CHAPTER 16

Chapter 16: A Warning



“PATAWAD, iha. Patawad. Hindi ko sinasadya na banggain ka. Napag. . . napag. . . napag-utusan lang ako! Pasensiya na. Hindi ko nais na gawan ka nang gano’n. B-in-lack mail nila ako. S-s-sasaktan daw nila ang  a-anak ko. W-wala akong magawa. Patawad!” Halos yakapain na nito ang sapatos ko habang nakaluhod. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nito at natitiyak kong hindi biro ang dahilan n'yon.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Sinong nila? At bakit ako pagtatangkaang saktan ng mga taong iyon? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong kaaway at kahit kailan ay hindi ako naghamon ng mga tao para sa away.

Posible bang. . .

Napalingon ako kay Con, seryoso lang na nakatuon ang atensyon nito sa mamang iyon at agad na napatingin sa akin.

Posible kayang dahil sa kanila? Hindi na maipagkakaila na noong nasa café ako ay may nagtangka na sa buhay ko at ang rason niyon ay si Con. Maaring oo at maari ring hindi na iisa lang ang taong may pakana no’n. 

Sa ilang buwan na magkasama kami ni Con ay parang napakamisteryoso pa rin nito. May mga pagkakataong maloko ito at may beses rin na ibang-iba ang ugali nito sa nakasanayan ko. Hindi ko mabasa-basa ang nilalaman ng isip niya, napakahirap buksan n’yon.

Oo, gangster sila pero para sa ’kin parang pamilya ko na silang lahat. Hindi ko man aminin, e, napalapit na nang tuluyan ang loob ko sa kanilang lima. Nasanay na ako sa maiingay nilang mga patutsada pero napapaisip din ako minsan, pamilya rin kaya ang turing nila sa ’kin?

“Patawad, iha!” palahaw ng mama.

Nabalik ako bigla sa wisyo nang marinig ang boses ng mamang iyon. Nahabag ako sa sitwasiyon niya kaya sa pagkakataong iyon ay hinawakan ko na ang magkabilaang balikat nito. Napaangat siya ng ulo at sinalubong ang tingin ko. Puno ng luha at pagsisisi ang mata nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng awa. Muli siyang napayuko na naging dahilan para mas lalo ko siyang tulungang tumayo.

“Manong, okay lang po ako. Tumayo na po kayo riyan. Wala naman akong seryosong natamo. Naiintidihan ko po kayo,” malumanay na usal ko.

Nang magtama ang mata namin ay mas lalo siyang humagulgol. Dinaluhan ko ito at patuloy pa rin siya sa paghingi ng tawad. Napatayo na siya nang tuluyan.

“Okay lang po talaga ako, manong,” kumbinsi ko sa kanya na nagpahina sa pag-iyak nito. Binigyan ko siya nang naniniguradong ngiti.

Dahil nasa harap lang naman kami ng gate ng apartment ay inabot ko iyon. Gusto ko muna siyang papasukin at painomin ng tubig para kumalma naman siya. Akma ko na sanang bubuksan ang gate pero natigil iyon nang hawakan ni Con.

Napaangat ang ulo ko at sinalubong ang seryoso nitong ekspresiyon. Umiling siya sa akin ngunit hindi iyon naging dahilan para mapabitaw ako nang tuluyan sa bakal na gate. Naging dahilan rin iyon para magtiim ang bagang nito. Napalunok tuloy ako at dahan-dahang napabitaw.

May parte sa puso ko na nagsasabing dapat siyang sundin sa mga gusto niya. At ayaw kong magalit siya dahil sa mga ginagawa ko. Pero may parteng nagpoprotesta at hindi ko maintindihan ’yon.

Bakit Con? Hindi talaga kita maintindihan. Ano’t ganito ka ngayon? Parang mas mahirap ka pang sagutan sa matematika, sobra pa sa el fili at noli ng ating bayani, lalong-lalo na ay mas komplikado pa sa sisensiya na hindi ko makuha-kuha ang naaayong elemento ng iyong pag-uugali.

Napaiwas ako nang tingin at napabalik iyon kay manong. Ngumiti ako sa kanya. “Nasisigurado ko pong okay lang ako manong. Sana po ay maging nasa maayos na kalagayan ang anak mo. Kung sino mang nag-black mail sa ’yo ay nasisigurado naming mahuhuli iyon sa lalo madaling panahon.”

Ang lakas ng loob kong magsalita nang ganoon pero ang totoo ay hindi ko talaga alam kung sino ang may pakana. At alam ko ring hinding-hindi ako isasali nina Con sa pag-uusap ng mga kaibigan niya ukol sa topikong iyon.

Kung sa bagay, ano nga ba ang maitutulong ko sa kanila kapag sakali mang makaharap ko ang mga kaaway nila? Ang tanging alam ko lang ay humawak ng panulat at hindi pakikipagbuno sa tao. Ano ang maitutulong ko diba? Wala pa rin.

Ilang ulit kong kinumbinsi si manong dahil hindi pa rin ito tumitigil kahihingi ng pasensiya. Sa huli ay napilit ko na rin siyang umuwi. Balak niya yatang magpasensiya buong magdamag sa harap ko. Hay.

Paika-ika kong binuksan ang gate ngunit laking gulat ko na lang nang bigla akong umangat sa ere.

“Con, ano ba!” Napatigil ako bigla dahil napalakas ang boses ko nang sinabi iyon. Agad akong napayuko. “Sorry,” paghingi ko nang tawad.

Ikaw na nga Ysa ang tinutulungan, tinaasan mo pa ng boses si Con, nakakahiya ka talaga.

Hindi ko rin malaman bakit parang nainis ako bigla sa ginagawa niya. Pinaglalaruan ba ako nito? Napatitig ako sa kanya ngunit hindi niya na akong nagawang pagtuunan pa nang pansin.

Diretso ang lakad nito patungo sa ’king kwarto at iniupo ako sa kama. Hindi na naman ito nagsasalita at halos hindi ko nga mahuli ang mga mata nito. Ayan na naman ’yong emosiyong mamumuo sa dibdib ko.

Napatalikod na siya at naglakad patungo sa pinto ngunit nilakasan ko na lang ang loob para magsalita. Hinugot ko ang lakas para itanong ang bumabagabag sa isip ko. Gusto kong malaman kung bakit, hindi yata ako makakatulog nito dahil dito.

“Hindi kita maintindihan, Con. Okay naman tayo diba? Wala naman akong nagawang kasalanan. Bakit parang nararamdaman kong umiiwas ka sa akin? May mga beses na okay ka naman pero may mga araw na layong-layo ka. Sabihin mo nga Con, may nagawa ba ako?” tuloy-tuloy na sabi ko.

Napapikit ako sa mga lumalabas na salita sa bibig ko. Halos mahapo ako dahil walang kapreno-preno ang sinabi ko. Hindi ako ganito pero bakit parang napapalabas iyon ni Con sa akin?

Parang napahiya tuloy ako at gusto na lang bawiin ang sinabi. Dumagundong nang husto ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

Muli kong naiangat ang ulo para alamin kung anong isasagot ni Con subalit parang wala itong narinig. Nakatalikod pa rin ito, iyon nga lang ay nakatigil sa ere ang kamay nito na dapat sana ay aabutin ang doorknob.

Tila may tumarak na kutsilyo sa katawan ko at ilang ulit na sinasaksak nang itinuloy nito ang pagpihit sa doorknob. Hanggang tanaw na lang ako sa likod nito hanggang sa makalabas na nang tuluyan sa aking kwarto at naisara ang pinto.

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman kong may dumaloy sa kaliwang pisngi ko. Mabilis ko itong pinahiran gamit ang likod ng palad ko ngunit nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa mapahagulgol na ako.

Ano’t masakit ang kalooban ko sa ginawa niyang iyon? Napakahirap na bang sagutin iyon? Gulong-gulo na ako. Bakit naman ako magkakaganito? Totoo nga ba itong iniisip ko? Nasapo ko ang bibig para huwag makagawa nang ingay.

Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Palagi na lang, Ysa. Maliit na bagay, e, iiyakan mo. Napakahina mo talaga. Kailan ka pa magbabago? Magpapatatag? Nakakainis na. Huwag ka nang umiyak!

Napatungo ako para mapigil ang luha ko. Ilang minuto akong ganoon hanggang sa mapahiga na lang ako sa kama ay tuluyang nakatulog.

NAGISING ako sa mga  mahihinang nag-uusap sa labas pati sa rin sa pagkalam ng sikmura ko. Napatingin ako sa wall clock at alas-nuebe na pala ng gabi. Napapahikab akong nagtungo sa pinto ng kwarto at pinihit iyon. Subalit napatigil ako sa pagpunta sa living room at napabalik sa pader na nakapagitan doon. Bago kasi maabot ang kusina ay madadaanan talaga ang living room. At ang living room ang naging pagitan ng kwarto namin ni Con.

Kunot-noo akong lumapit pa para mas maging klaro ang mga pinag-uusapan nila pero hindi ko talaga iyon marinig nang klarado.

“It’s the second warning,” mahina ngunit inis na ani Areon.

“No. It’s the third one,” pagtatama ni Con. Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa seryoso ng boses nito.

“Nanghahamon talaga sila.” Boses iyon ni Calum.

Hindi ako sanay sa pagiging seryoso nito. Ito kasi ang palaging maloko at pilosopo sa grupo. Siya palagi iyong nagpapagaan sa tensiyong nangingibabaw sa  lahat ng oras. Ano’t ganito silang lahat kaseryoso? Ang kalaban ba nila ’yong pinag-uusapan nila?

Malamang, Ysa. Ano ka ba? Hindi ka na nasanay? Sa nagdaang buwan, e, ganyan sila. Ikaw ba naman ang may gangster na roommate at kakilala.

“We will give them what they want,” usal ni Con na ikinasinghap ng mga kasamahan niya.

“Con! Paano si—” naputol ang sasabihin ni Tim dahil nagsalitang muli si Con.

Dumagundong ang dibdib ko sa sinabing iyong ni Con. Ewan ko pero parang alam ko ang susunod niyang sasabihin pero ayoko namang pangunahan iyon. Baka mali ako at nagiging assumera lang ako.

“I’ll take care of that matter,” pinal na aniya.

Hindi na ako nakinig pa sa mga sumunod nilang pag-uusap. Alam kong mali iyong ginagawa kong pakikiusyoso kaya parang kinokonsensiya ako. Nawala tuloy ang gutom ko at nahiga sa na lang sa kama.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib. Bakit ka tumitibok nang ganoon kabilis? Bakit ka nasasaktan tuwing umaakto si Con na iba sa nakasanayan? Ano’t ganiyan ka? At bakit sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top