CHAPTER 23
Chapter 23: My Girl
“DON’T touch your filthy hands on my girl, dumb*ss! Remove it or I'll f*cking kill you, right here, right now!” dumagundong ang boses ni Con sa inagaw nitong mikropono na nagpatahimik sa lahat.
Napalunok ako, may ikatatakot pa pala iyong boses niya. Ultimo pagkarinig mo no’n ay baka maihi ka na lang sa kinalalagyan. Alam kong ramdam din iyon ng mga taong kasama ko sa loob ng arenang ito dahil naitikom nilang lahat ang bibig nang ganoon kabilis.
Napabitaw ang lalaking nakahawak sa akin sa takot. Agad akong napalayo ngunit hindi iyon naging sapat para makalayo sa kanya ng tuluyan. Saka hindi ako agad makalilipat ng p’westo sa kumpulan ng mga taong nanonood.
Nabalot nang nakabibinging katahimikan ang paligid bago naagaw ang atensiyon ng lahat ang pagtawa ng isang lalaki at papasok na iyon sa ring.
Ito ba ang serpent gang? Tanging ang mga tattoo na ahas lamang ang alam ko para makilala sila. Ngunit sa distansya ko ay hindi ko kita ang mga tattoo nila. Baka natatakpan iyon ng mga damit nila o ‘di kaya ay maliit lamang kaya hindi ko ito nakikita sa malayuan. Bukod doon ay wala nang ibinigay na impormasyon si Ivan ukol sa bagay na iyon kaya wala na akong nalalaman pa.
Nakatalikod rin ang limang kalalakihang iyon sa direksiyon ko kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Tanging naaaninaw ko lang dito ay ang galit sa mukha ni Con habang pinupukol ang taong nagsasalita.
“F*ck you!” Inambahan siya ng suntok ni Con ngunit nakailang lang ang lalaking iyon na nagpalakas lalo nang halakhak nito.
“Look, the leader of the most powerful gang in the country loosing his cool because of that girl.” Humarap ito sa akin at hinawakan akong muli ng lalaki sa gilid ko. “I think I catch something good as a fish.”
“C-con. . .” nasambit ko na lamang kaya napatingin sa akin ang mga taong nakarinig no’n.
Ang tingin nila’y hindi nanghuhusga pareho ng nararanasan ko sa eskuwelahan ngunit ito’y natutuwa. Tuwang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Mas lalong gumapang ang kaba sa sistema ko at hindi ko nagawa pang gumalaw. Tila naestatwa na lang ako nang ngumisi ang iilan sa kanila.
Sumenyas bigla ang lalaking sinuntok ni Con kaya hinawakan ako ng lalaking nasa likod ko sa magkabilang kamay. Pinigil ko na lamang ang mapadaing at napakagat sa pang-ibabang labi. Mas lalong humigpit ang pagkahahawak ng lalaking iyon.
Tanaw-tanaw ko pa rin si Con. Nagsimula na ang labanan sa dalawang grupo. Ang kaninang nakangisi at tatawa-tawang sina Calum ay bigla na lang sumeryoso.
Paminsan-minsang sumusulyap ang apat sa gawi ko at gigil na inambahan ang bawat kalaban.
Lima laban sa lima. Kung kanina ay malalaman mo agad na mananalo ang grupo nina Con, ngayon nama’y napakahirap itong timbangin. Walang nagpapatalo. Walang nagpapagalos. Bawat isa ay mainit ang mata sa kalabang kanilang hinaharap.
Ang tanging nagagawa ko na lamang ay magdasal na sana matapos at hindi sila mapahamak. Mga impit na tili lang ang ginagawa ko tuwing may nilalabas na armas ang bawat isa.
Kanina ay puro suntok lang at kamao ang tanging ginanamit nina Con, ngayon ay may mga hawak na itong uri ng mga panaksak. Sa kabilang grupo ay ganoon din ang kanilang mga hawak ngunit naiiba iyon sa hawak nina Con.
Napalulunok ako sa mainit na labanan. Ang kaninang tahimik na nanonood ay lalong nagsi-ingayan. Tila nananabik sa kung sino man ang uuwing duguan sa dalawang kupunan.
Napasinghap ang mga tao pati na rin ako nang biglang tamaan ng suntok sa mukha si Con.
“Pusta ako, mananalo pa rin ang Columnar.”
“Sa Serpent ako! Malakas ang lider nila ngayon dahil pinalitan ito. Balita ko, ang dating lider ng serpent na si David ay natalo sa bagong lider nila. G*go ‘yong si David! Bagay ‘yon sa p*tang*nang ‘yon!”
“Hunghang! Baka may makarinig sa ‘yo, matagpuan ka na lang na walang buhay bukas!”
“Wala akong pakialam! Ilang ulit na akong pinagtangkaan at heto ako, buhay!”
Dahil na rin sa distansya ng mga nag-uusap na iyon sa akin ay dinig na dinig ko ang mga pinag-uusapan nila kahit puno nang sigawan at mura ang nakapalibot sa akin.
Naglapat ang mga labi ko, ganito ba talaga ang mundong ginagalawan nila? Konting kibot lang ay magpapatayan na?
Napasulyap ako sa mga taong nag-uusap na iyon. Wala na yatang paglalagyan ang mga tattoo nila dahil nalikop na iyon ang buong balat nila. May mga malalaking metal na hikaw na nakasabit sa tenga nila, ganoon din sa gitna ng kanilang mga ilong. May mga sukbit ang bawat isa sa kanila ng mga armas. Nakatatakot!
Napaatras ako nang sumulyap sa akin ang lalaking nagsasalita. Tila hindi ako makagalaw sa sama ng tingin nito ngunit kalaunan ay binalik rin niya sa harap ang tingin.
Napuno ulit ng mga sigawan ang buong arena kaya napabaling akong muli sa direksiyon nina Con. Napasapo na lang ako sa bibig nang makitang nakapikit ang isa nitong mata, marahil ay natamaan ng suntok ng kalaban.
Sa ganoong kaikling minutong pagkawala ng atensyon ko kay Con ay hindi ko na nasundan pa ang labanan nila. Ngunit sa nakikita ko ay sigurado akong sino ang mananalo.
Bagsak ang mga kalaban nila. Ang tanging natitirang nakatayo lamang ay ang lider nila na nakatalikod pa rin sa sa akin. May kung ano sa loob ko na dapat ay malaman kung sino-sino ang mga miyembro at lider ng serpent gang ngunit parang ipinagkakait iyon sa akin ngayon ng pagkakataon.
Hindi ko man rinig ang pag-uusap nina Con at ng lider ng mga kalaban ay nasisigurado kong nag-aasaran sila ni Con. Base na rin iyon sa ngising nakikita ko mula kay Con. Ilang minuto ang tinagal ng pagkahaharap ng dalawa hanggang inanunsiyo na ang resulta.
“And still, undefeated! Columnar gang!” kaswal lamang na ani ng announcer.
Tila inaasahan na nito ang magiging resulta ng labanan at hindi na iyon bago sa kanya. Napuno nang hiyawan at ng mura ang buong paligid. Sa pagkakataong iyon ay napatingin si Con sa akin.
Ganoon na lang ang pagbitaw ng lalaking nakahawak sa akin kaya agad akong napalayo ulit, hawak ang brasong namula dulot ng pagkahahawak nang pagkahigpit-higpit.
Nangiligid ang luha ko nang isa-isahing binalingan ang lima sa loob nang malaking ring. Nakaupo sa sahig sina Calum at Tim, tila pagod na pagod. Si Shun ay nakatayo lamang sa tabi ni Areon at parang nag-uusap sila. Si Con ay seryosong nakatitig lang sa akin at hinablot sa ikalawang pagkakataon ang mikropo ng announcer.
Wala pang lumalabas na salita sa dibdib nito ngunit nag-iiskandalo na ‘tong puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng puso ko tuwing nagtatagpo ang mata naming dalawa.
Matagal ko na itong pinag-iisipan ngunit binabaliwala ko lamang. Pilit ko itong winawaglit sa isipan subalit balik pa rin nang balik. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano itong nararamdaman ko. . . nararamdaman ko para kay Con.
“See that girl?” Tinuro ako nito na nagpakabog ng husto sa dibdib ko. “That girl is mine!” baritonong boses na anito habang titig na titig sa akin. Halos may sumisipa mula sa loob ko at gustong kumawala. Naglingunan ang lahat ng tao sa akin. “If you dare to touch your f*cking hand on her, I will torture you to death until you beg for mercy,” dagdag pa nito at marahas na inabot sa lalaki ang mikropono.
Naglakad na siya papunta sa akin at parang huminto ang oras. Tila nawala ang mga tao sa paligid at tanging siya na lang ang natira. Kahit na may mga galos ay hindi pa rin iyon naging dahilan para bawasan ang kagwapuhang taglay niya. Hindi ko maiwasang mapatulala sa magulong asul nitong buhok.
Nang malapit na ay saka lamang ako nito hinawakan nang mahigpit. Nabalik ako bigla sa reyalidad at nawala ang lahat ng mga paghangang iyon. Napalitan iyon ng kaba. Kabang kanina ko pa nararamdaman sa bawat pagsulyap nito ng may seryosong mata. Paktay ako!
***
“SERIOUSLY dude? Announcing her as your girl on that freakin’ place? What the f*ck? Hindi ka ba nag-iisip?” inis na bungad ni Areon nang makarating kaming lahat sa apartment.
Napatikom ako ng bibig dahil parang hangin ako rito at hindi nila isinasali sa diskusyon. Ako iyong laman ng usapan nila pero minabuti kong huwag sumingit. Hindi naman kasi ako makasisingit. Lalong-lalo na’t inis na inis itong si Areon.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ang daming salitang lumalabas sa bibig niya kanina pa nang pauwi na kami, lalong-lalo na ang mga malulutong nitong mura kay Con. Mas tumindi pa iyon nang makauwi kaming lahat dito.
Hindi ko man lang nasilayan ang mga mukha ng nasa serpent gang dahil basta-basta na lang akong kinaladkad ni Con. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang parte ng kamay ko kung saan niya ako kanina hinawakan. Wala na akong nagawa pa kanina dahil parang mangangain ng tao si Con.
Narito kami ngayon sa living room at hindi man lang nila ginamot ang mga kaunting galos na natamo. Pinabayaan lang nila iyon at hindi ininda. Paroon at parito si Areon habang kami naman ay nakaupo lang.
Sumang-ayon sa kanya sina Shun, Tim at Calum. Si con? Hayun, nakadaop ang dalawang palad at hindi man lang nagsasalita.
“Con?! Are you even listening to me? D*mn it! I never thought that you will do it there! Just great, Lolarga! Great! How can we supposed to protect her if ever she became the target?! We are not in the same school!” Ginulo ni Areon at buhok at parang nawawalan na ng bait.
“Ars, calm down,” pagpapakalma ni Tim.
“How Delgado? How?!” Sinipa ni Areon ang sofa kung saan siya kanina nakaupo. “Your d*mn friend will involve Ysa in our world. You know how dangereous it is! We don’t want history repeat itself! Not her. Not another innocent life. We can’t guarantee her safety!”
Napatahimik ang lahat sa sinabi nito. Tila nag-iisip ang bawat isa sa sinabing punto ni Areon. Nabaling ang tingin sa akin ni Calum ngunit nag-iwas din ng tingin saka yumuko. Ganoon din ang ginawa nina Shun at Tim. Si Con ay hindi man lang sumulyap sa akin—sa amin.
History repeat itself? Napuno ng kuryosidad ang sistema ko sa ibig pakahulugan ni Areon. Tanging ako lang ang hindi nakasusunod sa bawat sinasabi niya.
Ano ang nangyayari? Blangko ang utak ko at walang kahit anong mahitang sagot sa kanila. Gusto kong magtanong kung ano ba o may nangyari ba noon pero minabuti kong huwag na lang. Mas gugustuhin kong sa kanila iyon manggagaling at hindi ko pinipilit o napipilitan lang sabihin sa akin.
“Ars. . . you don’t need to bring back the past here. . .” Sumali na si Shun at hinarap si Areon.
“And what you will expect me to say? That no one will happen to, Ysa? That everything will be okay after what Lolarga do? Dude! Ganitong-ganito ang nangyari noon! Ganitong-ganito! She will end up like her! She will—” hindi natapos ni Areon ang sasabihin nang bumagsak ito sa sahig.
Napatayo kaming lahat nang masamang pinupukol ng tingin ni Con si Areon. Nakaupo pa rin si Areon sa sahig at sinasabayan ang masamang titig sa kanya ni Con.
Pinahid ni Areon ang dugo sa gilid ng labi nito habang hindi inaalis ang tingin kay Con. “Punching me like that will not solved anything, Lolarga.”
“Stop saying nonsense, Eznovarro. She will not end up like your girlfriend! We will protect her at all cost!” seryosong sabi ni Con sa kanya.
Girlfriend? Napanganga ako sa narinig at nagtatanong na napatingin kina Calum pero umiwas lang sila ng tingin sa akin.
May girlfriend pala si Areon? Bakit hindi ko iyon alam? Wala siyang sinasabi sa akin o hindi kaya dinadala rito. Tinatago niya ba ito?
Tumawa si Areon sa sinabi ni Con kaya agad na nangunot ang noo ko sa inasta niya. “Protect her at all cost? Are you nuts, Lolarga? We did protect Lisa but what happened? She died! She f*cking died because of me—us! We do what we got but it end up like that! Tell me, Lolarga! F*cking tell me to stop thinking this way. She will end up like her! She will eventually die because of you! You can’t protect her!” sigaw ni Areon pabalik.
Mahigpit na napakuyom si Con sa narinig. Dumamba ito kay Areon at kinuwelyuhan. “Ysabelle is a different story. Stop comparing the past and the present, Eznovarro. I will do anything just to protect my girl. We will protect her,” diing ani Con at binitiwan si Areon.
My girl. . .
Mayroong sumipang muli sa loob ko nang marinig ulit ang salitang iyon kay Con. Seryoso lang ito at tila hindi nagbibiro sa binitiwang salita.
Napalunok na lang ako nang bumalik ang isiping namatay ang girlfriend ni Areon. Hindi ko lubos na maisip ang sakit na iniwan no’n sa kanya. Natitiyak kong hindi pa naghihilom iyon base na rin sa reaksiyon niya ngayon. Sugat na kahit anong gamot ay hindi magagawang mapagaling iyon.
Ngayon ko lang napagtanto na ang layo-layo talaga nila sa akin. Wala akong alam sa mga buhay nila. Wala akong alam sa mga pinagdaraanan ng bawat isa.
Napabaling si Areon sa akin at lumambot bigla ang ekspresyon.
Kaya siguro ganoon si Areon dahil may pinangagalingan ang laman ng sinasabi niya. Siya iyon maaalahanin sa grupo at palaging tinitimbang ang bawat desisyon ni Con at ng ibang kasama. Siya itong kumakalkula sa mga posibilidad at palaging nagbababala sa lahat.
Hindi niya man iyon aminin sa apat, mahal na mahal at pinapangalagaan niya ang bawat kaibigang narito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top