CHAPTER 22

Chapter 22: Gang Fight



“WHAT now? Stop sticking your nose with my business, just mind yours.”

Hayun na naman ang paborito nitong linya. Ayaw na ayaw niya talaga pinapakialaman siya. Ang kabang naramdaman ko ay napalitan ng inis.

Sa inis ko ay nasampal ko siya. Nagulat din ako sa ginawa kong iyon pero hindi ko na lang iyon inintindi pa. Buti nga iyon sa kanya! Para naman magising siya!

“Nadiyan pa sila sa buhay mo, Con! Pero kung makaasta ka sa harap nila ay parang pinagtatabuyan mo pa! Pinagdadasal ko na sana buhay pa rin ang magulang ko! Na sana ay nandito sila sa tabi ko, na sana marami pa silang oras para makapiling ko pero ikaw? Sinasayang mo lang ang oras na binibigay nila sa ‘yo!” Marahas kong pinunasan ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko.

Wala akong natanggap na tugon sa sinabi ko. Nakabaling pa rin sa kaliwa ang mukha nito dulot nang sampal ko. Hindi ito gumawa ng kahit isang galaw. Nang walang matanggap na tugon ay napagpasyahan ko na lang na umalis sa harap niya.

Mabibigat na hakbang ang  ginawa ko pasan ang sama ng loob sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko na mapigilan pang umiyak. Minabuti kong huwag tumungo sa loob ng mansyon. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapunta ako sa likod ng bahay.

Kagaya rin ng sa unanahan ay may mga puno ng naririto ngunit ang kaibahan lang ay walang masyadong ilaw sa mga halaman. Ang nagsisilbing ilaw rito ay ang isang magandang anghel na may hawak na lampara.

Napaupo ako sa isang duyan na gawa sa kahoy ang upuan. Napatingla ako sa kalangitan ngunit mangilan-ngilan lang ang mga bituing nakikita dulot ng mga ulap na nakatakip sa kanila.

Nay, ‘tay, masaya na ba kayo riyan? Ako?  Oo, pero mas masaya sana kung nandirito kayong dalawa.

Bakit niyo ba ako iniwan? Bakit sa dinami-rami na dapuan ng sakit ay kayo pa? Sunod-sunod pa kayong nawala sa piling ko. Ang daya naman, e.

Mapait akong napangiti nang may shooting star akong nakita. Hindi naman totoong matutupad ang hiling mo kapag nakakita ka ng ganyan.

Dinuyan ko ang sarili ay nagmuni-muni. Tahimik rito kaya kumakalama ang puso ko. Ilang oras akong naglagi roon ngunit agad akong napatayo nang may maalala.

“Sa darating na sabado, may gaganaping gang fight sa underground. Con and his squad will be there. Lahat gusto silang makalaban para makuha ang pinanghahawakan nilang titulo.

S-sabado? Anong oras?

Sa sadado ‘yong birthday ni Tita Canthy! Hindi p’wede hindi ako dumalo roon.

12 midnight.

Napanganga ako sa narinig.

“A-ano? Bakit ganyan? Dis-oras ng gabi? Seryoso?

Nagkibit-balikat lang ito. “What do you expect? Sa umaga? Tanghali?” Tumawa si Ivan na parang iyon na ang pinakanatatawang birong bumenta sa kanya.

Mabilis kong hinanap ang papel kung saan sinulat ni Ivan ang address na gaganaping gang fight. Napahinga ako ng maluwag nang makita iyon sa likod ng cellphone ko.

Akala ko noong una ay napakaimposibleng nang pumunta sa sinasabi niya dahil dadalo pa ako sa kaarawan ni Tita Canthy pero hindi ko naman inaasahang dito din pala ang punta nina Con.

Ibig sabihin, pagkatapos ng party ay dideretso na sila ro’n? Mabilis akong naglakad para hanapin sila. Alas-onse na ng gabi kaya inaasahan kong aalis na ito ngayon sa kahit anong minuto.

Kailangan kong dalian!

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko na mahagilap ang kahit isa sa kanila. Unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga tao kaya nahihirapan akong hanapin sila.

“Ysa!” Napatigil ako nang marinig ang tawag si Tita Canthy sa akin. Agad ko siyang hinarap at ngiti nito ang unang sumalubong sa akin. “Did you enjoy tonight? Sorry at hindi kita naasikaso talaga, maraming visitors kasi ang pumunta.”

“Sobrang nag-enjoy po ako, tita. Naku! Okay lang po! Maraming salamat po sa pag-imbita sa ‘kin dito. Happy bithday ulit, tita. Sorry po dahil wala akong regalo sa—”

Hindi ako pinatapos si tita at nagsalita. “Ikaw talaga,iha. It’s okay. Presensiya mo lang sa gabing ito ay sapat ng regalo iyon sa akin.”

Ngumiti ako sa kanya. May gusto akong itanong pero nakahihiya naman. Ilang ulit akong napabuka ng bibig ngunit agad din ‘yon naglapat.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni tita. “May problema ba, iha?”

“Ah. . .ano po. . . kasi ano. . .”

“Si Con ba?” biglang sumabat si Tito Onard at hinapit sa bewang ang asawa.

Napalunok ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman? Napatango na lang ako at napaiwas ng tingin. Tumawa si tita.

“Is something going between the two of you?” intriga ngunit may panunuksong dalang tanong si Tita Canthy.

“P-po?”

Tumawa si Tito Onard. “Honey, stop it. Nahihiya si Ysa, oh.”

“Okay, okay, honey. I’ll stop.”

Nagkwentuhan kami ng ilang saglit at nagpaalam na ako. Ipahahatid pa sana ako nina tita’t tito pero hindi na ako pumayag pa.

At saka may plano pa ako kaya dapat ay maging malinis ang gagawin ko. Ano ba iyan, Ysa! Para kang kawatan naman niyan.

Napabuga ako ng hangin nang makitang alas-onse y miedya na ng gabi. Akala ko ay magtatagal pa ang usapan namin ni tita, ‘buti  na lang.

Nagpalingon-lingon ako at hinanap ang kotse ni Con. Dahil maraming sasakyan ang nakaparada ay hindi ko mahanap ang sasakyan niya. Parang impossible yata ang pinaplano ko ngayon.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit laking tuwa ko nang masilayan ang dark blue nitong kotse.

Ang sabi ni tita ay nasa kwarto pa niya si Con, nagbibihis daw. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para  masagawa ang pinaplano. Malilintikan talaga ako nito kung sakaling mahuli ako nito. Nasampal ko pa naman kanina iyon. Lagot talaga ako! Ngayon pa lang ay nananalangin na ako sa lahat ng santo na sana ay huwag niyang malaman ang gagawin.

Kagat-labi akong napalingon sa paligid at ginawa ang plano. Binuksan ko ang compartment sa likod ng kotse nito at namaluktot para maikubli ang sarili. Dahil walang laman ay maluwag akong nakagagalaw. Maingat kong sinara iyon at tuluyan nang binalot ng dilim ang paligid.

Hindi dapat ganito ang plano ko matapos ang party subalit naiba ‘yon sa mga oras na nakita ko si Con dito. Sa katunayan ay dapat aalis ako ng maaga sa party at magta-taxi papunta sa address na binigay ni Ivan, pero, hindi nasunod lahat ng iyon.

Ilang minuto ang nakalipas pero wala pa ring Con na pumapasok sa kotse niya. Sumagi sa isip ko na baka namali ako nang nasakyang kotse pero ito talaga ‘yon, e. Kotse talaga ito ni Con. Kilalang-kilala ko ang kotse niya. Malakas ang kutob ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang  mga nag-uusap sa labas. Nakilala ko ang mga boses nila at mas diniinan pa ang pagkatatakip sa bibig. Takot na makagawa ng kahit anong ingay.

“Did you see, Ysa?” tanong ni Con.

Natitiyak kong kasama niya ang apat. Ngunit, kumalabog ng husto amg puso sa tanong niyang iyon. Bakit niya ako hinahanap?

“No, bro. Baka umuwi na?” hindi siguradong sagot ni Areon.

“Nakita mo ba si Ysa kanina, Cal?” tanong ni Tim.

“Hoy, gag*! Nakikinig ka ba?” singhal ni Shun. Alam kong binatukan nito si Calum, sa ugali ba naman nito. Mahilig mambatok.

“Ay p*tangina, namatay ako! Ano ba Shun? Kitang nag-e-ml ang gwapo mong kaibigan, e.”

At ayon na nga. Narinig kong nagkararambola na sila na labas. Napailing na lang ako.

“Tss. Let’s go.” Napatigil lang iyon nang sabihin iyon ni Con. Umuga ang kotse at alam kong pumasok na ito sa loob.

“Let’s go! It’s time to shine na naman!” sigaw ni Calum.

Tumibok ng husto ang puso ko nang nagsimulang humarurot ang kotse ni Con. Ganito ba talaga siya kapag nagda-drive? Bakit hindi naman mabilis kapag hinahatid at sundo ako nito?

Ilang saglit lang ay napatigil na ang kotse. Nandito na ba kami?

Nakarinig ako ng sunod-sunod na mga pagbukas at sara ng pinto at nahihinuha kong silang lima iyon. Pinakiramdaman ko kung ‘andito pa ba sila pero parang wala na talaga.

Dahan-dahan kong binuksan ang compartment at iginala ang paningin sa paligid. Sobrang dilim! Lakas loob akong napaalis sa kinalalagyan at doon ko nakita ang pintuang napasukan nila. Napatago ulit ako sa likod ng kotse nang may isang grupong dumating. Pinagmasdan ko sila at nanakbo pa ang ilan patungo sa pintong walang bantay.

Sigurado ba ako rito sa pinapasok ko?  Huminga ako nang malalim bago pumasok do’n. Kinakabahan ako. Napayuyuko na lang ako kapag may taong tumititig sa akin.

Nakalimutan ko! Naka-dress pa rin pala ako, sana pala ay nagdala ako ng itim na damit para naman hindi ako masyadong mahalata nito. Naman, Ysa. Hindi ka talaga nag-iisip!

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad sa madilim na daanan hanggang sa bumati sa akin ang mga nakabibinging hiyawan at iba’t ibang uri ng amoy.

Nang mag-adjust sa liwanag ang mata ko ay doon ako napatigalgal. Halos manginig ang kamay ko sa nakita at pinagpawisan nang malamig. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa mga naglalabang kalalakihan sa gitna.

Ilang minuto ba ang ginugol ko sa labas? Ganoon ba ako napatagal?

Sina Con, Areon, Calum, Tim at Shun ay nasa loob ng isang malaking ring. Bawat isa sa kanila ay may sinusuntok. Tumatawa pa sina Calum na parang isang laro lang ang bawat pagbalibag at tadyak niya sa mga kalaban.

Napakurap ako ng ilang ulit. Tila ibang tao sila kumpara sa mga nakasama ko. Sila ba talaga iyan? Napapikit ako nang may hahampas na baseball bat sa likod ni Areon. Pagmulat ng mata ko ay nakahandusay na ang taong 'yon. Bigla akong nakahinga nang maluwag. Mabuti na lamang at hindi siya natamaan. Bagsak ang lahat ng kalaban nila. Kahit ni isamg galos ay walang natamo ang grupo. Ang gagaling nila!

Sunod-sunod ang pag-akyat ng bawat grupo at kakalabanin sila sa ring pero ni isa ay walang nakapatumba sa kanila. Halos lahat ng mga nakalaban ay kung hindi lupaypay o nanghihina ay nawawalan na lang ng malay sa sobrang bugbog sarado.

Lahat ng tao ay maghihiyawan at tila nasisiyahan kapag nananalo sila. Hindi ko lubos maisip na nakakaya nilang manood ng ganito.  Samantalang ako ay nakailang pikit at takip sa bibig tuwing muntikan nang matamaan si Con at ang iba.

Sa distansya ko ay naririnig ko pa rin ang mga asaran nila. Pati ba naman doon ay ganoon silang lima? Nagkukumparahan ang bawat isa kung ilang suntok ba dapat para mapatumba ang mga kalaban. Nagpapaligsahan din sila—nagpaparamihan ng matutumba.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa nila, mas lalo akong kinakabahan tuwing maghahalakhakan sila kapag may sinusuntok na kalaban. Bawat tibok ng puso ko ay humihiling na sana ay matapos na ang labanan nilang ito.

“And we have a winner! Columnar Gang!” anunsiyo bigla ng mc. Ang laking tao nito. Tila sampung katawan ko pa ang dapat na pagsama-samahin para lang maging ganoon kalaki ang katawan ko.

Columnar? Ang weird naman ng pangalan ng gang ni Con. Sino kaya ang nakaisip no’n?

Unti-unti na sanang humuhupa ang kaba ko subalit nadagdagan iyon sa biglang pagsigaw ng lahat ng tao rito sa loob.

Napatingin ulit ako sa  kinaroroonan ni Con. Iginala nito ang mata at hindi inaasahang napahinto ito sa direksiyon ko. Awtomatikong napalaki ang mata ko at mas lalong dumagundong ang dibdib ko. Paktay! Lagot ako ngayon! Alam na niyang nandito ako.

Kita mula rito ang pagkunot ng noo niya tila kinikilala ako. Sandaling nanlaki ang mata nito at sinamaan ako ng tingin. Ilang ulit akong napalunok. Ang tingin nito’y nagtatanong kung bakit ako narito gayong hindi naman ako p’wede sa lugar na ito.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita pero rumihistro sa mata nito ang takot at pangamba. Kalauna’y nawala iyon at hindi na nawala ang nakapapasong tingin nito.

Sa titig niyang iyon ay napaatras na lang ako bigla, handa nang umalis at lumabas sa lugar na ito. Subalit, napatigil iyon nang may maapakan ako. Agad akong napapihit ng katawan at masamang tingin ng isang lalaki ang sumalubong sa akin. Sa malatore nitong taas ay napatingala ako ng husto para lamang matingnan ito ng maayos.

Ginapangan ako ng kaba nang hawakan nito ang braso ko. Ano ang nagawa ko? Napadaing ako nang biglang humigpit ang pagkahahawak nito sa akin.

“B-bitawan mo a-ako!” Pagpupumiglas ko ngunit wala itong naidulot na magandang resulta sa akin. Mas lalong humigpit ang hawak nito at parang madudurog na iyong buto ko sa braso.

“Serpent gang is challenging the Columnar gang!” rinig ko sa mc at mas lalong naging wild ang mga nanonood. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa dahil ito ang hinihintay nating lahat! There’s no rules, you know what I mean! Let’s start!” sigaw ng mc at mas lalong naghiwayan ang mga tao.

Kasabay ng paghiyaw nila ay sakit ng braso. Nanlaban ako ngunit hindi ako makawala. Con!

Tila narinig nito ang sinabi ng isip at biglang napabalik ang tingin nito sa akin. Biglang nabalot ng galit ang mukha nito.

“Don’t touch your filthy hand on my girl, dumb*ss! Remove it or I’ll f*cking kill you, right here, right now!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top