CHAPTER 10

Chapter 10: Tears and punch



ANG bawat mabibigat na pagtapak ng paa ko sa semento ay katumbas ng ilang butil ng luha na nanggagaling sa mga mata ko. Ang kaninang lakad ay naging mabilis haggang sa maging takbo na iyon. Parang may sariling isip ang mga paa ko at awtomatikong  itong nagmamaneobra papunta sa lugar kung saan may kapayapaan akong mararamdaman.

Napapahid akong muli sa mukha kong basa na ng luha. Hindi ko pinansin ang mga nagbubulungang estudyante ng G high habang tumatakbo ako sa harap nila. May mga tao akong nababangga ngunit hindi ko na iyon nilingon pa at ni hindi man lang humingi ng pasensya.

Papaliko na ako ngunit hindi ko inaasahang may mababangga ako dahil hindi ko na kita ng maayos ang dinaraanan. Napaupo ako pagkatapos naming magbanggaan, ganoon din siya. Mas lalong akong napaiyak at mabilis na napatayo.

“I'm sorry Ysa. Anong masakit sa 'yo?” alalang tanong ni Dwight at lumapit para i-check kung ayos nga ba ako.

Kung noon ay hindi ko mapigilang magkandautal sa harap niya, ngayon ay parang wala na lang. Sa konting panahon ay mabilis na nawala ang paghanga ko sa kanya. Kung ang dating ako siguro ang kaharap niya ngayon ay baka nahimatay na ako sa sobrang kilig, subalit magkaiba ang noon at ngayon.

“Okay lang ako, sorry,” basag na boses na sagot ko.

Hindi na ako nag-aksaya pang pulutin ang mga papel na nagkalat. Basta na lang akong tumayo at  tumalikod 'saka tumakbo patungo sa garden ng school. Doon ako naupo sa likod ng puno kung saan lumukso si Con noon.

Niyakap ko ang dalawang tuhod at yumuko. Doon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko.

Paano na ako nito? Saan ako maghahanap ng extra pang trabaho para lamang mabayaran ko ang tuition ko? Gipit na nga ako ngayon, paano pa sa kinabukasan? Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Mas lalo akong naluha noong maalala ang sinabi ni Mr. Fuentabella.

Walang utang na loob!

Tiniis ko lahat nang pang-aapi ng anak niya para sa scholarship na 'yon. Mga gabing iiyak ako dahil sa pagpapahiya niya sa 'kin sa gitna ng maraming tao. Tiniis ko ang lahat nang sampal, tadyak at sabunot na nakuha ko sa kanyang anak pero ito rin pala ang kahahantungan. Sinampal na ako ng pinakaiiwasan kong pangyayari. Ubos na ubos na ako.

Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa kinaroroonan ko hanggang sa tumigil ito sa harap ko. Sandali akong napatigil sa pag-iyak. Unti-unti kong inangat ang ulo mula sa pagkakaub-ob sa tuhod ko. Una kong nakita ang nangingintab na itim na sapatos nito kasunod ang midnight blue na pants na uniporme ng mga lalaki ng G high hanggang sa maabot nang tingin ko ang school i.d niyang nakakabit sa upper right corner ng kanyang damit.

Ivan Grozen.
10'th grader.

Nakasabit ang midnight blue na blaizer nito sa kanyang kaliwang kamay at nakabukas ang ilang butones ng kanyang putin uniporme. Ngumiti siya sa 'kin pero hindi ko magawang suklian iyon.

“Kanina pa kita nakikitang umiiyak, mula sa office ni Miss Dicen. What's your problem? You can tell me if you want but I respect your decision when you don't want to talk aboout it.” Muli siyang ngumiti sa akin na parang naiintindihan niya talaga ako.

Umihip bigla ang malamig na hangin at sinayaw no'n ang mga hibla ng aking buhok. Napaiwas ako nang tingin sa kanya at napatingin sa kalangitan. Medyo makulimlim ngayong araw at parang uulan. May mga mangilan-ngilang mga ibong nagliliparan patungo sa silangan.

Naupo bigla si Ivan sa tabi ko at nilagay ang dalawang kamay sa aking mukha at ipinaharap iyon sa kanya.

“Huwag ka nang umiyak. Sige uulan kapag pinanagpatuloy mo pa,” biro niya.

Nangunot ang noo ko dahil sa inasta niya gayong hindi naman kami ganoon ka-close. Unang pagkikita namin ay nabangga ko pa siya at noong ikalawa ay may ginawa pa sa kanya si Con. Parang. . . ang awkward lang.

Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang maramdamang pinahid niya ang luha ko gamit ang dalawa nitong hinlalaki. Sa gulat ko ay napalayo nang kaunti ang mukha ko sa kanya pero hindi iyon naging dahilan para bitawan niya nang tuluyan ang pagkakahawak sa aking pisngi.

“I-Ivan. . .” utal ngunit naiilang kong sambit.  Napatingin ako sa kanyang braso na may pasa. Agad napangunot ang noo ko dahil ang laking pasa naman no'n. “M-may pasa ka,” tukoy ko do'n at tumingin sa mata niya.

Napatingin din siya sa tinutukoy ko at parang naalarma siya. Bigla niya na lang nilayo ang braso at nagsuot na ng blazer ng school. Pinagpag niya ang damit matapos na masuot iyon at tumingin muli sa akin. Binigyan niya ako nang ngiting nagsasabing ayos lang siya.

“Wala 'to. Nadapa lang ako at saktong tumama ang braso ko sa malaking bakal,” paliwanag niya at sumandal na sa puno.

Bakal? Napasinghot ako sandali. Ganoon ba dapat ang magiging dulot no'n? Siguro nga. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at inayos ang sarili. Nakakahiya ang itsura ko ngayon. Parang batang uhugin na ninakawan ng kendi.

Hindi na rin akong nag-abala na  magtanong pa kung bakit siya nadapa. Nakakahiya naman sa kanya, parang ayaw niya na kasing pag-usapan pa iyon gayong ipinikit niya na ang mga mata.

Malaya ko siyang napagmasdan. Manipis ang mga labi nito kagaya rin ng mga lalaki sa kdrama. Katamtaman ang tangos ng kanyang ilong kumpara kay Con. Hindi rin mahaba ang pilik mata nito. Medyo makapal ang kilay niya kumpara kay Con pero bagay naman iyon sa kanya. Itim na itim rin ang buhok hindi 'gaya ng kay Con na kulay asul.

Napatigil ako sa pag-iisip. Bakit ko ba kinukumpara si Ivan kay Con? Ysa h'wag kang magkumpara, iba si Con at iba rin si Ivan, ano ka ba?!

“Alam mo, mag-a-asume na talaga ako na crush mo ako dahil titig na titig ka sa 'kin,” nakapikit na ani Ivan.

Doon na niya idinilat ang mga mata at nagtagpo ang mga paningin namin. Natawa siya sa reaksyon ko kaya bigla akong napasimangot at umiwas nang tingin.

Sino ba naman ang hindi magugulat? E, nakapikit siya tapos alam niyang nakatitig ako sa kanya. Manghuhula ba siya? Pinamulahan tuloy ako ng mukha dulot nang kahihiyan. Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa pero ilang sandali lang ay siya na ang bumasag no'n

“I know you've lost your scholarship.” Napalingon ako sa kanya dahil hindinko naman inasahang magsaslaita pa siya.

“P-paano mo nalaman?”

“Narinig ko.”

“Bakit mo pa ako tinanong kanina kung alam mo naman pala? Baliw!” Ipinagkibit-balikat niya lang ang sinabi ko.

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina. Simula noong malaman ko na nawalan na ako ng scholarship hanggang sa magmakaawa ako kay Mr. Fuentabella at sa mga sinabi niya.

Wala kang utang na loob!

Wala kang utang na loob!

Wala nga ba talaga akong utang na loob?

“It's okay to cry your heart out, no one will see. Hindi rin ako titingin kapag umiyak ka. Go on. Alam kong pinipigilan mo lang 'yan, I understand you.”

Tila isang switch ang pagkakasabi ni Ivan dahil bigla na lang umagos ang luha ko. Humagulgol ako habang nakatakip ang mga palad sa aking mukha. Ewan ko nga pero parang naging kumportable ako bigla sa presensya niya.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam ang nanfyari ngayong araw. Tila nilulunod ako ng problema at hindi na kayang umahon pa. Iniisip ko pa lang ang susunod na mga araw ay pinanghihinaan na ako ng loob.

Grade-10 pa lang ako at wala na ang scholarship na pinaghirapan kong ipasa. Paano kapag maging senior high na ako? Sa isang pitik lang ay parang mababago na nang tuluyan ang kinabukasan ko.

Ang isang salita nang makapangyarihang tao ay kapalit no'n ang paghihirap ko. Ganito ba dapat ang mundo? Hindi patas sa mahihirap at pinapaboran palagi ang mga mayayaman.

Nay, tay, bakit ba kayo umalis sa mundong ito nang hindi man lang nagpapaalam sa 'kin? Wala sana ako sa sitwasyong ito. Hindi sana ako naghihirap ng ganito. E-ni-enjoy ko sana ang kabataan ko kagaya ng ginagawa ng ibang estudyante rito. Bigla akong nakarinig nang mga yabag at pagbagsak ng kung ano.

“F*ck you! Walang hiya ka! Bakit mo pinaiyak si Ysa?! I've warned you already, is it still not enough a*shole?”

Natigil ako sa pag-iyak sa pamilyar na boses na iyon at napaangat nang tingin. Hindi ko inasahang na ang sasalubong sa 'kin ay ang nagbabagang mata ni Con. Napatayo ako ng wala sa oras nang makitang nakabulagta na si Ivan sa damuhan at dumudugo ang gilid ng labi.

Agad niyang kinwelyuhan si Ivan at sinuntok ng ilang ulit kaya napasigaw na ako. Walang laban si Ivan at tanging tinatanggap lang ang mga suntok ni Con.

“I told you stay away with her!” galit na sigaw ni Con sa kanya.

“Con! Tama na, please!” sigaw ko ngunit parang wala itong naririnig. Halos sumabog ang dibdib ko sa kabang nararamdaman dahil baka mapa'no ni Ivan sa kamay ni Con. Dumudugo na ang ilong nito pero hindi pa rin siya tinitigilan ni Con.

“I'm just comforting her, nothing more.” Ngumisi lang si Ivan at tumingin sa 'kin tsaka ibinalik ang tingin kay Con. Aambahan sana ulit ni Con ang suntok ang isa ngunit maagap akong pumunta sa likod niya.

“Con, tama na. Tama na, pakiusap!” mangiyak-ngiyak na sabi ko. Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya dulot nang galit. Mahigpit kong niyapos ang mga kamay palibot sa kanyang dibdib. Humagulgol na ako dahil hindi ko kayang makitang nanakit siya ng ibang tao. “Tama na, tama na, Con. . .”

Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon hanggang sa maramdaman ko ang pagbagal nang paghinga niya. Kinalas niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at hinarap ako.

“Shhhhh, don't cry okay?” alo nito sa 'kin ngunit mas lalo akong naiyak. Pinahiran nito amg luha kong malayang umaagos sa aking pisngi. Ang sarap sa pakiramdam nang init ng kanyang kamay na nakadampi sa balat ko.

Napasinghap ako no'ng mapansin ang dumudugong kamay nito kaya nanginginig akong napahawak do'n.

Napasilip ako sa kalagayan ni Ivan at parang wala lang sa kanya ang ginawa ng taong kaharap ko. Tumayo na lang siya nang basta-basta at pinahid ang dugo sa labi niya.

Magsasalita sana ako pero hinila na ako papalayo  sa garden ni Con. Mahigpit niya akong hinawakan na nagpakabog nang husto sa dibdib ko. Nahagip pa nang mga mata ko ang nakangising itsura ni Ivan habang nakatingin sa kamay naming dalawa.

“Don't look at him. I'm jealous,” kaswal na pagkakasabi nito. Namilog nang husto ang mata ko at napahinto kaya napatigil rin siya. “What? Why did you stop?” Hinintay niya akong sunagot pero nagtanong ulit. “Ano bang ginawa ng gagong 'yon sa 'yo? Did he do something habang wala ako? Bakit ba kayo magkasama? Answer me, Ysa!” inis na aniya.

Napalunok ako. Tila nawalan ako nang boses dahil sa inaasta niya. Sunod-sunod ang mga tanong niya at hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong sagutin.

“Tsk.” Hinila niya ulit ako at hindi sa inaasahang direksyon siya nagtungo.

“Con, may klase pa tayo. Hindi d'yan ang—” hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagsalita na agad ito. Patuloy pa rin ang paghatak siya sa 'kin kaya nagpatianod na lang ako.

“And so? Makakapag-aral ka pa ba sa sitwasyong 'yan? Look at you,” inis na anito.

Ba't siya pa 'yong galit? E, ako na nga itong nadamay sa pagka-cut niya. Ako pa nga itong miserable ngayong araw.

Napadako ang tingin ko sa kamay naming magkadaop. Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng puso ko at umindayog sa sayang nararamdaman. Nakagat ko ang pang-ibabang labi para lamang huwag kumurba ang ngiti sa aking mukha.

Ang asul na buhok nito'y nagsasaway kasabay sa ritmo ng puso ko. Napatigil siya isang kotse at binuksan ang passenger seat para sa 'kin. Taka akong napalingon sa kanya.

“Bakit nandito sa labas ng school ang kotse mo? Paano kung pinagtripan ng mga batang kalye 'to?” salubong na kilay na sabi ko.

Napatigil siya  saglit at napatitig sa 'kin 'saka pumunta ang mata nito sa kamay naming hindi pa rin bumibitaw sa isa't isa. Agad kong binawi ang kamay sa kanya at napaiwas nang tingin. Nag-init ang pisngi ko dahil doon.

Tumikkhim muna siya bago magsalita. “Basta. Pumasok na ka. Do you want me to help you para makapasok d'yan?” Ngumisi siya bigla kaya agad akong napapasok sa kotse.

Bakit parang biglang naging pilyo si Con? Nabaliw na yata ang isang 'to. Nang makapasok siya sa kotse ay agad akong nagtanong.

“Saan ba tayo pupunta? Siguraduhin mong importante 'yan kaysa sa klase. Kokonyatan talaga kita, Con!” Natawa lang siya sa sinabi ko at nailing.

“Marunong ka nang lumaban ah? Nagiging brutal ka na. Ano bang tinuturo nina Calum sa 'yo?” Tatawa-tawa siyang nailing ulit.

Napanganga ako dahil bigla naman yatang nag-iba ang mood niya. Kanina halos hindi ko na makilala si Con dahil sa sobrang galit tapos ngayon tatawa-tawa siya na parang walang nangyari.

“What?” Tumigil siya bigla sa pagtawa at bumalik na sa dati.

Sayang 'yong view. Ang ganda na, e. Hala! Sinabi ko ba 'yon? Hindi! Pangit! Pangit!

“S-saan nga ba tayo pupunta?” Pag-iiba ko nang usapan at napatingin sa labas ng kotse.

“Magdi-date.”

Hindi ko lubos maisip ang sinagot niya sa 'kin at mabilis na napalingon nang may nanlalaking mata. Ilang ulit pa akong nagpakurap-kurap dahil baka imahinasyon ko lang ang narinig ko. Doon ko lang napagtanto na totoo pala ang sinabi niya at seryoso itong nagmamaneho.

D-date? K-kami ba? Teka, paano ba mag-date?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top