CHAPTER 12

Chapter 12: Good News



NAPAPADYAK ako sa kama matapos na makapagbihis at niyakap ang malaking Rilakkuma na binigay ni Con sa 'kin. Nalagay ko ang kamay sa bibig at pinakiramdaman iyon.

Napatili ako sa ilalim ng unan na nakatakip sa itsura ko at napapadyak ulit sa ere. Nawalan ka lang ng scholarship, Ysa, tapos ganyan ka na. Humaharot ka na! May tinatago ka rin palang kalandian sa katawan!  Tae ka ng kalabaw!

Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Pasasalamat lang naman ang halik na 'yon ah? Diba? At tsaka sa pisngi lang naman. Naglapat ang mga labi ko at pinanggigilan ang Rilakkumang iyon.

Napatigil ako nang marinig ang sigawan sa labas ng kwarto. Narito ang mga kaibigan ni Con at ginagambala ang tahimik naming apartment. Uuwi naman daw sila kapag gumabi na. Sadyang napadaan lang sila kaya binisita na lang kami.

"Si Con niyo binata na!"

"Woah? Is that true dude? Kailan ka nga ulit tinuli?"

"Gago!"

"Con niyo hindi na sad boy!"

Eksaherada akong nagtungo sa salamin at inayos ang sarili bago pumuntang living room. Nadatnan kong kinukulit nila si Con na nakaupo lang sa sofa at nakakrus ang mga braso. Sobrang gulo ng asul na buhok nito, tantya ko ay pinagkaisahan siya ng apat na tukmol niyang kaibigan.

"Kapatid naming Ysa!" sabay na bungad ng tatlo sa 'kin, napailing lang si Areon sa inasta ng tatlo. Napakunot  ang noo  ko nang akbayan ako ni Shun at Calum.

"Simula ngayon kami na ang mga kapatid mo! Papahirapan namin ang boyfriend mong 'yan." Tinuro ni Calum si Con at agad na binalik sa 'kin ang tingin. "Kapatid!" Niyakap niya ako pero agad namang binitawan dahil sa sama nang tingin ni Con sa kanya.

"B-boyfriend? S-sino?" Utal kong sagot.

Naghagalpakan agad sila nang tawa dahil parang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Con! Rinig mo 'yon? Dini-deny ka ng jowa mo!" asar na sabi sa kanya ni Tim.

"Mahina ka pala, e!" segunda ni Shun.

"One-sided love na lang ba 'to? Sheyt! Ako na ang bahala sa pulutan kapag na-broken 'tong tropa natin mga dude!" Humagalpak sa tawa si Calum samantalang napangisi lang si Areon ay napailing.

"F*ck you!" Binato ni Con ng mga throw pillow ang apat at nagsi-ilagan lang ang mga ito habang pigil ang tawa.

Natawa na lang ako sa ginagawa nila. Saludo ako sa pagiging magkaibigan nila. Malayo man sila sa isa't isa at magkakaiba ang eskwelahan, hindi pa rin nababawasan ang closeness nilang lahat.

MEDYO  na-late ako nang gising dahil sa kagagawan ng apat na tukmol na iyon kagabi. Nag-movie marathon at pinagtabi pa kami ni Con. Hindi ko tuloy napansin na nakatulugan ko ang posisyong iyon at napasandal sa balikat niya

Paano ko nalaman ang lahat? Maraming ebidensya. May ginawa silang gc  at laking gulat ko na lang kinaumagahan na  naroon na ako. Kaya pala ang daming notification ng messenger ko dahil pinagpipyestahan nila 'yong pictures namin ni Con.

Mga tukmol talaga! Ngiti at iling na lang ang nagawa ko tsaka naibulsa ang cellphone at nagtungo na sa sa office ni Ma'am Dicen. Kumatok ako ng tallong beses bago ko buksan ang pinto.

"Good morning, ma'am!" ngiting bungad ko. Napansin ko ang magandang babae na siguro ay nasa edad kwarenta na nakaupo sa unahan ni Ma'am Dicen. Sa ayos nito ay para itong napakaimportanteng tao kaya hindi na ako nag-alangang batiin siya. "Good morning din po." Ngiti lang ang isinagot nito sa 'kin at tinitigan ako nang mabuti.

Nahiya tuloy ako kaya napaiwas ako nang tingin. Agad akong naupo sa katapat niyang upuan. Sobrang ganda niya talaga! Pamilyar ang mukha nito kaya napakunot ako ng noo. Saan ko nga nakita 'yon? Lalong-lalo na ang mata't ilong nito.

"I have a good news for you, Miss Robles!" masayang bungad ni Ma'am Dicen sa 'kin. Malapad na ngumiti ito at tumingin sa babaeng kaharap niya.

"You're Ysabelle Robles?" tanong sa 'kin ng ginang.

"Opo," sagot ko at ngumiti.

Nagsusumigaw ang aura nito na napakabait niyang tao. Ewan ko ba pero ramdam ko iyon. Hindi sa paghuhusga sa panlabas na kaanyuan pero mararamdaman mo talaga. Instinct kumbaga? Maaliwalas ang mukha at palangiti. Mukhang mayaman ngunit simple lamang ang pananamit nito. Simple ngunit napakaelegante.

Napatingin ako kay Ma'am Dicen na hindi na mapaglagyan ang saya. Napaisip tuloy ako kung ano ang pinanggagalingan no'n.

"You're one of the great student here in G high, Ysa. I never seen a student like you before with this much of dedication, a hardworking student, a selfless one.Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ysa. I want you to know this already. Mrs. Canthy offer a full scholarship on you. Congratulations, Ysa! I'm so happy for you!"

Napakurap ako ng ilang beses at pilit na inalisa ang sinabi ni Miss Dicen. Hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig. Nagtubig nang ganoon kabilis ang mata ko nang unti-unting mag-sink in ang sinabi niya.

"T-talaga po, ma'am? Maraming salamat po!" Napapahid ako sa luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Don't thank me, Miss Robles. It's all because of Mrs. Canthy."

"Salamat po, Ma'am Canthy! Salamat po!" Natawa lang si Ma'am Canthy sa ginawa ko dahil napatalon pa ako sa saya.

Tila nabunutan ako ng tinik sa magandang balita na 'to.  Halos kahapon ay hindi maipinta ang mukha ko, ngayon naman ay walang kalalagyan ang ngiting nasa labi ko.

Totoo nga talagang may sayang dulot ang sakit na pinagdadaanan natin sa buhay. Sobra man ang naidulot nito ngunit may kapalit itong higit pa sa inaasahan mo.

Sa kalagitnaan ng sayang nadarama ay bigla ko nalang naalala ang sinabi ni Con kahapon no'ng nasa mall kami.

"You look so down today. Smile. A blessing will come tomorrow morning."

"Ingat po, Ma'am." Inabot ko sa kanya ang bag niya at ngumiti.

"Ysa, ikaw talaga. Tita na lang," ngiting sabi nito bago buksan ang pinto ng kotse niya.

Napakamot ako sa pisngi dahil nahihiya talaga ako. Gaya nga nang sinabi ko kanina ay napakabait talaga niya. Nakipagkwentuhan siya sa 'kin kaya ganoon na lang ang gaan ng loob ko sa kanya.

Parang si nanay, kaya na rin siguro ganito ang nararamdaman ko sa kanya tuwing nag-uusap kami.

Meron siyang anak pero hindi niya sinabi kung sino. 'Yon nga lang hindi raw nakatira sa kanila kasi malayo ang loob sa kanilang mag-asawa. Minsan lang daw umuwi sa bahay nila kung may okasyon o pinapatawag siya.

Nakakalungkot lang dahil ganoon ang anak nila. Tanging ang bunsong kapatid lang nito ang nakatira sa puder nila. Pero syempre mas masaya kung kumpleto sila. Ako nga na wala nang magulang, e , gustong-gusto silang makasama. 'Yong anak naman nila, may magulang nga pero ayaw namang makasama.

"O-po, T-tita."

"Sounds better. O siya mauuna na ako ha? If you need something or have troble financialy, you can call me right away okay?"

"Opo , tita. Maraming salamat po talaga!" Tinaas ko ang kamay sa ere para sa pamamaalam. Nang hindi ko na abot nang tingin ang kotse niya ay nagpasya na akong pumasok sa eskwelahan ngunit natigil ako nang may maramdamang nakamasid.

Iginala ko ang tingin ngunit wala kahit sinong nakatitig sa 'kin. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad papasok.

Napalanghap ako ng hangin at nakangiting nagtungo sa classroom namin. Ang ganda ng araw ngayon, tila nakikiayon sa magandang balitang natanggap ko.

"Aray!" mahinang daing ko habang hawak ang kamay ng kung sino. Nakasabunot ito sa buhok ko at bigla na lang 'yon hinigit.

"Sa wakas ay nakita rin kitang malandi ka! Hindi pa ako sa 'yo tapos matapos no'ng kasama ko si daddy! Pinahiya mo 'ko sa harap niya. Tapos, makikita ko ito sa social media? May pa sandal-sandal ka pang nalalaman? Ang landi mo talaga!" sigaw ni Cyrene at mas lalong hinila ang buhok ko.

Hindi ko alam ang pinagsasabi nito kaya napakunot ako nang noo. Social media? Ano na naman ba 'yon?

Sa isang iglap ay nagtumpukan ang mga estudyante sa kumosyong ito. Ano pa nga ba ang ginagawa nila? E di kumakapit na naman sa cellphone nila at nakiki-video sa nagaganap.

"Ayan na naman sina Cyrene. Pagkakaisahan na naman nila si Ysa. Kawawa naman."

"Oo nga. Kawawa talaga."

Hindi ko na pinagtuunan nang pansin ang mga nagbubulungang estudyante.

Malakas kong siniko sa tyan si Cyrene dahil hindi ko maalis-alis ang kamay niya sa buhok ko. Halos mapunit na ang anitnko sa ginagawa niya. Napadaing siya ng dahil doon, agad siyang napabitaw sa pagkakasabunot sa 'kin at ginawakan ang parte kung saan ko siya siniko.

Sinamaan ko siya nang tingin at hayun na naman ang pagkagulat niya.

Bakit? Wala na ba akong karapatan na ipagtanggol ang sarili?

Nasa likod lang ang mga alalay nito na mukhang nagulat rin pero hindi nakikialam.

"How dare you to look at me like that!" Sinugod niya ako at akmang sasampalin ngunit nasalag ko iyon.

Hinding-hindi na ako kahit kailanman magpapaapi sa 'yo! Matatag akong nakatayo, ni hindi man lang natinag sa mataray nitong pagmumukha. Noon, nanginginig ako sa takot, ngayon, hinding-hindi na tatalab sa 'kin 'yan.

Nakawala na ako sa hawla niyo. Kaya gagawin ko na ang gusto ko. Maipagtatangol ko na ang sarili kahit wala pa iyong permiso sa inyo!

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya at napahakbang papalapit sa kanya. Ganoon na lang ang pagngisi ko nang dumaan sa mata nito ang takot at napahakbang patalikod.

Ang lakas din ng loob dahil may taong palaging nasa likod niya at alam niyang hindi papatol ang inaapi niya sa kanya.

"Malandi? Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napadaing na siya. "Ano bang pakialam mo sa buhay ko Cyrene? Sino ka para pakialaman ang bawat galaw ko? Sa pagkakaalam ko, iskolar lang ako ng ama mo noon, kung makaasta ka parang binili ng ama mo ang kaluluwa ko?" Tumawa ako ng bahagya at napailing.

"Wala ka talagang utang na loob!" Inis na anito.

Umawa ako ng pagak. "Iyan pa rin ba ang pinaglalaban mo—ninyo ng ama mo? Wala akong utang na loob? Baka nakakalimutan mo? Kaya kong lumaban noon at ipagtanggol ang sarili ngunit pinigil ko dahil iskolar ako ng ama mo!" Humakbang akong muli ngunit napatras siya. Pilit niyang tinatago ang takot niya sa 'kin ngunit nabigo siya. Kitang-kita mula rito ang nararamdaman niya.

Ubos na ubos na 'yong pasesnya ko sa impaktitang 'to!

Tinaas ko ang kanang braso sa ere at napatingin doon 'saka ibinalik ang tingin kay Cyrene na napapalunok na.

"Alam mo, gustong-gusto kong gawin sa 'yo 'to 'gaya ng ginagawa mo sa 'kin. Gusto kong maramdaman mo kung gaano kasakit at hapdi ang paglapat ng palad ko sa makapal mong mukha. Kung gaano at paano hiyain sa lahat ng tao rito." Mariin siyang napapikit sa akma kong pagsampal ngunit napatigil iyon. Nanginginig  kong naikuyom ang kamay na nasa ere at unti-unti iyong ibinababa. "Pero. . . magiging katulad mo ako kapag ginawa ko ito. Hindi ako kagaya mong nabubuhay sa inggit, Cyrene. Hindi ako katulad mo."

Marahas kong binitawan ang kamay nito kaya napaatras ito ngunit natapilok sa nakausling bato.Agad namang nakabawi ang kasamahan niya na gulat na gulat na nakatungo lang sa 'kin at sinalo ang impaktita nilang leader.

Tumalikod na ako at naglakad patungo sa classroom, hindi ko naisipan pang pagtuunan nang pansin ang mga estudyanteng nakatingin sa 'kin. Kusa na lang humahawi ang dinaraanan ko animo'y isang reyna.

Ngunit bago iyon ay bigla akong tinawag ng kalikasan kaya napaliko ako patungo sa cr. Medyo natagalan ako sa loob kaya nagpasya akong buksan ang cellphone.

Na-curious ako sa sinabi ni Cyrene kanina. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang may maka-tag sa 'kin at may caption pa.

"The newly weds. YsaCon RobLarga lang sakalam!"

"Calummm!" Umalingawngaw ang voses ko sa cr ng girls. Kaya pala! Baliw na Calum na 'yon. Ang sarap gilingin at isahog sa spaghetti. 2k reacts and 1k shares na ang post na iyon.

Namula ang mukha ko sa pwesto namin ni Con! Ito 'yong nasa gc kanina. Boset na Calum na iyon! Biglang may nag-pop up na notification sa 'kin kaya agad kong pinindot iyon para malaman kung ano. May nag-mention sa 'kin sa isang video kaya agad kong binuksan iyon.

Napasapo ako sa noo. 'Yong engkwentro namin ni Cyrene. Para namang nasa teleserye kaming dalawa nito. Tae ng kalabaw, oh. Naligaw ako sa comment section kaya binasa ko na lang.

"Sh*t! Si Ysa ba talaga 'yon?"

"Hindi ako makapaniwala! May tapang din palang tinatago! Hanga na ako sa kanya!"

"Nabuhayan tuloy ako ng loob para labanan ang mga taong nang-aapi sa 'kin."

"Ysa! Fan mo na ako! I love you!"

"Bagay 'yan kay Cyrene. Nakita mo na ang katapat mo! Hahahah!"

"Ang bangis mo, Ysa!"

"Isa na ako sa mga tagahanga mo, Ysa! Ysanatics na ako!"

Napakagat ako sa labi, hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sitwasyong ito. Natatawa ako na na nanlulumo. Bahala na nga! Tinago ko na lang ang cellphone at nagtungo na sa klase.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay pinagkumpulan na ako ng mga kaklase ko.

"Ysa ang astig no'n!"

"Ikaw palang ang nakakagawa kay Cyrene no'n! Serves her right!"

"I didn't expect you to do it! I'm so kinikilig na kaklase kita, Ysa."

Napakamot na lang ako at nginitian silang lahat. Para naman akong artista nito, e. Naupo na ako sa upuan ko at napalingon sa direksyon ni Con. Nakatingin ito sa 'kin at biglang ngumiti. Pigil tuloy ang ngiti ko dahil baka mahalata niyang kinikilig ako sa pagngiti niyang iyon.

Napailing na lang siya at naghalumbabang nagtuon ng atensyon sa unahan nang pumasok na ang teacher namin. Bawat minuto ay napapasulyap ako sa direksyon niya dahil tutok na tutok ito sa pakikinig.

Himala nakikinig siya!  Napatulala tuloy ako sa kanya. B-bakit parang gumwapo yata si Con? Nanlalaki ang mata ko sa sinabi.

"Hindi!" Hindi ko namalayang naisatunig ko iyon at napatayo. Taka tuloy akong tiningnan ng lahat ganoon din si Con. Nakakahiya!

"Ms. Robles? Is there any problem?" tanong ni ma'am.

"H-ha? A-ah. N-no, ma'am."

"Dahil nakatayo ka rin lang naman. Answer the problem written in the board, Ms. Robles."

"Y-yes po, ma'am." Wala akong magawa kung 'di pumunta sa board at sagutan ang problem 'saka napabalik sa upuan nang matapos.

Nasalubong ko ang tingin ni Con at ngingisi-ngising umiling. Hindi ko inasahang kikindatan niya ako kaya agad akong napaupo. Hindi ko siya malingon dahil alam kong nakangisi ito at nakatingin sa 'kin.

Boset ka talaga, Con!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top