e p i l o g u e
https://youtu.be/swV72AUwLUA
After 1 year
"Rona, ang ganda dito sa Busan noh?" Sabi ko sabay ngiti at nawala nanaman ang mga mata ko. Hindi naman siya sumagot.
"Ganito ba talaga kaganda dito at hindi ka makasagot?" Sabi ko ulit. Tumingin naman ako sa malayo. "Rona! Malapit na yung sunrise!" Sabi ko. Katulad kanina, hindi ulit siya sumagot.
Pinanood ko naman yung araw na sumikat. "Ang ganda, parang ikaw." Sabi ko bigla. Napaupo nalang ako sa buhangin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.
"Rona, natupad ko na yung promise natin. Nandito na ako sa Busan pagkatapos ng isang taon. Yun nga lang, hindi ka kasama." Sabi ko at ngumiti nang pilit. Nakaramdam lang ako ng malamig na simoy ng hangin.
"Rona, bakit? Isa lang naman ang gusto ko eh, yung makasama ka. Iniwan mo nanaman ako. Rona, ang sakit. Ang sakit sakit."
"Tangina! Rona! Ito ba ang karma ko?! Rona, mahal na mahal kita. Please. Ganito ba talaga tadhana natin? Rona. Hinding-hindi ako mapapagod, balikan mo ako please. Please, bumalik ka. Hndi ako matatakot sayo." Sabi ko at mas lalo pang umiyak.
"Hyung, tara na. Kailangan pa natin bumalik sa LA." Sabi bigla ni Jungkook.
"Pwede bang hindi nalang ako sumama? A-ayoko ko makita puntod niya. M-mas masasaktan lang ako." Sabi ko.
"Jimin, magbihis ka na. Baka mahuli pa tayo sa flight natin. Inaantay na tayo nila hyung." Sabi ni Taehyung.
"Iwanan niyo ako dito! Nangako ako sa kanya! Sa mismong araw na ito, nandito dapat nandito kami!" Sabi ko. Bigla nalang akong nakatanggap ng sampal kay Jungkook.
"Hyung, wala siya dito! Nasa LA siya, inaantay ka niya na pumunta sa 1 year death anniversary niya!!" Sigaw niya sa akin. "Hyung..please. Pati kami nasasaktan na sa ginagawa mo."
Tinulungan ako ni Taehyung na tumayo at pagkatapos ay pumunta na kami sa LA.
---
"Condolence, Jimin." Sabi ni Angela sa akin. "Naging mabait na kaibigan sa akin si Rona. Naalala ko pa nga yung unang araw naming nagkita. Nag-alala siya sa akin kung bakit ako umiiyak. Tinulungan pa niya ako. Miss ko na siya."
"Jimin, hindi ikakatuwa ni Rona kapag ganyan ka." Sabi naman ni Hara. "Ang swerte nga ni Rona dahil sayo eh. Nagkwento siya sa akin dati kung gaano niya kaayaw ang buhay niya hanggang sa dumating ka. Siguro panahon na para ang buhay mo naman ang baguhin mo."
"Gela, Hara. Hayaan niyo muna makapag-isa si Jimin. Hinahanap na rin kayo nila Kookie at Hoseok." Sabi bigla ni Jin hyung. Umalis naman silang dalawa at naiwan ako dito na nakaupo sa damuhan katabi ang puntod ni Rona.
"Rona, miss na kita, sobra-sobra. Isang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin matanggap na wala ka na. Na isa ka nalang magandang alaala. Rona, I is still less than 3u."
Habang kumakain kami ni Rona, bigla siyang nagtanong sa akin.
"Chimchim, ano pala ibig sabihin ng I is less than 3u?" Sabi niya na punong-puno ang bibig dahil sa pagkain. Ang cute niya.
Kinuha ko naman ang phone ko at may tinype.
I <3 u
"Ito yung I. Tapos ang symbol naman ng less than yung parang sa pacman. Tapos yung number 3 at ang letter U. I less than 3u ay equals sa I heart you or I love you." Sabi ko.
"So nung sinabi mo yan sa akin dati, m--"
"Oo. Mahal pa rin kita nung sinabi ko yun sayo." Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin yung mismong I love you?"
"Kasi alam kong hindi mo ako papaniwalaan."
"Jimin, I is less than 3u."
"Rona, I is less than 3u more."
Umiyak nanaman ako nang maalala ko yung araw na yun. Tangina, di ba ako nauubusan ng luha? Hindi ba ako mapapagod? Ang sakit. Sana ako nalang ang namatay, hindi siya. Sana ako nalang.
"Nang mamatay ka, sumama na rin ang pag-asa ko sa buhay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong kwenta."
"Lord, bakit niyo kinuha sa akin ang nag-iisang taong nagpapasaya sa akin? Bakit?! Sana pinatay mo nalang ako."
Nang gumabi na, pumunta na ako sa hotel namin. Kinuha ko naman ang picture namin na magkasama.
"Rona. Kailangan ko pa ba mag-antay para magkasama tayo ulit? Kailangan ko pa bang maging matanda para mamatay? Rona, kung tatanda ako, gusto ko kasama ka. Ayoko na magdusa, Rona." Sabi ko habang nakatingin sa picture namin.
Kumuha naman ako ng lighter at sinunog yung picture.
"Di ko kayang makita na hanggang litrato nalang tayong magkasama."
Nang masunog na ang picture, kinuha ko ang cutter na lagi kong dala. Ito na yata ang tamang panahon. Di ko na kaya. Gagawin ko na ito.
"Rona, antayin mo ako. Magkakasama na tayo."
Bago ko gamitin yung patalim para sa akin, bigla ko nalang nakita si Rona. Ngumiti siya sa akin.
"Rona..." Tawag ko pero bigla nalang siya nawala. Nandito siya sa bahay ko, kasama ko siya. Kasama ko ang girlfriend ko, na ngayon ex-girlfriend ko na. I'm living with my ex-girlfriend.
Napatingin naman ulit ako sa cutter na hawak ko. Gagawin ko ba? Ipagpapatuloy ka pa ba ang pagpatay ko sa sarili ko? Rona...
***
"The moral of this story is that no matter how much we try, no matter how much we want it...some stories just don't have a happy ending." - Jodi Picoult
End of story
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top