CHAPTER 25

Chapter 25: Thank you



ILANG ulit akong napabalik-balik sa loob ng kwarto at nang magkalakas ng loob ay inabot ko ang door knob. Pinihit ko ito at tuluyan nang humakbang palabas.

Noon ay sobrang dilim talaga kapag lalabas ng kwarto, ngayon ay may ilaw na ito ngunit hindi gaanong maliwanag, sakto lang para makakita. Pinalagyan kasi iyon ni Con, naninilaw ang ilaw kaya hindi nakasisilaw.

Bumungad sa akin ang apat na nakahiga sa bawat sofa. Natawa ako sa sitwasyon nilang lahat. Ang mga paa nila ay hindi kasya sa sofa. Bakit kaya hindi na lang sila sa kuwarto ni Con natulog?

Biglang umikot si Calum kaya nalaglag siya sa sahig. Dadaluhan ko sana kaso parang himbing na himbing pa rin iyon sa pagtulog, nakanganga pa. Mukhang sanay nga silang matulog sa kahit anong posisyon at lugar.

Napatingin ako kay Shun at Tim, magkayakap ang dalawa, pinag-isa nila 'yong sofang hinigaan ng bawat isa. Napadako ang mata ko kay Areon, nakaharap lang ito sa kisame at nakadantay ang braso nito sa kanyang mata para matabunan.

Mukhang himbing na himbing silang lahat dahil hindi sila nagising sa presinsya ko. Bahagya akong nakayuko habang naglalakad sa sakit ng puson at lumapit sa kanilang apat. Inayos ko ang kumot ng bawat isa at napagpasyahang magtungo sa kwarto ni Con.

Kakatok ba ako? O papasok na lang? Tiyak na magagalit iyon, may rule pa naman kami. Ilang minuto akong nag-isip sa harap ng kuwarto niya. Bakit ba kasi ganitong oras pa? Mamaya na lang kaya?

Nakadidiri naman, magkakalat pa ako! Ang layo ng pinakamalapit na tindahan dito. Napabuntong hininga ako at nilakasan ang loob. Napapikit ako at ainimulang katokin ang kuwarto niya.

"Con?" mahina kong tawag pero walang sumagot. Inulit ko ang pagkatok. "Con? Gising k-ka ba?" Hinintay kong magbukas ang pinto pero wala pa rin.

Nasa kalagitnaan yata ng panaginip iyon. Mamaya na nga lang, ako na lang siguro ang bibili. Pati na rin 'yong pain reliver. Sa pagtayo ko sa harap ng pinto niya ay parang pinipilipit ang loob ng puson ko na ewan.

Ito talaga 'yong nakaiirita. Hindi mo alam kung saang parte ang masakit, parang buong katawan na yata kapag andiyan ang buwanang dalaw mo. Parang gustong kong humilata buong magdamag o hindi kaya daganan na lang iyong puson ko para maibsan ang sakit.

Aalis na sana ako sa harap ng pinto  niya marinig kong bumukas ito. Bumungad sa akin ang magulo nitong na may nagungunot na noo.

"Why so early, Ysa? Anything happens?" Biglang nag-alala ang mukha nito. "Your wound, is it okay?" Kinuha nito ang kamay ko at sinuri.

Awtomatikong nag-iskandalo ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon.

"A-ano. . . kasi. . ." hindi ko matuloy-tuloy ang dapat sabihin dahil ginapangan ako ng hiya. Marahan kong kinuha ang kamay ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin. Napangiwi ako sa pagsakit ng puson ko. Hindi tuloy naging tuwid ang pagkatatayo ko sa harap niya. Mukhang hindi iyon nakalampas sa paningin ni Con kaya agad siyang nag-react.

Hinawakan ako nito sa balikat. "What happened? May masakit ba sa 'yo? Do you want me to call for an ambulance? Hey, Ysa?!"

Ambulansya talaga? Hindi ko rin minsan malaman kung over acting lang ba itong si Con o hindi kaya inosenteng nilalang.

"Ano. . .puwedeng ano. . ."

"P'wedeng?"

"P'wede mo ba akong bilhan ng napkin?!" dirediretso kong sabi at napapikit. Nag-init ang magkabila kong pisngi matapos na sabihin iyon.

Akala ko ay aangal si Con pero wala akong natanggap na reklamo. Minsan kasi ayaw na ayaw ng mga lalaking gumawa ng mga ganiyan. Hindi ko naman nilalahat pero iyon kasi ang kalimitang nakikita ko kaya hindi ko maiwasan sabihin iyon.

"Okay. Wait for me here," aniya at pumasok sa loob ng kwarto niya. Pagkalabas niya ay ganoon pa rin namang ang suot nito ngunit may susi na itong dala.

"O-okay. Salamat, Con," saad ko. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko. "Con!"

Nilingon ako nito. "Hmm?"

"Ingat ka. Hinay-hinay ka sa pagda-drive. . ."

"Hmm." Tumango ito at pinagpatuloy ang paglalakad.

Namula ako at napatakbo sa kuwarto. Para naman akong baliw nito. Napadapa ako sa kama at sumigaw sa unan.

Parang nakalimutan ko yata ang sobrang sakit ng puson ko ng dahil kay Con. Iba na talaga ito. Iba na! Naku, Ysa! Lakas ng tama mo! Kumpirmado.

Sa kilig ko ay nakatulugan ko ang posisyong iyon. Pagmulat ko ng mata ay napabalikwas ako at tiningan ang hinihigaan. Napahinga ako nang maluwag ng wala namang mantsa.

Parang lalong sumakit yata ang puson ko. Napatingin ako sa orasan, ala syiete na pala ng umaga. Napatingin ako sa bed side table, mayroong malaking paper bag na nakapatong doon.

Agad ko itong nilapitan at pinagkukuha ang laman at halos mapanganga ako sa nakita. Halos malaglag ang panga ki sa iba't ibang uri ng napkin ang naroon.

Napasapo ako sa noo, hindi ko pala nasabi kay Con kung anong brand ng napkin ang ipabibili ko. Nawala tuloy sa isip ko iyon. Naman, Ysa!  Anong alam naman no'n diba?

Napailing na lang ako ngunit sumilay ang ngiti sa labi. Si Con, na kilalang gangster sa G high, astigin saka kinatatakutan ng ibang gang, bumili ng napkin? Napatakip ako sa mukha. Ginawa niya talaga para sa 'kin 'to? Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

At baka mapunit ng tuluyan ang labi ko sa kangingiti ay pinagpasyahan kong maligo at mag-ayos. Matapos ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Nadatnan kong walang tao sa living area at dinala ako ng  ingay sa kusina. May mga nagkakalansingang mga kubyertos ang nanggagaling doon at tawanan.

"Seriouly, dude? You did it? F*ck! Shun, nanaginip ba tayo?" hindi makapaniwang saad ni Calum.

"Ano nga ulit ginawa mo, Con?" asar ni Tim.

"Bumili ng napkin!" sabay na sagot nina Shun at Calum.

Humagalpak silang tatlo sa tawa. Tila hindi pa rin nila ako napapansing nakatayo sa hamba ng kusina.

"Bumili ng napkin ng?" nang aasar na tanong ni Calum.

"Ng madaling araw!" sabay na sagot nina Shun at Tim. Nagtawanan ulit sila na parang baliw.

"At ano pa nga ang binili?" Tanong ulit ni Calum na nakangisi.

"Pain reliver at chocolates!" sagot naman ulit nina Tim at Shun.

"Sino ang bumili?"

"Si Con Lolarga!"

"Binili niya para kay?"

"Ysabelle Robles!"

"Ano niya nga si Ysa?"

"Maha—"

"F*ck you!" Pinagbabato sila ni Con ng kamatis pero nasalo lang nilang tatlo.

Nagtawanan silang lahat at napangisi na lang si Areon.  Itong si Con ay asar na asar sa mga kaibigan. Kulang na lang ay manuntok ito sa sobrang asar. Sa pagkakataong iyon ay tumikhim ako kaya naagaw ko ang atensyon nila.

"Ysa, my friend!" sigaw ni Calum at lumakad patungo sa akin. Inakay ako nito saka inakbayan.

Bakit parang ang bigat naman yata ng braso ni Calum? Ano ba ang kinain nito? Pinanghila niya ako ng upuan at nilagay ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat saka puwersahang akong pinaupo.

Wala akong nagawa at tingnan sila isa-isa. Nakangisi ang mga ito at tila inaasar ako gamit ang paningin.

"Ang sarap ng tulog ko sa apartment niyo, Ysa!  Lalong-lalo nang bumugad sa araw ko 'yong isa r'yan na may mga biniling chocolates at ice cream," patinig ni Cal.

"Akalain niyo 'yon?" sabat ni Shun at Tim.

"Si Con na hindi alam ang itlog, tamad pero gwapo tapis bumili ng napki—"

"Shut up," asik nito kay Calum at hinagisan ng sandok. Hindi umilag si Cal dahil nasalo niya na ito ng walang kahirap-hirap.

Nangunot ang noo ko. Nagluluto ba si Con? Kaya pala nakatalikod siya sa amin. Akala ko ay nakatayo lang at nagkukulitan sa apat na kaibigan, iyon pala ay may ginagawa siya.

Ilang minuto lang ay sinalansan niya na ang niluluto.

"Woah. Tofu scramble!" usal ni ni Shun.

"'Yong hotdog ko, Con? Luto na ba?" tanong ni Cal.

"Scrambled egg lang 'yong akin at sausage," segunda ni Tim.

Napatitig ako kay Con. Nangungunot ang noo nito sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya.

"Do you want me to fry both of your face, Salboza? Delgado? " patungkol nito kay Calum at Tim.

Napalunok ang dalawa sa sinabi nito at sabay na tumayo.

"Sabi ko nga ako ang magluluto. Akin na 'yang frying pan, Con. Hindi ka naman mabiro." Naglakad papunta si Calum kay Con at kinuha ang hawak na sandok at frying pan.

Nagsimula ng magluto ang dalawa. Nagtatalo pa ito habang nakasimangot. Napailing sa kanila sina Con at Areon.

"Hinay-hinay lang, Cal, baka masunog ang piniprito mong sama ng loob," asar ko sa kanya at tumawa. Mas lalo siyang napasimangot at napatingin kay Con.

"Tamad-tamad nito,"  patungkol niya sa kaibigan. Hindi iyon kahinaan kaya narinig ni Con. Hindi niya alam na nasa likod niya na ang kaibigan dahil nakatutok ito sa niluluto. "Kapag kay Ysa ang sipag-sipag tapos ako na kaibigan ayaw man lang ipagluto. Hindi na kita lab, Con-con!" Matunog niyang sinalansan ang mga hotdog na niluluto sa isang plato.

"Problem with that, Salboza? Are you my girl?"

Kasabay ng pagdiin ni Con ng salitang iyon ay siya namang pagtibok ng puso ko. Hindi ba siya nahihiya sabihin iyon? Hindi niya ba alam ang mararamdaman ko tuwing sinasabi niya iyon? Halos himatayin ako sa pag-iisakandalo ng puso ko!

"H-ha? May sinabi ba ako? Nagugutom na ako, kumain natayo!" Alangan siyang tumawa at dali-daling lumayo kay Con at naupo sa katapat kong upuan.

Napadako ang tingin niya sa akin kaya agad akong nataranta. Gamit ang kamay ay kinuha ko ang mainit na hotdog ni Calum sa mesa.

Ano?!

Ang pangit naman ng sinabi kong iyon. Bumiberde tuloy ang pag-iisip ko! Naman, Ysa.

"Aray!" Napabitaw ako sa hotdog dahil mainit pa ito.

"Are you okay, Ysa?"

"Okay ka lang?"

"Mainit pa 'yan!"

Napatayo silang lima at sabay na pumunta sa kinalalagyan ko. Napaupo ako ng walang oras at napakurap-kurap.

Isa-isa ko silang tiningnan. Nag-aalala ang mga ito. Problema ng mga 'to? Napaso lang, e. Akala mo nasaksak ako ng sampung beses sa reaksiyon nila.

Ngayon ko lang napansin. Bakit parang magkakamukha ang mga 'to? Ganito ba kapag magkakaibigan? Naghahawaan ng mga itsura?

"You okay?"

"Hindi kasi nag-iingat."

"May tinidor kaya, Ysa!"

"Bakit mo kasi kinamay?"

"Tsk."

"Teka, teka lang." Nilagay ko sa ere ang dalawang kamay. "Okay lang ako, oh. Maka-react kayo riyan para akong nasa kritikal na kondisyon. Maupo na nga kayong lima." Napailing na lang ako sa ginawa nila at natawa.

Napangiti ako at sinimulan na naming kumain. Noon, sanay ako sa tahimik na apartment. Mas gugustuhin kong manatili sa mga tahimik na lugar. Ngayon, gusto ko na lang nang maingay, kagaya nito, kasama ang limang ito.

Masaya ako sa kaguluhang dumating sa buhay ko. Noong una, oo, pinagsisihan ko ang pagkikipag-usap kay Con. Gangster kasi ito at kilala sa eskwelahan. Nakaiinis man siya minsan, topakin man, hinding-hindi ko pinagsisihan na makilala siya—sila.

Ayoko ng gulo pero iyon ang mundo nilang lima. Gulo ang kusang humahabol sa kanila at pati na rin ngayon sa akin. Kahit na ganoon, hindi ko maiwasang humanga sa samahan nilang lima. Nandiyan sila para sa isa't isa.

---


MADILIM na at nandito pa rin ako sa labas ng apartment tinitingala ang mga bituin.

'Nay, 'tay, huwag kayong mag-alala riyan. May nag-aalaga sa aking mga kaibigan, hindi na malungkot ang buhay ko simulang dumating sila.bpinoprotektahan din nila ako 'nay, 'tay. Parang pamilya na ang turung ko sa kanila.

"What are you thinking?" biglang sumulpot ng isang boses. Agad akong napatunghay.

"C-con."

"Gabi na, bakit nandito ka pa sa labas?"

"Kinukwento ko lang kayo kina nanay at tatay." Tinuro ko ang dalawang magkatabing maliwag na bituin sa langit.

"Hi po, tita, tito." Napalingon ako kay Con ng sabihin niya iyon. Nakatingala lang ito sa langit at tinitingnan ang tinuro kong bituin. "I'm Con Lolarga, sayang at hindi ko po kayo makikita." Bahagya itong ngumiti, isang malungkot na ngiti. "I promise to protect Ysa for you. I will assure you that she will live happily."

Ewan ko pero napangiti ako sa mga sinasabi ni Con. Walang pag-aalinlangan ang mga mata nito habang kinakausap sina nanay at tatay sa langit.

"Con," saad ko.

Napatingin siya sa akin. Biglang bumagal ang oras at ilang minuto kaming magkatitigan. Ang bawat tibok ng puso ko ay may sayang dala.

"Salamat. Maraming salamat sa lahat," sinsero kong wika.

Ngumiti siya sa akin na nagpatunaw sa puso ko. Agad niyang ginulo ang buhok ko. Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ang sasabihin.

"Salamat din dahil kung wala ang tulong mo ay wala akong scholarship ngayon." Bigla siyang napatigil sa sinabi ko.

"Tsk. Did mom told you that?" hindi makapaniwalang aniya.

"Oo. . ."

"Tsk."

"Con."

"What?" bigla siyang naging masungit pero hindi ko iyon pinansin.

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para halikan ang pisngi nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon na nagpatulala sa kanya.

"Sana ay maging maayos ang pakikitungo mo  sa mga magulang mo. Higit na magiging masaya sila kapag iyon ang iyong ginawa." Tumalikod na ako at naglakad papasok sa apartment hawak-hawak ang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top