CHAPTER 24
Chapter 24: Period
LUMIPAS ang mga araw at heto ako, buhay pa rin naman. Walang umaaligid na mga hindi kilalang tao at walang magtatangka dahil na rin sa banta noon ni Con sa lahat ng gang na nasa loob ng arenang iyon.
Nakabibilib lang dahil ganoon pala ang kapangyarihang dala kapag kayo ang nangunguna sa gang world. Halos walang mag-aabalang kalabanin ka dahil alam nilang matatalo lang sila.
Kaya siguro pinag-aagawan ang posisyong iyon dahil hindi lang kapangyarihan kung 'di respeto rin sa ibang grupo ang makukuha. Pati na rin ang mga koneksiyon sa iba't ibang gang na nasa loob ng bansa.
Ngunit, sabi nga, mas malaking kapangyarihang tinataglay nila ay may kaakibat na mabigat na resposibilidad. Bawat segundo ay may magtatangka sa buhay nila na taong hayok sa kapangyarihan.
Hindi lahat ng taong nasa gang world ay masaya para sa panalong tinatamasa ng grupo nina Con.
Dahil na rin na ginawa ni Con doon sa arena ay napagpasyahang nilang turuan ako kung paanong protektahan ang sarili kung sakali mang wala sila sa tabi o sa mga delikadong sitwasyon ng buhay ko.
Tuwing walang klase o 'di kaya kapag nakauwi na sa apartment ay magtuturo silang lima sa akin kung paano protektahan ang sarili.
Nakukuha ko naman ang mga tinuturo nila kaso nga lang iba talaga ang lakas ng babae kaysa sa lakas nila. Lalong-lalo na kapag si Con na 'yong nagtuturo sa akin.
Napakaistrikto niya. Talo pa yata ang mga guro sa G high sa ginagawa niya. Palaging sermon ang abot ko kapag hindi ko nakukuha ang ibig nitong sabihin.
Matapos ang ginawa kong pagsunod sa kanila ay nakakuha ako ng iba't ibang sermon galing kina Areon, Shun, Tim, Calum at Con. Ang sermon sa akin ng tatlo ay parang pag-papaalala lang at pagpapaintindi sa akin na dapat ay hindi ko iyon ginawa. Subalit, sa dalawa, kina Areon at Con, halos mapuno ang tenga ko sa kaliwa't kanan nilang mura. Halos lahat yata ng pangungusap ay may dalang d*mn it, f*ck them at kung ano-ano pa.
Hindi na rin naungkat pa ang usaping iyon. Hindi man lang nagtanong si Con kung saan ko na nakuha ang impormasyon para malaman ang lokasyon ng pinaggaganapan ng away na iyon. Ano pa ba ang aasahan sa lalaking iyon? Para yatang may radar ang ulo no'n at kahit hindi ko sabihin ay malalaman at malalaman niya pa rin.
Hindi ko rin nakita si Ivan matapos na sabihin iyon sa akin. Hindi ko siya matiyempuhan sa G high.
"Ysa, put some force on your punch," utos ni Con sa akin.
Lumaylay ang balikat ko nang marinig iyon sa kanya. Ano't ganito na lang siya? Walang kapaguran ang lalaking ito. Kanina niya pa ako tinuturuan. At lahat ng mga tinuturo niya ay hindi ko makuha, kahit nga sa simpleng pagsapak nga lang sa mukha niya ay hindi ko magawa.
Oo! Pinapasapak niya ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote nito at bakit ako nito pinapasapak sa pagmumukha niya pero ayokong gawin iyon. Baliw na yata siya!
Nagpapasalamat akong bumalik na ang pagiging maloko niya sa akin kagaya noong una naming pag-uusap sa G high. Pero parang pinagsisihan kong bumalik siya rati.
Paano ba naman, konting mali ko ay ang dami na niyang idinadada sa akin. Kesyo umayos raw ako, kesyo dapat gawin ko ng maayos at ganiyan dapat. Bawat galaw ko, may komento agad siya. Parang gugustohin ko na lang na huwag siyang magsalita 'gaya ng dati.
Bukod doon ay hindi rin talaga ako nakakapag-pokus. Nahihirapan akong huwag intindihan ang nararamdaman. Lalong-lalo na tuwing nagtatama ang mga katawan at kamay namin kapag nag-i-sparring.
"Ysa! Focus! What are you dawdling?! If I were a killer, you must be dead for an instance," inis na aniya.
Napayuko ako ngunit agad niyang inabot ang baba ko para mapaangat ang ulo. Napalunok na ako ng ilang ulit sa ginawa niyang iyon. Nagdala ang paghawak niya ng ilang boltaheng kuryente na naging dahilan para umiskandalo ang sistema ko.
"What are you thinking? You okay?"
Ikaw.
"A-ano. . . kasi. . . n-nagugutom na ako, Con. K-kanina pa tayo rito. Pagod na pagod na rin kasi ako," pagdadahilan ko.
Kalahati ng sinabi ko ay totoo dahil talaga namang pagod na pagod ako. Makailang ulit niyang pinapagawa sa akin ang pagsuntok ngunit parang nakukulangan siya roon, partida buong lakas na ang inilagay ko sa bawat pagsuntok.
Tumitig muna si Con sa akin at napabuntong hininga. "Okay then. Let's end this for today. I will teach you tomorrow how to defend your self when someone wants to harm you using a knife or gun." Tumalikod na ito sa akin.
Dahil alam kong hindi niya naman makikita ay napanguso ako. Sabado na bukas pero magtuturo pa rin. Walang break muna? Dapat talaga tuloy-tuloy? Araw-araw? Pusang gala talaga!
"Con. . . puwede sa susunod naman?" Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay mabilis niya akong nilingon.
Nagbabanggaan ang dalawang kilay nito at kulang na lang ay maging isa na. Tila iyon na 'yong salitang pinakaayaw niyang marinig ngayong araw.
"Danger is everywhere, Ysa. Do you think they will wait for you to be ready?"
Napaiwas ako. Alam ko naman 'yon pero pagod na talaga ako. Halos wala na ngang oras para magpahinga. Parang hindi ako mamatay sa kamay ng kalaban kung 'di rito sa ginagawa namin.
Gusto kong matulog at magpahinga bukas ng buong araw. Para kasing hindi sapat ang tulog ko gabi-gabi. Idagdag pa 'yong pag-aalala ko sa mga taong magtatangka raw sa akin.
Sino ba naman kasi ang hindi mangangambang tao kapag nalaman nilang delikado ang buhay nila at anumang oras ay mapapahamak sila, diba?
"Hindi naman sa gano'n , Con. Ilang araw na rin kasing walang tigil ang pagtuturo ni'yo sa 'kin. Sanay ang buong katawan ko sa trabaho pero hindi sa ganito. . ." pagpapaintindi ko at napaiwas ulit ng tingin.
Nang mapabalik 'yong tingin ko sa kanya ay nag-iba na ang emosiyon nito. Nanlambot ang mata niya at naglapat ang mga labi.
"Sorry."
"Ha?" Napaawang ako sa sinabi nito.
"Sorry. I didn't consider you first. . . I. . . uh. . . I. . ."
Natawa ako bigla sa inasta niya. Ewan ko nga ba. Tila hindi niya na madugtungan pa ang sasabihin kaya para siyang engot. Hindi ko alam ang susunod na mga salitang pero nakatatawa talaga siya.
Hindi ko mapigilan iangat ang dalawang kamay at naglapat iyon sa magkabila nitong pisngi. Doon ko pinanggigilan ang mukha nito.
"Ang cute!"
Napatitig kaming dalawa sa isa't isa at bigla na lang may sumipa sa loob ko. Umiiskandalo na naman ang puso ko sa mga titig ni Con. Biglang nagsipasukan ang mga sinabi nito sa isip ko.
"I'm her boyfriend. Problem with that, Clin?"
DON'T touch your filthy hands on my girl, dumb*ss! Remove it or I'll f*cking kill you, right here, right now!"
"Ysabelle is a different story. Stop comparing the past and the present, Eznovarro. I will do anything just to protect my girl. We will protect her."
My girl. . .
Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Ilang segundo lang ay napagtanto ko ang ginawa. Namilog ng husto ang mga mata ko at namula sa kahihiyan.
Napalayo ako at tinago ang dalawang kamay sa likod. Marahas akong napalunok at hindi magkandaugaga sa paggalaw ng mga mata sa buong apartment.
Napapikit ako at kinurot ang sarili sa ginawa. Ano bang pinaggagawa mo, Ysa? Anak ng pusang gala! Lumi-level up ka na ngayon at nanghahawak ka ng mukha na may mukha!
Hindi ko dapat ginawa 'yon! Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Palihim akong napatampal sa kamay. Para silang may sariling utak.
"A-ah. . . g-gutom na g-gutom na talaga ako. K-kakain lang ako a-ah?" Dali-dali akong nagtungo da kusina at kumain. Tila hindi oo na nga ngunguya ang pagkain at diretso lunok na lang.
Mainit pa rin ang mukha ko at ramdam ko pa rin ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Pansin ko nang bumalik sa rati si Con, may mga nagagawa akong hindi ko naman nagagawa. Tulad na lang 'yon.
Naman! Ysa, e!
Mabilis kong natapos ang pagkain at siya namang pasok ni Con sa kusina. Awtomatiko akong napatayo na naging dahilan para umabante ang mesa na gumawa ng ingay. Napatigil sandali si Con na maynangungot na noo.
"What's wrong with you today?" puna nito at lumapit sa akin.
Mabilis akong tumalikod at nilagay sa lababo ang pinagkainan. "H-ha? B-bakit? Wala naman akong napapansing m-mali sa 'kin," utal kong sabi at hinugasan ang pinggang.
"Hmm. . . maybe I'm just imagining things."
Naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko na naging dahilan para hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Pasimple ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata at halos mabulunan ako ng sariling laway nang mas lumapit pa ito.
Nawalan ako ng lakas ng naging dahilan para mabitawan ang pinggan na hawak sa pagkuha nito ng baso sa kabinet. Bakit ba kasi roon nilagay ang lagayan no'n?!
"H-hala!" Nanlaki ang mata ko ng makitang pira-piraso na ang platong hawak kanina. Tumama iyon sa basong gawa rin sa bababasagin materyales. Dalawa tuloy ang nabasag kong kagamitan.
Ganoon na ba ako ka-distracted sa taong ito?
"Don't," huli na nang sabihin ni Con iyon.
Sa pagkatataranta ko ay wala sa sariling pinagkukuha ko ang mga basag na piraso.
"Okay l-lang—"
"Tsk. Look at your hands! D*mn! It's bleeding, can't you see?!" inis na aniya at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya napatigil ito sa pagkuha ng mga bubog.
Napatingin ako roon at tama ngang dumudugo na iyon. Hindi ko man lang napansin dulot ng nararamdamang pag-iiskandalo ng dibdib ko. Hinila ako nito kaya nabitawan ko ang mga bubog at naiwan iyon sa lababo.
"Sit," utos nito kaya napaupo ako ng wala sa oras sa sofa ng living room.
Napalunok ako. Para naman akong aso nito. Lihim akong napanguso sa sinabi niyang 'yon. Ilang segundo lang ay narito na agad siya dala-dala ang bulak at betadine. Mayroon rin siyang dalang malinis na puting tela.
"Tsk." Kinuha niya ang kamay ko at sinimulang linisin. "How many times that I told you that you should take care of yourself?" Napatulala ako sa sinasabi nito. May bahid mang inis ngunit alam kong nag-aalala siya. "I don't want to see you're hurting, Ysa. Hindi ka ba talaga marunong mag-alaga sa sarili mo?!" Natapos na niyang linisan ang mga sugat ko at mabendahan na rin.
Doon na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Ilang minuto kaming nagkatitigan at nasa ganoong posisyon ng biglang bumukas ang pinto ng apartment namin.
"Wooah!"
"Wrong timing yata tayo? May naglalambingan!"
"Ang gandang tanawin!"
"Tss."
Agad kaming napalayo ni Con sa isa't isa. Napatayo rin ako at ganoon din siya. Nagsilapitan ang apat sa amin at agad nilang pinagpyestahan si Con.
Lumapit si Calum bigla sa akin. "Ysa kayo na ba? Kailan ang magiging anak niyo? Ninong ako ah?!"
"H-ha?" iyon lamang ang nasabi ko at napatigil ang tatlo, napailing lang si Areon at naupo sa sofa.
Kusang naglaglagan ang mga balikat nina Calum, Shun at Tim sa sinagot. Bakit? May mali ba roon sa sinabi kong iyon?
"Anong meron?" taka ko pa.
Napatingin silang tatlo kay Con nang sabay-sabay. Nanahimik silang lahat at bigla na lang nagsihagalpakan sa tawa. Wala akong kaide-ideya kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon nilang tatlo. Tinuro-turo pa ni Calum si Con at tinapik-tapik sa balikat.
"Tsk. F*ck off," iritang saad ni Con.
Mas lalo sipang natawa. Nabaling tuloy ang tingin ko kay Areon at naghihingi ng tulong kung bakit ganoon sila. Nagkibit-balikat lamang ito at ngisi-ngising napaiwas ng tingin.
May kanya-kanya silang posisyon sa apartment namin kaya pimabayana ko na lang. Dito raw sila matutulog, sleep over raw. Wala namang ibang kuwarto rito kaya doon na lang daw sila sa living room. Nakukuha naman daw nilang matulog sa kahit anong posisyon kahit nga ang numerong kasunod ng 68 ay kuhang-kuha nila. Mga loko-loko. Ang beberde ng mga utak.
***
NAGISING ako nang namimilipit sa sakit. Pupungay-pungay ang mata akong napatingin sa orasan at alas kuwatro y medya pa lamang ng umaga.
Sobrang sakit ng puson ko!
Ngayon ba ang dating no'n? Nawala ako sa bilang kaya nakalimutan ko. Lahat naman yata ng babae nakakalimutan minsan kung kailang sila dinatnan.
Kahit namimilipit sa sakit ay tumayo ako sa kama at pumunta sa cr para tingnan kung mayroon nga ba ako.
Napabalik ako sa drawer ng tama nga ang hinala ko. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang walang laman na drawer. Napatampal ako sa noo. Hindi pala ako nakabili! Nakalimutan ko!
Napahawak ako sa puson ng sumakit iyon. Naman oh! Puwede naman sanang madatnan pero bakit may sakit pang dala? Pusang gala talaga.
Sino naman ang uutusan kong bumili sa ganitong oras? Ayoko namang ako ang bumili dahil baka matagusan lang ako wala akong pantapal!
Nanlaki bigla ang mata ko ng sumagi sa utak ko si Con. Siya na lang kaya? Napailing ako. Nakahihiya! Lalaki 'yon! Pero. . .err. . .bahala na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top