Chapter 9

Lies

"Wag kang umiyak, nasasaktan ako eh." sabi ni Jungkook sabay angat ng mukha ko at pinunasan yung luha ko. Umiiyak kasi ako ngayon sa balikat niya.

"Di ko mapigilan. Si Jimin kasi eh. Ang sakit kung makapagsalita. Alam ko namang ex lang niya ako at may galit siya sa akin kasi nakipaghiwalay ako sa kanya. Pero hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako sa pag-aalala sa kanya. Kahit papaano naging importante naman siya sa buhay ko eh. Ang kapal lang niya na sabihin sa akin na nang-iwan ako ng walang dahilan kahit siya naman talaga ang may pakana." sabi ko habang umiiyak. Ang bigat lang ng pakiramdam ko at nagpapasalamat ako kay Jungkook na nasa tabi ko siya para makinig sa akin.

"Ano ba talaga yung dahilan?" tanong niya. Sasabihin ko na sana nang biglang dumating sila Hoseok.

"Rona! Ito balloon oh. Uwi na tayo." sabi niya sabay abot sa akin yung balloon.

"Teka, may naisip ako." sabi ni Taehyung at biglang kumuha ng isang lobo at hinigop yung hangin sa loob. "Hehe." tawa niya.

"HAHAHAHAHAHA! ANG CUTE MO TAEHYUNG!" tawa ko bigla. Lumiit kasi biga yung napakalalim niyang boses. Kumuha din si Kookie ng balloon at hinigop yung hangin.

"Ako, cute na rin ba ako?" tanong ni Kookie. Natawa ulit ako.

"Oo na, ang cute mo! Hahahaha!"

Humigop din ng hangin sila Yoongi, Hoseok, Jin at Namjoon ng hagin. Pero the best yung kay Namjoon. Pumutok bigla yung lobo pagkahawak niya.

"Ayan, tumawa ka na. Uwi na tayo." sabi ni Jin. Natawa nanaman ako kaya hinampas niya ako gamit ng pink niyang pamaypay.

Pumasok na kami sa van at nakita namin na nandoon na sila Hani at Jimin. Hindi ko lang sila pinansin at diretso nang umupo sa tabi ni Jungkook at Yoongi.

Dahil pagod na ang lahat, agad na nakatulog yung iba. Ako naman, pinipigilan ko ang sarili ko na tumawa. Sila Yoongi at Namjoon kasi, hihilik na nga lang, may helium paring kasama tangina hahahahaha.

Hindi rin nagtagal at nakatulog din ako. Nagising nalang ako na nakauwi na kami.

"Bye Rona. Bukas ulit." sabi ni Jungkook. Hanggang ngayon ganun pa rin boses nila kaya natawa nanaman ako. Bumili pa kasi sila ng maraming lobo at pinaghihigop abang nasa loob kami ng van.

"Oo na, ilong. Byee!"

"Byeee!" sigaw naman ng iba. Tangina, laptrip talaga yung Bangungot.

Pagkadating namin ni Jimin sa bahay ay hindi kami nagpansinan. Dumiretso kaagad siya sa kwarto niya at ako naman ay sa sala para matulog.

Second extra day ko na ngayon sa bahay ni Jimin at ayoko ng tumagal pa. Kung pwede sana bukas gusto ko na umalis dito pero tatapusin pa muna namin yung project. Ayoko siyang makasama sa iisang bubong lalo na ngayon na galit kami sa isa't isa.

Hiningi ko kay Jungkook yung mga pictures at sinend naman niya sa akin kaagad. Pagkarecieve ko ay agad ko nang sinimulan yung paggawa nung project. Nang matapos ako ay kinausap ko si Jimin.

"Ayan, maglagay ka nalang description. Kung pwede lang, dapat bukas tapos na yan." sabi ko sabay bigay sa kanya ng usb at umalis na.

"Tapos na ako." sabi niya sabay balik sa akin nung usb. Third extra day ko ngayon at dalawang araw nalang ay aalis na ako sa pamamahay niya.

Pagkatingin ko sa gawa niya, nabulunan ako bigla. Tangina yung grammar niya.

'We goes to Loonyeta Park.'

'It is very so much fun.'

'We are horseback riding at the kalesa.'

'I is bring mine girlfriend is Hani.'

Inedit ko yung gawa niya at pagkatapos ay pinrint ko na. Nakakagago yung grammar niya, jusq.

"Ayan, tapos na lahat. Inedit ko pa yung gawa mo. Nakaka-ulol." sabi ko at binigay sa kanya yung project. Dumiretso ako sa kusina at nagluto ng pancakes. Hindi lang naman yung kaya kong gawin, grabe kayo haha. Pagkalagay ko ng mga gawa ko sa lamesa, dumating naman siya bigla.

"Pwede akong kumuha?" cold niyang tanong. Oo, nag-uusap kami pero galit pa rin kami sa isa't isa. Tumango lang ako at kumuha siya.

"Kulang yata sa tamis." reklamo niya.

"Magpasalamat ka nalang at binibigyan kita. Halos lahat nga binigay ko sayo pero parang hindi pa yata sapat ng lahat, saan pa ba ako nagkulang ah?"

"Saan ka nagkulang? Sa pagtitiwala sa akin! Sa pagsasabi ng totoo sa akin!"

"Bakit, nagsasabi ka rin ba ng totoo sa akin ah?!"

"Oo! Lahat-lahat sinasbi ko sayo pero ikaw hindi! Ikaw ang dahilan kung bakit natapos ang lahat sa atin!"

"Ang lakas naman ng loob mo na sabihin ako ang may kasalanan kahit ikaw talaga yun!"

"Ako?! Sige nga, sabihin mo sa akin. Ano ang ginawa ko?! Bakit ka nakipaghiwalay sa akin?!"

"Hindi mo alam mga kalokohan na pinagkakagawa mo?! Nung araw na nakipaghiwlay ako sayo, narinig ko kayo ni Namjoon! Nagkasunduan kayo na kapag tumagal tayo, makukuha mo na yang punyetang jams mo! Ano, nakipagrelasyon ka lang ba sa akin para lang doon?! Minahal mo ba talaga ako?!"

Bigla nalng niyang sinipa yung upuan at umupo. "Arggggghhhh!! Yun lang ba dahilan mo ah?"

"Umiyak ako pagkatapos nun at may narinig ako. Dalawang babae nag-uusap tungkol sa ginawa mo sa kanya. Bulaklak at hinalikan mo siya sa pisngi. Gaano katagal mo na yung ginagawa? Gaano katagal mo na akong niloloko nung panahon na yun?!"

Tinakpan niya ang mukha niya gamit ng kamay niya at biglang tumayo.

"6 months. Anim na buwan akong umiyak, nagpakalasing at bumalik sa dating ako! Anim na buwan akong halos mamatay na wala ka sa tabi ko! Alam mo ba kung gaano ako nahirapan ah?!"

"Sa tingin mo ikaw lang?! Kung hindi dahil sayo, hindi sana ko naghihirap at nasasktan hanggang ngayon!"

"Anim na buwan, Rona! Anim na buwan kang naniwala sa isang kasinungalingan! Anim na buwan tayo nahirapan dahil doon!"

"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Rona, lahat ng nangyari, mali ang akala mo. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Sa tingin mo, kaya kong humarap at kausapin ka na parang walang nangyari pagkatapos nun? Ano ba ang pinagsasabi mo?! Naguguluhan na ako!"

"Lahat ng nangyari, isang napakalaking kasinungalingan. Natapos tayo dahil sa isang maling akala."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top