CHAPTER 1

Chapter 1: Meeting the bad boy






ISA-ISA kong kinuha ang mga gamit at inilagay lahat ng iyon sa bag. Mabilisan kong pinagdadampot ang mga libro at pinagawang projects ng mga kaklase ko na nasa sala ay naglakad na palabas. Dali-dali kong sinara ang pinto ng inuupahan kong apartment at agad na tumungo sa gate.

“Aling Hena, alis na po ako. Kapag may naghanap po sa ‘kin ay sabihin mong wala ako rito at busy sa mga gawain ha?” paalala ko kay Aling Hena habang siya ay nagwawalis sa bakuran nila.

“Oo na, Ysa, ilang ulit mo na bang sinabi sa akin iyan? Tandang-tanda ko naman ang mga ipinaalala mong bata ka. Naku, oo! Basta ba’y mag-ingat kang bata ka, ha? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo kapag na pa'no ka,” alalang ani Aling Hena.

Nginitian ko siya at kumaway bilang pamamaalam. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa eskwelahan dala-dala ang mabibigat na librong ito.

Naghanap talaga ako mauupahang apartment na malapit lang sa pinapasukan kong trabaho at laking tuwa ko naman na malapit din ito sa eskwelahan.

Si Aling Hena ang may ari ng paupahang tinitirhan ko ngayon. Kung tutuusin ay malaki siya, pero ako pa lang ‘yong nangungupahan dito. Ewan ko nga rin ba bakit ayaw ng iba. Siguro dahil sa bali-balitang may namatay noon dito at nag-iwan iyon ng mga haka-haka. Wala naman sa akin ‘yon, basta ba'y makatipid ako. Okay na ‘yon.

Ilang lakad lang ay narating ko na ang Greonio High (G High kung tawagin ng iba). Isang eskwelahang pribado at tanging matatalino  lang ang nakakapasok. Pero kahit hindi ka matalino basta ba’y mayroon kang perang ipanggagastos, agad kang makakapasok d'yan. ‘Yan ang kalamangan ng isang may angat sa buhay. Kahit hindi para sa iyo basta ba'y may limpak-limpak kang pera, makukuha mo ng ganoon ka dali. Iyan ay base rin sa mga nakikita ko, paniniwala ko na rin iyan ng mamulat ako sa mundong ito.

Hindi pa man ako nangangalahati sa lakad ay bumagsak na ako sa semento. Alam kong si Cyrene  iyon at ang hukbo niyang ubod ng ikli ang mga palda.

“Aw, kawawa naman nadapa. Lampa kasi,” mapanuyang sabi ni Cyrene at tumawa. Tiningnan ako nito na animo’y nandidiri sa ‘kin.

“Pangit na nga, lampayatot pa!” segunda ng alagad niya.

Hindi ko sila pinansin at pinulot ang mga libro at projects ng mga kaklase kong nagkalat sa semento. Tahimik kong pinatong-patong ‘yon pero nagkalat muli nang sinipa iyon ni Cyrene. Napakuyom ako dahil sa ginawa niya.

“Huwag na huwag mong hindi pansinin ang magandang katulad ko, Ysa! Matuto kang rumespeto sa nakakaganda sa ‘yo! Hindi mo ba natutunan ‘yon noong grade-6 ka sa GMRC niyo?” sigaw niya at hinila ang buhok ko.

“A-aray, Cyrene!” palahaw ko.

Siya pa ‘yong may lakas ng loob banggitin ang asignaturang iyan. Kaya siguro ganiyan ang ugali marahil ay bagsak doon pa lang.

Napadaing ako sa sakit dulot ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Parang matutuklap na ang anit ko sa ginagawa niyang ‘yon. Pinigilan kong huwag maiyak pero mata ko na yata ang nagtatraidor sa ‘kin.

Unti-unting magpatakan ang mga  butil ng luha ko sa pisngi. Malaya itong dumdaloy na animo’y isang ilog kung umagos.

Ganito na lang ba palagi?

Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Ni hindi ko nga matandaan na may atraso ako sa kanila. Ano bang  kasalanan ko sa mundo at napakahirap ng buhay kong ito? Parusa na yata ito.

“A-aray! Cyrene tama na!” ulit ko. Pilit kong inaabot ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko. Ramdam ko na rin ang pagbaon ng mga maliliit na bato sa tuhod. Hapdi at sakit ang siyang nangingibabaw. Hindi ko mawari kung saang hapdi ba iyon, sa tuhod, anit ba o sa kalooban ko?

“Naiinis talaga ako sa pagmumukha mong ‘yan! Bagay na bagay ‘yan sa sahig!” sigaw ni Cyrene at pilit na nginungodngod ang mukha ko sa semento.

Napabitaw ang kamay ko sa pagkakahawak sa buhok kong hawak-hawak niya at naitukod iyon sa daan. Pilit ko ring pinipigilan ang mukha para hindi iyon masadlak sa semento ng tuluyan.

Nagpapakabait naman ako pero parang kulang naman yata lahat ng ‘yon. Ano ba ang ginawa kong kasalanan sa nagdaang buhay ko at ganito ang pinaparanas sa akin ngayon? Ganoon na ba ako kamakasalanan noon at heto ngayon ang kabayaran no’n?

Iyak at impit na mga hikbi ang lumabas sa bibig ko. Nang magsawa sila ay tinadyakan nila ako at nilubayan na. Pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi iyon matigil sa kakaagos.

“Ayan na naman si Ysa oh, kawawa naman,”

“Si Cyrene na naman siguro ang may pakana niyan. Hindi na naawa,”

“Bagay ‘yan sa kanya noh! Mahirap!”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa narinig. Totoo naman, bagay nga sa ‘kin to kasi mahirap ako. Hampas lupa. Hindi bagay sa eskwelahang ‘to. Nakatapak lang naman ako rito dahil sa isang scholarship. Hindi naman ako nag-atubiling tanggapin iyon dati. Magandang opurtunidad kasi iyon para makapag-aral ako rito at makakuha sa huli ng magandang trabaho.

Sinimulan kong ayusin muli ang mga nagkalat na libro at mga projects ng mga kaklase ko. Habang ginagawa ‘yon ay hindi matigil sa kakaiyak ‘tong mata ko.

Tumigil ka na! Nakakainis ka na! Napakahina mo, Ysa!

Akma ko nang pupulutin ang huling libro ng may mga kamay na naunang kumuha rito. Napatakan pa ang kamay niya ng luha ko na siyang ikinatigil ko. Doon na ako napatunghay para alamin kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Napasinghot pa ako sa sipon bago maaninaw ang taong iyon.

Namula ako bigla nang magtagpo ang mga mata namin. Hala! Hala! Agad akong nag-iwas nang tingin at tumingin sa gilid nang bahagyang nakayuko.

Tila nawala bigla ang  hindi mapigilang pag-agos ng mga luha ko kanina. Para bang may nagbara sa labasan ng luha ko kaya natigil iyon nang makita ang taong ito.

“A-ah. S-s-salamat. S-s-sorry,” utal kong sabi.

Nahablot ko ng ganoon na lang ang librong hawak niya at tarantang tumalikod sa kanya. Mabilis ang bawat hakbang ko para agad akong malayo sa kanya.

Hala hala hala!!! Bakit siya pa? Napatigil ako nang mapansing wala akong bag na dala. Bakit ko nakalimutan iyon? Nasapo ko ang noo sa katangahang taglay. Iyan tuloy ay babalik ako sa kinaroroonan ko kanina. Hala! Baka makita ko ulit siya.

Doon ko lang napagtanto na malayo-layo na pala ang nalakad sa sobrang pagkataranta nang masilayan siya. Ano’t bigla akong bumilis ng ganoon na lang?

Naglakad na lamang ako patungon ulit sa lugar na iyon. Nang malapit na ay sinilip ko muna. Napatago ako sa likod ng pader nang makita kong nandoon pa rin siya. Anong gagawin ko?

Napahawak ako sa dibdib.Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko. Siguro’y napansing niya ang pamumula ko kanina? Sana hindi. Nakakahiya. Hala!

Nanginginig ang mga tuhod ko ngayon, hindi ko na yata kayang lumapit muli sa kanya. Sasabog na ang puso ko kapag naulit pa iyon. Baka mamatay ako ng maaga. Ang O.A ko naman yata.

Napalunok ulit ako. Baka umalis na ‘yon. Aktong sisilip na sana ako nang hindi inaasahang siya ang sasalubong sa ‘kin.

Nagtama ang paningin naming dalawa at agad na gumuhit ang nakakahipnotismo nitong ngiti sa labi, kasabay ang pagkawala ng mga mata niya tuwing ngumingiti. Napaawang ako. Hindi ako makagalaw. Tila namatay lahat ng neurons sa utak ko dahil sa ngiting ‘yon.

“Did you forgot something?” bungad na tanong nito at ngumiti. Wala akong naging tugon sa kanya kaya nagsalita ulit ito. “Well, I think that’s a yes. . .here’s your things.” Inabot niya sa ‘kin ang bag na hawak.

Mabilis ko namang kinuha iyon at nag-iwas nang tingin. Kinakabahan ako. Sobra! Tumawa siya nang bahagya kaya napatunghay ako pero agad ko ring binawi iyon.

Hala! Hala! Mama ko po! Anong gagawin ko? Ano? Ysa magsalita ka naman.

“Uhm. . . ano. . . s-s-s-salamat!” lakas loob kong sabi habang nakakapikit ang mata.

Halos lumukso na ang puso ko sa tuwa ngayon. Kahit mukha akong ewan sa harap niya. Narinig ko ang makapigil hiningang pagtawa niya. Napamulat ang isa kong mata kasunod ang isa.

“You’re so cute. What’s your name again? Ah . . .Ysabella.”

Halos masamid ako no’ng marinig ang pangalan ko sa bibig niya. Kilala niya ako? Paano? Hala, hala, hala!

“Uhm. . . ano. . . b-bakit mo ‘ko kilala?” nahihiya man ay tinanong ko iyon sa kanya.

“Uh. . . that? Hmm. . . I just overheard it somewhere,” wika niya at napakamot sa ulo. “Uh. . . alis na ‘ko ah? May klase na ako e.” Ngumiti siya sa ‘kin.

Nakanganga kong sinundan nang tingin si Dwight. Halos tumulo na ang laway ko. Totoo ba talaga ‘yon? Kilala niya ako? Kinausap niya ako? At tinulungan niya pa ako? Napakagat ako sa labi at pinigilang huwag tumili.

Lumapit ang isang Dwight Guievarra sa isang tulad ko!  Iyong sikat na basketball player sa G High ay nakausap ko.  Ang pinapantasya ng lahat ng babae sa eskwelahang ito. ‘Yong matatawag mo talagang dream boy. Iyong taong papangarapin mong mapasaiyo minsan man lang sa buhay mo. Gusto kong manisay sa kilig. Ang saya ko naman!

“Mukha kang tanga.”

Napalingon ako sa likod ko nang marining ang pamilyar na boses na iyon. Awtomatiko na yatang napapasimangot ang mukha ko kapag nakikita ang taong ito sa harap ko.

“Pakialam mo ba?!” pagsusungit ko.

Nawala ako sa mood ng dahil sa kanya. Nawala tuloy ang kilig na kani-kanila lang ay nasa loob ko.

“Woah! Ang sungit. Hindi halata d’yan sa pagmumukha mo. What did I do to you?” hindi makapaniwalang anito.

As usual hindi siya nakauniporme. Ewan ko nga kung sinisita ba siya ni manong guard o ano. Bakit niya ba pinapapasok ang isang ‘to rito? Parang hindi estudyante sa ayos, mapagkakamalan mo ngang tambay sa tabi-tabi. Tambay nga lang na mayaman.

“Wala!” Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat at hinawakang mabuti ang mga projects ng kaklase ko tsaka naglakad.

Pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita ngayong buwan at hindi kami close! Hindi ko alam kung ano ang mga pinaggagawa niya sa buhay at wala na akong pakialam doon. Bakit ko naman aalamin diba?

Kaklase ko siya pero parang hindi. Ha? Ano raw? Sumakit naman ‘yong ulo ko sa sinabi kong iyon. Lulubog, lilitaw kasi ang tema niya.

Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakausap nito. Napasukan yata ng hangin ang ulo kaya nagbago ang takbo ng isip. Wala itong pakialam sa mga taong nasa paligid niya, mapakaklase man o guro. Palagi itong natutulog sa klase. Hindi lang iyan, gangster ang isang ito kaya iniiwasan ko. Nakita ko nang may binubugbog siya rito sa campus kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa kanya.

Maraming ring nagkakandarapa sa kanyang babae dahil ang astig niya raw. Anong astig sa pakikipagbasag-ulo aber? Nakakabilib ba iyon? Ma-search ko nga sa diksyunaryo para malaman ko.

“Ano ba? Bakit mo ba ako sinusundan? Umalis ka nga!” inis kong sabi.

Tumawa muna siya bago ako sagutin. “Don’t you remember? We’re classmates. S’yempre iisa tayo ng daan at patutunguhan,” aniya.

Napahiya ako sa sinagot niyang iyon. Oo nga naman. Nagmukha tuloy akong engot. Hindi na lang ako sumagot at pinagpatuloy ang paglalakad.

“Hey, wait. Ang bilis mo namang maglakad. Babae ka ba talaga o kabayo?” Para pa itong hindi makapaniwala. Walang pigil talaga ang bibig nito para sa isang lalaki.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig kasabay nang paglukot ng mukha ko. Hindi ako nanununtok o nananakit ng tao pero parang makakapatay ako ngayong araw. Makakagawa yata ako ng kasalanan.

Kabayo? Ako? Hindi naman mahaba ang biyas ko at mas lalong hindi ko kamukha ang hayop na iyon. Walanghiyang 'to!

“Ano kamo? K-kabayo? Ihahalintulad mo ‘ko ro’n? Apat ba ang paa ko? Malaki ba nguso ko?  Malalaki pa ang mga ngipin ko? Sige sabihin mo!” gigil kong sabi sa kanya.

“I was just kidding. Look, I was trying to start a conversation you know. Ang pikon mo naman, classmate.” Tumawa siya kaya nawala ‘yong mga mata niya. Para d-in-rawing tuloy ang mata niya dahil naging straight line na lang.

So ganoon? Magsasabi siya ng ganoon para makapag-usap kaming dalawa? Ay nakakabilib din ito.

Bakit ba nagkrus ang landas namin nito? Kanina lang kinikilig ako kay Dwight, ngayon naman naiinis ako sa Con Lolarga na ito. Ang bilis magbago ng ihip ng hangin.

“Ha-ha! Nakakatawa. Ayan nag-uusap na tayo. Masaya ka na? Umalis ka na nga! Alis! Binubwisit mo ang tahimik kong mundo! Alis!” inis kong sabi sa kanya.

Napatigil siya saglit. Agad akong napakagat sa pang-ibabang labi nang mapansing nasaktan ito sa sinabi ko. Bigla siyang nanguna sa paglalakad namin.

“They’re always  saying that. Am I that annoying, huh? Well. . . I guess I am,” aniya at nilagay ang kamay sa magkabilang bulsa saka naglakad.

Hala Ysa! Bakit ba lumabas iyon sa bibig mo? Hindi mo alam ang pinagdadaanan ng tao. Napakatabil kasi ng dila mo! Kinain tuloy ako ng konsenya.

Napabilis ang paglalakad ko para mahabol siya. Ang bilis maglakad ng lalaking ito. Hawak ko pa rin ang mga project ng kaklase ko at mga textbooks na sinagutan para sa kanila.

“Uy teka lang. Ano. . . uhm. . . sorry,” sinsero kong sabi.

Napatigil siya sa paglalakad kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

“Huh? For what? Why are you sorry for?”

“Sa. . . ano. . . sinabi ko.”

Tumawa siya. “Don’t mind me. I’m just a piece of trash. No need to be sorry for hmm?” At nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mas lalo tuloy akong kinain ng konsensya dahil sa inasta niya. Hala, Ysa, ano ‘yong nagawa mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top