CHAPTER 21

Chapter 21: Her Son



HINARAP ako ni Tita Canthy. “Sorry about that, Ysa. I don’t like the both of them but I need to invite them here. You know, business thingy.” Kumibit-balikat ito. “Are you all right? Uhm. . . well, as you can see, I know all the things that her daughter did to you. My threats are partly true if ever na gumawa sila ng commotion dito. That's the power of a Lolarga.” Tumawa ito sa akin na nagpaawang ng labi ko.

Hindi nagmamalaki ang pagkakasabi nito ngunit nagsasabi ng totoo. Ganoon na ba sila kayaman? At makapangyarihan? Grabe!

“Hon, Mrs. Vasques wants to talk to you.” Biglang may lumapit sa aming lalaki at mas lalo akong napanganga. Napakagwapo!

Kinabig nito sa bewang si Tita Canthy pero napatigil nang makita ako. “nga pala, hon, this is Ysabelle, iyong sinabi ko sa iyo. Ysa, this is my husband, Onard,” ngiting pagpakikilala niya.

“Ah! That girl. It’s nice to meet you, iha. Tama nga ang sinasabi ng asawa ko, bagay kayo ni—”

“Honey!” suway ni tita. Napatawa si Tito Onard nang pinalo siya ni tita.

“Okay, okay. I’ll stop, hon.” Mapang-asar na tumawa si tito kaya pinalo siya ulit ni tita.

“Maiwan ko na muna kayo rito, Ysa ha? Clin, please assist Ysa ha?”

“Yes tita, I will.” Nagulat ako nang may sumabat sa tabi ko. Muli akong napatingin kay Clin, nandito pa pala ‘to?

Nag-aasaran ang mag-asawa nang umalis sa table namin. Napaupo na lang ulit ako pero bago iyon ay inayos ni Clin ang uupuan ko.

“S-salamat,” ilang na wika ko.

“Where’s your school hmm?” biglang tanong nito.

Ewan ko ba pero nakakailang ang paninitig nito kaya hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

“Ah. . . ano. . . sa G high.”

“Ow. Really? Why did you chose that school? It’s expensive. You know, it’s just for the rich people.” Kumibit-balikat ito.

Sa akin lang ba ito na parang nakaiinsulto ‘yong pagkakasabi niya no’n? Ayokong manghusga agad ngunit hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila nito.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang lakas ng mga pang-amoy ng mga taong ganito. Hindi mo pa nga nahahawakan, umaalingasaw na ang baho.

“So. . . do you have a boyfriend?” dagdag pa nito na wala namang koneksiyon sa mga naunang mga tanong.

Akma na akong magsasalita ngunit sumabat ang pamilyar na boses na nagmumula sa aking likuran.

“I’m her boyfriend. Problem with that, Clin?”

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at halos mabingi ako sa dagundong ng dibdib ko. Halos mapigil ko ang hininga nang pihitin ang katawan para makita ang lalaking iyon. Awtomatiko akong napatayo nang magtagpo ang paningin naming dalawa kasabay nang hiyawan ng mga taong nakasunod sa kanya.

B-boyfriend? Alam kong nagsisinungaling lang si Con pero ano itong nagsasaya sa puso ko? Humihiling ang isang parte ng puso ko na sana ay totoo ang sinabi nito.

Doon ko rin nalaman na kasama nito ang mga kaibigan. Naka-casual wear lang ang mga ito pero animo’y mga modelo ng sari-sarili nilang damit. Angat na angat ang kagwapuhan nilang lima.

Si Con ay nakasuot ng dark blue na long sleeves ngunit tinupi nito hanggang siko ang suot at pinaresan ng itim na pantalon. Napalunok ako. Hayun na naman ‘yong buhok niyang hindi kilala ang suklay subalit kahit magulo iyon ay naaangkop pa rin ito sa kanyang suot.

“Woah! We didn’t expect you to be here tonight, Ysa! Wow! You’re so beautiful!” Nawala ang atensyon ko sa kanya at napunta iyon kay Calum.

“Ang ganda mo, Ysa!” Lumapit si Tim sa akin at tiningnan mula ulo hangganga paa. Napaiwas ako dahil sa sobrang ilang.

“Sheyt! Si Ysa ba talaga ito?” tanong si Shun.

Ngumiti lang si Areon sa akin at sinabi ang katagang beautiful na walang lumalabas na tunog sa bibig.

“Woah,Woah! I didn’t know that you know all of them, Ysa,” patungkol nito sa lima at napatingin sa akin.

Hindi ko alam na pati ba dapat amgbagay na iyon ay ipaalam sa kanya. Para sa ano? Sa paraan nito nang oagsasalita ay dapat na sabihin ko. Kakikilala pa lang namin ano’t ganito na siya? Nakaiinis!

“Is it necessarry for you to know?” Hindi iyon nagtatanong ngunit puno ng sarkasmo ang salitang binitawan ni Con.

Napalunok ako ng unti-unting nararamdaman may namumuong tensyon sa dalawa. Bigla akong hinila ni Con papunta sa tabi niya.

Nandilim ang mukha ni Clin sa sinabi ni Con subalit sa maikling segundo lamang. Ngumisi ulit ito ngunit nakikitang na-aasar na siya. “Well. . . if you don’t mind,” ngisi na aniya.

“She’s not one of your toys. Stop that derisive plan together with your friends, a*sholes.”

Napatigil bigla si Clin sa sinabi nito ngunit bigla ring ngumisi. “Hmm. . . do I look like I’m toying her, Con? I’m just being friend with her, you know?” Humalakhak ito, nang-aasar pa lalo.

“Well, a kind of you will not easily gave up without taking your prey, bastard,” patutsada ni Con pabalik.

Napunta ang paningin ko sa kamay ni Clin. Mahigpit itong napakuyom at tila pinipigilang huwag gumawa ng kung ano man. Napabalik ang tingin ko sa mukha nito ngunit nagulat ako na sa akin ito nakatingin.

Awtomatiko akong napahigpit nang kapit kay Con ngunit nagulat din ako sa ginawa. Agad akong napabitaw ngunit hindi nangyari ang kagustuhan ko. Dumagundong nang husto ang puso ko sa ginawa niyang iyon.

Napababa ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ysa pigilan mong ngumiti! Pigilan mo! Hindi ka p'wedeng ngumiti, Ysa!

“Woah. Woah. Take it easy guys. We’re here to celebrate not to awaken a world war. Chill dudes.” Pumagitna sa amin si Shun at doon na nalihis ang atensiyon ng dalawa sa kanya.

“Psh.” Matapos no’n ay umalis na lang na ganoon si Clin. Sinadya niya pang banggain si Shun sa balikat pero hindi niya na ‘yon pinatulan pa. Napailing na lang ito at tinananaw si Clin na pabalik na sa grupo nito.

Napatahimik kaming lahat ngunit biglang dumating si tita.

“Con! I’m glad that you came here!” Kita sa mukha ni Tita Canthy ang galak nang makita si Con.

“Happy birthday, tita!

“You’re beautiful as always, tita. Happy birthday!

“Happy birthday, Tita Canthy!

“Happy birthday po!

Sunod-sunod silang bumati at bumeso kay tita. Nakangiti lang si Tito Onard habang tinitingnan ang asawa.

“You didn’t disapppoint me this time, son,” wika ni Tito Onard kay Con.

Napapalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Nanlaki ang mata ko nang ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya pala parang pamilyar ang mukha ni Tito Onard dahil parang bersiyon niya si Con noong bata pa lang ito.

Akala ko ay magkamag-anak lang sila ni Con dahil Lolarga rin pala ang apelyido nila, hindi sumagi sa isip ko na anak nila si Con!

Napadapo bigla ang tingin ng ama niya sa akin at tinlunton no’n ang braso namin pababa sa magkahawak na mga kamay. Nahugot ko ang hininga at mabilis na kumawala sa kamay ni Con, nagtagumpay naman ako dahil nakuha ko iyon. Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Nakahihiya!

“Yeah, dad.” Bumaling ang tingin nito sa ina. “Happy birthday, mom,” walang ganang aniya ay naglakad na. Nagkatinginan kaming lahat nina Areon at napasunod silang lahat kay Con. Humingi ng tawad sila kay tita at tito sa ginawang iyon ni Con. Tila alam na nilang mangyayari iyon.

Napanganga ako sa inasta niya. Bakit siya gano’n? Napatingin ako kay Tita Canthy. Nakangiti ito pero kita ang lungkot sa kanyang mata. Mabilis siyang dinaluhan ng asawa at hinagod ang likod.

“He’s always like that, hon. Saan ba ako nagkulang?” ngiting sabi ni Tita sa asawa at biglang tumulo ang luha sa kanang mata. Mabilis na pinahid iyon ni Tito Onard.

Ako ang nasasaktan para kay tita. Masakit na makita siyang umiiyak ngunit, mas masakit na nakangiti ito habang tumutulo ang luha nito. Parang magulang na rin kasi ang turing ko sa kanya.

Napatingin ako sa likod ni Con. Hindi deserve ni tita na ginaganito niya lang ito, hindi ito deserve ng mga magulang niya. ‘Gaya nga ng sabi ko, maswerte pa rin siya pero ano’t parang sinasayang niya ang oras na nandito pa ang mga magulang niya sa kanyang tabi.

“Shhh. Hon, we need to understand him. Don’t cry okay? It’s your day.”

Napabalik ulit ang tingin ko sa mag-asawa.Napatigin silang dalawa sa akin. “I’m so sorry, Ysa, kailangan mo pang makita ‘yon. Con was always like that. Malimit  lang pumupunta rito, apparently he’s not living together with us. Nag-aalala lang ako sa mga kinakain nito, baka mga can goods at instant noodles lang ang laman ng tiyan no’n.”

Naalala ko ang sinabi ni Con dati na instant noodles lang ang kinakain nito. Maski nga itlog ay hindi alam no’n. Nalulungkot ako para kina tita’t tito.

Baka wala rin silang alam sa pagiging gangster ng anak. Mas lalo lang silang mag-aalala kapag sinabi ko ang bagay na iyon. Saka, parang ang tito niya lang na doctor ang may alam sa kalokohan ng anak nila. Napatitig ako bigla kay Tito Onard. Magkamukhang-magkamukha sila no’n, natitiyak kong magkapatid sila, walang duda.

Nakalulungkot lang dahil labis ang pag-aalala nila pero ni hindi man lang iyon nakikita ni Con.

“But, one day, he came unexpectedly here. And guess what, Ysa. . . he asked me something about your scholarship. I didn’t know how to react that time because your the first girl he mentioned in his entire life, nakiusap pa siya sa akin na hindi niya naman ginagawa. I’m sorry to say this, Ysa, but I did some background check on you para makilala pa kita. I hired a private investigator. Nalaman ko ring nakatira kayong dalawa sa iisang apartment,” patuloy nito.

Napaawang ako sa narinig at nanumbalik ang sinabi ni Con noong umiiyak ako sa mall.

“You look so down today. Smile. A blessing will come tomorrow morning. Oh.

Siya?! Siya ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ako ngayon. Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? Para naman mapasalamat ko siya.

Napakurap ako ng ilang ulit. Kaya pala tuwing nagkukwentuhan kaming dalawa ay parang kilalang-kilala na ako ni Tita Canthy. Wala naman sa akin iyon na paimbistigahan niya, wala naman akong ginagawang masama sa buhay ko.

Tumawa bigla si Tito Onard. “Ah! You’re the girl who answered Con’s phone back then? So magkasama kayo that time sa apartment?”

“Ah. . . ano. . . o-opo tito,” nahihiyang sabi ko. Napaiwas ako bigla ng tingin. Baka kung ano ang isipin nila sa akin.

Ang kaninang malungkot na aura ng dalawa ay napalitan ng tuwa. Sabay silang tumawa na nagpakunot sa noo ko.

“Onard your son, binata na.” Humagikhik si Tita Canthy at kumapit kay Tito. Parang walang bakas nang lungkot ang mukha nito. Ang bilis naman nila mag-iba ng emosyon!

“I’m happy for the both of you, Ysa.” Ngumiti si tito at tinapik ang balikat ko.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nila. “P-po? B-bakit po?”

Nang marinig ang tugon ko ay mas lalo silang natawa. Wala akong kaide-ideya sa mga sinasabi nila. Ilang inuto lang ay nagpaalam na sila at asikasuhin ang mga bisita nila.

Naiwan akong mag-isa kaya pinagpasyahan kong hanapin sina Con. Hindi ko kabisado ang masyon nila kaya sa labas ako unang naghanap. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita kong nasa garden silang lima.

“You guys ready?

“Handsomes are ready all the time.

Napatigil sila sa pinag-uusapan nang makita ako. Mabilis na napatayo sina Calum at Tim ngunit nanatili ang tatlo sa pagkauupo.

Naglandas ang paningin ko sa likod ni Con. Nilakasan ko ang loob para huwag mautal.

“Con, p’wede ba tayong mag-usap?”

Sinulyapan ko ang apat na nagpapahiwatig na sana ay kami lang dalawa. Mukhang nakuha naman iyon ni Areon at Shun dahil sapilitan nilang hinila sina Calum at Tim. Nang kami na lang dalawa ay pumunta ako sa harap niya.

“Bakit mo naman ginano'n ang mga magulang mo?” Hindi niya ako pinasin at pinagpatuloy ang paglagok ng kanyang inumin. “Birthday pa naman ni Tita Canthy tapos ginaganyan mo? Ano na lang ang mararamdaman nila? Bakit ka ba ganyan? Con ano ba?” inis na sabi ko ngunit napaigtad ako ng malakas niyang pinatong sa mesa ang basong hawak-hawak.

Napalunok ako. Ysa naman! Ang lakas ng loob mong pumunta rito para kausapin siya tapos sa isang bagsak lang ng baso ay matitinag ka?

Tumungo ito sa akin at seryoso akong tinapunan ng tingin. Pinilit kong labanan ang nagbabaga nitong mga mata at hindi pinahalata ang kaba na aking nadarama.

“What now? Stop sticking your nose with my business, just mind yours.”

Hayun na naman ang paborito nitong linya. Ayaw na ayaw niya talaga pinapakialaman siya. Ang kabang naramdaman ko ay napalitan ng inis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top