Chapter 6
Basketball
"WOOOHH! GO BANGUNGOT! NAKAKAEWAN PANGALAN NINYO PERO WOOH!" sigaw ko habang pinapanood sila maglaro. Nagbabasketball kasi sila ngayon. Sila yung representative ng school namin at kalaban naman nila yung ibang school.
"I LOVE YOU KIM NAMJOON!" sigaw ng katabi ko na di ko kilala. Narinig yata ni Jin kaya napatingin siya sa katabi ko at pinakyu siya. Ayan, landi mo kasi.
"TANGINA, GALINGAN NIYO NAMAN! ANG BABA NG SCORE NATIN! ANG BABA!!" napakalakas na sigaw ng isang ka-schoolmate namin.
"PAKYU! BABA KO NANAMAN?!" sigaw ni Hoseok kaya bigla siyang nagdunk at mas ginalingan pa yung paglalaro kaya unti-unting tumataas score namin.
Nung na kay Jungkook na yung bola bigla siyang tumingin sa akin at kinindatan ako.
"OHMYGOSH! KININDATAN AKO NI JUNGKOOK!" sigaw bigla nung babae sa tabi ko.
"NAKAKAKILIG KA KOOKIE, ENEBE!" sigaw naman nung babae sa likod ko.
"SA AKIN KAYA SIYA KUMINDAT!" sabi nung isang babae. Ge, mag-away kayo. Sa akin kaya kumindat si Jungkook, pakyu all. Landi ninyo.
Shinoot ni Kookie yung bola at nakakuha siya ng three points. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. Nagtalo nanaman yung mga babae, kingina nila.
Ipapasa na sana ni Jimin yung bola kay Taehyung pero napalakas niya yung pasa kaya nabato niya sa isang audience yung bola. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala.
Naglalakad ako sa hallway dahil gusto kong ikutin ang buong school na ito. New student kasi ako. Habang naglalakad may narinig nalang akong sumisigaw.
"MISS, UMILAG KA!!" sigaw ng isang lalaki kaya napatingin ako kung saan nanggaling yung sigaw at pagtingin ko sa gilid ko ay may nakita akong bola na papalipad papunta sa akin.
"OH MAN HOLY SHIT!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na may malaking ilong. Kasalukuyang nakahiga ako sa lapag dahil sa lakas ng tama ng bola sa mukha ko.
"Ang sakit.." bulong ko habang hinihimas ang ilong. Ang sakit talaga, pucha.
"Miss, sorry." sabi nung isa na may maliit na mata at may mataba na pisngi.
"Sorry sorry sorry sorry naega naega nea--" kanta nung magilagid habang yung may mahabang baba ay sumasayaw.
"Hyung, shat up! Miss, sorry. Hala, dumudugo yung ilong! Dalhin na natin sa clinic!" sabi niya kaya binuhat niya ako at dinala sa clinic.
Pagkatapos akong gamutin at magpahinga ay lumabas na ako kaagad sa clinic.
"Miss, sorry. Hindi ko sinasadya." bungad agad sa akin ng isang pandak. Nakakagulat naman ito. Teka, siya yung may maliit na mata na nagbuhat sa akin kanina ah.
"Naglalaro kasi kami ng basketball tapos napalakas yung hagis ko kaya tumama sayo. Sorry talaga."
"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA!" tawa ko bigla.
"Ah, miss, okay ka lang ba? Bakit ka tumatawa?" naguguluhan niyang tanong.
"Ikaw, naglalaro ng basketball? Sa liit mong yan? HAHAHAHAHAHA!"
"Pucha, wag na nga lang." rekalamo niya at umalis.
"Teka lang uy!" sigaw ko habang hinahabol siya. Nung naabutan ko siya, hinawakan ko siya sa biceps niya--I mean sa braso niya. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi.
"Bakit mo hinahawakan biceps ko ah? Crush mo ako noh?" sinong nagbukas ng aircon?
"Aba! Kapal mo uy! Pagkatapos mo akong tamaan ng bola, magkakagusto ako sayo?! No way."
"Kaya nga nagsosorry ako sayo eh!"
"Kaya nga kita hinabol kasi gusto kong sabihin na pinapatawad na kita!"
"Weh?"
"Edi huwag kang maniwala kingina mo." sabi ko at umalis. Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko.
"Bakit mo ako hinahawakan? Crush mo ako noh?" panggagaya ko sa kanya. Halata namang naasar ko siya.
"Ew. Sige na, naniniwala na ako."
"SAAN? SA FOREVER?!" sigaw bigla ng isang lalaki na may malawak na balikat sa likod niya.
"Naniniwala na ako sa forever~" kanta nung isa na mukhang alien.
"Ano ba hyung?!" sigaw nung pandak.
"Sige, mauna na ako." sabi ko pero hinawkan niya ulit braso ko. Crush talaga ako nito eh, ganda ko kasi.
"Teka, miss. Anong pangalan mo?"
"Rona. Lee Rona."
"Jimin. Park Jimin." sabi niya sabay ngiti kaya nawala bigla mga mata niya.
"Park Jimin na walang jams." sabi bigla nung isa na mukhang badjao.
"NAMJOON HYUNG!" sigaw ni Jimin.
Pagkatapos nung basketball game, syempre kami nanalo. Naasar si Hoseok kasi maBABA score namin eh. Pero si Yoongi naman yung MVP. Hindi na kinwento ni otor kung ano pa ang nangyari sa laro dahil wala naman kasi siyang alam tungkol sa basketball.
"Congrats!" sabi ko sa kanila.
"Syempre, ikaw alas ko eh." banat ni Jungkook. Landi-landi ng batang ito.
Napatingin ako kay Jimin na nakaupo lang sa bleachers na pagod na pagod. Lalapit sana ako sa kanya para kamustahin siya pero biglang dumating si Hani. Magsama sila.
"You did great a while ago!" sabi ni Hani.
"Oh, that is very nothing. I is playing good." sagot ni Jimin.
"Oh, Jimin is no fun." sabi ni Hoseok.
"Ang bobo talaga ni Jimin." sabi naman ni Taehyung. Huwaw. Galing talaga sa kanya.
"Nahiya ako sayo Taehyung." sabi ni Jin.
"Dapat lang. Talino ko kaya." Nabilaukan naman bigla si Namjoon.
"Teka lang." sabi niya sabay alis. Nakakaewan si Taehyung, jusq.
"Parang may kulang. Asan si Yoongi?" tanong ko.
"INFIRES MAN! MVP AKO! WOO!!" rinig kong sigaw niya. Nakita nalang namin siya na nakaupo siya doon sa may basketball ring. Paano siya naka-akyat diyan? (Daddy Kookie refernce tho)
"Hyung! Anong ginagawa mo diyan?!" tanong ni Jungkook.
"Nagcecelebrate kasi ako ang MVP! Woo! Sweg." Parang ngayon lang siya naging MVP, palagi niya naman yun nakukuha.
"Umalis na nga tayo." sabi ni Taehyung.
"Buti nagamit mo rin yang utak mo." sabi ni Jin at umalis na kami.
"OY TEKA, IBABA NIYO AKO DITO!" sigaw ni Yoongi.
--
"Thank you sa paghatid sa akin." sabi ko kay Jungkook.
"Gusto ko pa sana magtagal pero baka hinahanap na ako ng nanay ko eh. Sige, bye Rona!" sabi niya at umalis na.
"Jimin?" sabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay. Walang sumagot. Wala pa siya. Oo nga pala, huli niyang kasama si Hani. Baka gumala yung dalawa.
Nang gumabi na, wala pa rin siya. Nagluto ako, kumain at tinirhan siya ng pagkain. Inantay ko siya hanggang sa makatulog ako sa sofa.
Nagising nalang ako sa isang kalabog galing sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko si Jimin na lasing.
"R-rona..." sabi niya at biglang bumagsak sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top