Chapter 30

"Maybe it's not about the happy ending. Maybe it's about the story." -Unknown

~

Goodbye

[Jimin's POV]

"Binata ka na talaga!" Sabi ni Jin hyung sa akin at niyakap ako.

"Baka dalaga, hyung!" Singit bigla ni Jungkook at nagtawanan silang lahat. Binato ko naman sila ng tsinelas na di ko alam kung kanino at saan galing.

"Pero thank you talaga sa inyong lahat." Sabi ko sa kanila at nagbow.

"Ano ka ba pandak? Kaibigan mo kami at tayo-tayo lang rin ang magtutulungan." Sabi ni Namjoon hyung. Napangiti naman ako sa sinabi niya hanggang sa mawala nanaman mga mata ko.

"Kaibigan? Weh? Magkaibigan tayo Jimin?" Tanong ni Yoongi hyung sa akin.

"Hindi hyung eh. Alam ko kasi, magka-ibigan tayo." Sabi ko sabay taas baba ng kilay ko.

"Pakyu." Sabi ni hyung sa akin. Napansin ko nalang na naglakad palayo si Jungkook palayo. Selos nanaman yata yung first love ko. Sa tropa kasi namin.

"Kookie!" Tawag ko sakanya at inakbayan pagkatapos ko siya maabutan. "Wag ka na magselos at mag-alala, ikaw lang ang nag-iisang Kookie ko. Diba?"

"Anong selos? Pupunta lang ako sa cr." Sabi niya. Langhiya, napahiya abs ko doon ah. "Patangkad ka muna hyung bago landi, okay?" Dagdag niya at naglakad palayo.

Nang matapos na ang lahat, hinanap ko kaagad si Rona. Natagpuan ko siya na nandoon pa rin sa harap ng stage, nakatayo mag-isa.

"Rona!" Tawag ko. Napalingon naman siya sa akin at lumapit. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na pinatawad niya ako. Alam ko naman kasi na hindi ako karapat-dapat patawarin dahil sa mga kagaguhan ko eh.

"Jimin!" Sabi niya at niyakap ako nang mahigpit. Ang sarap sa feeling, namiss ko ito. Naramdaman ko nalang na basa ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya na umiiyak.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko rin alam." Sagot niya at biglang tumawa. Naulol na yata.

"Paano mo ako nahanap? Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?" Tanong niya sa akin.

"Dahil dito." Sabi ko at pinakita sa kanya ang isang nametag. "Napansin ko na parehas kayo ng apelyido kaya nagsearch kaagad ako sa internet. Nagpatulong rin ako kila Tony at sa tropa. Pagkatapos ng ilang araw, nalaman ko na dito ka nag-aaral at sakto naman na may concert sa araw na ito kaya naisipan ko na sumali kami." Paliwanag ko. Feeling ko tuloy nagrarap ako dahil sa dami ng sinabi ko.

"Teka, ayaw magsink in sa utak ko lahat ng nangyayari." Sabi niya. "Asan pala yung iba? Ang galing niyo kanina ah!"

"Hinahanap si Jungkook. Nagcr lang, hindi na bumalik. Baka nasinghot niya sarili niya." Natawa naman siya sa sinabi ko. Sa totoo lang, pinaalis ko muna sila para wala munang mang-istorbo sa amin.

"Tangina ninyo." Sabi niya at tumawa ulit. Napangiti nalang ako dahil pagkatapos ng isang taon, ngayon ko lang siya ulit narinig magmura.

"Rona, date tayo." Yaya ko sa kanya.

"May klase pa ako, Jimin."

"Rona, please. Last day na namin dito sa LA." Sabi ko. Nagulat naman siya.

"Weh Park Jimin? Wag mo akong pinagloloko ngayon ah. Sawa na ako."

"Realtalk Rona, last day na namin ngayon. Babalik na kami bukas. Kaya date tayo please."

"Bakit ngayon ka lang kasi nagpakita? Jimin naman eh." Sabi niya at umiyak. Para talaga siyang bata.

"Kasi gusto ko kapag nagkita tayo, wala ng papalpak. Ubusin nalang natin ang natitira naming oras kaya magdate tayo." Yaya ko ulit sa kanya. Tumango nalang siya at hinawakan ang kamay ko.

Umikot kami sa LA. Pinuntahan namin yung mga magagandang lugar dito. Asaran, tawanan, murahan at kainan ang pinagkakagawa namin. Sa bawat lugar na napuntahan namin, nagpipicture kami nang magkasama. Nagkwentuhan rin kami tungkol sa mga nangyari sa amin sa loob ng isang taon na hindi magkasama.

Nang gumabi na, umupo kami sa isang bench at tinignan lang ang mga taong naglalakad.

"Rona, saan mo gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ha?"

"Saan mo gusto pumunta?" Pag-uulit ko ng tanong ko.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Kahit saang lugar o bansa, saan mo gusto pumunta?"

"Madami eh."

"May ganun palang lugar? Madami?" Binatukan naman niya ako at pinakyu. Kaya mahal ko ang babaeng ito eh.

"Hindi kasi! Lahat ng bansa gusto kong puntahan eh. Ikaw?"

"Sa simbahan para pakasalan kita." Nakita ko naman na namula pisngi niya kaya pinakyu niya ulit ako. Kaya gustong-gusto ko siya pakiligin eh.

"Hindi nga! Realtalk saan?"

"Sa lugar na gusto mong puntahan. Gusto ko sabay tayong pupunta doon next year sa parehas na araw ngayon."

"Hmm, saan nga ba?" Sabi niya at tumahimik muna siya para mag-isip. "Alam ko na! Punta tayo sa Busan sa South Korea!"

"Bakit sa Busan?"

"Bakit? Ayaw mo ba doon?"

"Sino nagsabing ayaw ko? Gusto ko lang malaman yung dahilan mo."

"Wala lang. Yun yung una kong naisip eh. Saka maganda naman doon, purong beach." Sabi niya na parang iniimagine kung ano ang itsura ng Busan.

Nag-aantay ako kung biglang dadating si Taehyung para sabihin kung 'bitch' ba yung sinabi niya pero salamat at hindi siya umepal bigla.

"Sige, pupunta tayo ng Busan next year sa parehas na date ngayon." Sabi ko at niyakap ko siya.

"Promise yan ah?"

"Promise." Sabi ko at hinalikan ko siya. Nang matapos kami, humiga siya sa balikat ko. Sa ngayon, wala akong pake kung PDA kami masyado, pero gusto ko sabihin sa lahat ng tao na kasama ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko.

"Jimin, bawal bang magstay ka nalang dito? Yung Bangungot hayaan mo ng umuwi bukas."

"Rona, bawal. Kailangan kong bumalik. Pumunta ako dito para patunayan sayo kung gaano kita kamahal kaya hinanap kita. Sa totoo nga lang, hindi ko ineexpect na papatawarin mo ako. Gusto ko lang talaga magsabi sayo ng sorry nang harapan."

"Okay lang Jimin, naiintindihan ko." Sabi niya.

"Galit ka?" Tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit nang ganun lang? Saka kakayanin naman natin yung long-distance relationship diba?"

"Syempre, lahat naman ng problema nalalagpasan natin eh." Sabi ko. "Teka, ano pa ba ang hindi natin napupuntahan? Last destination na natin yun ngayon."

"Sa bahay namin! Hindi ka pa nakapunta! Matutuwa si mama kapag nakita ka niya!" Excited niyang sabi at tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa bench. "Dali, Jimin! Punta na tayo!"

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Naglalakad na kami para tumawid sa kalsada nang mapansin ko na hindi nakatali ang isa kong sintas.

"Teka, Rona. Yung sintas ko." Sabi ko at binitawan ang kamay niya.

"Bilisan mo! Naeexcite ako sa reaksyon ni mama!" Sabi niya na kasalukuyang nakatayo sa kalsada habang ako nasa sidewalk, nagtatali ng sintas.

"Teka lang! Dito ka nga sa tabi ko, kinakabahan ako para sayo." Sabi ko na hindi pa rin tapos. Hindi naman niya sinunod ang sinabi ko. Bumuhol kasi yung unang tali kaya inulit ko ulit. Habang nagsisintas, nakarinig nalang ako ng isang busina ng truck.

"RONA!" Sigaw ko para makaiwas siya sa truck. Tatakbo na sana ako para tulakin siya, pero huli na ang lahat.

Nasagasaan na siya. Nasagasaan na ng truck si Rona.

***

Epilogue up next :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top