CHAPTER 18

Chapter 18: Danger



NAPUTOL ang pagkatutulala ko sa bintana nang maulinigan ang mahinang pagtawa ni Areon. Mabilis na nangunot ang noo ko matapos mapalingon sa kanyang gawi. Siya ang nakatokang maghatid-sundo sa akin ngayong araw.

“Anong nakatatawa?” pagsusungit ko.

Mas lalo siyang natawa sa tinuran ko na naging dahilan para mapasimangot ako ng tuluyan.  “Calum seems telling the truth. Nagsusungit ka na nga. He said, miss mo na raw si Con kaya ka nagkakaganyan. It’s really true huh?” Napailing ito saka saglit na tinapunan ako ng tingin.

Napamulagat ako sa narinig. “A-anong miss? H-hindi ah! B-bakit k-ko naman s-siya m-mami-miss? H-hindi naman siya umalis.”

Mahinang siyang natawa. “Ysa, you’re too obvious.”

“A-anong o-obvious?” utal kong tanong. Kahit na may alam ako sa ibig nitong pakahulugan ay hindi ko iyon pinatuunan ng pansin.

“Obvious. Halata. Masyado?” patanong na aniya.

“H-hindi kita maintindihan, Areon,”

“You don’t need to. Focus on what you need to understand, the one’s hiding beneath your heart.”

Mas lalong tumindi ang pagtibok ng puso ko. Wala sa sariling napahawak ako rito. “H-hindi talaga kita m-maintindihan.”

“I know you, Ysa. You’re smart, I know you will.” Nanahimik na ito at pinapatuloy ang pagmamaneho.

Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko kay Areon hanggang sa hindi ko na napansin na nasa parking lot na pala kami ng G high.

“Ysa, if someone’s lurking around or you felt that something was wrong around you, don’t hesitate to call one of us, okay? Be careful.” Ngumiti ito pagkatapos na sabihin iyon.

Nagpaalam na siya at ganoon na lang din ang ginawa ko. Hindi man nila sabihin, mas lalong naging alerto ang bawat isa tuwing hinahatid at sundo ako simula no’ng may sumunod sa amin ni Calum.

Ganito sila sa akin pero wala pa rin akong masyadong alam. Kapag naman mapupunta ang diskusiyon sa topiking iyon ay palaging iniiwas ng bawat isa ang pinag-uusapan. Sa ginagawa nilang iyon ay mas lalong tumitindi ang kuryusidad ko.

Palihim akong nakikinig sa mga pinag-uusapan nila pero parang mas lalo nilang pinag-iigihang hindi ko iyon marinig.

May isang beses pang narinig ko sa kanilang pinag-uusapan ang salitang  gang fight at underground ngunit bukod doon ay wala na akong nalalaman pa sa salitang iyon. Idagdag pa iyong naririnig ko palagi sa pinag-uusapan nila ang serpent gang.

Sa bawat nakukuha kong impormasyon ay napagtatagpi-tagpi ko iyon,  subalit, hindi iyon sapat para malaman nang tuluyang ang mundong ginagawalan nilang lima.

You don’t need to. Focus on what you need to understand, the one’s hiding beneath your heart.

Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Calum sa akin na naging dahilan para mawalan ako ng pokus sa paglalakad kaya napahawak na lang ako sa noo nang may mabanggang tao.

“S-sorry,” paumanhin ko sa taong nakabungguan.

“Spacing out too much is dangerous.” Tumawa ang taong iyon na kalaunanan ay nakilala ko.

“Ivan, ikaw pala. Sorry ulit, hindi kita napansin, e.”

"No need to apologize, it’s okay, Ysa.”

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at sumabay na lang sa akin si Ivan. Napatingin ako sa kanya at agad na napaiwas kapag titingin siya. May gusto akong itanong, nagbabakasakaling may alam siya.

“Something to say? If it’s about love, I'm not a good advisor.”

Napangiti ako at napailing sa biro niyang iyon. Bakit niya namang iniisip na tungkol sa pag-ibig itong itatanong ko?

“Now, it’s good to see you smiling. Seems like something really bothering you a while ago. What is it? You can tell me if you want. I’m a good listener and. . . handsome.” Maloko siyang natawa sa panghuli nitong sinabi kaya ganoon na lang ako.

“Pogi? Ikaw? Oo na! Pero. . . seryoso Ivan, may gusto lang akong itanong.”

Ewan ko nga ba bakit pumasok ang ideyang ito sa isip ko na may alam siya. Wala namang masamang alamin iyon diba?

“Hmm?”

“May alam ka ba about sa gang fight? Tama bang ginaganap iyon sa underground?” walang pag-aalinlangan tanong ko.

Pareho kaming napatigil sa paglalakad at napatitig lang sa isa’t isa. Wala siyang naging reaksiyon matapos kong tanungin iyon ng ilang segundo. May kung ano sa pagkakatitig nito na hindi ko mawari kung ano ang ibig pakahulugan. Bigla na lamang siyang natawa pagkatapos ay sumeryoso.

“Ysa, I’m begging you, don’t get involve with the gang world. What you know about it can cause your life. Leave those information as it is. Don’t get curious.”

Sa paraan nang pagkakasabi nito ay hindi mapagkakailang may alam siya. Bigla akong nabuhayan ng loob. Sa wakas, may mapagtatanungan na akong tao.

Subalit, bago ako makapagsalitang muli ay tumunog na ang hudyat para magsimula na ang mga klase. Doon na nagpaalam si Ivan sa akin at walang akong magawa kung ‘di maglakad patungo sa sariling classroom.

Agad na hinanap ng mata ko si Con matapos na makapasok sa classroom namin pero wala ito. Saan na naman ba pumunta ang isang iyon?

Halos nagsimula na ang klase hanggang umabot na iyon sa tanghalian, wala pa rin siya. Bigla tuloy akong nag-alala.

“Girls nakita niyo ba? Grabe! Si Con may binubugbog sa likod ng campus!

“Tara puntahana natin!

“Tanga! Gusto mo bang madamay ro’n? Walang ngang nangahas na lumapit doon at baka pag-initan ni Con! Galit na galit siya!

Napahinto ako sa paglalakad patungo sa garden nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Kinain ako ng kaba kaya mabilis na tumungo sa likod ng campus.

Napatakip na lang ako sa bibig nang makitang ngang walang humpay na sinusuntok ang lalaking halos lupaypay na. Totoo ngang walang nakikialam at lumalapit. Halos ilang metro at patago ang mga taong nakikiusyuso.

Lakas loob akong tumakbo patungo sa kanya at napayakap sa kanyang likuran. “C-con, tama na.”

“Get off me. Ysa!”

“Con, please!”

“Sabi nang bitawan mo ako!” Malakas niyang kinalas ang pagkakayakap ko kanya at walang habas na tinulak ako.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang iyon at napasubsob sa semento. Nakaramdam ako ng hapdi sa parte mg katawan kung saan unang tumama sa semento. Bigla-bigla na lamang nangiligid ang luha ko gayong hindi ko pa rin siya mapigilan.

Tinuloy niya ang pagsuntok sa lalaki na halos hindi na makilala sa pagkabubugbog. Napatayo akong muli at sinubukang lumapit.

“Con. . . Con ano ba!” Napalakas ang boses ko na ikinatigil ng kamay nito sa ere. Napalingon ito sa akin na ikinatulo ng luha ko. “T-tama na, please? Ayokong nakikita kang ganyan.”

Biglang tumawa ang lalaking binugbog nito kaya napatingin ako sa kanya. “I know, Lolarga. I know. She’s your weakness.” Mas lalo itong natawa at tiningnan ako. Napaatras ako sa nangingilabot nitong tingin. Kahit ganoon ang itsura nito ay tila napapamilyaran ko ang mukha nito.

Siya ‘yong  nakabungguan ko! Ang Leo na tinatawag ng isa pang lalaki. Napasapo ako sa bibig ano ang atraso niya kay Con?

Bigla itong tumayo na parang walang nangyari sa kanya. Pinahid niya ang dugo na nasa gilid ng labi nito at dumura. Tumawa ito nang nakaloloko na parang nasisisraan na ng bait. Nang dahil doon ay maagap akong hinila ni Con at tinago sa likod nito.

Sa kabila ng tensyon, heto ako at kumakalabog ng husto ang dibdib sa ginawa ni Con na paghawak sa akin.

“Touch her and you will pay for the collateral damage,” malalim na boses anang nito.

Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pang nag-iskandalo ang puso ko. Tila nagdidiwang ang kalooban ko sa ginawa niya. Sa kalagitnaan ng pagdama nang magandang pakiramdam ay humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

Hinila na ako ni Con papaalis sa kinaroroonan  ng binugbog niya. Napasulyap pa ako sa taong iyon at halos manlamig ang buo kong katawan nang masilayan ang ngisi nito sa akin. Nanindig bigla ang balahibo ko sa hindi malamang dahilan. Marahas akong napabalik ng tingin sa harap at sa kamay ni Con na nakahawak sa akin.

Halos hindi ko na namalayan na nasa hardin na pala kami ng G high. Sa pagkakataong iyon ay binitiwan na niya ako ng tuluyan.

Agad niya akong hinarap at kasabay no’n ang pagsilay ng iba’t ibang emosyon sa mata nito hanggang sa galit at inis na lamang ang nangibabaw. Napahilamos siya sa mukha.

“What’s your problem, Ysabelle? Don’t you know that it’s dangerous?!” dumagundong ang boses nito sa tenga ko.

Halos mapalunok ako sa paraan nang pagkabanggit nito ng pangalan ko. Tila nawalan ako ng dila at hindi na makapagsalita pero pinilit ko pa rin ang sarili.

“S-sorry.” Napayuko ako.

“Sorry? Kapag napahamak ka ro’n, magagawan ba ‘yan ng solusyon ang sorry mo?!”

Nangiligid ang luha ko sa pagtaas ng boses nito.Hindi ko alam ang pinanggagalingan ng galit niya at bakit ganoon siya maka-react. Lumapit lang naman ako saka pinigilan siya at baka siya pa ‘yong makapatay. Bakit ako itong pinapagalitan niya?

“Wala namang nangyari sa akin, ah? Bakit naman ako mapapahamak do’n? Kita na ngang hindi na makalaban sa ‘yo ang tao! Ayoko lang naman na. .  . na. . . m-mapahamak k-ka at makasakit ng i-ibang tao. . .” pahinang-pahina na sabi ko saka napayuko.

“Tsk!” Walang sabi-sabing tumalikod ito at iniwan ako ritong mag-isa.

Mabilis kong pinahiran ang pisngi sa dumaloy na mga luha. Bakit ba siya nagagalit? Sa pagkakaalam ko ay wala akong ginawang masama. Bakit ba parang iwas na iwas siya sa akin?  Ang layo-layo niya na at hindi ko na maabot.

Tahimik akong umiyak doon at nilabas lahat nang sama ng loob. Ilang minuto akong ganoon hanggang sa pagsawaan ang pag-iyak. Napatayo na lang ako at inayos ang sarili dahil baka may makahalatang umiyak ako nang todo.

Lumapit ako sa rosas na namumukadkad at napaupo sa harap no’n. Pinaglandas ko ang mga daliri sa bawat talulot ng rosas na iyon. Napangiti ako. Ang mga bulaklak dito sa hardin ng G high ang palaging nagpapakalma sa akin sa lahat ng oras.

“Did you know that red rose symbolizes romance?”

Napatayo ako sa gulat nang bigla na lang may sumulpot na tinig. Hindi ko naman inaasahang nasa itaas ko pala siya kaya nabunggo ng ulo ko ang baba nito. Pareho kaming napadaing, hawak-hawak ang parte na nagtama sa amin.

“Hala! S-sorry, Ivan. H-hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?” Lumapit ako sa kanya at sinuri ang baba nito ngunit napatigil iyon nang hawakan nito ang kamay ko na nasa mukha niya.

Napakurap ako ng ilang beses sa ginawa niyang iyon. Sa gulat ko ay nahablot ko na lang ng ganoon ang kamay at napaiwas ng tingin.

“I’m okay. Ysa. Don’t worry.” Tumawa ito kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. “Gustong-gusto mo talaga ang mga bulaklak dito ‘no?”

Napatango ako sa tinuran niya at napangiti. Napalakad kaming dalawa sa upuan at doon naupo. Bigla ko na lamang naalala ang naputol na usapan namin kaninang umaga kaya hindi na ako nag-atubili pang unang buksan ang usaping iyon. 

“Ano. . . Ivan, tungkol pala sa tanong ko kaninang umaga. Nakikiusap ako, p’wede ko bang malaman ang nalalaman mo ukol doon?”

Napatitig ito sa akin at parang inaalam kung seryoso talaga ako sa sinasabi ko. Pinakita ko sa kanya na disidido akong malaman ‘yon kaya napabuntong hininga na lang ito.

“Are you sure about this?” Napatango ako rito at doon na niya sinimulang ikwento ang alam nito sa gang world.

———


LUTANG akong napasakay sa kotse ni Areon patungo sa apartment namin ni Con. Ang mga nalaman ko mula kay Ivan ay halos hindi ko mapaniwalaan.

Ang gang ni Con ang nangunguna sa  pinakamalalakas pero pilit akong binabagabag noong umuwi silang lima sa apartment ko na bugbog sarado. Ano’t ganoon ang mga pagmumukha nila gayong sila naman pala ang pinakamalakas na gang?

“Ysa, nandito na tayo.”

“Ah. Salamat, Ars!” Ngumiti ako at bumaba na sa kotse niya. “Hinay-hinay lang ah? Ingat sa pag-uwi.”

“You too. Take care, Ysa.”

Nagpaalam na ito at umalis kaya pumasok na lang ako sa apartment. Nagbihis lang ako ng pambahay at nagluto ng hapunan namin ni Con. Kahit hindi iyon sumasabay tuwing kumakain ako ay tinitirhan ko pa rin iyon ng pagkain. Hindi naman nasasayang ang tinitira ko sa kanya dahil nadaratnan kong wala ng laman ang  plato.

Naulinigan ko ang pagbukas at sara ng pinto at nasisiguro kong si Con na iyon. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto nang hindi man lang ako nito pinansin at nagtungo sa kanyang kuwarto. Napabuntong-hininga ako.

Napakabigat sa dibdib at para akong maiiyak. Con, hanggang kailan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top