CHAPTER 13
Chapter 13: Unknown
"CON, mauna ka nang umuwi mamaya," bulong ko matapos ang klase. Mayroon pa kasing isang subject at iyon na rin ang panghuli.
Lumingon siya sa akin na may nangungunot na noo. Marahil ay nawiwirduhan sa ginagawa kong pagbulong sa kanya gayong wala namang guro na nagtuturo sa harapan.
Nahihiya kasi ako, kanina pa nila ako inaasar ng mga kaklase ko kay Con dahil na rin sa post ni Calum. Kalat na kalat na talaga iyon kaya nakaani ako ng iba't ibang komento. Mapapasitibo man iyon o negatibo.
"For what?" naguguluhang sagot nito.
"'Di ba nga, may part-time job ako sa café diyan malapit sa eskwelahan?" Nag-isip ito ng ilang sandali at napatango na lang sa sinabi ko. Akala ko ay hindi na ito magsasalita pa ngunit mali ang hinala ko.
"I'll wait for you there. Wala naman akong gagawin ngayon. At. . . walang magluluto sa apartment kapag wala ka, magugutom lang ako."
Napanganga ako sa sinagot niyang iyon. Magugutom? Hindi ba siya marunong bumili ng pagkain niya sa labas? O, tawagan ang mga tropa niya, magaling naman si Areon magluto, e.
"E 'di bumili ka ng mga lutong pagkain diyan sa tabi. Maraming restaurant at mga karinderyang makakainan mo," saad ko.
"I don't like their food. Sayang sa pera," mabilis na sagot nito sa akin.
Kailan pa naging pangit ang lasa ng mga pagkain sa restaurant at karinderya? Ang sasarap kaya ng mga luto nila!
O sadyang mapili lang talaga si Con sa pagkain? Instant noodles lang kasi ang kinakain, marami namang pera 'to kung tutuusin, e. Baliw na yata ang isang ito.
Sa huli ay wala akong nagawa kung 'di ay sundin ang gusto niya. Naghintay nga siya sa 'kin sa labas ng café hanggang sa matapos ang pagtatrabaho ko.
Nagpunta muna ako sa comfort room ng café para makapagbihis ng uniform ko. Nakalimutan ko kasing magdala ng pamalit kaya itong school uniform ko na lang ulit ang susuotin ko. Nasa huling butones na ako ng damit nang makaramdam akong may taong nakatingin. Napatigil ako sa ginagawa na may nakakunot na noo.
Mabilis kong nilingon ang maliit na bintana sa itaas ng panghuling cubicle pero wala akong nakitang kahit anino. Tanging buwan lang ang nasisilip ko sa labas at iilang mga bituin sa langit.
Huwag mong sabihing may multo rito? Napailing ako, hindi ako mayatakot sa multo. Hinding-hindi.
Napahigpit ang hawak ko sa uniform. Dahan-dahan kong naihakbang ang mga paa para lapitan ang bintanang iyon. Binalot nang katahimikan ang buong paligid kaya ganoon na lang pagkagulat ko ng may pusang tumalon roon. Napahawak ako sa dibdib at hinagod iyon.
Boset! Pusa lang pala! Kamuntikan na akong atakihin sa puso ng dahil sa sobrang kaba. Akala ko kung ano! Napakamot ako sa ulo at napagpasyahang ilagay na ang damit sa bag. Ngunit, ganoon na lang ang paglaki ng mata ko ng iba ang masalubong nito sa aking pagkaharap.
Nabitawan ko ng kusa ang hawak na damit at sa kalagitnaan nang pangangatal ay napaatras na lamang ako.
Isang lalaking pulos nakaitim at balot na balot.
Mayroong nakabalot na telang itim ang mukha nito kaya hindi ko masilayan kung ano ang tunay niyan itsura. Napalunok ako nang itutok nito sa 'kin ang kutsilyong hawak.
Ayoko pang mamamatay. Hindi ngayon! Marami pang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay. Hindi ko pa natutupad ang pangarap ko. Nay! Tay! Pasensya na pero hindi ko pa gustong samahan kayo diyan sa langit.
"Kaano-ano mo si Con Lolarga?" diing tanong nito at mas tinutok ang kutsilyo sa 'kin.
Napailing ako ng ilang ulit at nanginging na napatakip sa bibig. Si Con? Ano ang koneksyon niya sa kanya? Kaaway niya ba ito? Kung ganoon nga ay hindi ko p'wedeng sabihin ang mga nalalaman ko sa kanya. Tiyak na ikakapahamak ito ni Con at ng grupo niya.
Nanahimik at kunwaring wala alam lang ako kapag kompleto silang magtotropa sa apartment namin. Hindi ako tanga para hindi malamang may lihim na pinag-uusapan sila. Hindi ko iyon malaman-laman dahil tuwing nadadatnan ko sila ay bigla na lang titigil at mag-iiba ang reaksyon nilang lahat. Hindi ko namang gawain makisawsaw sa diskusyon ng iba kaya hindi ko na iyon inintindi pa. Ngunit malakas ang kutob kong may pinag-uusapan silang importante palagi.
Minsan napapaisip din naman ako na sa kalagitnaan ng gabi ay bibisita silang magtotropa sa apartment namin. Ang palagi lang nilang idinadahilan ay hindi makatulog o napadaan lamang. Hindi ko naman nakakalimutang gangster sila at kahit ako ay may alam sa mundo nila kahit papaano.
Salamat talaga sa mga nagkalat na sabi-sabi sa paligid. Ngayon ay napapakinabangan ko ang mga balitang noon ay hindi ko naman iniintindi.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang lalaking iyon. Mula sa pangangatawan nito hanggng sa mata nitong tanging nakikita lamang.
"Sino ka ba?" Lakas loob kong tanong sa paraan pa nang pagtataray. Nakuha ko na yata ang pag-uugali ni Cyrene, kuhang-kuha ko ang pananalita nito tuwing dinidemonyo niya ako.
Tinago ko na lamang ang nanginginig kong kamay para hindi naman maging halata na natatakot ako. Baka magkalakas pa ng loob ang isang 'to at madedo talaga ang kahantungan ko. Kutsilyo na 'yong hawak niya, e! Kutsilyo! Inay ko naman po, ayoko pang mamatay!
Gusto kong batukan ang sarili dahil hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang lakas ng loob ko para magsalita sa harap ng taong 'to. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan na nang malamig ngunit hindi ko iyon pinahalata. Napalunok na lang ulit ako noong lumapit pa siya at idiniin na ang kutsilyo sa leeg ko.
"Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong gilitan kita ng leeg dito!" gigil na bulong nito na may nanlikisik na mata.
"H-hindi ko kilala a-ang s-sinasabi mong C-Con. . ." pagsisinungaling ko. Mas lalo siyang nanggalaiti sa galit dahil hindi iyon ang inaasahan niyang isasagot ko.
Hindi ko namang maaring sabihin na, oo kilala ko si Con, nakatira kami sa iisang apartment. E di gilit agad leeg ko kung sakali man. Patay na nga ako, may ipapahamak pang mga buhay.
"Magsabi ka ng totoong babaeng ka!" Mas lalo niyang idiin ang kutsilyo sa leeg ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa pagkakatong iyon at nilamon na ng tuluyan ng takot.
Con! Ayoko pang mamatay!
Sa kalagitnaan ng sitwasyon ko ay bigla na lang may tumawag sa cellphone na nasa aking bulsa. Tanging musika na nanggagaling lang doon ang nangingibabaw sa cr. Mas lalo akong ginapangan ng kaba sa galit na rumihestro sa mukha sa taong iyon.
Dahan-dahan kong kinuha iyon at nag-aabang ng pagtutol niya pero napindot ko na ang answer button pero wala pa rin siyang ginagawa, ngunit hindi pa rin nawawala ng kutsilyong nakatutok sa leeg ko.
Sinigurado kong hindi niya makikita ang pangalang nakarehistro sa screen ng cellphone ko at mabilisan kong hininaan ang volume bago ako nagsalita sa linya.
"Where were you? It's past 8, hindi ka pa rin lumalabas. Kanina pa tapos ang shift mo."
"Ah. . . n-nagbihis lang ako. Sumakit din kasi 'yong t-tiyan ko kaya napatagal. . ." Sinigurado kong huwag banggitin ang pangalan ni Con at napatingin sa taong nasa harap ko. "L-lalabas na rin naman ako. . . kuya,"
"What? Kuya? What are you talking about ,Ysa?"
Agad kong pinatay ang tawag at napahigpit ang hawak roon. Nailagay ko na lang sa dibdib ang dalawang kamay na nakahawak sa cellphone. Gusto ko pa sanang umatras para maiwasan ang nakakamatay na tingin nito ngunit ramdam ko na ang malamig na pader na nakalapat sa aking likod.
Wala na talaga akong mapuntahan. Naipikit ko na lang ang mata ngunit agad na napadilat nang maramdamang tinanggal nito ang nakatutok na kutsilyo sa aking leeg.
"Huwag mong sasabihin ito sa taong naghihintay sa 'yo sa labas dahil kung hindi. . ." Nilagay niya ang hintuturo sa leeg at iginalaw ito na parang nanggigilit ng leeg. "Babala palang ito," dagdag pa niya. Napalunok na lang ako nang maglakad na siya at lumabas sa likurang punto ng café.
Doon ko na naramdaman ang panghihina ng tuhod ko at napasalampak sa sahig. Habol ang hiningang napahagod ang kamay ko sa aking dibdib. Hindi ko na namalayan na pigil ko na pala ang paghinga kanina pa.
Ano't ganoon na lang ang kaba kong natamdaman ng maisip na sasaktan nila si Con at ang mga kaibigan niya? Hindi ko lubos maisip ang kahahantungan nina Con kung sakaling nagsalita ako laban sa kanila.
Anong pakay ng taong iyon?
Eksaherada akong napatayo at nag-ayos nang pumasok sa isip ko na naghihintay pala si Con sa labas. Ngali-ngali kong niligpit ang gamit at tumakbo sa labas. Doon ko naabutan na nasa loob siya ng kanyang kotse.
Mabilis kong binuksan ang shot gun seat ay naupo na parang walang nangyari. Pilit akong ngumiti at ginawang masaya ang tono nang pananalita ko.
"Bakit ba ang tagal mo?" bungad niya.
"Sorry, natagalan ako, Con! Sumakit talaga 'yong tyan ko sa kinain ko kanina, e," pagdadahilan ko at napahimas sa tyan.
Nangunot ang noo niya sa sinagot ko at napaatitig sa 'kin. Kinumbinsi ko ang sarili na huwag mag-iwas ng tingin dahil baka mahalata ako nitong hindi nagsasabi ng katotohanan.
"Wala ka namang kinain kanina pagpunta rito."
"Meron!" mabilis kong sagot na ikinagulat niya dahil napalakas na rin ang boses ko.
Muling kumunot ang noo niya at napatingin sa kung saan. Napansin ko na ang leeg ko pala ang tinitingnan nito kaya agad akong nataranta. Agad ko iyong tinakpan ng buhok ko ngunit huli na ang lahat. Nakita na niya.
"Dumudugo ang leeg mo. What happened?" takang tanong niya.
"Ha? Wala ah! Ano. . . may nasanggi lang akong bakal kanina sa pamamadali kong makalabas." Dali-dali akong kumuha ng panyo na nasa bag ko ngunit hindi ko iyong makita. Sa sobrang taranta ay nalaglag lahat ng gamit ko. Hindi ko mapigil ang panginginig sa naranasan kong iyon ngunit kailangan kong itago sa harap ni Con.
Hindi niya pwedeng malaman iyon. Mapapahamak siya—silang lahat.
"You're trembling. Tell me what happened." Hindi ito nagtatanong ngunit nag-uutos.
Napatigil ako sa pagpulot ng mga gamit na nasa sahig ng kotse at napatunghay. Napahawak ako sa kabila kong kamay para pigilan ang pangangatal no'n. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil baka nakahahalata na talaga si Con.
"Ano. . . kasi. . ." Tila may nakabarang bato sa lalamunan ko na naging dahilan para hindi ako makapagsalita ng maayos. Pinilit akong mag-isip ng maayos na dahilan. "May nasanggi lang ngang bakal! Nagmamadali na talaga ako kasi. . . kawawa ka naman, kanina ka pa naghihintay sa 'kin kaya. . . naisip kong dalian. Baka gutom ka na rin kasi." Ngumiti ako at niligpit na ang gamit tsaka umayos na nang pagkakaupo.
Napalingon pa ako sa kanya na seryosong nakatingin sa 'kin, tinitimbang kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. Hindi ako nag-iwas ng tingin at kunwaring ngumuso.
"Gutom na ako, Con. Tara na't umuwi." Nakagat ko ang labi nang bumuntong hininga ito at sinimulang buhayin ang makina. Mayroon siyang inabot na puting panyo sa akin at sinenyas ang sugat ko sa leeg. Hindi na ako nag-abalang magsalita pa at kinuha na lang iyon.
Nagbubunyi ang loob-loob ko gayong hindi na ito nagtanong pang muli. Tahimik na lang itong nagmaneho. Sa pagkakataong iyon ay napasandal na lang ako sa upuan. Hindi pa rin mawala-wala ang pangambang nasa loob ko.
Para hindi ko na maisip pa iyon ay tinuon ko na lamang ang atensyon sa daan.
-
PASADO alas-onse na ng gabi ngunit bukas pa rin ang ilaw sa living room kaya napagpasyahan kong bumangon muna sa kama. Nauuhaw na rin kasi ako.
Hindi na akong nag-abala pang buksan ang ilaw dahil sapat naman ang ilaw sa labas para maaninaw ko ang loob ng kwarto.
Naulinagan ko ang mga boses na iyon kaya alam kong hindi pa rin sila umuuwi. Sinadya kong huwag gumawa ng ingay sa pagbukas ng pinto at paglalakad. Sinigurado kong hindi sila makatunog na nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang magtotropa.
Napatago na lamang ako sa pader matapos na makalabas sa kwarto at taimtim na nananalangin na huwag sana akong mahuli sa ginagawa kong 'to.
"What?"
"Hinaan mo nga boses mo Cal!"
"Did she tell you the truth dude?"
"She didn't but I know something happened to her."
"They're on the move."
"We need to prepare."
"Stop hiding. Ysa. I know you were there."
Nanigas ako sa boses ni Con. Hindi naman ako gumawa ng ingay pero nalaman niya pa rin na nandito ako. Kinain akong muli ng pangamba. Sa pagtago pa nga lang parang sisiw na sa kanya at agad na nalaman ang ginagawa ako, paano pa kaya 'yong kanina?
Malalim akong huminga at lumabas sa pinagtataguan ko. Nasulubong ko agad ang tingin nilang lima sa 'kin. Binalot tuloy ako ng kahihiyan kaya napayuko ako.
Baka sabihin pa nilang ang tsismosa ko naman masyado.
Napaupo na parang isang tuod kaharap sila. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Gising ka pa pala, Ysa!" Biglang basag ni Calum sa katahimikan at inakbayan ako. Pilit akong tumawa.
Minsan nakakatulong talaga ang pagiging maingay ni Calum para mabasawan masyado ang tensyon. Siya minsan 'yong nagiging switch para pagaanin ang atmosphere sa paligid.
Napaglaruan ko na lang ang kamay sa hindi komportableng posisyon. Sa limang nakatingin sa 'kin ay may isang tao talaga akong nararamdamang matalim ang tingin sa 'kin. Mas lalo tuloy akong hindi mapakali.
Sana pala ay hindi na lang ako nakinig sa may usapan na may usapan. Iyan tuloy, nandito ako sa sitwasyong ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top