CHAPTER 28
Chapter 28: Attacked
"CAL, MAY girlfriend ka na ba?" biglang tanong ko habang tinatahak ng kotse niya ang daan pauwi.
Napatigil ito sa pagmamaneho at nanlalaking matang tiningnan ako. Nangunot ang noo ko sa inakto nito.
Napabitaw ito bigla sa manebela at nilagay ang kamay sa dibdib.
"Ysa, baka kapag nalaman ni Con na may feelings ka sa 'kin ay baka itakwil ako no'n bilang kaibigan. I'm not available, Ysa. Maghanap ka na lang ng ibang magugustuhan mo. Soryy I'm not interested to you," gulat pa ring aniya. Napausog siya ng kaunti palayo sa akin.
Lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Baliw! Asa ka naman! Hindi kita gust—" pinutol niya ang sinasabi ko at nagsalita.
"Kasi nga gusto mo si baby Con-con namin," ngising usal niya.
Pinamulahan ako sa sinabi nito at agad na napaiwas ng tingin sa kan'ya. "B-Bakit napunta s-sa akin 'yan? T-tinanong lang naman kita k-kung may girlfriend k-ka na ba, e. H-hindi ko n-naman sinabing. . . "
Narinig ko ang paghagalpak niya sa tawa kaya napabaling akong muli sa kan'ya.
"Wala akong girlfriend," sagot nito at sinimulang muli ang pagda-drive.
"Kalandian lang?" agad kong kontra habang nakapaiiling na nagpatawa sa kan'ya.
"Oo?" biro nito at tumawa mgunit kalauna'y sumeryoso rin. "Delikado, e," dagdag nito na nagpatigil sa akin.
Bigla kong naalala ang namatay na girlfriend ni Areon—si Lisa. Sabi nila, siya raw ang napagbuntungan nang galit ng kalaban nilang gang noon. Dinukot siya at pinahirapan.
Nagtagumpay naman silang makuha ang girlfriend ni Areon pero huli na ang lahat. Hindi na nakayanan ng katawan niya ang hirap at sakit na dinanas.
Alam kong napakapait na alaala ang nangyari sa kan'ya dahil kitang-kita ko pa rin ang sakit sa mata nilang lahat lalong-lalo na si Areon. Ako man ay nalulungkot sa pangyayaring iyon kahit na hindi ko nakilala si Lisa.
Naputol na lang ang pag-iisip ko nang may bumangga sa kotse ni Calum. Napasigaw ako sa gulat dahil sa lakas nang pagkabangga nito sa likod namin. Nanlaki ang mata kong napatingin kay Cal na ngayon ay nakasilip sa rear view mirror.
"Sh*t!!! My car! Who the f*ck is that bastard?!" inis na saad niya.
Napalingon ako sa likod para malaman kung ano ang bumangga sa amin. Sa kadiliman ngayon ay hindi ko maaninag ang nasa likod ngunit dahil sa mga liwanag ng ibang sasakyan at pati na rin sa liwanag na binibigay ng mga street lights ay naaninaw ko ang kotseng iyon.
Isang pulang sasakyan!
"Cal! Sino sila? Kalaban ba? Kilala mo ba?" sunod-sunod kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Napasigaw akong muli nang banggain kami sa ikalawang pagkakataon. Napamura na lang lang si Cal at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo ng sasakyan.
Ginapangangan ako ng kaba dahil patuloy pa rin ito sa pagsunod sa amin. Anong pakay nila? Hindi ko man sila kilala ay ramdam ko ang panganib na dala ng mga taong nasa loob ng kotseng iyon.
"F*ck! Bakit ngayon pa? Sh*t! Sh*t!" asik ni Cal.
"Ahh!" sigaw kong muli nang malakas na pagbangga ulit ang ginawa ng kotseng sumusunod sa amin. Napahawak ako sa noo ko dahil tumama iyon sa bintana.
Hindi ko lubos maisip na nagagawa nilang sabayan ang bilis nang pagpapatakbo ni Cal ng kotse. Napakabilis na nito bakit abot pa rin nila?
Napalingon akong muli at laking gulat ko na naging dalawa na ito. May kasama na itong itim na kotse. Mas lalo nilang binilisan ang pagpapatakbo at pinagitnaan ang kotse ni Calum.
"This is not good! D*mn! Ysa, tawagan mo si Con! Bilis!" utos nito sa akin.
Nanginginig kong kinuha sa bulsa ng jeans ang cellphone at mabilis itong binuksan. Dahil inunahan na ako ng kaba ay hindi ko na alam ang gagawin at tila walang pumapasok na kahit ano sa utak ko.
Con!
Napunta na ako sa contacts at pipindutin na sana ang numero ni Con nang sabay na banggain ng dalawang kotseng iyon ang sasakyan namin ni Calum.
Sa pagkakataong iyon ay nabitawan ko ang cellphone dahil sa impact ng dalawang sasakyan. Nalaglag ito sa sahig ng kotse.
"D*mn. Ito na nga ba ang pinangangambahan namin. Ysa, natawagan mo na ba?"
"H-hindi pa. Nabitawan ko 'yong cellphone ko."
"Just take my phone. Call him. Here." Mabilis niyang inabot sa akin ang cellphne niya at agad ko itong binuksan. Napansing kong balisa na si Calum kaya mas lalo akong kinabahan.
Agad akong nagpunta sa contacts at hinanap ang pangalan ni Con pero wala akong mahanap. Patuloy lang ako sa paghahanap ng makita ko ang pangalang YsaCon.
Nangunot ang noo ko. Hindi ko naman number 'to, ah? Saka ito 'yong tinatawag nila Calum sa 'min ni Con. Pinagsamang pangalan naming dalawa.
May nagbabadyang ngiti sa mga labi ko ngunit agad ko itong kinontra. Naman, Ysa! Hindi ito ang tamang oras para kiligin ka!
Inalis ko sa isip 'yon pero bago ko pa mapindot ang numero niya ay tuluyan nang huminto ang sasakyan ni Calum.
Nanlalaking mata akong napabaling sa kaniya ngunit ang mata nito'y nakapako sa unahan naming dalawa. Agad na napunta ang tingin ko sa direksiyong iyon.
Napalunok ako at tila nanlamig ang mga kamay ko.
May sasakyang itim na nakaharang sa daaanan namin. Huminto rin sa katabi ng itim na sasakyan ang dalawang humahabol sa amin kanina.
Walang masyadong mga tao sa paligid kung saan napatigil kaming lahat. Wala ring mga malalapit na kabahayan para hingan ng tulong para mailigtas kami sa kamay ng mga taong ito.
Tanging nagsisilbing liwanag sa paligid ay ang bawat ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan namin.
Isa-isang nagsibukasan ang mga pinto ng kotse nila at lumabas ang mga lalaking hindi pamilyar sa akin.
"Dito ka lang, Ysa. Ako ang bahala sa kanila," seryosong usal ni Calum.
"P-pero—" hindi niya ako pinatapos at agad na lumabas sa kotse. Naiwan akong mag-isa sa loob at nakatunganga lang sa susunod na mangyayari.
"Bakit mo iniwan 'yong chicks mo sa loob, Calum?" bungad na pagbati sa kaniya ng matabang lalaki.
"Anong kailangan ni'yo?" Hindi pinansin ni Cal ang nang-aasar na sinabi ng lalaki.
Tumawa ang matabang iyon. "Alam mo kung ano ang kailangan namin." Ngumisi ito kay Cal at tumingin sa direksiyon ko na nagpalamig sa aking pawis.
Agad na humarang si Calum sa unahan ko para hindi ako makita nang matabang lalaking iyon.
Tumawa siya sa ginawa ni Calum. "Walang magagawa 'yang pagtago mo sa babaeng 'yan. Makuluha at makukuha namin 'yan. Nag-iisa ka lang, marami kami."
Tantiya ko ay nasa labing lima silang lahat. Iba't ibang laki ng katawan nila at karamihan ay doble sa katawan ni Calum.
Oo nga pala! Si Con! Kailangan ko siyang tawagan. Agad kong pinindot ang call button at ilang ulit itong nag-ring.
Sumagot ka naman, Con!
Napakutkot ako sa sariling kuko dulot ng kabang nararamdaman sa sitwasiyon namin ni Cal.
Paano kung makuha nila ako? Paano kung may mangyaring masama kay Calum? Paano kung—
Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang mapansin ang isang lalaking papalapit kay Calum sa likuran.
Alam kong hindi iyon napapansin ni Calum dahil panay ang asar sa kaniya ng matabang lalaking iyon at doon lamang nakatuon ang atensiyon niya.
Agad kong binitawan ang cellphone niya at lumabas ng kotse. Nang makalapit ako sa lalaking pasugod sa kaniya ay agad ko itong sinipa.
Napadaing ito kaya napalingon sa akin si Calum.
Nanlaki ang mata niya sa gulat at nabaling iyon sa lalaking namimilipit sa sakit.
"Woah," usal niya. Imbis na matakot siya na muntikan na siyang mapahamak ay ito siya, namamangah.
Nawala ang seryoso nitong mukha at manghang napatingin sa akin.
Kagaya rin ang mukha nito nang pinilipit ko ang kamay ni Con. Parehong-pareho sa reaksiyon ni Calum ngayon.
Nangunot ang noo ko. Bakit ba naggaganoon sila tuwing gagawin ko ang tinuturo nila sa ibang tao? Gayong sa kanila naman galing ang mga nalalaman kong ito at sila rin ang nakakita kung paano ako natuto.
Ano't gulat na gulat na lang silang lahat? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako gaanong kagalingan sa ganitong bagay pero inaamin kong kahit paano ay masasabing may binatbat naman ako.
"Ang cool mo, Ysa! 'Di ko akalaing makikita kang nakikipaglaban. Syet! Ang galing kong magturo!" preskong aniya.
Totoong ngang magkaibigan talaga sila ni Con. Ang hangin masyado!
Kunwari akong napairap sa kaniya. Hayan na naman siya.
"Cal!" Napasigaw ako nang may sumugod sa likod niya ngunit agad niyang naiwasan ang paparating na suntom ng kalaban. Walang kahirap-hirap niya itong binalibag sa daan.
Nakapalibot na silang lahat sa amin ngayon. Nagkadikit ang likod naming dalawa ni Calum at parehong pomusisyon.
"15 versus 2?" Tumawa si Cal. "Mga duwag," patutsada niya sa kalaban namin.
Nakuha niya pa talagang mang-asar sa kalagayan namin ngayon? Hindi ko nga alam kung kakayanin ko 'yang mga katawan nila. Hindi ko lubos maisip na makikipaglaban ako ngayon. Ibig kong sabihin ay hindi ko naisip na makita ang sarili na nakikipagsuntukan sa mga taong ganito.
Pero, buo na ang paninindigan ko. Ayokong maging pabigat sa grupo nina Con. Tama nga ang sinabi nito, hindi lahat ng oras ay nasa tabi ko sila kaya kailangan kong protektahan ang sarili lalong-lalo na sa mga taong nabubuhay sa mundo nila na ganito ang pakay sa akin.
"Ano? Suko ka na ba, Calum? Madami kami kumpara sa inyo kaya ibigay mo na lang 'yang babaeng 'yan!"
"Madami na ba 'to?" Humagalpak sa tawa si Cal. "Hindi ko alam ganito na pala ang marami sa 'yo," asar pa lalo niya.
Dumilim ang mukha ng matabang lalaki iyon. "Aba mayabang ka pa rin kahit kailan! Turuan ninyo ng leksyon ang mayabang na iyan haggang sa magmakaawa!"
"Tsk. Asa kang magmamakaawa ako! Gago!" sigaw ni Calum.
Nagsipagsuguran silang lahat sa amin ng sabay-sabay. Hindi ko alam pero nakasasabay ang katawan ko sa bawat galaw nila.
Hindi ko akalaing ganito ang magiging bunga ng pagtuturo nila.
May lumapit na sa kalaban sa akin at sinuntok ako pero agad akong nakailag. Sinipa ko ang paa nito na naging dahilan ng pagkatumba niya sa semento. Napadaing ito sa sakit ng impact sa likod niya. Hindi ko na hinintay pang makatayo ang lalaking iyon at agad na sinipa ang mukha niya na naging dahilan para ihatid siya sa mahimbing na pagkatulog.
Patuloy ang pagsalag at pag-suntok ko at tatlo na ang napatumba kong kalaban. Mas marami nga lang ang napatumba ni Calum.
Dahil nakapokus lang ako sa isang kalaban ay hindi ko napansing may lalaki sa likuran ko na papasugod pala sa akin.
Sa gulat ko ay nawala ang atensyon ko sa kinakalaban na naging dahilan para tamaan ako ng sipa nito sa bandang tiyan. Napadaing ako at napaubo sabay na napaluhod.
Ang sakit! Sapo-sapo ko ang parte ng tinamaan ngunit hindi pa man ako nakababawi ay nakarinig ako ng sigaw ni Calum
"Ysa! Umilag ka!"
Nanlaki ang mata ko at tila awtomatiko akong napagulong sa kanan. Hahampasin sana ako ng tubo ng kalaban at kung hindi ako nakailag ay baka wala na akong malay ngayon.
"Sumuko ka na lang kung ayaw mong masaktan," saad ng payat na lalaki na may dala-dalang tubo.
"Oo nga, miss. Sayang 'yang mukha mo kapag natamaan namin 'yan." Ngumisi ang hindi katangkarang lalaki. Agad siyang may nilabas na maliit na kutsilyo na nagpaatras sa akin.
Naalala kong muli ang tinuro ni Con sa akin.
Nandito ulit kami sa living room ni Con kasama ang apat na nanonood lang sa amin. Napalunok ako sa hawak niyang kutsilyo at walang ano-ano'y sumugod ito sa akin.
Kumarambola ang sistema ko sa ginawa ni Con dahil sa kabang nadarama ay hindi ko alam ang eri-react. Sa isang iglap ay nakatutok na sa leeg ko ang kutsilyong hawak nito. Pinagpawisan ako ng malamig sa malamig na metal na nakahalik sa leeg ko.
"If ever that your enemy was holding a knife. You need to stay calm. Don't panic, understand?"
"O-o-oo," utal kong sagot. Napahinga ako nang maluwag ng kunin niya ang pagkakatutok ng kutsilyo sa leeg ko at bumalik sa puwesto kanina—sa harap ko.
"Kick his groin or give him a hard blow in the throat and run." Pinakita niya sa akin kung paano gawin iyon at agad ko namang nakuha. "If you don't have a choice to escaped then you need to fight the attacker." Lumapit si Con sa akin. "Hold this." Binigay niya ang kutsilyo sa akin at nakatutok iyon sa kaniya.
Hindi ko ininda ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko tuwing humahawak ito sa kamay ko. Kailangan kong magpokus sa tinuturo hindi sa nagtuturo. Kailangan kong isantabi ang nararamdaman kong ito.
"Tsk. Are you listening, Ysa?"
Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Konting paglalakbay lang ng isip ko ay napapansin niya. Agad akong napanguso.
"Oo naman, Con. . ." pagdadahilan ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Then what did I say?"
"Ano. . . kasi. . . ano. . ." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at dumapo iyon kay Calum na nakangisi lang. Tila tuwang-tuwa sila sa nakikita. Si Areon ay napapailing lang. Napahiya ako sa harap nilang lahat at napayuko.
Subalit hindi iyon nagtagal. May mga daliring humawak sa baba ko na naging dahilan para mapaangat muli ang tingin ko at nagtagpo ang mata naming dalawa ni Con.
"Focus, okay?" malumanay na aniya. Napatango ako, tila nahipnotismo. "All right. I will show you how to disarmed the attacker. Ituktok mo sa 'kin ang kutsilyo, Ysa."
Ginawa ko naman 'yong sinabi nito. "Hold the attackers wrist as tight as possible. You need to make sure that the knife was pointend away from your body." Hinawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang kutsilyo. "Mabilis mong iikutin ang kamay nito at malakas na tapikin iyon para mabitawan niya ng tuluyan ang hawak na armas."
Ginawa ko ang tinuro ni Con sa lalaking kaharap ko. Hinawakan ko ang kamay nitong may hawak na kutsilyo at inikot. Tatapikin ko na sana ngunit sa agad niya akong naunahan.
Hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya at sinalubong ako ng isang malakas na suntok sa tiyan.
Napadaing ako sa dulot ng suntok na iyon. Tila nadurog ang lamang loob ko sa lakas ng pagkasusuntok mg lalaking ito. Napasalampak ako sa semento kasabay nang pagsigaw ni Calum.
"D*mn you! You will pay for what you did to her!" umaligawgaw ang galit na boses ni Calum.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top