CHAPTER 15

Chapter 15: Don't



NAPADAING ako nang bumaba na sa bisekleta at inayos ang pagkakatayo nito. Sinigurado kong hindi ito matutumba nang umalis na. Dahan-dahan akong naglakad dahil sa hapdi ng gasgas na nakuha ko kanina. Magkabilaang tuhod pa iyon.

Mahapdi tuwing humahakbang ako at napapakagat na lang sa pang-ibabang labi, tila nadadagdagan ang hapdi no'n kapag umiihip ang hangin.

“Hi, Ysa!” Tinapik nito ang balikat ko at agad siyang napatingin sa dalawang tuhod. Napalingon ako sa kanya, nagtataka. “What the! Anong nangyari r’yan? Nadapa ka ba?” nanlalaking matang aniya.

Gulat ko siyang tiningnan nang hawakan nito ang braso ko na animo’y umalalay matapos makita ang mga gasgas sa tuhod. Nahihiya kong sinalubong ang nag-aalala nitong tingin.

“A-ano. . . k-kasi nasanggi iyong b-bisekleta ko kanina noong papunta ako rito sa eskwelahan ng isang k-kotse,” pahinang-pahina na usal ko.

Napadako ang tingin ko sa kamay nitong nakahawak sa balikat ko. Agad akong napatingin sa paligid, kahit na sabihin ni Con dati na huwag pansinin ang mga taong tila inuusig ako ay hindi pa rin pala nawawala iyon. May konting parte pa rin sa akin na dapat bigyan iyon ng pansin.

Noon ay tila isa akong kandilang nauupos kapag tinitingnan nila. Hindi ko alam pero hindi na iyon gaya ng dati. Nalalabanan ko na ang paninitig nila at alam ko na kung paano huwag pansinin iyon. Subalit, gaya nga ng sabi ko, may konting parte pa rin na binibigyan ko ng pansin ang mga iniisip nila.

Ipinagpatuloy pa rin naming ang paglalakad subalit napatigil ako nang tumigil si Ivan at humarap sa akin.

“What? Nanagot ba ang taong nakabangga sa ’yo, Ysa?” Umiling lang ako na ikinatangis ng panga nito “Hit and run? Natatandaan mo ba ang kotse? Ang plate number nito? Ako na ang bahala ro’n!” determinadong aniya.

“A-ano. . .hindi, e. Hayaan mo na, o-okay naman ako,”  alangan kong sagot sa kanya.

“Okay ka ba sa lagay na ’yan? Look at yourself, Ysa,” may bahid na panenermong anito.

Napatigil ako sa sinabi niyang iyon. Ano’t bakit ganito siya makaasta sa harap ko? Bakit siya itong nagagalit samantalang ako iyong napuruhan? Diba ako dapat iyon? At bakit ganito siya? Diba dapat magalit ito sa akin dahil palagi kong kasama si Con at may ginawa siya sa kanya?

“Ivan—” naputol ang nais ko sanang sasabihin nang dumaan sa gitna namin si Con sukbit ang bag nito sa balikat.

Con. . .

“Ang lapad ng daan, pare.  Kitang nag-uusap kami,” inis na wika ni Ivan.

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Napapikit na lamang ako nang huminto si Con. Dumagundong ng husto ang dibdib ko nang pumihit ang katawan nito paharap ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin kagaya ng ginawa nito sa apartment. Biglang may kumirot sa dibdib ko at mas mahapdi pa iyon sa gasgas na natamo.

Nagsukatan ng tingin sina Ivan at Con kaya agad akong naalarma ng mapansing kumuyom ang kamao ni Ivan. Mabilis akong pumagitna sa kanila at hinarap si Ivan.

“Ivan tara na.” Buong lakas kong hinila si Ivan para malayo kay Con dahil alam kong kahit anong oras ay aamba ito ng suntok. Mabuti na lamang at nagpahila siya sa akin kaya hindi ako nahirapan.

Muli kong nilingon si Con sa kinalalagyan nito.

Kakaibang tingin ang pinupukol nito sa likod ni Ivan at hindi ko lubos maisip bakit ganoon na lang siya makatitig. Kagaya ng kay Ivan ay nakakuyom rin ang kamao nito. Hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinalalagyan ngunit ganoon na lang ang pamimilog ng mata ko at  halos mapigil ko ang  hininga nang magtagpo ang mata naming dalawa.

Tila nakakapaso iyon at hindi ko na alam kung paano pa tupukin iyon. Ilang ulit akong napalunok dahil tila ayaw ng katawan kong sundin ang gustong pag-iwas sa tingin niyang iyon.

Nang makabawi ay taranta kong naibalik ang tingin sa daan. “L-late na tayo. K-kailangan nating dalian.”

“Okay ka lang ba, Ysa?” Napatango ako sa kanya at pilit na ngumiti.

Mukha ba akong hindi okay?

“Sige na, pumasok ka na. Papasok na rin ako.”

Magkaiba kasi kami ng section nitong si Ivan. Nasa Grade 10-Class A ako at siya naman ay nasa class b. Magkalapit lang naman ang room namin kaso mas naunang madadaanan lang ’yong sa kanya.

Ngumiti ito bago magpaalam sa akin at ganoon na lang ang ginawa ko. Paika-ika ulit akong naglakad patungo sa room pero nagulat ako nang biglang umangat ang buo kong katawan.

Kamuntikan ko nang mahampas ng bag ko ang taong iyon kung hindi ko lang nakilala ang pabango nito. Napatunghay ako at doon ko nasalubong ang titig nito ngunit agad niyang tinuon ang mata sa daan at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naging agaw-pansin kami sa ginawang iyon ni Con kaya napayuko ako. Maraming nagkalat na espikulasiyon at haka-haka sa G high tungkol sa amin ni Con. Kesyo magrelasyon daw kami at iba pa.

Patungkol na rin iyon sa litratong p-in-ost ni Calum noon. Doon na rin nagsimulang makakakuha ako ng atensyon at nagsimulang nakarinig ng mga ’di kaaya-ayang balita. Idagdag pa ’yong pangyayari sa pagitan namin ni Cyrene.

“C-con, i-ibaba mo ako. A-ayos lang n-naman a-ako. . .” utal kong sabi. Tila biglang hindi ko na alam pang magsalita ng deritso sa kanya.

Hindi ko siya maintindihan. Paiba-iba ang inaakto nito. Pero ano’t ganito ang nararamdaman ko? May sayang dulot ang ginawa niya sa akin ngayon at tila hinahagod ang puso ko.

Nalulungkot ako dahil nag-iba ang trato nito sa akin. Bakit nga ba ako nalulungkot? Inalis ko sa isipan ang tanong na iyon.

Napatitig na lamang ako sa mukha niya. Lihim akong napangiti sa asul na buhok nitong tila hindi nakakakilala ng suklay. Ano’t ganito na lamang ang nararamdaman ko tuwing nakikita iyon? Parang gusto kong suklayin gamit ang mga kamay ko at damhin ang lambot no'n.

Gumalaw ang mata nito patungo sa akin nang hindi man lang gumagalaw ang ulo niya. Hindi ko  iyon inaasahan kaya halos mapigil ko ang hininga at mabilis na umiwas ng tingin.

Bakit ganito na lang kabagal ang oras ngayon? Malapit lang naman ang room namin pero parang ang layo-layo ng dating. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at hindi na ito nakatitig. Diretso lang ang mata nito habang buhat-buhat ako sa paraan ng pangkasal na posisyon.

Hala! Si Con at Ysa! Sana all!

Grabe ang aga-aga may pa bridal carry na!

Anong nagyari sa kanya?

Nagtilian ang mga kaklase ko noong pumasok kaming dalawa ni Con. Nakagat ko ang labi sa tiliang naganap sa loob ng room namin. Tuloy ay nakaagaw ng atensyon iyon ng mga nasa kabilang room. Nagsitumpukan silang lahat sa labas at pilit sinisilip kung ano ang mga kaganapan sa rito.

Nagtungo si Con sa pwesto ko at marahan akong inupo roon. Nakagat ko na lamang ang labi nang magtamang muli ang paningin naming dalawa. Ano’t hindi ko mabasa ang nasa isipan niya? Parang napakahirap itong alamin at hindi ko na kayang sisirin pa.

Bakit tuwing magkakalapit kami ay may biglang umaalon sa loob ko gayong wala naman siyang ginagawa  sa akin. Simula no’ng napansin kong lumalayo siya ay tila napakahirap nang  alamin ang laman ng kanyang utak. Napailing ako, simula nga noong magkakilala kami ay nahihirapan akong alamin ang iniisip niya, ngayon pa kaya?

Napigil ko na lang ang hininga nang tumigil ito sa bandang tenga ko. Naging malapit tuloy ang mukha ko sa dibdib niya at nalanghap na naman ang mabango nitong amoy.

Sa ganoong galaw nito ay halos hinahalungkat ang lamang-loob sa katawan ko. Tila may mga naghahabulang mga daga sa puso ko at nangangamba akong marinig iyon ni Con.

“Don’t get closer to that man, Ysa,” seryosong bulong nito na ikinatulala ko.

Nagtitilian ang mga kaklase ko at kinakantsawan kaming dalawa, pero, hindi iyon ang naging dahilan para makuha ng tuluyan ang buo kong atensyon. Napako ang lahat ng iyon kay Con at sa sinabi niya. Wala siyang sinabing pangalan pero parang nababatid ko kung sino ang ibig nitong pakahulugan.

Bakit ayaw niyang malapit ako kay Ivan? Ano ang dahilan nito? Nagseselos?  Ilang ulit akong napa-iling, iyan na yata ang pinakanatatawang ilusyong nagawa ng utak ko. Napakaimposible namang mangyari ang bagay na iyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganoon dahil nang matauhan ay nasa upuan na si Con at nasa paborito nitong posisyon. Ginawa na naman nitong unan ang dalawang kamay at natulog buong oras ng klase.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang makinig samantalang naglalayag ang isip. Napagsasabay kong isipin si Con at sumagot sa mga tanong ng mga guro namin. Nakaani pa ako ng ilang papuri gayong nasasagot ko ang mga tanong na binabato ng mga guro namin sa mga kaklase ko tuwing hindi sila nakasasagot.

UWIAN na at patungo ako sa lugar kung saan ko kanina nilagay ang bisekleta. Ganoon pa rin ang estado nang paglalakad ko.

Kilala mo ba si Ivan Grozen? ’Yong transferee? Omo! Ang gwapo niya!

Hindi, e. Ituro mo sa ’kin mamaya ah?

Ang gwapo niya talaga! Pero mas gwapo pa rin naman si Dwight Guievarra kaso alam niyo, magta-transfer daw siya ng school!

Oo nga, e. Sayang. Bakit kaya siya aalis dito? Maganda naman ang G high ah?

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kaysa makinig sa mga pinag-uusapan ng mga estudayante.

Totoo namang gwapo talaga si Ivan kaso mas gwapo pa rin para sa akin si Con. At usap-usapan pa rin sa G high ang pagta-transfer ni Dwight. Rinig kong sa states na raw siya mag-aaral at dahil iyon sa mga magulang niya.

Napatigil ako bigla. Noon hiyang-hiya akong nakikita siya o makaharap man lang. Napatingin ako sa mga babaeng nalulungkot habang pinag-uusapan si Dwight. Nakarehistro sa mukha ng iilan ang lungkot at panghihinyang.

Kinapa ko ang emosyong noon para sa kanya pero wala akong mahagilap ni maski isang porsyento man lang. Parang wala lang sa ’kin na aalis na siya o ano. Talaga nga sigurong nawala na ng tuluyan ang pagka-crush ko sa kanya. Napakibit-balikat na lang ako at nagtuloy sa paglalakad.

Aabutin ko na sana ang manibela ng bisikleta ko nang may kamay ang pumigil sa akin. Agad akong napalingon para kilalanin ang may ari no’n pero mali yata ang ginawa kong iyon.

Napalunok ako sa distansya naming dalawa at halos gahibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Ilang ulit akong napakurap at nang makabawi ay binawi ang kamay kong hawak niya.

Hindi naman siya poste pero ano’t  naghahatid ito sa katawan ko ng kuryente? Hayun na naman ang mga nagkakarambola sa aking loob. Tila may kung anong nag-sasagwan at tinatangay ito papunta sa puso’t tiyan ko.

Mas lalo lamang iyon nadagdagan nang magsalita si Con at titig na titig sa akin. Bakit parang may humihiling sa aking kalooban na sana ay ganyan na lang niya ako palaging tingnan? Mumunting hiling na pati ang puso’t isipan ko ay sumasang-ayon.

“Stop forcing yourself, will you?”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Agad niyang hinila ang kamay ko ay dinala sa kotse niyang nangingintab. Parang alam ko na agad ang ibig nitong pakahulugan.

“Get in,” utos nito.

Hindi ko siya sinunod kaya napapikit ito at agad na napamasahe sa sentido nito. Iyon lang naman ang ginawa ko, ano’t inis na inis agad siya? Ganoon niya na lang ba ako kinaiinisan? Nagsimula lang naman ito no’ng nagsabi ako ng totoong nagyari sa café.

May namumuong emosyon sa puso ko pero agad kong iwinaksi iyon. Napatunghay ako at sinalubong ang mata nitong seryoso nang nakatingin sa akin.

“Ano. . . paano ’yong bisekleta—” hindi ko na madugtungan pa ang sinasabi dahil nagsalita na agad ito.

“Calum will get that for you. Now, get in,” naiinis na aniya.

Gusto kong maiyak dahil hindi ko alam ang pinanggagalingan ng inis niya. Wala naman akong ginawang ikakaganyan niya. Pinigilan kong tumulo ang luha nang maglakad na siya at pumunta sa kabilang pinto ng kotse niya. Nakapasok na siya at lahat pero nandito pa rin ako sa labas.

“Ysa. Can't you hear me? Get in,” nauubos na pasensyang aniya. Binuksan na nito ang  pinto ng kotse kaya agad akong napapasok dahil baka magalit ito nang tuluyan sa akin. “Good.”

Napalingon ako nang makitang bahagya itong ngumiti pero agad ding nawala. Namamalikmata ba ako o ano? Napailing ako, paano siya ngingiti, e, naiinis nga siya sa akin diba?

NARATING namin ang apartment ng walang namamayaning ingay sa pagitan naming dalawa. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang maaninaw ang isang kotse at lalaking nakatayo sa labas no’n.

Naunang lumabas si Con at pinagbuksan ako tsaka inalalayang maglakad. Tuloy ay biglang nagdiwang ang kung ano sa loob ko. Napapakagat na lang ako sa labi para lamang mapigilan ang pag-alpas ng ngiti.

Mas lalo kong ikinagulat ang paglapit ng isang mama at taramtang napaluhod sa harap namin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang iyon. Ako ang nahihiya at baka isipin ng tao na may ginagawa akong hindi maganda sa taong ito. Na nagiging matapobre ako dahil sa pagluhod nito.

“Manong—” napatigil ako nang akma ko itong tutulungan para itayo. Taka akong napatingin kay Con. Umiling ito sa akin at parang ipinaparating sa seryoso nitong mga tingin na hayaan ko muna at makinig sa sasabihin niya. “Bakit anong—” muling naputol iyon ng magsimula ng magsalita ang lalaki.

“Patawad, iha. Patawad. Hindi ko sinasadya na banggain ka. Napag. . . napag. . . napag-utusan lang ako! Pasensiya  na. Hindi ko nais na gawan ka ng gano’n. B-in-lack mail nila ako. S-s-saktan daw nila ang  a-anak ko. W-wala akong magawa. Patawad!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top