Chapter 4

Mood Swings

"Ipasok mo na kasi!"

"Ang sikip kaya! Buksan mo kasi nang mabuti!"

"Bukas na bukas na kaya! Dahan-dahan lang kasi!"

"Eh sa mabilis ako magpasok!"

"Ah Jimin! Masakit! Dahan-dahan lang kasi!"

"Dinadahan-dahan ko na nga!"

"Ayan na Chimchim! Malapit na!"

"Konting tulak at diin nalang.."

"Ugh, sa wakas."

Hingal na hingal kami ni Jimin. Pinapasok kasi namin yung mga damit ko sa loob ng cabinet. Ano ba, mga utak ninyo!

Kinulit ko kasi siya na ilagay sa cabinet yung mga gamit ko kaysa naman sa nakakalat mga yun. Ang dami pa naman. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya talaga maresist ang charms ko.

"Rona." tawag niya.

"Oh?"

"Linisin mo nga yung kusina at sala, ang kalat eh. Gusto ko pagbalik ko maayos na ang lahat. May bisita ako." sabi niya at umalis na. Huwaw ah. Magpasalamat siya at nakikitira lang ako dito.

Pero sino kaya yung bisita niya? Yung mga bangungot? Wag naman sana uy. Kakastress sila. Lalo na si Taehyung, jusmiyo. Nagsimula ako sa kusina kasi ayoko doon. Eww. Very very dirteu. Pagkatapos ay yung sala naman. Habang naglilinis doon, biglang may kumatok.

Pagbukas ko nakita ko si Jungkook na may dalang ano...di ko alam kung anong tawag. Bulaklak na ewan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Nanliligaw, hehe. Para nga pala sayo." sabi niya sabay abot sa akin nung hawak niya.

"Ano yan?"

"Bulaklak."

"Bakit ganyan itsura?"

"Ninakaw ko lang kasi ito sa kapitbahay namin tapos nahuli niya ako kaya tumakbo ako. Tapos may humabol pa sa aking aso. Ang hirap talaga maging gwapo, ang daming humahabol sayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil makikita mo yung effort niya.

"Ang kapal ng ilong mo." sabi ko at kinuha ko yung bulaklak na ang daming pinagdaanan. Pinapasok ko na rin siya sa loob.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Humihinga."

"Talaga? Tulungan kita! Malaki naman itong ilong ko eh!"

"Pakyu."

"Ano ba Rona?! Huwag kang ganyan, kinikilig ako!" Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumino siya.

"Pinapalinis kasi ako ni Jimin ng bahay niya, may bisita daw kasi. Bwiset."

"Ano?! Hindi ka man lang niya tinulungan?! Aba! Halikana. Palibhasa kasi pandak, hindi niya kayang malinis yung mga matataas niyang gamit." Tinulungan naman ako ni Jungkook maglinis hanggang sa matapos kami.

"Kookie!" Tawag ko.

"Yes cupcake ko?" Nu raw?

"Cupcake mo yang mukha mo. Thank you nga pala. Paglulutuan nalang kita ng pancake."

"Pancake?! OH MAN HOLY SHIT! NAMISS KO YUN!" Pagkatapos ko siyang lutuan, doon kami sa sala kumain.

"Rona, say ah!"

"Eh?"

"Ih, oh, uh? Buksan mo bibig mo, susubuan kita." Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.

"ANO?!"

"Huwag kang exicted oy! Pagkatapos pa natin magpakasal gagawin yun! Say ah, bilis! Lalamig na yung luto mo." Kapal talaga ng ilong nito. Binuksan ko yung bibig ko at sinubuan niya ako ng pancake.

Habang busy kami ni Jungkook kumain, bigla nalang may pumasok sa loob.

"Nandito na tayo." sabi ni Jimin na may kasamang babae. Who dat? Napatingin bigla sa amin si Jimin at nag-iba nanaman expression niya.

"Jungkook, anong ginagawa mo dito? Binibisita mo ba ako?" Umaasa pa rin ba siya kay Jungkook? Jusq, ang bakla niya talaga.

"Kwento mo sa height mo. Ikaw ba yung nililigawan ko? Hindi diba? Si Rona kasi. Landi mo."

"Ah okay. Teka, pancake ba yan?" sabi niya sabay turo doon sa plato.

"Oo, bakit? Gusto mo?" tanong ko. Bigla siyang naglipbite. ANO BA?! NANG-AAKIT NANAMAN SIYA!

"Ano, ayoko. Doon nga muna kayo sa kusina para dito kami ni Hani." pag-iiba niya ng usapan. Ulol niya, kilala ko siya. Kapag naglipbite yan dahil sa pagkain ibig sabihin gusto niya yun. Miss lang niya luto ko eh, aminin.

Pero sino si Hani? Asan yung bubuyog? Corny ko, pwe.

Magkatapat lang yung kusina at sala ni Jimin kaya kitang-kita namin sila at ganun din sila sa amin. Kitang-kita nga dito na naka-akbay si Jimin sa kanya eh. Landi.

"Rona, habang maaga pa mahalin mo na silang lahat." sabi ni Jungkook bigla. Anong pinagsasabi nito?

"Huh? Bakit naman?"

"Dahil balang araw kapag akin ka na, ipagdadamot na kita." KINGINA. KINIKILIG AKO. YUNG ILONG NIYA, SHET. Teka, may naisip ako, muhehe.

"ANO BA KOOKIE?! KINIKILIG AKO!" Sigaw ko kaya napatingin naman sila Jimin at Hani dito. "Kookie, bumanat ka pa." Bulong ko.

"Cupcake, alam mo ang para kang ulan at ako ang lupa."

"Bakit?"

"Wala kang choice, sa akin ka lang babagsak."

"PAKYU ILONG! KINIKILIG NANAMAN AKO!!" sigaw ko ulit. Napapatingin ulit sila Jimin at yung Hani dito sa amin. Pero realtalk, kinikilig ako! 

"Nagugutom ako."

"Hala, kumakain nga tayo ngayon tapos nagugutom ka ba? Grabe yang ilong mo ah."

"Pakagat naman ako Rona. Kahit isa lang.....sa labi mo."

"ANG LANDI MONG ILONG KA! KUMAIN KA NA NGA KOOKIE! BAKA UMIHI NA AKO DITO SA KILIG, KINGINA MO!" sigaw ko ulit sabay subo sa kanya yung pancake. Baka dumiretso pa kasi ito sa ibang klase ng pick-up lines. Medyo malibog pa naman ang ilong nito.

"RO--ASDFGHKL!!" sinubuan ko ulit siya.

"SARAP NG LUTO KO KOOKIE MONSTER DIBA? NAMISS MO NA KASI YANG PANCAKE KO DIBA? ARAW-ARAW KITANG PAGLULUTUAN NIYAN!" sigaw ko ulit.

"OY RONA AT JUNGKOOK! MANAHIMIK NGA KAYO DIYAN, NAG-UUSAP KAMI NI HANI DITO!" sigaw bigla ni Jimin. Naaasar na yung pandak, yes.

"Sorry, si Kookie kasi eh. Diba Kookie Monster ko?" sabi ko sabay kindat.

"Oo nga cupcake ko eh. Sarap kasi." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. "Putangina mo Rona. Kinikilig nanaman ako dahil sayo." bulong niya. Feel na feel ng ilong niya grabe.

"Sa ibang araw nalang tayo mag-usap Hani. Sa ibang lugar nalang rin." Sabi bigla ni Jimin doon sa babae na kasama niya.

"Sure, Jimin."

"Hatid na kita sa inyo."

"Huwag na, magpapasundo nalang ako sa pinsan ko."

"Sure ka?"

"Oo nga. Bye Jimin!" sabi ni Hani sabay halik sa pisngi ni Jimin. Ew. Pagka-alis niya, biglang may tumawag sa cellphone ni Jungkook.

"Sige Rona, aalis na rin ako. Nagagalit na nanay ko, hehe. Bukas nalang ulit cupcake ko."

"Ay. Okay, bye Kookie! Ingat!" Sabi ko. Di rin nagtagal at umalis na siya.

"Kung maglalandian lang kayo ni Jungkook, huwag sa pamamahay ko." sabi bigla ni Jimin na halatang naaasar.

"Parang di kayo naglalandian nung Hani ah! Sino ba yun?" Tanong ko.

"Nililigawan ko, bakit?" Ah, may nililigawan pala. Okay. Ipagpapalit na nga lang ako, sa isang hipon pa. Di ko naman alam na mangingisda pala siya.

"Wala lang. Gaano katagal mo nang nililigawan?"

"Isang buwan. Aish, bahala ka na nga sa buhay mo. Kabadtrip ka." sabi niya sabay alis.

"Bahala ka rin sa buhay mo!" sigaw ko pero bigla siyang bumalik.

"Rona, pwede bang magluto ka rin ng pancakes sa akin? Miss ko na luto mo eh." sabi niya at puunta sa loob ng kwarto niya.

Nakakaloka ang mood swings niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top