CHAPTER 32

Chapter 32: Blood


NAPATAGO ako sa mga matataas na damo malapit sa  warehouse na nakalagay kanina sa address na sinabi ng mga dumukot kay Calum.

May mga tauhang nagbabantay sa bukana ng pinagtataguan nila at natitiyak kong magiging mahirap itong pagpasok ko roon.

Nadaanan ko rin kanina ang mga sasakyan nina Con at ng iba pa niyang mga kasama hindi kalayuan mula rito. Mukhang doon sila huminto at naghiwa-hiwalay. Hindi naman kasi puwedeng sabay-sabay silang pumasok sa kuta ng mga kalaban.

Sana nama'y hindi ako mahuli, natitiyak kong magagalit si Con sa ginagawa kong ito. Nakatatakot pa naman iyon magalit.

Ini-imagine ko pa lang na galit na galit nitong mukha ay tila nanginginig ang kalamnan ko. Lagot ako, sobra!

Iwinaksi ko muna ang isiping iyon at nagpokus sa kasalakuyan. Sa susunod ko na lang poproblemahin iyon. Bahala na!

Nagpalinga-linga ako at inaalam kung saan nakaposisyon ang bawat tauhang nakabantay. Lahat ay nakatipon lang  roon sa unahan. Walang nakabantay sa kanang bahagi ng warehouse.

Hindi ko masyadong maaninaw ang mukha ng mga nakabantay dahil medyo madilim. Hindi ko naman makikilala kung sakaling makikita ko man kaya ipinagkibit balikat ko na lang ang isiping iyon.

Lihim akong napagapang patungo sa bahaging walang nakabantay. Pahinto-hinto ako dahil baka mapansin nilang gumagalaw ang mga matataas na damo sa parteng ito at mabulilyaso pa ang mga plano ko. Hindi lang iyon, mapapahamak ko na nga ang sarili, magiging pabigat pa ako kapag nahuli.

Wow, Ysa. Sa 'yo pa talaga galing iyan, ah? Ano itong ginagawa mo? Hindi ba ito pagpapahamak sa sarili?

Gusto kong batukan ang sarili sa naisip. Ito pa nga lang ang ginagawa ko ay parang hinahatid ko na ang sarili sa hukay. Halos magbuhis buhay na nga ako kanina at kinakain ng konsesya dahil sa ginawa ko sa mga bantay na iniwan ni Con para sa akin.

Napatigil ako saglit sa ginawa ko sa lalaking iniwan niya para sa kaligtasan ko. Nasabi na kaya nga taong iyon kay Con? Baka ngayon ay nanggagalaiti na iyon sa galit dahil sa paglabag ko sa utos niyang manatili sa apartment namin. Lagot ka talaga, Ysa!

Napaupo na lang ako at dahan-dahang sinilip ang mga kalaban. Abala ang mga ito sa pakikipag-usap sa mga kasama nila at iilan lang ang palinga-linga sa paligid.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tumakbo  ngunit agad ulit napahinto para ikubli ang sarili sa mga damo.

Mukhang hindi pa rin nila ako napapansin. Napasilip akong muli para alamin ang ginagawa nila at ganoon na pa rin naman.

Minabuti ko na lamang na gumapang ulit at huwag magsayang ng oras. Medyo malapit na ako sa gilid kung saan makakapagtago na ako sa pader.

Halos manginig na ang mga kamay ko sa kabang nararamdaman at ilang beses akong nanalangin na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Maling galaw ko lang ay baka malagay ako sa bingit ng kamatayan.

Subalit, sadyang pinaglalaruan nga talaga ko ng tadhana.

"Ah—" Agad kong nasapo ang bibig at mariing napapikit ng naramdamang may kung anong bagay na nakabaon sa aking kanang kamay.

Agad akong napatingin doon at may nakatusok na matulis na basag na bote roon. Gumawa ng tunog ang ibang basag na bahagi ng bote na nasa lupa na naging dahilan para makarinig ako ng boses ng lalaki papalapit sa kinaroroonan ko.

"Sino 'yan?"

Dumagundong ang dibdib ko at halos mapigil ko ang hininga sa bawat paghakbang nito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi para doon ibuhos ang dapat sana'y sigaw ko dahil sa sugat na nakuha sa mga basag na boteng nakatumpok dito.

Bakit mayroong ganito rito? Parang ang malas-malas ko naman yata at ito pa nadaanan ko. Hindi ko man lang napansin at inisip na baka magkasugat nga ako sa ginagawa kong paggapang.

Ramdam ko ang  pagdaloy ng mainit na dugo sa parte ng kamay ko. Gusto kong maiyak sa sakit ngunit pinigilan ko ang sarili. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay kung paano lulusutan ang lalaking iyon.

Ysa, mag-isip ka ng paraan!  Hindi ako p'wedeng mahuli. Hindi!

"Sino 'yan?" pakinig kong ulit nito.

Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman dahil malapit na talaga ang boses nito sa akin. Ang tanging nagkukubli lamang ngayon sa akin ang matataas at makakapal na damong pumapalibot sa akin.

Halos makalimutan ko na ang matulis na boteng nakabaon pa rin sa kanang kamay ko.  Gulat akong napalingon ng maramdaman ang paggalaw ng mga damo sa gilid ko.

Halos hindi ako makahinga at nag-aabang na lang sa susunod na mangyayari. Abot-abot ang kaba ko at halos napatili ako ng may lumabas doon ngunit agad kong pinigilan ang sarili.

Nangunot ang noo ko ng maaninaw ang isang pusa. Mapahawak na lang ako sa dibdib at napahinga nang maluwag.

Akala ko kung ano na. Sandaling napatigil ito ng mapansin ako ngunit agad ding naglakad patungo sa lalaking iyon.

"Anong problema riyan?" pakinig kong tanong ng kasamahan niya hindi kalayuan.

Mas lalong napadiin ang kamay ko sa pagkatatakip ng aking bibig. Napapikit ako at ilang ulit nanalangin.

Huwag ka ng lumapit, please!

Tila nabingi ako sa katahimikan ng buong paligid. Naghihintay na lang na makita ng mga taong ito ngunit bigla na lamang itong  ng gumawa ng tunog.

"Wala, pusa lang pala," sagot nito at nakarinig ako ng yapak ng mga paa papaalis malapit sa kinaroroonan ko.

Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Mabuti na lang talaga! Sinagip ako ng pusang iyon.

Napabuga ako ng hangin dahil halos ilang minuto ko na palang pinipigilan ang paghinga sa kabang nadarama.

Doon ko na rin naramdaman ang sakit sa kanang kamay ko. Kailangan kong bunutin ang nakabaong basag na bote. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at nanginginig na hinawakan ang piraso ng boteng iyon na kasalukuyang nakabaon sa palad.

Dahan-dahan kong hinawakan ang dulo niyon at pikit matang binunot ng walang pag-alinlangan iyon. Halos malasahan ko na ang sariling dugo sa labi ko para hindi lang ako makasigaw.

Tila hindi ko na maigalaw ang mga daliri dahil kapag pinipilit ko ay sasakit ng husto ang sugat ko. Pinunit ko ang dulo ng damit at agad na tinali roon nang matigil ang pagdurugo.

Agad akong napaangat para silipin ang mga nagbabantay at ng masigurado ay tumakbo ako sa ilang hakbang na lang na pader. Agad akong napatago roon at humanap ng puwedeng maging armas.

May nakita akong pinto sa pinakadulo ng pader kaya dahan-dahan akong nagtungo roon. Sana nama'y wala akong makasalubong na kalaban. Sana wala talaga. Crossed finger.

Napasilip ako sa loob nang makitang bahagya itong nakabukas. Dumagundong ng husto ang dibdib ko ng itapak ko ang mga paa papasok sa loob.

Mukhang malaki-laki itong pinagdalhan nila kay Calum. Puno ng pasikot-sikot at mga sakong patong-patong pati na rin mga karton na hindi ko alam ang nasa loob. Wala na rin akong balak pang alamin pa iyon dahil ang importante ay mahanap ko sina Con at Calum.

Mukha akong magnanakaw sa ginagawa ko ngayon habang may hawak na tubo at ano mang oras ay nakahandang magpatumba ng mga kalaban.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na gumagawa ng ganitong kadelikadong stunt sa buhay ko. Buwis buhay na ito! Sana nama'y makalabas ako rito ng buhay.  Lakas ng loob, e, self defense lang naman ang kayang ibuga. Baliw ka na talag, Ysa, sobra-sobra!

Ilang ulit ko na bang sinabi iyan sa sarili ko? Halos hindi ko na mabilang pa.

Nanlaki ang mata ko ng bigla akong may nakasalubong na lalaki at ganoon din siya. Pinasadahan ako nito ng tingin at napatigil iyon sa hawak kong tubo.

Kaya bago pa man siya makakilos ay agad ko na hinampas sa ulo nito ang tubong hawak. Nawalan siya ng malay kaya mabilis akong napatakbo dahil baka makita ako ng mga kasamahan niya.

Hindi ko na rin inida ang pagdurugo ng kamay dahil sa puwersang ginamit ko kanina sa malakas na pagpalo sa ulo ng kalaban. Wala ito kumpara sa natamo ni Calum kaya hindi ako puwedeng magpalamon sa sakit.

Ako ang may kasalanan kung bakit ganoon ang sinapit niya kaya kulang pa itong kabayaran. Kulang na kulang pa ito sa sakit na inininda niya sa bawat hagupit ng kamay ng  kalaban. Hindi pa sapat ang sugat na ito. Hindi pa!

Pigil ang hininga ko bawat liko ko sa bawat daraanan dahil baka makasalubong na lang ako ng kalaban katulad ng kanina.

May mga ilaw akong nadaraanan na patay sindi at may mga bahagi ng warehouse na sobrang dilim. Nakakalanghap rin ako ng hindi kaaya-ayang amoy tila nagmumula sa patay na daga o kung anumang uri ng hayop.

Hindi ko na lamang iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil nakapako lahat ng atensyon ko sa narinig na mga halakhakan  ng mga kalalakihan at iilang pagmumura.

Dahan-dahan ko itong sinundan kung saan nagmumula at malakas ang kutob kong naroon si Calum.

Subalit, nang maramdaman kong malapit na ang mga ingay na iyon at hindi inaasahang may magtakip sa bibig ko at hinila ako sa kung saan.

"Hmmm. . . hmmm!" Nagpumiglas ako ngunit nanaig ang lakas nito sa pagkapulupot ng mga kamay nito sa aking katawan.

Kahit alam kong wala akong magagawa para makatakas sa kamay ng kung sinumang taong ito ay nagpumilit pa rin akong magpumiglas animo'y magagawa nito akong bitiwan.

Halos maubos ko na ang lakas na mayroon ako para lang mabitiwan niya ako. Nangiligid ang luha ko at tumigil na kapipiglas.

Katapusan ko na ba? Bakit wala man lang akong magawa? Napakahina ko talaga kahit kailan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top