Chapter 27

Los Angeles

After 1 year

"Hello? Hey Tony! What's poppin?" bati ko.

["Who is this?"] tanong niya. Nakalimutan niya kaagad ako, awts.

"I is Jimin."

["Jimin? Chimchim? Is this really you? Hey man! What's poppin?"]

"Oh Tony~ We are goes to L.A. tomorrow. I want you get us from the airport."

"Sure man. By the way, your grammar is getting better."

"Really? Thinks man. See you."  paalam ko at binaba na ang tawag.

Si Tony lang ang pag-asa ko para mahanap si Rona. Isang taon rin ang inabot bago kami makapunta dahil gusto ng lahat sumama. Si Taehyung, umiyak nung sinabi ko na si Jungkook lang talaga ang isasama ko.

Inayos ko na lahat ng gamit ko at pagkatapos ay pumunta sa bahay nila Jin hyung kasi malapit sa kanila ang airport.

Di ko alam kung mahahanap ko kaagad si Rona. Isang taon namin pinaghirapan kumuha ng pera pero isang linggo lang ang tagal namin sa Los Angeleseu.

"Handa ka na Chim?" tanong ni Yoongi hyung pagkatapos namin kumain.

"Oo hyung." sagot ko.

"Talaga? Tara Chim, punta na tayo sa kwarto." sabi ni hyung.

"KWARTO?! ANO GAGAWIN NIYO?!" tanong ni Jungkook sabay laki ng butas ng ilong. Selos ka ba Kookie ko?

"Matutulog!" sabi ni Yoongi hyung. "Oy Namjoon! Sabi ko lubayan mo si maknae eh! Daming natutunan na kabastusan!" dagdag niya.

Kami kasi ni Yoongi hyung ang magkasama sa kwarto. Tapos si Jungkook, Taehyung at Jin ang magkasama. Sila Namjoon at Hoseok hyung naman ang magkasama. Sana naman di manood ng ano sila Namjoon hyung, hehe.

Manood ng cartoons kasi! Dapat lahat kami kasama kung manonood sila noh!

Saka pinaghiwalay talaga namin si Namjoon at Jin hyung kasi ano, you know hehe.

Basta Lee Rona. Magkita nalang tayo sa L.A.

[Rona's POV]

"Good morning, ma'am.What's your order?"

"One iced americano, short." sagot ko.

"Here's your order mam." sabi nung barista at pinakita sa akin yung kasama niyang maliit na amerikano. "Just kidding mam, here it is." sabi niya at binigay sa akin yung order ko.

(Credits sa advertise sa tv. Hehe.)

Ang kulit nila, haha. Short na americano, yung literal binigay sa akin. Pandak! Parang si Jimin. Ay shet.

Isang taon ang lumipas, pero hanggang ngayon di ko pa rin siya makalimutan. Sinusubukan ko naman eh.

Ang hirap talaga magmove-on lalo na kapag naaalala mo kung paano ka niya pinapasaya.

Pagkatpos ko bumili, lumabas kaagad ako at naglakad-lakad. Bigla nalang may nakabangga sa akin at muntikan nang matapon yung binili ko.

"I'm sorry." sabi niya.

"It's alright."

"Hey Tony! Let's go! We need to fetch your friends from the airport!" sigaw bigla nung kaibigan niya.

Tony? Parang pamilyar yung pangalan. Yung parang nakwento siya sa akin. Si Jimin yata nagkwento. Ay syete, puro nalang akong Jimin.

"Here, accept this. I'm sorry again. I need to go." sabi niya at binigyan ako ng 3 dollars. Tumakbo na rin kaagad siya palayo.

Anong gagawin ko sa 3 dollars? Bibili ng chains katulad nung kay Yoongi? Yung isa sa mga kalandian ni Jimin. Futa. Jimin nanaman. I'm good, I'm done.

Gagala pa sana ako nang may tumawag sa phone ko.

"Hello?"

["Nak, sunduin mo muna kapatid mo sa school niya. Okay lang ba? May tinatapos kasi ako dito."]

"Ah ganun po ba? Okay lang." sagot ko at binaba na yung tawag. May anak yung nanay ko dito kaya may kapatid na ako. Dalawang mas bata sa akin. Half-Korean napa-asawa ni mama pero dito sila tumitira. Yung nakakatuwa, Lee din yung apelyido niya.

Magkaiba yung asawa ng nanay ko ngayon at yung kabit niya dati nung buhay pa yung tatay ko. Nakipaghiwalay pala siya doon sa kabit niya nang nakonsensya siya. Basta yun.

Nagtaxi ako papunta sa school ng kapatid ko, yung bunso.

"Eunhyuk!" tawag ko sa kapatid ko nang makita ko siya.

"Ate!" tawag niya. "I want you to meet my bestfriend, Donghae." sabi niya at pinakita sa akin si Donghae.

"Donghae?"

"Rona noona!"

"Wait, you know each other?" naguguluhang tanong ni Eunhyuk.

"Yes. We met each other when I'm still in the Philippines." pagpapaliwanag ko sa kapatid ko.

"Noona, where's Jimin hyung? Aren't you two together?" tanong bigla ni Donghae.

"Who is Jimin?" tanong ni Eunhyuk.

"Your noona's boyfriend."

"You have a boyfriend? Does mommy knows?" tanong niya sa akin.

"What boyfriend? I don't have. And Donghae, I don't know where he is and I don't care about him anymore." sunod-sunod kong sabi.

"Oh, how sad. I like both of you together." sabi ni Donghae.

"Ate Rona, can we stay a little more? I want to talk with Donghae." pagpupumilit ni Eunhyuk.

"Sure." pagpapayag ko. Nag-usap naman yung dalawa. Tatawa muna sila, tapos maya't maya nagbabatukan. Tapos magkakabati sila at mauulit nanaman. Nang matapos na sila, nagyakapan sila at nagpaalam na sa isa't isa. Ba't ganun? Ship ko sila, EunHae for the win! Yiee!

Sumakay na kami ng taxi ni Eunhyuk pagkatapos. Habang nagkwekwentuhan kami sa loob, napansin ko lang na ibang daan ang pinupuntahan namin.

"Uhm, excuse me? Why are we heading to the airport?" tanong ko doon sa driver.

"The road is under construction and unfortunately an accident happened that's why they decided to close the road for the meantime. The only way left is the airport." pag-eexplain nung driver.

"Oh okay. Thanks."

Ano yun? Sa airport kami dadaan? Di ba kami masasagaan doon ng mga eroplano? De joke, hehe. Corny ko diba? Sorry na.

Medyo malapit kasi yung bahay namin sa airport kaya pwede rin doon dumaan. Kaso nga lang matatagalan kasi kailangan pang umikot sa airport at medyo malaki yun. Kaysa sa ten minutes, baka abutin kami ng thirty. At yung nakakaasar pa, mas mahal ang isisingil sa aming bayad.

Nang makalagpas kami ng airport, may nakita akong magandang lugar. Di ko maipaliwanag, basta ang ganda. Yung tipong gusto kong bumaba nalang dito sa cab at pumunta doon.

Binuksan ko yung bintana para mas makita ko nang maliwanag yung lugar na yun. Sakto rin na huminto yung sasakyan dahil sa red light. Kinuha ko ang cellphone ko para picturan yun nang may isang pick-up truck ang humarang. Epal.

May katabi na tulog yung driver pero hindi ko makita dahil nakaharang siya. Pagtingin ko sa mga sakay sa likod nung truck, may nakita akong lalaki. Parang yung nakabangga sa akin kanina. Tony yata pangalan nun.

May kasama siya sa likod ng truck, anim yata. Saka parang pamilyar yung katabi niya na orange yung buhok. Di ko lang makita yung mukha kasi nakatalikod siya. Sino kaya yun?

Hinayaan ko lang na bukas yung bintana ng taxi at tinignan ko yung kapatid ko na mahimbing na natutulog. Bigla ko lang narinig na may nagreklamo galing sa pick-up truck na yun.

"Shet! Ang tagal naman umusad! Nasa EDSA ba ako?" reklamo nung isang lalaki. Halos hindi ako makagalaw nung marinig ko yung boses na yun.

Lumingon ako at nakita ko yung side view nung lalaki na katabi nung Tony. Anong ginagawa niya dito? Ba't siya nasa L.A.? At bakit kasama niya yung tropa?

Bakit nandito si Park Jimin?

***

Last 3 chapters

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top