CHAPTER 31
Chapter 31: Bad girl
ILANG ulit akong pumaroo't parito sa kuwarto at hindi na mapirme sa kunalalagyan. Gustong-gusto kong sumunod sa kanila ngunit paano?
Mahigpit na nakabantay ang tatlong iniwan sa akin ni Con at alerto ang mga ito sa bawat labas masok ko sa aking silid.
Napakutkot ako sa sa kukong nasa hintuturo at pinagmasdan ang cellphone ni Con na naiwan kanina sa living room. Inabot kong muli iyon at binuhay. Mabuti na lamang at walang password ngunit hindi iyon naging dahilan para himasukin ko ang privacy nito.
Pumunta lang ako kung saan ko makikita ang message ng kung sino sa kaniya na naglalaman tungkol kay Cal. Hindi ko na in-open ang ibang messages dahil nakababastos iyon sa parte niya. Saka hindi ako ang tipi ng taong pakialamera o nakikiusyoso pagdating sa bagay na ito.
Nang ma-open ko ang mensahe ay doon ko ulit napagmasdan si Calum ng matagal na panahon. Talagang kahabag-habag ang sinapit nito na naging dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Konting tiis, ililigatas ka namin, Cal.
Napansin ko rin kung saan ang lugar na pupyntahan nila kaya mas lalo aking nabuhayan ng pag-asa. Kaya ko silang sundan!
Subalit, paano ako makatatakas sa mga taong mahigpit pa guwardiya sa pagbabantay? Hinding-hindi ako makatatas kapag nakaabang sila palagi sa gagawin ko. Paano ko ba sila malulusutan?
Napabuntonghininga ako kasabay ng paggulo ko sa aking buhok. Mag-isip ka, Ysa! Gawan mo ng paraan para makatakas ka sa kanila! Walang pag-asang napasalampak ako sa kama sa kawalan ng ideya. Walang kahit na anong paraan ang pumasok sa isip ko kaya mas lalo akong nagpagulong-gulong sa kama.
Inis ko na lamang nilagay sa bed side table ang cellphone ni Con ngunit hindi inaasahang matatabig ko ang lagayan ng gamot ko na pampatulog tuwing inaatake ng insomia.
Tila hudyat iyon sa pagpasok ng iilang ideya sa isip ko na nagpalaki sa aking mga mata. Tama! Bakit hundi ko agad ito naisip? Bakit ngayon ko lang naalala na may ganito akong gamot?
Napabalikwas ako sa pagkahihiga at pinulot ang gumulong na lagayan ng gamot sa ilalim ng aking kama. Matapos na makuha iyon ay napatayo ako at binuksan ang takip para malaman kung mayroon pa bang natirang tableta roon.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makitang eksaktong tatlong tableta ang natira. Bigla akng nabuhayan ng pag-asa para makatakas at makasunod sa kanila.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas sa kuwarto na pasekretong dala ang mga pampatulog. Minabuti kong ilagay iyon sa bulsa ko dahil baka iba ang isipin nila. Mas mabuti ng mag-ingat dahil alam kong matatalino rin ang mga taong ito ngunit hindi kasing talino ni Con. Wala pa ring tatalo sa kaniya.
Agad na dumapo ang paningin ng dalawang nakabantay sa akin matapos na marinig ang pagbukas at sara ng pinto ko. Pansin kong wala ang isa sa kanila ngunit kalauna'y naaninaw ki na nasa labas ito nagmamatyag.
Talagang seryosong-seryoso sila sa binilin ni Con sa kanila. Halos hindi man lang sila umidlip man lang o ano. Hindi ba sila inaantok?
Walang umimik sa dalawang nasa living room at binalik ang mata sa paglalaro ng chess. Ipinatong ko kasi iyon doon kanina para huwag silang mabagot.
Noong una, akala ko ay hindi nila iyon papansinin pero mukhang interesado sila sa larong iyon. Salamat at tango lang ang nakuha ko mula sa kanila nang ibigay ko ang mapag-aaliwan nilang tatlo.
"Uhm. . . gutom na ba kayo? Anong gusto ni'yong kainin? Inumin? Kape or juice lang?" tanong ko.
Nakatitig lang sila sa akin na para aking abnoy na nagsasalita mag-isa. Ilang minuto ko ay nakarinig ako ng sagot mula sa dalawa.
"Coffee."
"Kape na lang."
Halos magkasabay sila ng sagot. Napatango na lang ako. Siguro ay kape na lang din ang gawin ko sa lalaking nasa labas. Ni hindi ko man lang alam ang pangalan nila, hayaan na.
Nagtungo ako sa kusina at naghanda ng makakain nila. Sandwich lang ang ginawa ko at pagkatapos ay kape.
Ilang ulit akong napasulyap sa bukana ng kusina dahil baka makita nila ang susunod kong mga gagawin. Lihim kong nilagay ang pampatulog sa kapeng iinumin nila at wala ko itong kahirap-hirap na natapos.
Patawarin ako sa gagawin kong ito. Matutulog lang naman sila ng ilang oras, hindi ko naman sila papatayin.
Isa-isa kong nilagay sa center table ang hinanda kong pagkain at tinulungan naman nila ako na walang sali-salita.
Ang awkward tuloy dahil parang mga pipi ang mga ito. Nag-uusap naman sila pero hindi ko iyon naririnig o hindi kaya'y tumitigil na lang sila kapag nakikita nila ako.
Pinagbawalan ba ni Con na kumausap ang tatlong ito sa akin? Bigla akong napangiti sa pumasok na ideya sa isip ko. Baka. . . baka nagseselos siya kaya sinabihan niya ng ganito ang tatlo ito?
Sa isiping pa lang iyon ay kinikilig na ako pero nawala ang lahat ng nararamdaman ko ng sumabat ang isang parte ng isipan ko.
Assumera ka lang, Ysa
Assumera nga ba talaga ako? Ngunit hindi ako magkakaganito kung wala akong napapansing motibong nagmumula kay Con.
Saan nanggagaling ang mga halik niya sa akin?
Para saan ang mga pag-aalalang nakikita ko sa mga mata niya?
Sa mga sinasabi nitong bilin sa akin?
Sa pagsigaw nito noon sa labanang naganap sa underground arena?
Sa mga mainit na yakap nitong bumabalot sa aking pagkatao tuwing umiiyak ako?
Hindi niya man sabihin ngunit ramdam ko ang mga iyon. Ngunit, bakit? Bakit ako? Mas maraming babaeng ang mas maganda sa akin, mas matalino at higit na mayaman.
Napabuntonghininga na lamang ako. Hindi ito ang oras para riyan, Ysa. Kailangang mong mapagtagumpayang patulugin ang mga nagbabantay sa iyo nang makatakas ka at makasunod kina Con.
Pumasok na rin ang kaninang nakabantay sa labas at naupo na rin dito.
"Kumain muna kayo," iyon lamang ang nasabi ko.
Nagkatinginan silang tatlo at isa-isang nagpasalamat sa akin. Napakagat labi ako dahil parang nag-aalinlangan ang mga itong kumain ngunit kalauna'y wala silang magawa.
Lihim akong napangiti hindi dahil kumain sila kung 'di sa kadahilanang makatatakas na ako sa wakas. Konting hintay na lang, Ysa.
Umalis muna ako sa harap nila at bumalik na sa sariling kuwarto. Lumipas ang sampung minuto ay napagpasyahan kong lumabas na ulit.
Sigurado akong umipekto na ang pampatulog na nilagay ko sa inumin nilang tatlo. Kagat labi akong napasilip mula rito sa kuwarto ko.
Hindi ako magkandaugagang naglakad para mas lalong makita silang natutulog. Nang makalapit ako ay laking gulat kong dalawa lamang ang nakasalampak sa sofa. Tulog na tulog ang mga ito.
Na saan ang isa pa? Bigla akong kinabahan. Nakatunog yata ang isang iyon.
"Looking for me?" usal ng malalim na boses na nanggagaling sa likod ko.
Agad akong napapihit para harapin ang taong iyon. At hindi ako nagkakakamaling siya ang nakabisto sa plano ko.
Napaatras ako nang maglakad ito patungo sa akin. Nakataas ang isang kilay nito at may pilat sa kaliwang pisngi.
Ngayon ko lang napansin iyon, mukhang lutang na lutang ako mula kanina at hindi man lang napagtuunan ng pansin ang mukha niya.
"Hindi ako nagkamaling may nilagay ka nga sa pagkain namin." Ngumisi ito at naging nakatatakot ang ekspresyon ng mukha niya. "Lolarga's girl was such a bad girl. Tsk. Tsk. Tsk."
Napalunok ako sa sariling laway. Ilang beses pa akong napaatras ngunit natigil iyon ng mabangga ko ang sofa na naging dahilan para umatras iyon nang konti at lumikha ng tunog.
"H-huwag kang l-lalapit."
"Hmm. . ." Ngumisi ito sa akin na tila aliw na aliw sa nakikitang reaksyon. "Bakit ka natatakot? Do you think I will do something to you?" Pinasadahan ako nito ng tingin upang magpapawis ang mga kamay ko.
Tuluyan na itong lumapit sa akin na nagpakabog ng husto sa dibdib ko. Ilang pulgada na lang ang mukha nito sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa kabang nararamdaman dahil sa ginagawa niya. Hindi ko na rin magawang gumalaw dahil baka sa maling baling lang ng mukha ko ay baka maglapat ang mga labi namin.
"I-i-isusumbong kita k-kay Con," utal kong pagbabanta.
Isusumbong ko talaga siya kapag may ginawa siyang labag sa loob ko. Bubugbugin talaga siya ni Con kapag ginalaw niya ako!
"Hmm. . .e di isumbong mo. Hindi ko naman hahayaang magsumbong ka pagkatapos ng gagawin ko." Hinaplos nito ang pisngi ko na nagpatindig sa balahibo ko.
Con!
Gusto ko ng maiyak sa ginagawa niyang paghaplos sa pisngi ko. Gusto ko siyang murahin at magsumbong kay Con.
Si Con lang ang maaring humaplos sa pisngi ko. Walang karapatan ang lalaking ito para idampi ang balat nito sa aking pisngi.
Ilang minuto kaming ganoon at bigla na lamang siyang humalakhak at napapalakpak pa habang lumalayo sa akin.
"Your face. . ." Halos hindi ito makapagsalita at matapos ang sasabihin dahil hindi pa tapos ang paghalakhak nito "It's priceless!"
Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Binibiro lang ako ng taong ito? Anak ng!
Halos atakihin ako sa kaba tapos dyino-joke lang pala ako?
Ngunit, parang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib ng makitang nagbibiro nga talaga siya.
Ilang segundo siyang ganoon. Tila napansing nito ang pagkatitig ko sa kaniya habang magkasalubong ang mga kilay kaya napatikhim ito at tumayo nang tuwid.
Bumalik na ito sa seryosong mukha niya. Napabaling siya sa mga kasamang natutulog ngayon sa sofa. Doon ako napakagat labi at hindi alam ang sasabihin sa kaniya.
"I can't let you escape if that what's you want." Humalukipkip ito at seryosong tumitig sa akin.
Anong gagawin ko ngayon? Parang hindi yata ako makakaalis dito ng ganoon na lang kasimple. Kailangan kong labanan ang lalaking ito.
Sakto lang ang katawan nito ngunit hindi ako sigurado kung matatalo ko ba siya. Kailangan kong mag-isip ng paraan para magtagumpay ako.
Sa paghihinala pa lang nito na may nilagay nga ako sa pagkain nila ay hindi na basta-basta. Mukhang mapapalaban talaga ako. Hindi sa nanghuhusga pero sa itsura niya pa lang ay alam kong hindi ko siya mapapakiusapan.
Napasulyap ako sa pinto. Hindi gaanong malayo mula rito. Kaya mo 'yan, Ysa!
Walang ano-ano'y tumakbo ako roon ngunit hindi pa man ako nakakaabot doon ay nakaharang na ang lalaking iyon.
Parang ito na yata ang nakakatawang ginawa ko. Malamang, agad niyang malalaman ang plano ko. Obvious na obvious naman kasi. Ysa naman!
Bakit ba nag-iisa lang ang pintuan sa apatrment naming ito? Iyan tuloy ay hindi ako agad makalabas
Tinaasan niya lang ako kilay. "I told you, you won't—"
Hindi ko siya pinatapos pa sa sasabihin at walang pag-aalinlangan tinuhod ang parte kung saan siya manghihina. Napadaing siya at napaluhod kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para buksan ang pinto.
"Sorry talaga!" usal ko at pinihit ang door knob.
Muli kong isinara ang ang pinto at agad na kinuha ang bike. Taranta akong napapedal dahil baka abutan niya ako.
Mas lalo kong binilisan ng makitang paika-ika itong lumabas sa apartment. Nakarinig ako ng ilang ulit niyang pagmumura kaya ilang beses rin akong napahingi ng tawad sa isip ko.
Itinuon ko na lamang ang atensyon sa daan at tinahak ang daan kung saan nagtungo sina Con. Mabuti na lang talaga at naiwan niya ang cellphone niya dahil kung hindi, ewan ko na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top