CHAPTER 27
Ngayon ko lang nakita na nauna pala 'yong chapter 27 sa chapter 26. Or nagkaroon lang ng problem itong wattpad? Nauna ko nang i-publish ang chapter 26 noon eh.
If ever na nauna po 'tong chapter 27, kindly skip this at doon muna sa chapter 26. Balikan na lang po ito pagkatapos ng chapter 26.
---
Chapter 27: Dinner
"S-SIYA 'yong nakabangga ko sa G high," gulat na saad ko saka napatingin kay Con.
"What? Anong ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka? Tell me what happened, Ysa! I will beat that f*cking man again!" Bigla siyang nagtaas ng boses kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan.
Agad kong tinaas ang dalawang kamay at sumenyas ng hindi. "C-con, w-wala siyang ginawa. Hindi ko lang talaga siya nakita kaya nabangga ko siya. . ." at saka nakatatakot ng mukha niya kahit wala pa siyang ginagawa.
"You sure about that, Ysa?" paninigurado nito.
Napatango ako bilang sagot. Nang makumbinsi ko siya sa sagot kong iyon ay binalik ko ang atensyon sa mga litrato at isa-isa itong sinuri.
"That's Arl," patungkol nito sa litrato ng koreanong lalaki .
Hindi siya pamilyar sa akin kaya nilagay ko ito sa pinakalikod ng mga litratong hawak.
"He's Vico."
Vico? Moreno. Katamtaman lamang ang tangos ng kanya ilong. Hindi sa panghuhusga pero ang sama ng mga mata nito. Tila may gagawing hindi maganda sa iyo kapag nasa harap mo na. Pero, mas nakakikilabot pa rin ang mata ng lider nilang si Leo.
Kapag naaalala ko iyong pagkabangga ko sa kanya at sa paraan nang pagtingin nito nang binugbog siya ni Con sa likod ng campus, hindi maiwasan ng katawan ko na gapangan ng kaba.
"That is Ian. If ever you will encounter that guy, better leave. Playboy 'yan ng grupo, lahat ng babaeng makita ay kukulitin niya hanggang sa makuha ang gusto," pahayag nito.
Napailing ako sa narinig ngunit kalaunan ay nawala iyon sa sumunod na litrato. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata at napasapo sa bibig.
Tama nga talaga ang ideyang naisip ko ng makita iyon.
"Ivan. . ." sambit ko. "T-totoo ba 'to, Con?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"Yeah. Ivan Grozen, your friend," sarkastikong anito.
Friend. . .
Kalaban siya ng grupo ni Con? Kaya pala parang iba ang aura ng lalaking ito tuwing magkasama kami ni Ivan.
Na ganoon na lang ang kabang nararamdaman ko tuwing makikita kami ni Con. Unti-unti kong napagtanto 'yong mga hindi ko maintindihang asal niya tuwing hihilahin na lang ako papalayo kay Ivan.
Iyong mga pagkakataong nagkaiinitan sila sa pamamamagitan ng tingin at magbabato si Con ng mga makahulugang salita.
Pati na rin iyong mga oras na hindi ako kumportableng kasama si Ivan. Pati 'yong naibigay niya sa aking impormasyon. Ano't hindi ko ito na-realize noong una pa lamang?
Bakit hindi ko man lang iyon napagtuunan ng pansin?
Napaisip tuloy ako sa ideya kung kaibigan nga ba ang turing ni Ivan sa akin? O, ginagamit lang ako nito tulad ng mga napapanood ko sa teleserye para makaganti kina Con?
"B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin na isa siya sa kalaban ni'yo, Con?" sa kabila ng pag-iisip ng mga iyon ay nakuha ko pang magtanong.
"I've warned you but you didn't listen." Kumibit-balikat at sumandal sa sofa. "Many times. . ." dagdag pa nito, diniinan ang salitang marami.
"Hindi ko naman alam na ganoon pala ang ibig sabihin no'n. Sana sinabi mo pa rin!" Napanguso ako.
"Stop doing that, Ysa. I'm warning you," patungkol nito sa pagnguso ko.
Agad nawala ang pagtulis ng nguso ko sa sinabing iyon ni Con. Ilang ulit akong napakurap at iniwas ang tingin sa kanya.
Binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Himala at hindi nag-iingay sa labas ang apat na 'yon.
Napaigtad na lamang ako ng tumunog ang cellphone ni Con. Agad niyang nilabas sa bulsa ang cellphone. Nahagip ng mata ko ang pangalan ng daddy nito.
Nakatingin lang siya roon at patuloy lang ang pag-ring ng cellphone nito. Sasagutin ba niya?
Nakatitig lang ako sa kanya at nanahimik. Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya ko itong napagmamasdan.
Wala sa sariling napangiti ako sa magulong asul na buhok nito. Hindi na talaga natutong magsuklay ang isang 'to.
Napahinga ako nang maluwag namg pindutin nito ang answer button at tinapat amg cellphone sa kaniyang tainga.
"Hmm. . . what? Tonight? Uh. . ." Tumingin ito sandali sa akin ngunit agad ding napabalik sa kung saan. "Yeah. . . okay. Hmm." Napatango ito bago patayin ang tawag at binalingan ako. "Mom and dad was inviting you to have dinner tonight, in our house."
"H-ha? Bakit naman? Hala. Nakahihiya, Con." At wala akong susuotin.
Tila nabasa nito ang nasa isip ko. "Tsk. Just wear anything. Kakain lang naman tayo sa bahay," anito at tumalikod na.
Ewan ko kung anong nakatutuwa sa sinabi niya pero hindi ko mapigilang mapangiti.
NAGING MABILIS ang takbo ng oras at nakabihis na ako ngayon.
Tiningnan kong muli ang sariling repleksiyon sa salamin. Ito na 'yong pinakadesenteng damit na mayroon ako.
Magde-dress sana ako ngunit wala naman akong ganoon kaya ang napili ko itong puting puff off-shoulder croptop na niregalo ng kaklase ko noong nakaraang christmas party. Pinaresan ko iyon ng itim na fitted jeans at white sneakers.
Naglagay ako ng kaunting make up para magmukhang kaaya-aya at hindi mukhang stress itong pagmumukha ko.
Mukha na ba akong tao nito? Ganito ba 'yong sinusuot kapag magdi-dinner? Para naman ako nitong maggagala sa mall, e.
Napakamot ako sa ulo.
"Hey, Ysa. Matagal pa ba 'yan? Male-late na tayo," sigaw ni Con sa labas ng kuwarto ko.
Bakit parang nahihinuha kong nasasabik itong umuwi gayong ayaw maman nito sa magulang niya, 'di ba?
Napangiti ako bigla sa naisip na ideya. Posible kayang. . .
Napakagat ako sa labi. Posible bang ginawa niya ang sinabi ko noon?
"Sana ay maging maayos ang pakikitungo mo sa mga magulang mo. Higit na magiging madaya sila kapag iyon ang iyong ginawa."
Wala sa sariling napahawak ako sa labi. Naman, Ysa! Kilig na kilig ka na niyan? Natauhan lang ako nang marinig kong muli ang boses ni Con.
"Ysa? Tara na," sigaw ulit niya.
"A-andiyan na!" Agad kong kinuha ang maliit na sling bag at lumabas ng kuwarto.
Halos malaglag ang panga ko nang madatnan si Con na nakapandekuwatro sa sofa. Napalunok ako sa ayos nito. Tinalunton ng mata ko ang suot nitong kulay maroon na shorts patungo sa puting long sleeves nito na nakatupi hanggang siko habang nakabukas ang dalawang butones nito sa taas.
Sa unang pagkakataon ay nakita kong maayos na nakasuklay ang asul nitong buhok. Napakurap-kurap ako. Ganito pa nga lang 'yong suot halos magsipaglaglagan na 'yong laway ko.
Biglang napunta ang tingin ko sa labi nito. Napahigpit ang pagkahahawak ko sa sling bag .
Nahuli ako nitong nakatingin sa kanya na pinagpapantasyahan siya kaya halos mapatalon ako.
Umarangkada na naman sa pagtambol itong puso ko at halos pamulahan ako sa kahihiyan. Ano ba naman itong naiisip ko?
"Am I that handsome?" asar nito.
Oo!
"H-hindi, ah! A-asa ka naman," agad kong sagot na kasalungat naman ang nasa isip ko.
"Hmm. . . then why are you stuttering? Am I that jaw dropping?" mas lalo niyang pangguguyo sa akin at ngumisi.
"A-ano. . . h-hindi, ah! T-tara na. Late na tayo!" Agad kong inabot ang kamay nito at hinila pero agad na nanlaki ang mata ko.
Napatigil din ako sa paglalakad at nilingon si Con. Mas lalo akong pinamulahan ng mas lumapad ang ngisi nito.
Mabilis pa sa alas kuwatrong napabitaw ako at natatarantang lumabas.
Naiwan tuloy sa loob si Con ngunit pagkaraan lang ng ilang segundo ay lumabas na rin ito sa aparment.
Napaiwas ako nang magtamang muli ang paningin naming dalawa.
Dulot pa rin ng pagkatataranta ay binuksan ko na lang ang kotse niya ngunit labis na talaga akong minamalas ngayon. Nauntog ang noo ko sa kotse nito nang pumasok ako.
"A-aray!" maluha-luhang daing ko habang hinihimas iyon.
Ang tanga-tanga mo talaga, Ysa!
"Hey are you okay? Ba't ba kasi madaling-madali ka? You can't even wait for me to open the door!" inis na aniya pagkapasok na pagkapasok pa lang sa kotse.
Hinawakan nito ang parte ng noo ko kung saan tumama sa kotse niya. Nagdulot iyon ng ilang libong boltahe na nagpagulo lalo sa sistema ko.
"O-okay lang ako, Con. T-tara na," utal akong napaiwas sa kanya.
"Be careful, next time, okay?" Tumango ako sa sinabi niya iyon.
Tahimik siyang nag-drive at ganoon na lang din ako. Hindi pa rin mawala-wala ang bilis nang pagtibok ng puso ko. Nangangamba tuloy ako na baka marinig niya ang sinisigaw no'n.
Ilang minuto lang ay narating namin ang mansion ng mga Lolarga. Napapunta kami sa dining area marahil ay naroon na sila. Doon sumalubong sa amin sina Tito Onard at Tita Canthy na may ngiti sa labi.
Napakasimple lamang ng suot nitong dress pero nag-uumapaw pa rin ang ganda niya. Nahiya tuloy ako sa suot.
Kaya pala ganoon na lang ang bihis ni Con para naman ay hindi ako maging out of place sa dinner na 'to.
Nahagip ng mga mata ko ang sina Calum, Shun, Tim at Areon na nakaupo sa hapag. Naka-polo ang mga ito at long sleeves. Napakagwapo nilang lahat.
"Good evening, iha. Mabuti na lang at pinaunlakan mo ang invitation ko sa 'yo," nakangiting sabi ni Tita Canthy at niyayakag ako sa hapag kainan.
Kami na lang yata ang hinihintay nilang lahat. Nakahihiya.
"How are you , Ysa? Hindi ka ba nai-stress rito kay Con? Matigas pa 'to ang ulo sa anak kong bunso," natatawang saad ni Tito Onard.
Agad akong napatingin kay Con. Nakakunot ang noo nito sa sinasabi ng ama.
Kung alam mo lang talaga, tito. Halos mabaliw ako sa anak ninyo!
Napansin ko rin ang cute na batang lalaki na nakaupo sa tabi ni Tita Canthy. Nakatingin lang ito sa akin na may nangungunot na noo.
Napabalik ang tingin ko kay Con. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Parang bersiyon siya ng batang Con.
"This is Alexis pala. Alexis, say hi to your Ate Ysabelle. She's beautiful, right?" masayang pagpapakilala sa akin si tita.
Walang reaksiyon ang mukha nitong nakatingin sa akin at halos hindi na maalis iyon. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko siya noon napansin noong birthday ni Tita Canthy.
Parehong-pareho talaga sila ni Con.
Akala ko ay hindi na ako nito papansin pero bigla siyang ngumiti at napawi ang kaninang ekspresiyon.
"Hi, Ate Ysabelle! You're my kuya's girlfriend? P'wede po akin ka na lang?" galak na anito.
Nanlaki ang mata ko sa huli nitong sinabi at ganoon din sina tito't tita. Napatigil kaming lahat.
Nakaramdam ako ng mainit na kamay sa bewang ko at halos pamulahan ako nang makilalang pagmamay-ari iyon ni Con.
Hinapit ako nito sa katawan na naging dahilan para mapalapit ako sa kaniya. Kami na lang dalawa amg naiwang nakatayo dahil lahat sila ay kumportable nang nakaupo.
"She will not be yours, young boy. Find yours if you're big enough," pagpatol ni Con sa kapatid. "She's mine, mine only."
Agad ko siyang pinanlakihan ng mata. Pati ba naman ang bata ay gaganiyanin niya?
At saka, nakahihiya 'tong ginagawa namin sa harap ng magulang niya. Hindi ba niya alam ang ginagawa niya?
"Con, kapatid mo 'yan. Huwag mo namang gan'yanin ang bata," bulong ko.
"Tss."
Iyon lamang ang tinugon niya matpos na bitawan ako at pinaghila ng upuan.
"Lexis, saan mo naman nakuha 'yan?" suway sa kaniya ni Tita Canthy.
Inosenteng napatingin sa akin ang bata at agad na binalingan si Calum.
"Kay Kuya Calum po! He said sabihin ko raw 'yon sa kasama ni kuya ngayong gabi." Turo niya.
Sabay kaming lahat na napatingin sa kaniya. Agad siyang sinamaan ng tingin ni Con.
"Kung ano-ano ang tinuturo ko sa kapatid ko!" Tinapunan siya ng table napkin ni Con pero sinalo lang ito ni Calum at tumawa.
"Baliw ka talaga, Cal!" ani Shun.
"'Langya, dude. Bata pa 'yang tinuturuan mo nang kabulastugan!" Binatukan siya ni Tim. Habang ai Areon ay napailing lang.
Nagsimula kaming kumain lahat hanggang sa matapos. Nagkwentuhan lang kami at hindi ko akalaing napaka-close ng mga kaibigan ni Con kina Tita Canthybat Tito Onard.
Sanay na sanay ang mag-asawa sa mga biruan nilang lahat at nakikisabay naman sila.
Kasalukuyang nasa living area kami ni tita at nagkukuwentuhan hanggang sa umabot ang topiko namin kay Con.
"Thank you, Ysa," biglang aniya
Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon. "Ako po dapat ang nagpapasalamat, tita," kamot-ulong usal ko.
Umiling ito. "Thank you! Nang dahil sa 'yo palagi nang bumibisita rito si Con. Simula ng nakilala kita, napansin ko ang pagbabago niya. Naging palasalita ito tuwing nasa bahay, nagiging malambing ng konti ang bawat pananalita nito at hindi na pabalang, Ysa. Maraming salamat!"
Nagulat ako nang yakapin ako ni tita. At doon ko rin naalala ang mga sinabi ko kay Con na maging okay na sana ang patutungo niua sa magulang.
"Thank you, Ysa. I'm so happy dahil dumating ka sa buhay ni Con at nakilala kita."
Ngumiti ako sa kaniya. Ilang oras kaming nagkukwentuhan at nagpaalam na kaming lahat para umuwi.
Ang kyot ng kapatid ni Con parang ang sarap din iuwi.
"Paalam po, tita. Maraming salamat po ang pag-imbita sa 'kin," sabi ko sa kaniya. Ngunit lang ito at humalik sa pisngi ko.
"Ano ka ba, Ysa. Pamilya na ang turing ko sa 'yo."
Napatingin ako sa loob ng mansion nila. Wala pa rin kasi si Con at lumabas na sina Calum.
"Ysa, tara," aya ni Cal sa akin.
"H-ha? E, si Con?" tanong ko.
"May pag-uusapan pa sila ni Tito Onard, e. Pinauna niya na kami at sumabay ka na lang daw sa 'kin." Nagkibit ito ng balikat.
Nagpaalam na kaming lahat at sumakay na sa sari-sarili nilang sasakyan sina Areon, Shun at Tim.
"Bye, Ysa!" Nilabas ni Tim ang kamay sa bintana at kumaway.
"Mauna na ako mga dude," sabi naman ni Shun at pinaharurot na ang sasakyan.
"Bye, Ysa." Ngumiti si Areon sa akin at umalis na rin kasama si Tim.
"Tara?" aya ni Cal kaya napatango na lang ako at pumasok sa sasakyan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top