CHAPTER 26
☝Ito 'yong song na kinakanta nina Calum nang inaasar na nila sina Con at Ysa.
Thank you for reading!
---
Chapter 26: The Leader
ILANG araw na ang nakalipas matapos ang gabing iyon. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang ginawa kong paghalik sa pisngi ni Con. Wala sa sariling napahawak ako sa labi at hindi mapigilang ngumiti.
"Ngiting-ngiti, ah? Ako ba ang iniisip mo?" Biglang sulpot ng isang boses at tinapik ako sa balikat.
Napalingon ako kasabay nang pagkunot ng aking noo. Ngayong araw ko lang siyang nakita sa G high gayong palagi ko siyang hinahanap.
Talaga ngang totoo ang sinasabi ng mga matatanda na kapag hindi mo hinahanap ang isang tao o bagay ay kusa na lang itong magpapakita.
Pinaglalaruan nito ang singsing at iniitsa sa ere.
"Ivan. . ."
"Hmm?" Nilingon ako nito na naging dahilan para hindi nito masalo ang singsing na nalalaglag na sa ere.
"I-ilang linggo kitang hindi nakita. N-nagkasakit ka ba?" utal kong tanong.
Pilyo itong napangisi. Bigla kong napagtanto na baka iba ang mahinuna nito sa sinabi kong iyon. Kaya agad aking nagsalita ulit.
"Ano. . . mali ang iniisip mo. Nasanay kasi akong nakikita ka at nakasasabay tuwing umaga, kaya ganoon. At saka. . . kaibigan kita," mahinang banggit ko sa huling mga salita. Napaiwas ako ng tingin ngunit nabalik iyon kay Ivan.
"Do you consider me as a friend?"
Napatigil ako sa tinanong nito pero agad ring ngumiti. "Oo naman."
Bahagya siyang natawa. May nakatatawa ba sa sinabi kong iyon? Taka ko siyang tiningnan. Agad niyang nilagay ang kamay sa ulo ko at ginulo na lang ng ganoon ang buhok ko.
Ngumiti ito. "May ginawa lang ako sa mga nakaraang linggo. Don't worry." Agad siyang yumuko para kunin ang singsing na nasa damuhan. "Why are you here alone? Where's your boyfriend? Palaging nakadikit 'yon sa 'yo sa mga nakaraang linggo, himala at wala siya?"
Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Hindi na bago ang tawag nito kay Con. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit alam niyang nakadikit palagi si Con sa akin?
Wala naman siya rito sa G high sa mga nagdaang linggo 'di ba? Paano niya naman iyon nalaman?
Napatitig ako sa ngiti ni Ivan. May kung ano sa mata nito na nagpapalabas nang peke niyang ngiti sa labi.
Napadapo ang tingin ko sa kaliwang kamay nitong nakahawak sa singsing. May napansing akong tattoo sa palasinsingan nito at halos mapaatras ako nang makilala iyon.
Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Ivan dito sa hardin ng G high.
"Paano ko malalaman na serpent gang ang kaharap o nakita ko?"
"Easy. Mayroon silang ahas na tattoo. Well, you can't easily see that dahil nakatago iyon. Kapag suswertehin ka baka may makita kang isa."
"Alam mo ba kung saan naka-tattoo ang mga 'yon sa katawan nila?"
"Hmm. . . wala, e. Sorry, Ysa. That's all I know."
Serpent gang. Posible bang? Siya? Bakit ba kasi hindi ko man lang naisipang tanungin sina Con kung ano ang mga itsura ng nasa gang na iyon? Ysa, naman! Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip.
Hindi ako nagpahalatang nakita ko iyon matapos niyang isuot muli ang singsing sa palasinsingan niya. Hindi na iyon nakikita dahil tuluyan na itong naikubli ng bagay na iyon.
Pinagpawisan ako nang malamig at sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko. Ayokong mamintang na lang dahil sa basehan na iyon.
"Hey, Ysa, are you all right?" Lumapit si Ivan sa akin at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. "Bakit ka namumutla? May sakit ka ba?" Nilagay niya ang kamay sa noo ko. "What are you feeling?" alalang tanong nito.
Napatitig ako sa mga mata niya. Bigla akong nagdalawang-isip. Totoo ba ang pinapakita niyang ito?
"Ysa? Gusto mo bang ihatid kita sa clinic?"
"A-ah. . . ano. . ." Bahagya akong napalayo sa kanya kaya nabitawan ako nito. Tila nagulat siya sa ginawa kong iyon ngunit nakabawi rin. "O-okay lang a-ako I-Ivan. H-huwag kang m-mag-alala." Hindi ako makatitig sa kanya.
"But—"
"L-late na ako, Ivan. Mauuna na ako ah?" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at dali-dali sinukbit ang bag sa balikat at napatakbo sa labas ng garden.
Imposible! Pero may tattoo siya! Nagpapatunay na isa siyang member ng serpent gang. O baka mali lang ang akala ko? Baka nagkataon lang ang tattoong iyon.
Mabait naman si Ivan.
Mabait nga ba talaga o pakitang tao lang? Dumagundong ng husto ang dibdib ko sa bawat ideyang naiisip ko.
May humawak sa braso ko habang ngalalakad kaya agad akong napasigaw. Sa gulat ko ay agad kong hinawakan ang kamay na iyon at inikot. Idinikit ko siya sa malapit na pader at ang kamay nito ay hawak-hawak ko sa kanyang likuran.
"Ouch! Sh*t! What the hell, Ysa?!" bulalas nito.
Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na boses na iyon. Boses na palaging nagpatitibok ng puso ko at halos mangarambola ang lamang loob tuwing naririnig.
"H-hala. C-con." Napabitaw ako sa kamay niya ng ganoon kabilis. "Hala! S-sorry. Hindi ko sinasadya. Masakit ba? Sorry talaga!"
"Aw." Hinawakan nito ang kamay na inikot ko. "I never imagined na mapahahalik ako sa pader ngayong araw. Good reflexes, huh?" manghang aniya at hindi ininda ang ginawa ko.
"Pasensya na talaga, Con. Nagulat lang talaga ako!"
"Nagpapakita lang 'yan na natututo ka sa mga tinuturo namin. Well, I'm a good teacher after all," anito, nagyayabang. Napanguso tuloy ako.
Hindi lang naman siya ang nagturo sa akin ah? Pati rin naman sina Calum, Areon, Shun at Tim.
"Aray!" Napahawak ako sa ilong. "Bakit mo ako pinitik?" inis kong usal.
"Stop pouting, will you?"
"Hindi naman, ah?!"
Nakanguso kaya ako! Iba! Bukod sa spelling, iba 'yon!
Pinagpatuloy namin ang paglalakad papunta sa room. May mga mangilan-ngilang babaeng nagtitilian kay Con at pilit na kinukuha ang atensyon niya.
Palihim akong napasimangot. Nakaiinis.
"What are you thinking a while ago? Seems something bothering you," nakapamulsang saad nito.
Napatigil ako sa paglalakad at sinalubong ang tingin nito. Hindi na ako nagdalawang-isip at diretsang sabihin iyon sa kanya.
"Gusto kong malaman kung sino-sino ang nasa serpent gang, Con," determinado kong wika.
Napatitig kami sa isa't isa at pinakita kong hindi ako nagbibiro. Nilabanan ko ang nanunukat nitong mga tingin ngunit bigla itong nag-iwas at tumuloy sa paglalakad.
"Don't bother. You don't need to know."
"Buhay ko ang nakasalalay rito! Bakit hindi ko puwedeng malaman?" pagpupumilit ko pa. Napatigil ito sa paglalakad at nilingon ako.
"Masasaktan ka lang," malamig na aniya.
"Bakit? Gusto ko lang nama—"
"You will not discuss it here, Ysa, won't you?" Naging seryoso bigla ang mukha nito. Napalunok ako.
Ayokong magalit si Con.
Hindi na lang akong umimik pa at pinagpatuloy na lang ang paglalakad kasunod niya.
Sa sama ng loob ko ay hindi ko siya pinansin. Wala akong ganang makinig sa klase buong araw.
Ano bang mali na malaman ko ang bagay na iyon? Gusto ko lang naman makilala at dahil baka nakita ko na ang isa sa kanila o hindi kaya nakahalubilo na at makumpiramang. . . .Sakali mang. . . si Ivan ay isa sa kanila.
Hanggang sa apartment ay hindi ko iniimik si Con. Pilit ko ring iniiwasn na magkatagpo ang landas namin sa apartment.
Nandito ulit sina Calum, Areon, Tim at Shun. Nag-iingay at tinutukso kaming dalawa ni Con. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya hanggang sa mapansin iyon ng apat.
"Nag lovers quarrel ba kayo?" tudyo ni Calum. Tumawa ang tatlo sa likod niya. "Buhay mag-asawa nga naman," dagdag niya pa at kumibit-balikat.
Napatingin ako sa direksiyon ni Con at hindi ko naman inaasahang nakatingin ito sa akin. Sa gulat ko ay agad akong napatayo. Taka akong tiningnan ni Calum at ng iba.
"May problema ba, Ysa?" tanong ni Tim ngunit ang tono nito ay nang-aasar.
Hindi ko iyong pinansin. Napatingin ako kay Con at napabalik iyon kay Tim.
"Wala. . . ano, nauuhaw lang ako." Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumunta na lang sa kusina.
Ano bang inaarte-arte mo, Ysa? Naman, oh. Nakahihiya sa kanila.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang marinig ko ang mapang-asar na boses ni Calum. Halatang pinaparinig sa akin.
"Hoy, Lolarga! Suyuin mo naman ang asawa mong nagtatampo, oh! Kung ako 'yan maghahanap na lang ako ng iba kung hindi ka magiging sweet!"
Marami pang inasar si Calum kay Con at nakisali na rin sina Tim at Shun. Hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi nila dahil napako ang isip ko sa salitang binitawan ni Cal.
A-asawa?
Kasabay nang panlalaki ko ng mata ay ang pagluwag nang pagkahahawak ko ng baso kaya agad itong nalaglag at nagkapira-piraso sa sahig.
Narinig ko ang pagtigil nang pagtawa nila sa pang-aasar kay Con sa living room at tunog nang humahangos na mga yapak papunta rito ang nangibabaw.
Napatingin ako sa bungad ng kusina at inuluwa no'n ang nag-aalalang mukha ni Con. Napadapo ang tingin nito sa nagkapira-pirasong baso at binalik ang tingin sa akin.
Lumapit siya sa akin at sinuri ang kabuuan ko kasabay nang paghawak nito sa aking mga kamay.
"Are you okay? Saan ang masakit? Baka masugatan ka," sunod-sunod na aniya.
Tila may sumipa sa kalooban ko na naghatid ng iba't ibang pakiramdam sa buo kong katawan. Napatulala ako at hindi makapagsalita.
"'Yan ang sinasabi ko! Dapat may ka-sweet-an!" Sumulpot bigla si Calum ganoon din ang iba.
"Basag na baso lang pala ang kailangan," natatawang ani Tim.
"Hindi ko maintindihan. . . parang wala namang pupuntahan. Ayaw na ng ganito ni Ysa. . . nahihirapan na ang puso niya," biglang kanta ni Calum. Sumabay bigla sina Shun at Tim.
Iyan 'yong kantang narinig ko sa kuwarto ni Con at nakita kong walang pantaas at tanging. . . tanging. . .ano ba 'tong naiisip ko? Ang manyak ko!
"Kayo na lang dalawa. . . kayo na lang magsama. Kayo na lang dalawa, kayo naman talaga. . . .Kayo na lang dalawa, kayo na lang magsama. Kayo na lang dalawa, kayo naman talaga!" sabay-sabag na kanta nilang tatlo.
Kumpara kina Shun at Tim ay hindi kagandahan ang boses ni Calum. Natatawa tuloy ako.
Natatawa lang si Areon sa tabi at napailing sa kalokohan mga kaibigan.
Napatingin ulit ako kay Con at hindi ko napansing hawak-hawak pa rin pala ako ako nito kaya taranta kong binawi ang mga kamay. Nag-init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin.
Sa kabila nang kantiyawan nilang magkakaibigan ay heto kaming dalawa ni Con, hindi makatingin sa bawat isa.
Lihim akong napanguso. Saan na 'yong pagmamalaki nito tuwing sinasabi ang salitang my girl? E, ngayon nga ay hindi makatingin sa akin dahil sa pinaggagawang pang-aasar ng mga kaibigan niya. Saan na napunta ang Con na iyon?
Ano't umiba yata ang ihip ng hangin sa utak niya?
"YsaCon RobLarga lang sakalam!" Ginamit ni Calum ang mesa sa kuaina at ginawa iyong drum.
"Magbabati na 'yan!"
"Magbababti na 'yan!"
"Magbabati na 'yan!"
Patuloy pa nilang tatlo. Napairap ako at mas lalo silang nang-asar at nagtawanan sa ginawa kong iyon.
Natapos na kami nang hapunan pero patuloy pa rin sila sa pang-aasar. Hindi pa rin natitigil ang pagkanta nila ng kantang iyon.
Nasa sala na kami at ganoon pa rin ang sitwasyon.
"Will you all f*cking shut up? Me and Ysa will talk about something!" inis na suway ni Con ngunit hindi iyon naging dahilan para tumigil sila.
"Something. . ."
"Oww."
"Talk. Talk. Talk."
"One," pagbibilang ni Con. Nauubusan na ito ng pasensya. "Two." Tila alam na ng apat ang ibig sabihin nang pagbibilang na iyon.
Napatayo ng ganoon kabilis si Calum at kasunod no'n sina Shun at Tim. Napailing lang si Areon at sumunod sa nais ni Con.
"Enjoy kayong dalawa, Ysa, Con," asar ni Calum.
"Ulol!" Hinubad ni Con ang tsinelas at binato sa nagtatawang mga kaibigan.
Hindi natamaan si Calum dahil sinara niya na ang pinto papalabas ng apartment. Kahit nasa labas sila ay rinig mula rito ang mga tawanan nila, inaasar pa lalo si Con.
Napatitig ako sa kanya nang may nilabas itong envelope at nilapag sa center table. Taka ko itong binalingan.
"A-ano 'to?" Kinuha ko ang envelope at marahan itong binuksan.
"That's what you're looking for," iwas tinging aniya.
Napanganga ako nang tuluyang mailabas ang laman no'n. Isa-isa kong nilapag iyon sa center table.
"Sabi mo. . . hindi p'wedeng. . ."
"Tsk."
Hindi ko mapigilang ngumiti sa pag-iwas ng tingin ni Con sa akin. Ang cute!
Ganiyan pala siya kapag binabawi ang mga sinasabi. Nakatatawa ang mukha.
Nabaling muli ang tingin ko sa mga litratong nakalapag. Litrato ng serpent gang.
"That's Leo, the leader of the serpent gang," patungkol ni Con sa hawak kong litrato.
Nanlaki ang mata ko. Sa pagkatititig pa lang sa litrato nito ay nanlamig ng husto ang katawan ko. Seryoso lang ang mukha niya, ni hindi man lang nag-abalang ngumiti sa litrato.
"S-siya 'yong nakabangga ko sa G high."
"What? Anong ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka? Tell me what happened, Ysa! I will beat that f*cking man again!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top