CHAPTER 14

Chapter 14: Strange feeling



"WHAT happened to your neck, Ysa. Answer me honestly."

"Binantaan ka ba kaya hindi ka nagsasalita?"

"You know, we're strong, no one can kill us easily, Ysa."

"So, ano nga?"

Hindi ako magkandamayaw sa paglingon sa bawat isa sa kanila. Kanina pa nila ako pinapaulanan ng mga tanong. Paano ako makakasagot nito kung bubuka na 'yong bibig  ko, e, may sesegundang pang tanong ulit?

Napakamot na lang ako sa ulo gayong hindi ko na alam kung paano sila sasagutin lahat. Tanging si Areon na lang ang hindi ko naririnig na nagsalita. Nagkatingin na lang kami at napailing sa apat na 'to.

"Guys, will you stop asking too much question? How  she supposed to answer all of  that?" May bahid na inis na ani Areon.

Sa isang iglap ay napatahimik naman sila. Kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon para magsalita. "Ano. . .h-hindi ko naman sinasadyang makinig. Hindi naman iyong ang intensyon ko. Pasen—"

"That's not what I want to hear on you, Ysa. That's not it!" Tila nauubos na ang pasensya ni Con nang sabihin iyon. Napaigtad tuloy ako at napaiwas ng tingin.

Bakit ba galit na galit siya? Hindi ko naman siya inaano d'yan ah.

"Woah. Dude, chill. H'wag mong takutin si Ysa," sumang-ayon naman sina Shun, Areon at Calum sa sinabing iyon ni Tim.

"Tss." Nag-iwas ng tingin si Con sa akin ngunit nandoon pa rin ang paniningkit ng mata niya.

Sasabihin ko ba talaga? Baka kung mapaano sila kung sakaling sabihin ko 'yong totoo. Sa huli ay wala pa rin akong nagawa. Kahit paano ay may punagsamahan naman kamung lahat. Kahit sa kakaunting oras ay nabuo ang tiwala ko sa kanila.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago simulang sabihin sa kanila ang gusto nilang malaman kanina pa.

"Ang totoo niyan. . ." Kumabog nang husto ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Huwag ko na lang kaya ituloy ang sasabihin? Pinaglaruan kong  muli ang kamay na nakalapat sa aking hita. Lahat sila'y nag-aabang sa sasabihin ko at nanakakailang 'yong paninitig nila.

Magiging okay lang naman sila diba? Hindi naman agad nila mamatay o mapapahamak kung sakali mang totohanin ng taong iyon ang banta sa buhay nila diba? Gangster sila, at alam kong hindi sila  isang simpleng grupo lang ng mga gangster. May tiwala ako sa kanilang lahat.

"Sa katunayan, nakuha ko ang sugat nito dahil sa taong nagbanta sa 'kin."

"What?"

"F*ck!"

"Ano!"

"T-tinatanong niya si Con sa 'kin," dagdag ko pa at napatingin sa taong nabanggit.

"Stop. I know where it will end."

"Ikaw lang Con! Kami hindi alam 'yon! Sige na Ysa magkwento ka na." Binato siya ni Calum ng unan pero hindi ito nag-abalang ilagan iyon, tuloy ay tumama 'yon sa ulo niya na nagpagulo sa asul nitong buhok.

"Tss." Tanging naitugon ni Con at pinagkrus ang mga braso.

Ang sungit naman ng taong 'to ngayon. Lihim akong napanguso dahil sa inaasta niya. Simulan ko nang ikwento ang naranasan ko kanina sa comfort room ng café na pinagtatrabahuhan ko.

Bawat linyang binabanggit ko ay mayroong komento mula kay Calum. Kulang na lang talaga, e, 'yong bawat letra ng mga salita ay komentuhan ng tukmol na iyon. Puro batok at sapak tuloy ang abot niya sa tatlong taimtim na nakikinig.

"Hindi mo talaga siya nakilala, Ysa?" Paninigurado ni Calum. Ilang beses niya na bang itinanong 'yan sa 'kin at ilang beses ko na rin bang nasagot ng parehong salita.

Wala akong magawa kung 'di sagutin ulit siya. "Hindi, e. Sorry. Nakatakip kasi ang lahat sa kanya."
Binatukan bigla nina Shun at Tim si Calum kaya napahawak ito sa ulo niya gamit ang dalawang kamay.

"Gago! Paulit-ulit ka naman, Cal!"

"Kulanf ka yata sa kulangot!

"Ulol!"

"You may rest now, Ysa. Matulog ka na. Enough of this. You don't need to involve yourself in our business. Kalimutan mo na lang ang gabing ito. It's for your own good," seryosong sabi ni Con. Tiningnan lang ako nito ng diretso sa mata. Ni isang kurap ay hindi niya ginawa.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Gusto ko pa sanang manatili pero tama naman siya. Ayoko ng maging sakit sa ulo at maging pabigat sa kanila. 'Saka halata namang ayaw nilang ipaalam ang nasa isip nilang lahat. Tanging impormasyon lang na nasa isip ko ang gusto nilang malaman. Wala ng iba.

Nanahimik na lamang ako at nagpaalam na sa kanila at sinimulang maglakad sa kwarto. Ngunit bago ako tuluyang makapasok ay narinig ko pa ang seryosong boses ni Areon. Mahina lamang ang pag-uusap nila ngunit abot pa rin iyon hanggang dito dahil sa katahimikan ng paligid.

"You need to do something, Lolarga. The enemy is on the move."

Minsanan lang makisali si Areon sa bangayan, kulitan at usapan ng tropa ngunit kapag nagsalita na siya ay may dala talagang impact sa 'yo. Sa pagkakataong iyon, noon ko lang narinig ang seryosong boses nito. Palagi kasi iyong banayad o 'di kaya'y mapagpasenyang ang paraan nito kung makipag-usap.

Ngunit hindi ko na lamang iyon inintindi pa at pumasok na ng tuluyan sa kuwarto.

***

KINABUKASAN ay maaga akong naghanda para pumuntang G high. Halos isang oras lang ang tulog ko kanina at hindi na ako dalawin ng antok, kaya napagpasyahan ko na lang bumangon at gawin ang mga dapat gawin.

Nagluto lang ako ng beaf loaf, hotdog tsaka fried rice. Ayoko namang galawin 'yong manok na nasa ref dahil wala namang kakain no'n dito sa apartment mamaya.

Matapos kong maisalansan lahat sa mesa ay nakarinig ako ng mga yabag. Marahil ay gising na Con at kumakalam na ang sikmura.

Gaya ng dati ay babatiin ko ito kapag pumasok na siya sa kusina. "Good morning!" Nginitian ko siya ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ganoon na lang tuloy ang pagkakapahiyang naramdaman ko.

Nangunot ang noo ko dahil parang wala lang ako sa kanya. Nakasanayan niya na rin kasi ang pagbati ko sa kanya kaya babatiin niya rin ako pabalik. Ano't hindi man lang siya kumibo?

Imposible naman hindi niya narinig, e, kaming dalawa lang ang narito sa kusina at wala ng ibang ingay na maaring maging dahilan para hindi maabot ng tenga nito ang sinabi ko.

Nasa kanya lang nakatuon ang atensyon ko mula sa pagkuha ng baso at pagsalin ng tubig na nasa pitsel. Matapos na ang lahat nang ginawa ni Con subalit hindi pa rin ito lumingon sa akin.

Kumuha lang siya ng isang beef loaf at agad na lumabas ng kusina. Ni isang tanong lang na kung kumain na ba ako ay hindi nito nagawa. Mukha ba akong hangin sa kanya?

Bigla akong nakaramdam ng inis ngunit napaisip ako kung bakit. Bakit nga ba?

Inisip ko kung may kasalanan ba akong nagawa sa kanya pero wala naman. Wala akong ginawa para tratuhin niya ako ng gano'n. Ilang minuto lang ay humaba nang husto ang leeg ko nang marinig muli ang mga yabag nito.

Walang ano-ano'y napadaan siya rito na ayos na ayos. Naka-uniform na at sukbit ang bagong dark blue na bag nito sa kaliwang balikat. Nanlalaking mata akong napatayo at agad siyang sinundan.

"Con! Aalis ka na?" Napatingin ako  sa wall clock kung anong oras na, ngunit hindi pa naman kami late. Alas-sais y medya pa lang ng umaga. Sinusundan ko lamang ito. "Ang aga pa naman, Con. Hindi mo ako isasa—" hindi ko na naituloy ang saaabihin dahil inunahan niya na ako.

Nakalabas na kami ng tuluyan sa apartment at nasa harap na siya mismo ng kanyang kotse. "I have something to do, Ysa. Mauuna na ako. Okay ka naman kung hindi ka sasabay sa 'kin diba? You can ride your bicycle. What's the used of it anyway?" Seryosong sabi nito ngunit hindi man lang ako tinititigan.

Sa pagkakasabing niyang iyon ay parang pinapaabot nito na ayaw niya akong makasabay at wala siyang obligasyon para isabay pa ako. Hindi ko alam pero nangiligid ang luha ko sa inaasta ni Con.

Napapahiya akong napayuko at pinigilang huwag umiyak sa harap niya. Nakakahiya ka Ysa!  Ilang ulit akong napatango habang nakayuko.

"A-ah. O-okay. I-ingat ka." Pinilit kong tumawa pero ang kinalabasan lang niyon ay isang awkward na tawa.

Narinig ko na lamang ang pag buhay niya sa kanyang makina at umalis na. Naiwan tuloy na nakabukas ang gate kaya ako na lamang ang sumara.

Nilingon ko ang kotse niyang matuling tumatakbo sa daan hanggang sa hindi na abot ng tingin ko iyon. Ilang ylit akong nagkisap ng mata. Napagpasyahan kong pumasok na ngunit bago 'yon ay nadatnan ko si Aling Hena sa bakuran niya at inaasar ako ng tingin.

"Oh? Bakit nagpaiwan ka, Ysa? Akala ko ba'y magkasabay kayo palagi ni Con? Anong nangyari at  himala na naiwan ka rito?" puna ni Aling Hena at napahinto sa pagdidilig ng mga halaman niya.

Napakamot lang ako sa ulo at nag-isip ng maidadahilan. Pero dinugtungan ulit ni Aling Hena ang sinabi.

"Siguro nag-away kayo 'no? Lovers quarrel ba tawag ng mga kabataan no'n ngayon? Ganoon 'ata. Ikaw ha, Ysa." Nanunukso akong tiningnan ni Aling Hena.

Wala akong nagawa kung 'di magpeke ng tawa. "Naku, Aling Hena hindi po ah! Mag-aayos na po ako at baka ma-late pa ako," sabi ko sa kanya at mabilis na nagtungo sa loob ng apartment.

Alam kong bobolahin na naman niya ako. Galawan ni Aling Hena ay kabisang-kabisa ko na. Napailing na lang sa binanggit niyang salita. Saan niya na naman ba nakuha iyon?

Lovers quarrel? Lovers ba kami ni Con? Hindi naman ah? E, anong tawag sa date na 'yon no'n?
Hay, Ysa, friendly date lang 'yon.

Inalis ko na ang isiping iyon at baka saan pa humantong. Mabilis akong nag-ayos at ni-lock ang apartment. Kinuha ko na ang bike na niregalo ni Con noon at sinimulang magpedal papuntang eskwelahan.

Magandang ehersisyo na rin ito sa umaga. Ilang sandali lang ay naaninaw ko na ang mataas na pader ng G high.

Lubos talaga akong nagpapasalamat at nakatapak ako sa eskwelahang iyon. Maganda na nga ang kalidad ng edukasyon, idagdag mo pang mabilis kang makakakuha ng trabaho kapag nakapagtapos ka roon.

Sa kabilang banda, nasa ibang lokasyon naman ng Caloocan ang pangkolehiyong eskwelahan ng Greonio. Dalawang sakay pa iyon mula sa eskwelahan ko. Balak ko nga rin doon magkolehiyo para maging maganda iyong records ko. Sa pamamaraang iyon ay mabilis akong makakahanap ng mapagtatrabahunan.

Unti-unti ko na ring pinag-iipunan ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Alam kong hindi pa iyon sasapat pero tiis-tiis lang muna ngayon.

Lahat ng paghihirap ay may kapalit sa huli. Kaya hindi ito ang oras para sumuko. Paano nayin makakamtan ang totoong buhay kung puro saya lamang ito? Ang problema ay nagpapatatag sa tao, ito 'yong gumagabay at naghahanda  sa 'tin sa hinaharap.

Naputol ang pag-iisip ko ng may malakas na businang papalapit sa likod ko. Mabilis ko itong nilingon kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

Tila sa isang iglap ay nakita ko ang buong buhay ko. Para itong libro na papalit-palit ang bawat pahina kada segundo. Mga alaala ko noong bata hanggang ngayon ay napagkasya sa isang kisapan ng mata.

Halos hindi ko na masabayan  pa ang sumunod na pangyayari. Naimulat ko na lang ang mata sa mga sigawan ng mga taong nakakita at lumapit para kamustahin ako.

Hinawakan ko ang ulo dahil tumama ito sa matigas na bagay. Kinapa ko iyon ngunit agad na napaaray nang tumama ang kamay ko sabukol ko. Agad kong tiningnan ang kamay kung may dugo ba ito galing sa ulo. Napaluwag na lang ang hininga ko nang makitang wala naman. Mabuti na lamang.

"Okay ka lang ba, iha?"

"Anong nangyari sa kanya?"

"Kunin niyo ang bike ng bata sa gitna ng daan. Kawawa naman ito!"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Napahawak ako sa tuhod nang maramdaman mahapdi iyon. Hala! Dumudugo!  Naangat ako ng ulo ng mapansing dumami na ang taong nakapalibot sa akin. Ang iba'y  napailing na lang habang kinakausap ang katabi. Ang ibang nakausyoso ay hindi mapigilan ang inis at naisatinig.

"T*anginang kotse 'yon. Tumakas na. Hindi man lang huminto nang masanggi  ang bike ng batang ito. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Tss. Mga kaskasero nga naman sa daan oh."

"Marami na rin nadisgrasya ritong mga estudyante ng G high at sa mga kalapit na eskwelahan nito. Naku oh, mga driver talaga'y parang hari ng kalsada. Hindi man lang kinonsidera ang mga taong kagaya nito."

Halos sumakit ang ulo dahil sa sabay-sabay na ingay ng mga taong nakukwentuhan sa paligid dahil na rin sa nangyari. Napapikit na lang ako ng ilang sandali at napatayo ng dahan-dahan. May lumapit sa aking matanda at alalang-alala ito. Siguro'y nasa edad sitenta na rin ito base sa kulubot nitong mukha. Agad niya ako dinaluhan.

"Iha okay ka lang ba? Halika't dito natin gagamutin ang sugat mo sa loob ng bahay ko," sabi ng matanda sa akin at inilalayan ako papasok sa tahanan nito na malapit lang pala sa kalsada. "Anong masakit sa iyo?"

Ngumiti ako sa matandang babae. "Okay lang po ako, lola. Walang naman akong malalang natamo," sagot ko at ngumiti ulit sa kanya.

Sa katunayan ang masakit 'yong ulo ko, sabayan pa 'yong hapdi sa magkabilang tuhod. Tiniis ko na lamang iyon at hindi na pinahalata sa matanda.

Balot pa rin sa mukha nito ang masyadong pag-aalala. "Maupo ka muna riyan at kukuha lang ako ng bulak at betadine. Nakung mga kaskasero sa daan oh. Hindi ka man lamang binalikan at kinamusta."

Sa pagkakataong iyon ay napasilip ako sa labas. Unti-unti nagsilisan ang mga taong nakiusyuso sa naganap. Pagkaraan ng ilang minuto ay may dala-dala na ang matanda ng gamot sa tuhod ko. Ako na lamang ang nagpresenta ngunit siya iyong nagpumilit. Wala tuloy akong nagawa kung 'di hintayin na lamang itong matapos. Nagkwentuhan kami sandali ni lola ngunit napatigil lang iyon ng mapansing late na pala ako.

"Salamat po, Lola Doreng. Sorry po at hindi na ako makatatagal pa, late na po kasi ako. Maraming salamat po ulit!" Ngiting paalam ko sa kanya at agad na sinuri ang bisekleta. Gasgas lamang ang natamo nito sa katawan at wala namang ibang sira.

"Mag-ingat ka Ysa ha? Sa susunod ay ipapakilala kita sa apo ko, nauna na kasi sa eskwelagan iyon."

"Opo. Bibisitahin ko rin po kayo rito minsan. Paalam po!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top