I-van. . ." mahinang usal ko. Unti-unti kong binawi ang kamay sa kaniya at napailing ng paulit-ulit.
Totoo. Totoo ang mga sinasabi niya, nakikita ko iyon sa kaniyang mga mata. Subalit, mukhang hindi ko maibabalik ang ng pareho ang nararamdaman nito.
Hindi ko man lang nakita ang lahat ng ito. Lahat ng mga ngiting binibigay niya noon. Sa palaging napapagawi siya sa hardin ng G high. Sa mga ginagawa nitong hindi ko man lang pinansin noon. Ngayon ko napagtanto ang mga kahulugan niyon.
Ngayon lang pumasok lahat-lahat sa isip ko dahil nabulag ako sa nararamdaman ko kay Con. Siya na lamang ang tanging nakikita ko at pati ang taong kaharap ko ay nabalewala.
Kaya pala may kakaiba. Kaya pala. Noon pa man ay may nararamdaman na siya. Bakit hindi ko man lang naisip iyon?
Ito kasi iyon. Ito ang kahulugan ng lahat ng iyon. Masyado akong nakapokus kay Con at hindi ko man lang napansing palihim ko pala siyang nasasaktan.
Masyado akong mapaghinala sa mga taong nakapaligid sa akin ni ultimo hindi ko na napapansin ang mga ganitong bagay.
"S-sorry Ivan. . ." panimula ko. Binalot kami ng katahimikan ng ilang minuto. "M-mahal ko si Con. Hindi k-ko kayang p-piliin. . . ka."
Sumilay ang mapait na ngiti sa kan'yang labi. Malungkot ko siyang tiningnan. Sorry Ivan.
Pinihit niya ang katawan at tumalikod sandali sa akin.
Parang kinakain ako ng konsesya ko dahil nasaksaktan ang ganitong tao. Oo, masaya siyang kasama, palaging may mga baong biro sa kaniyang bulsa. Inaamin kong mabuti siyang kaibigan ngunit may mga bagay na hanggang doon na lamang iyon.
Nang humarap ito sa akin ay bahagya itong natawa at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo ko para guluhin ang buhok ko.
"I know. . . I know, Ysa," saad nito tila alam na alam ang isasagot ko. "I'm just hoping."
"Ivan."
"Yeah, I know. Unbelieveable isn't it?" Tumawa siya at napailing. "Ako nga rin, hindi makapaniwala nang una."
"Makakakita ka rin ng babaeng magmamahal sa 'yo, Ivan," mahinang usal ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kaya iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Ayokong makagawa ng rason para masaktan pa siya.
Walang ano-ano'y nakaramdam ako ng malamig na bakal na nakalapat sa aking leeg. Gulat at nagtatanong akong napatingin kay Ivan na nakatingin sa gilid ko. Walang emosyon ang mga mata nito.
"Move or you'll be dead," anang baritonong boses.
Nanlamig ako malayelo nitong sinabi. Napapikit na lamang ako at impit na napatili sa isipan ng maramdaman kong inaamoy nito ang leeg ko.
"Sweet," komento niya ngunit hindi pa rin inaalis ang kutsilyong nakatutok sa akin. "Nice acting, Ivan. P'wede ka ng maging actor sa telebisyon." Humalakhak siya tila iyon na ang pinakanakatatawang biro sa buong mundo.
Acting?
Napamulat ako at sinalubong ang seryosong mga tingin ni Ivan. Tila nawala ang mabait na Ivan na kaninang kausap ko. Nakapamulsa lamang ito at tamad na tumingin sa akin at sa kasama nito. Parang. . . naging ibang tao siya sa maliit na segundo lamang.
"Shut the f*ck up, Vico." Kapagkuwa'y naglakad si Ivan. Napairap ito ng humalakhak ang kasama nitong nakaakbay sa aking ngunit hindi pa rin binibitiwan ang kutsilyong hawak.
Isang mali ko lang ay tatarak iyon sa leeg ko. Gusto kong sigawan si Ivan. Gusto ko siyang murahin. Pinaglalaruan lang pala ako ng lalaking ito para lamang mahuli ako ng ganito!
Nagkamali ako ng iniisip na niligtas niya ako sa mga kalaban nina Con. Nagkamali ako! Ito ngayon ang dulot ng maling akala! Bakit ba ang bilis kong mapaniwala sa mga bagay na ganito?
"I-Ivan. . ." iyon na lamang ang nasabi ko. Ngumisi lang siya sa akin at napailing.
"Trusting too much won't help you, Ysabelle. Konting ihip ng kasinungalungan ay agad ka namang nagpapaduyan. Just so you know, I'm good in the field of fooling." Bahagya itong natawa.
"Tsk, tsk, tsk. Kayong mga babaeng talaga, konting matatamis lang na salita ng lalaki ay paniwalang-paniwala kayo. Kaya ayoko sa mga babaeng katulad mo." Sandali itong tumawa. "Tiyak na matutuwa si Leo nito sa nakuhang daga natin," dagdag pa ng taong may hawak sa akin—si Vico, member ng serpent gang.
Nakaramdam ako ng hapdi sa bandang leeg kung saan nakalapat ang kutsilyo. Natitiyak kong bumaon ito at ramdam ko na ang mainit na likidong dumadaloy patungo sa aking dibdib.
Napakuyom ako ng kamay sa sinabi ni Vico. Gusto ko siyang murahin at pagsusuntukin ngunit mas nananaig ang mga sinabi ni Ivan sa akin.
"S-sinungaling! Manloloko!" gigil kong sigaw patungkol kay Ivan. Gusto ko siyang harapin ngunit hindi ko magawa dahil hindi pa rin gumagalaw ang lalaking may hawak sa akin. "Argh!" daing ko ng walang pasubaling sinuntok ako sa sikmura ni Vico.
"Ang ingay mong babae!" inis na wika ni Vico.
Kasalukuyan nang nasa likod naming dalawa si Ivan at rinig ko ang bawat yapak nito. Ngunit nagkaroon ng katahimikan at sa isang iglap ay narinig ko na lamang ang kalansing ng isang armas na nahulog sa sahig.
Tuluyang nabitawan ni Vico ang kutsilyong nakatutok sa akin kasabay ng pagluwag ng kamay nito at unti-unting napaluhod.
Napasapo ako sa bibig nang makita ang likod nitong may nakatarak sa malaking kutsilyo. Agad akong napalayo sa kaniya at napaangat ng tingin kay Ivan na may dugo na ang mga kamay.
"F*ck you, I-I-Ivan. . . y-you. . . tra. . . itor." Sumuka ng dugo si Vico ay tuluyang napasubsob sa semento.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top