CHAPTER 30
Chapter 30: Forehead Kiss
"F*CK THAT, Leo!" sigaw ni Tim at sinipa ang sofa.
"We can't just go there by all our self. We need help," suhistiyon ni Shun.
"I agree. We must contact other gangs that became our allies," sang-ayong naman ni Areon.
Napatitig ako sa kaniya at walang kahit anong pag-aalala ang nasa mukha nito. Dahil siguro ay alam nilang okay lang si Calum sa kamay ng mga taong iyon? O sadyang alam lang talaga nila maging kalmado sa oras na ito?
Ako nga, e, hindi ako mapakali sa isiping iyon. Kulang na nga lang ay lumukso itong dibdib ko sa sobrang kaba.
Paano nilang nagagawang maging kalmado gayong nasa panganib ang isa sa mga kaibigan nila?
Nakamamangha lang dahil lumalapag ang bawat isa ng mga plano nila kung paano makukuha si Calum sa grupo ng mga taong iyon.
Napapanganga na lang ako dahil gamay nila ang bawat butas ng planong ilalapag nila. Halos wala na nga akong maintindihan dahil kinakain ako ng kaba.
Napag-alaman kong si Leo rin pala ang may pakana ng pagdukot sa girlfriend ni Calum. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang kahahantungan ng hindi pagkakaintindihan ng dalawang grupo.
Sarado ang isip ni Leo. Ayaw niyang maniwala na walang kasalanan si Con.
Kahit anong angulo tingnan ay wala namang kasalanan si Con sa kaniya. Hindi si Con ang bumaril sa girlfriend niya. At wala siyang karapatang sisihin si Con dahil namatay iyon.
Hindi na tinatanggap ni Leo ang katotohanang iyon. Naging bulag at bingi siya sa sakit at dalamhating dulot ng pagkamatay ng babaeng minahal niya.
Ngunit, hindi maibabalik ang taong wala na sa mundo ng paghihiganti at puot na nasa puso mo. Walang magagawa ang lahat ng iyan. Sarili mo na lamang ang niloloko mo.
Hindi bukas si Leo na tanggapin ang katotohanang iyon. Oo, masakit mawalan ng taong minamahal subalit hindi naman dapat iyon ang maging dahilan para kumitil ka rin ng ibang tao bilang kabayaran.
Marami akong nalamang katotohanan nang isiwalat ni Con ang lahat. Dating kaibigan ng Columnar gang ang Serpent ngunit nagkalamat iyon sa pagitan nina Con at Leo dahil lang sa maling paratang.
Doon din luminaw sa akin ang lahat noong may humabol sa amin ni Con noon at umuwi silang bugbog sarado. Pati ang mga taong pumasok sa bahay at nagbanta sa akin ay iisa sa mga taong nakalaban namin ni Cal. Kaya pala.
Hindi na tuloy ako mapakali at halos maubos ko na ang tubig sa pitsel na nasa harap namin.
Ala-una y medya na ng umaga pero hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Sino ba naman kasi ang makatutulog sa lagay naming ito?
Biglang tumunog ang cellphone ni Con kaya lahat kami ay napabaling doon. Binalot nang katahimikan ang buong paligid at nag-aabang sa gagawin ni Con.
Saglit lamang siyang napasulyap sa amin at may kinalikot sa cellphone nito. Kalaunan ay napansin kong napakuyom ang kanang kamay ni Con.
Nalaro ko na lamang ang kamay dulot ng kabang nararamdaman. Nagkumpumlan silang tatlo sa harap ni Con at iba't ibang uri ng komento ang narinig ko.
"P*tanginang Leo na 'yan! Kahit kailan ay hindi marunong lumaban ng patas!" inis na sigaw bigla ni Shun
"Con, what now?" tanong ni Areon sa kanya.
"Gago 'yang si Leo! Hahalik talaga itong kamao ko sa pagmumukha niya!" segunda naman ni Tim.
Napatingin din ako sa cellphone ni Con na naging dahilan para mapaatras ako sapo-sapo ang bibig. Nahabag ako sa kalagayan ni Calum. Halos hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman, awa ba, lungkot, kaba o takot?
Duguang nakatali ito sa isang upuan at halos wala na itong malay. Tila sinaksak ang loob ko dahil naisip kong ako ang dahilan ng sitwasyon niyang iyon. Kung sana ay sumama na lang ako sa kanila ay hindi ganoon ang kalagayan ni Calum.
Sana noong una pa lang ay sumama na lang ako ng kusa. Sana hindi iyon nangyari sa kanya.
"Alam na ba ng ibang gangs na kailangan nating ang tulong nila?" kalmadong tanong ni Con ngunit alam kong nagpipigil lamang ito ng galit. Tumango si Areon. "We'll go a few minutes later." Bumaling si Con sa akin. "You need to stay here, Ysa. You can't go with us." Hindi iyon pakiusap ngunit nag-uutos.
Napalunok ako sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Nahihirapan na akong alamin kung kaba ba itong nararamdaman ko dahil sa pag-iisip kay Cal o sa ginawang paghawak ni Con sa magkabila kong balikat.
"Con, pero—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin kasi inunahan na ako nitong magsalita.
"It's dangerous. Mapapahamak ka lang. You need to stay here, it's for your safety." Napailing ako ng ilang ulit na nagpakunot sa noo niya.
"Gusto kong tumulong, Con," diterminado kong saad. "Ako ang dahilan kung bakit gaoon ang sitwasyon ni Calum."
Naglapat ang mga labi ko ng makitang napapikit si Con sa sinabi ko at minasahe ang sintindo.
"Ysa," nagpapasensyang babala niya.
Napalunok ako ngunt hindi nagpatinag. Alam kong magagalit ito pero gusto kong tumulong.
"Isama ni'yo ako, Con. Please. Gusto kong iligtas si Cal!"
Sinamaan ako ng tingin ni Con, nangangahulugang malapit nang maputol ang pisi ng pasensya niya sa katigasan ng ulo ko ngunit hindi rin ako nagpatinag.
"Con—"
"Obey me this time, Ysa, can you?!" sigaw nito na nagpaatras sa akin. Ilang ulit akong napakurap sa kan'ya at bigla na lang nangiligid ang luha ko.
Doon na pumagitna si Areon at ang iba sa amin ni Con.
"Woah! Chill dude." Tinapik siya ni Tim sa balikat.
"Ysa was just concern to Cal. H'wag mo namang sigawan, dude," usal ni Shun.
"I will talk to her." Tinapik ni Areon sa balikat si Con at tila nag-uusap ang mga mata nila.
Hindi umimik si Con at kapagkuwa'y sumulyap sa akin saka lumabas ng apartment namin. Doon na nagsipaglaglagan ang pinipigilan kong luha.
"Nakakainis siya! Gusto ko lang naman tumulong!" Napahikbi ako at napaupo sa sofa.
Doon na ako dinaluhan ng tatlo. Umupo sa unahan ko si Areon.
"Ysa, he's just worried, okay? Gusto niya lang ang kaligtasan mo. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa 'yo. Alam ko ang pinanggagalingan ng nararamdaman niya. Ysa, just listen to him, okay?"
"Pero. . ."
Napabuntonghininga si Areon at ginulo ang buhok ko. "Stay here. We will saved, Cal. I promise." Binigyan niya ako ng naninigurong ngiti.
"Iuuwi namin ang gagong Calum na 'yon ng ligtas at buhay. 'Wag kang mag-alala, Ysa! Kami pa ba?" kumpyansang usal ni Shun.
"Wala ka bang tiwala sa amin, Ysa?" tanong naman ni Tim.
Tiningnan ko sila isa-isa. "M-meron," utal kong sagot sa kanila.
Nagulat ako ng akbayan ako ni Shun at Tim.
"Kaming bahala kay Calum, Ysa. Papaluin namin sa pwet kapag nagkita kami." Tumawa si Tim at nakisabay na rin si Shun. Napailing lang si Areon kaya napangiti na lang ako kahit papaano.
Alam ko namang pinapagaan lang nila ang nararamdaman ko. Lumipas ang ilang minuto ay may nagsidatingang mga sasakyan at motorsiklo sa labas kaya napasilip ako sa bintana malapit sa pinto.
May mga grupo ng kalalakihan ang nagsidatingan at nakipagkamay iyon isa-isa kay Con. Lumabas na rin sina Areon, Shun at Tim na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga grupong nagsidatingan sa labas ng apartment namin.
Nagmistulang may bonggang handaan dito sa rami ng tao sa labas. Mabuti na lamang at tulog ang lahat ng mga tao sa paligid kung hindi ay baka kung anong isipin ng mga tao at makiusyoso.
"Salamat," usal ni Con sa mga taong 'yon.
"Huwag ka munang magpasalamat, tol. Hindi pa natin nakukuha ang kaibigan mo," pakinig kong sabi ng matangkad na lalaki.
Nag-usap silang lahat at pagkaraan ng ilang minuto ay naglakad patungo rito si Con kasunod ang tatlong lalaki.
Mabilis akong tumakbo sa sofa at naupo. Magkunwaring walang nakita at narinig sa usapan nila.
Nang bumukas ang pinto ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Con. Napahawak ako sa dibdib sa karambolang nagaganap doon.
Naglapat ang mga labi ko at napaiwas ng tingin, siya namang pagtigil nilang apat sa harap ko.
"Sila ang magbabantay sa 'yo hanggat wala pa kami, Ysa. I can assure you that you'll be safe with them. This is Den, Sin and Ben." Isa -isa niyang tinuro ang mga iyon. Nginitian ko sila ngunit seryoso lang silang nakatungo sa akin.
Lihim akong napanguso. Grabe naman ang nagbabantay sa 'kin, nakasemento yata ang mga mukha.
May sinabi pa si Con pero hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil buong pagsasalita niya ay nagpoprotesta ako sa isip. Ayokong maiwan sa kamay ng mga lalaking ito.
"Ysa, sundin mo ang sinasabi ko, understand?"
"O-oo," labag sa loob kong sagot sa kaniya habang nakaiwas ang tingin. Narinig ko ang pagbuntonghininga nito at naramdaman ko na lang ang mga bisig nito na nakapulupot sa akin.
"Promise me, Ysabelle. You will stay here together with them. I promise, they will not harm you and I will saved Calum."
Napalunok ako sa bulong nito sa aking tenga. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil mas malakas pa ang tibok ng puso ko sa tinig niya.
Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso nito at init ng kaniyang mga yakap. Tila hinihile ako ng mga bisig niya at mas iniingganyo pa akong manatili roon.
Sa hindi ko maintindihan dahilan ay kusang yumakap ang kamay ko sa likod nito.
"Mag-iingat ka rin, Con. Promise mong hindi ka mapapahamak. Babalik kayong kumpleto at walang galos," bulong ko rin pabalik.
"I can't promise that, Ysa."
Nanlaki ang mata ko sa sinagot nito. Kakalas na sana ako para harapin siya at umalma pero hindi ko nagawa dahil sa higpit ng pagkakayapos nito sa akin.
"A-anong. . . C-Con n-naman." Tumambol ng husto ang dibdib ko at napalitan iyon ng kakaibang kaba. Bakit iba ang impact no'n sa akin? Tila may masa—hindi! Inalis ko ang ideyang nagsusumiksik sa isip ko.
Hinaplos nito ang buhok ko. "Can we stay like this in just 2 minutes?" Hindi ako sumagot pero humigpit na lang ang yakap nito. "I will say something but I'd rather say it kapag nauwi namin si Cal," dagdag pa niya.
Nangunot ang noo ko. Ano naman ang sasabihin niya?
Ngunit hindi pa nga ako nakare-react sa sinabi nito ay kumalas na ito at hinalikan ako sa noo. Doon ako mas lalong napanganga.
Napahawak ako sa noo ko at ramdam ko pa rin ang init ng halik nito. Ilang minuto na silang nakaalis lahat pero heto ako, nakatayo pa rin sa living room kasama ang tatlong bantay na iniwan niya sa akin.
Napahawak ako sa dibdib. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Parang mababaliw na yata ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top