CHAPTER 11

Chapter 11: Rilakkuma



KANINA pa ako nakatitig sa kamay ni Con dahil hawak-hawak nito ang palapulsuhan ko. Patuloy lang siya kakalakad sa mall at parang may hinahabol. Halos magkandatalisod na ako kahit flat shoes naman ang gamit ko. Hindi ko na masabayan ang bawat hakbang niya pero pilit ko itong hinahabol.

"C-con d-dahan-dahan naman. . ." mahina kong reklamo sa kaniya. Walang sabing huminto siya kaya nabunggo ako sa likod niya. "S-s-sorry."

Medyo nahahapo na ako dahil kanina pa talaga kami lakad nang lakad sa mall. Idagdag mo pa 'yong malakabayo nitong paghakbang.

Hinarap niya ako pero bago iyon ay napakunot ang noo niya sa kung saan. Lilingon na sana ako para malaman kung ano 'yong dahilan ng pagsalpok ng mga kilay niya pero hindi ko na nagawa. Basta niya na lang ulit akong hinila.

Kita niyo 'to? Parang baliw lang. Hindi niya ba nakikitang pagod na ako kakahila niya sa 'kin?

Muli kaming napahinto sa isang botique. Hinarap niya ako at parang may hinihintay.

"Ano?" Sabay taas ng dalawa kong kilay.

"Hindi ka papasok?" Tukoy niya sa botique na 'yon.

Napalingon tuloy ako ro'n. May mga babaeng pumipili ng mga damit at may mga kasama, siguro ay boyfriend nila iyon. Syempre pambabae 'yon ,ano pa nga ba ang aasahan kung anong laman no'n? Puno iyon ng mga damit pambabae at mga accesories.

Napabalik ulit ako nang tingin kay Con na hinihintay ang magiging desisyon ko. Sinimangutan ko siya gayong hindi naman iyan ang hilig ko. Oo magaganda ang mga damit sa loob pero hindi iyan ang mga gusto ko, bukod do'n ay hindi biro ang mga presyo no'n. Kaya anong aasahan mo sa 'kin?

"What? Don't you like it? Ako naman ang magbabayad ng mga bibilhin mo ro'n, go on," pagpipilit niya pa.

"Con. . . hindi ako mahilig sa mga ganyan. Kahit libre mo pa, e, hindi talaga ako bibili d'yan. Gastos lang 'yan. Tara na nga!" Bigla ko siyang hinila at huli na no'ng mapagtanto ko kung ano 'yong ginawa ko. Nakalakad na kami ng ilang dipa mula sa botique na 'yon nang mapatigil ako at ilang na binitiwan ang kamay niya.

Napakagat labi ako at dahan-dahang napasilip sa gawi niya. Hala! Hala! Hala! Nakakahiya ka naman Ysa! Tae ka naman ng kalabaw!

Pansin kong nagpipigil si Con nang ngiti at napapatingin sa kamay niyang hinawakan ko. Namula ako sa kahihiyan kaya tumalikod na lang ako para hindi niya makita. Doon ko rin napagtanto na nasa harap kami ng timezone.

Napatitig ako sa mga masasayang mukha ng mga kabataan na naglalaro sa loob. Parang walang problema at malayang nagagawa ang gustong gawin sa ganyang edad. Hindi kagaya ko, kailangan kong kumayod ng doble para may ipangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Napadako ang tingin ko sa magkakapamilyang naglalaro. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay nito sa anak nilang babae habang nagso-shoot ng maliliit na bola. Napapalakpak pa ang bata noong nagawa niyang ipasok ang bola sa ring.  Kinarga na siya ng tatay niya at hinalikan sa pisngi, 'yon din ang ginawa ng nanay nito. Malungkot akong napangiti sa tanawing iyon.

Ganito rin kaya tayo kasaya kung sakaling buhay pa kayo nay, tay?

"Lets go," ani Con at hinatak ako nang wala man lang pasabi sa loob ng timezone.

Napahinto kami sa harap ng ring at may timer iyon sa ibabaw no'n. Kumuha ni Con ng bola at tsaka inabot sa 'kin. Napako ang tingin ko sa bola dahil hindi ko alam ang gagawin do'n.

"Con hindi ako marunong niyan," mahinang usal ko at napatingin sa mga nagbubulungang mga estudyante. Nakauniporme sila ng kagaya sa 'min kaya alam ko na agad na ako 'yong pinag-uusapan nila. "T-tara n-na." Biglang aya ko sa kanya ngunit bago pa ako makahakbang ay maagap niyang hinawakan ang braso ko para hindi makaalis sa pwesto.

Kunot-noo niya akong tiningnan. "Why? Don't you like here?"

Naitaas ko ang dalawang kamay at ilang beses na umiling. "H-hindi  naman sa gano'n. . . kase. . . ano. . ." Napatingin ulit ako sa mga kababaehang 'yon at yumuko. Pero muling akong nag-angat nang tingin nang magsalita siya.

"Tsk. Stop minding other people. Hayaan mo sila, Ysa. Pakialam nila sa mga ginagawa mo? Hindi nila hawak ang mundo para kontrolin ka sa sarili nilang opinyon." Sapilitan niyang inabot sa 'kin ang bola kaya wala akong magawa kung 'di hawakan iyon.

Napatulala ako kay Con. Hindi ko inaasahang manggagaling iyon sa kanya. May tinatago palang word of wisdom ang gangster na 'to. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napatingin sa bolang hawak ko.

Tama siya, hindi ko kailangang pakinggan ang opinyon ng ibang tao. Kahit magpakabuti ka o gumawa ka man nang masama, sa huli ay may masasabi at masasabi talaga ang iba sa 'yo. Nasa iyo na lang iyon kung didibdibin mo o ipagsasawalang bahala na lang.

Lumakas ang loob ko dahil sa sinabi ni Con. Tila mayroong naalis sa loob-loob ko at biglang gumaan. Ngumiti siya sa 'kin at nag-shoot na ng bola kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Habang tumatakbo ang segundo ay mas lalo akong nag-e-enjoy sa ginagawa namin hanggang sa magpustahan na kami at napahagalpak sa tawa.

"Paano ba 'yan, 40  points 'yong sa 'kin," mayabang na aniya. Ngingisi-ngisi itong napatingin sa 'kin na siyang ikinanguso ko.

"5 points lang 'yong akin. Ang daya mo kasi, Con!" reklamo ko pa.

"What? I didn't do anything. Ikaw itong tumitira, tapos sa 'kin mo isisisi?" tatawa-tawa siyang nakatitig na 'kin na animo'y nasisiraan na ng bait.

"Ang cute nila oh. Siguro boyfriend niya 'yan?"

"Ahh, sana meron din akong ganyan. Ang sweet!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig nang dumaan ang dalawang babae sa likod namin. K-kami? M-mag boyfriend?

Napihit ko ang katawan para lingunin ang mga babaeng iyon at napabalik kay Con. Malapad na nakangisi ito at bigla akong kinindatan. Dahil hindi ko naman inaasahan iyon ay napaatras pa ako dahil sa gulat. Mas lalo siyang natawa sa naging reaksyon ko na ikinahaba ng labi ko.

"Con!" asar na saway ko.

"What? Wala akong ginagawa. Napuwing lang ang kaliwang mata ko," pang-aasar pa niya.

"Napuwing pero hindi naman namumula at naluluha ang mata. Lokohin mo 'yong aso sa kanto, Con!" Humagalpak na siya sa tawa at hindi na napigilan pa. "Sige, libre naman ang tumawa. Kahiya naman," ismid ko.

Naglibot ako pero sinusundan lang ako ni Con na nagpipigil pa rin ng tawa. Sa asar na nararamdaman ay bigla kong siyang hinarap. "Nang-iinis ka ba. . . C-con?"

Tila isang musika ang bawat tibok ng puso ko gayong hindi naman iyon instrumento. Ang ingay ng iba't ibang tao sa loob ng timezone ay nawala na parang bula at tanging kami lang ni Con ang nakikita ko.

Ano ba 'to?

Napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha namin. Gahibla na lang talaga ay magdadampi na 'yong mga labi namin. Halos hindi ako makahinga sa distanya naming dalawa.

Pansin ko ang paninitig nito sa labi ko kaya bigla akong napalayo. Hindi ko naman inaasahang sobrang lapit pala niya.

Palihim akong napapaypay sa mukha at itinago ang aking pamumula. Taranta akong naglakad at hindi alam ang patutungan pero natalisod ako gayong wala namang lubak o kahit ano sa sahig. Maagap akong sinalo ni Con mula sa likod ko.

"Careful, Ysa. Careful. . ." bulong nito. Tumama ang  hininga nito sa tenga ko na nagdulot ng ilang boltaheng kuryente na halos lamunin ang sistema ko.

Napadikit ang likod ko sa dibdib niya kaya ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito. Nasa kalagitnaan ako nang paglasap ng oras na nasa bisig niya pero agad akong natauhan.

Hala! Hala! Hala! Ysa ano ka ba? Ang landi naman ng utak mo! Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko? Napailing ako ng ilang ulit.

Inalalayan niya ako para makatayo ngunit hindi ako makatingin sa kanya. "S-salamat," utal kong sabi 'saka lumapit sa isang claw machine para doon malipat ang atensyon ko. "Ang cute niya!" galak na sabi ko matapos makita ang isang rilakkuma. Tila nakalimutan ko ang hiyang nararamdaman dahil sa stuff toy na iyon.

May barya pa naman ako rito kaya agad ko iyong t-in-ry ngunit ganoong na lang ang panlulumo ko nang mahulog na iyon sa kalagitnaan.

Natawa si Con dahil hindi ko 'yon nakuha. Nang-aasar pa ang tukmol na 'to. Humaba nang husto ang bibig ko dahil wala na akong barya. Ayoko namang gumastos nang malaki para rito ano.

"Ako na. Ang dali-dalin lang naman, hindi ka makakuha? Tsk." Inagaw niya sa 'kin ang nagmamaneobra sa claw machine. Ngunit matapos ang ilang minuto ay hindi niya pa rin makuha-kuha ang rilakkumang  'yon

"Oh? Madali Con 'no? Dali-dali niyan," sarkastiko kong wika. Pigil ang tawa kong dahil sa magkasalpok na kilay nito.

"Tsk! Ayoko na! Sira 'ata 'tong claw machine na 'to! T*ngina," inis na anito at malakas na sinipa ang claw machine. Napatakip ako sa bibig at agad na pinalo ang braso niya.

Halos manlumo ako dahil baka masira 'yon sa lakas nang pagkakasipa niya. "Baliw ka ba, Con? Mapapagalitan tayo rito sa ginagawa mo, e. Tara na nga!" Agad kong kinuha ang kaliwa nitong kamay at naglakad na. Napatigil pa ako dahil hindi namin inaasahang mahaba na ang pila sa claw machine.

Halos matunaw ako sa kinatatayuan sa sama nang tingin nila. Tinaasan ako ng kilay ng isang babae at agad akong napaiwas.

"Maglalandian na nga lang, dito pa. Gosh! Kanina pa kami nakapila rito tapos hindi man lang alam na maraming tao."

Alam kong narinig iyon ni Con dahil sa pagkuyom ng kamao nito. Pinihit ko ang katawan para malingon ang tukmol na iyon na masamang nakatingin na sa babae.

"Con, huwag mo nang patulan. Babae pa rin 'yan," bulong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito na ikinalingon niya. Umiling lang ako sa kanya kaya napabuntong hininga na lang ito.

"Tsk. Lets go." Siya na ngayon itong nasa unahan namin at hila-hila ang kamay ko.

Ayan na naman 'yong hindi mapigil na pag-iiskandalo ng puso ko. Ano ka ba, Ysa?

"Wait for me here." Binitawan niya ako at pinaupo sa isang bench.

"H-ha? S-sama ako. . ." utal kong sabi.

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa inasta. Para tuloy akong batang takot na maiwan dito. Nakakahiya ka, Ysa!

Napailing siya at ngumiti. "Mabilis lang ako. Babalik ako. Just wait for me here, okay?"

Napatango na lang ako at wala nang magawa pa. Napalibot ang tingin ko sa paligid at nakatingin sa 'kin. Halos malimutan ko na na ang suot ko pala ay uniform ng G high. Sikat ang eskwelahang iyon kaya ganoon na lang siguro ang pagtingin ng ibang estudayante sa 'kin, pero hinayaan ko na lang sila.

Halos makalimutan ko na ang nangyari sa 'kin ngayong araw dahil kay Con. Gumaan ang pakiramdam ko at halos hindi na iyon kasing-bigat kumpara kanina. Napabuntong hininga na lang ako at napayuko. Naitukod ko ang kamay sa magkabilang hita 'saka pinaglalaruan ang paa.

Kailangan ko na lang siguro pakiusapan ang cafe na pinagtatrabahuhan ko sa advance na sweldo. Kailangan ko na ring bumalik sa pagtanggap ng mga projects ng ibang estudyante. Kailangan kong doblehin iyon para makapag-ipon sa mga bayarin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may humintong mga paa sa harap ko. Marahan kong naiangat ang ulo para malaman kung sino ang magmamay-ari no'n.

"You look so down today. Smile. A blessing will come tomorrow morning. Oh." Inabot niya sa 'kin ang isang cup ng ice cream at naupo.

"Akala ko iiwan mo na 'ko rito. Ito lang naman pala ang bibilhin mo," simangot ko.

"Don't you like it?"

"Syempre gusto! Sinong hindi magugustuhan ang ice cream ano?" Binuksan ko na iyon at sinimulang kaininin. Ngiting napailing lang siya sa 'kin at sinimulang buksan ang ice cream niya.

"Good to hear that," aniya sabay subo.

"Con. . ."

"Hmmm?"

"Salamat,"

"Why?"

"Kasi. . ."

"Hmm?"

Napatitig ako sa kanya bago magsalita. "Kasi. . . .Kung hindi dahil sa 'yo, e, baka hindi ako masaya ngayon." Napaiwas agad ako nang tingin nang mangiligid ang luha ko. Wala namang masama sa kanya ako maglabas ng sama ng loob diba? Naging kumportable na rin kasi ako sa presensya niya kaya nasanay na ako.

"Sa araw na 'to. . . nawala na 'yong pinakaiingat-ingatan kong scholarship," napatigil ako nang maglandas ang mga luha ko sa aking pisngi pero agad ko iyong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay. "Tiniis ko lahat para ro'n. Hindi ako pumatol kay Cyrene kasi alam kong ama niya ang nagtutustos sa pag-aaral ko. Tiniis ko. Paano na ako nito, Con? Saan ako kukuha ng pambayad sa tuition ko? Saan—" hindi ko na matapos ang sasabihin nang ikulong ako nito sa mga bisig nito.

Mas lalo akong napahagulgol. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam na sa kanya ko nasasabi ang lahat ng 'to.

"Shhh. Stop crying." Hinagod nito ang likod ko at ganoon ang posisyon namin ng ilang minuto hanggang sa malabas ko na ang mga luhang pilit kong pinipigilan. "Ang pangit mo, oh!"  Agad niyang sabi at inabot sa 'kin ang dark blue na panyo nito.

Napasimangot ako. "Mas pangit ka kaya!" Nag-smirked lang siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"You're beautiful when you laugh like that. Mas gusto ko 'yang makita kaysa sa umiiyak na Ysa," untag nito at ginulo ang buhok ko. May nilabas siyang isang malaking paper bag at inabot iyon sa 'kin.

"Sa 'kin? Ano 'yan?"

"Open it and see."

Halos kalahayi ng katawan ko ang pink na paper bag na iyon. Dahil kating-kati na ang kamay ko ay agad ko iyong binuksan. Nanlaki na lang ang mata ko at inilabas iyo sa lagayan.

"A-akin 'to?"

"Yup. Its all yours. You like it? Hindi ko nakuha ang gusto mong rilakkuma kanina, binili na lang kita." Napakamot siya sa ulo at parang nahihiya.

"Ang ganda! Salamat, Con!"

At huli ko nang ma-realize ang ginawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top