Chapter 25
Magiging emo muna tayo ng konti ah :)
***
Forgive
Pagkagising ko, naligo at nagluto kaagad ako ng almusal ko. Hindi lang pancake ang kaya kong lutuin ah! Sadyang yun lang talaga ang paborito ni Jimin.
Aish! Jimin nanaman! Pwede bang sa inyo nalang siya?
Tumingin ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. Kinakabahan ako. Pagkatapos ng ilang taon na sinubukan kong layuan siya, magkakausap na kami nang maayos.
Paglabas ko ng apartment na tinutuluyan ko, pumara ako ng taxi at pumunta sa isang resturant kung saan kami dapat magkita. Di rin nagtagal at nakarating din ako. Unang tapak ko palang sa loob, nakita ko na siya. Nakangiti siya sa akin na parang wala akong ginawang masama.
"Anak, umupo ka." sabi niya at sinundan ko naman. Naiilang ako.
Malaki ang galit ko sa nanay ko. Pagkatapos mamatay ng tatay ko, doon ko nalaman na may kabit siya. Sumama siya kaagad sa lalaki niya at iniwan akong mag-isa.
"Rona, anak. Salamat dahil pumayag kang mag-usap tayo. Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya na nakakapag-usap na tayo nang maayos."
"Ano ba kasi gusto mong sabihin ah?!" iritado kong tanong.
"Okay, sasabihin ko na. Unang-una, patawarin mo ako. Oo, alam kong malaki ang galit mo sa akin pero bilang nanay mo, nagmamaka-awa ako. Patawarin mo sana ako." sabi niya habang naluluha.
Papatawarin ko ba siya? Di ko alam. Malaki ang galit ko pero tila lumalambot ang puso ko. Siguro ito na rin ang tamang panahon. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, tao pa kaya.
Pero kung si Jimin ang pinag-uusapan, di ko alam. Ilang beses na niya akong sinaktan at pinaasa. Feeling ko nagmamanhid na ang puso ko dahil sa kanya.
"Ma." tawag ko. Di ako sanay. "Pinapatawad na kita." tatlong salita na binitiwan ko ang nagpaiyak pa lalo sa nanay ko. Nagulat naman ako nang tumayo siya at niyakap ako.
"Maraming salamat, anak. Sobra-sobra. Hayaan mo sana ako na punan lahat ng pagkukulang ko bilang ina sayo." nakangiti niyang sabi at bumalik na sa upuan niya.
"Ma. Sorry din." nahihiya kong sabi. Ngumiti siya sa akin.
"Matagal na kitang pinatawad."
Nag-usap kami tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na taon hanggang sa napunta ang usapan namin kay Jimin.
"Kamusta na pala kayo ni Jimin?"
"Kilala niyo siya?"
"Oo. Nag-usap kami dati at sinabihan ko siya na wag sabihin sayo dahil alam kong magagalit ka."
"Anong sinabi niya sayo?"
"Kung gaano ka niya kamahal. Hindi ka daw niya iiwan at sasamahan ka daw niya hanggang sa pagtanda. Ang sweet nga niya kaya boto ako sa kanya."
"Wala na kami. Matagal na." bitter kong sabi.
"Ha?" tanong ni mama pero nginitian ko lang siya. "Bakit?"
"Di ko rin alam. Basta." pag-iiwas ko sa tanong. Agad ko namang pinalitan ang topic at napunta naman kami tungkol sa pag-aaral ko at sa tinutuluyan ko.
"Anak, sumama ka nalang sa akin. Mas gaganda ang buhay mo pag sumama ka sa akin."
"Ma, paano yung mga kaibigan ko dito?"
"Eh ano ba ang ginagawa mo ngayon? Diba iniiwasan mo sila? Edi sumama ka nalang sa akin, ilalayo kita sa lahat ng ayaw mo." May kung ano sa akin ang gusto sumama sa kanya at ayaw.
"Hahanapan kita ng mas maganda na school. Doon ka mag-aaral. Sa akin ka na rin titira. Hindi mo na kailangan magtrabaho para makakuha ng pambayad. Hayaan mo ako, anak, na maging ina sayo."
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakapg-isip ng desisyon. "Ma, payag na ako. Saan at kailan?"
"Sa L.A. sa Amerika. Next week."
[Jimin's POV]
Nagtataka na talaga ako kila Taehyung at Jungkook. Sa isang linggo, tatlong beses sila hindi pumasok.
"Kookie." tawag ko at lumingon naman siya sa akin.
"Hyung, bakit?"
"Saan kayo pumunta ni Taehyung?"
"Uhm, ano, sa planeta niya hehe."
"Lumalaki ba yang ilong mo dahil nagsisinungaling ka o sadyang malaki talaga?"
"Pakyu hyung."
"Saan nga kasi?!"
"Hyung! Kulang ka lang sa lambing noh? Ngayon lang ito hyung ah kaya sulitin mo." sabi ni Kookie at niyakap niya ang braso ko. "Yiee. Kilig si hyung! Labyu hyung hihi."
Tangina. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa pinagkakagawa niya o ano.
"Kookie? Jimin? Anong nangyayari dito?" sabi bigla ni Taehyung habang kumakain ng lollipop. "Kookie! Akala ko ba ayaw mo kay Jimin at sa akin mo lang gustong ginagawa yan?! Nagtatampo ako Kookie!"
"Hyung! Kasi si itong pandak na hyung, kulang sa lambing!"
"Hindi Kookie! Tanggap ko na ahuhuhuhu!"
"Umayos nga kayong dalawa! Saan ba kayo galing?!" tanong ko. Nagtinginan naman sila sa isa't isa.
"Hyung, wag mo sabihin! Magagalit siya sa atin!" sabi ni Kookie. Si Taehyung naman tumawa.
"Wag ka mag-alala Jungkook! Di ko sasabihin na pumunta tayo kay Rona at pumasyal kasama siya. Shh--ARAY KOOKIE!"
"HYUNG! ASAN NANAMAN UTAK MO?!"
"Kasama niyo si Rona?! Asan siya?! Dalhin niyo ko sa kanya!"
"Jimin, magagalit siya sa amin." sabi ni Taehyung.
"AKONG BAHALA SA INYO! ASAN SIYA! DALHIN NIYO AKO! DALI!"
"Dapat may kapalit." sabi ni Kookie sabay ngisi.
"Hindi na kita guguluhin, masaya ka na?!"
"Ako din!" sabi ni Taehyung.
"Uhm ano. Ipot ng ibon, bibigyan kita!" (Pan de Jimin reference huehue)
"Talaga Jimin? Yehey!"
"OO NA! DALI!" sabi ko at sinundan ko sila. Habang naglalakad, nabangga ko si Namjoon hyung pero di ko lang siya pinansin.
"JIMIN!" tawag niya kaya nilingon ko siya. "You got no jams." Pag ako talaga tumangkad ng mas higit kay hyung, siya talaga ang mawawalan ng jams.
Di rin nagtagal, nakarating rin kami kung saan nakatira ngayon si Rona.
"Rona, may dalawang pogi ang nasa labas ng apartment mo kaya papasukin mo na!" sabi ni Kookie habang kumakatok. "Noona!"
"Rona, pag di mo ito bubuksan, ano uhm, makakatapak ka ng tae! Sige ka Rona!" pagbabanta naman ni Taehyung.
"Wag niyo akong pinagloloko, dito ba talaga siya nakatira?!" tanong ko.
"Oo nga hyung! Baka lumabas lang siya kaya hindi binubuksan yung pinto." sabi ni Kookie.
Pinihit ko yung doorknob at biglang bumukas yung pinto kaya napatingin kaming tatlo sa isa't isa. Pagpasok namin, malinis ang loob. Walang katao-tao. Binuksan ko ang cabinet at nakita na walang damit na nakalagay doon.
"Nandito ba talaga siya?!"
"Ang kulit naman ng pandak na to! Oo nga! Muntikan ko pa nga masunog ang apartment niya dahil sinubukan kong magluto para sa kanya!" sigaw ni Taehyung.
"Mga hyung, tinganan niyo ito!" sabi ni Kookie kaya lumapit kami sa kanya. May inabot siyang isang letter sa amin.
Dear Jungkook at Taehyung or kung sino ka man na nagbabasa neto,
Umalis na ako sa apartment ko. Nagka-ayos na kami ng nanay ko at sasama na ako sa kanya. Kung binabasa mo ito ngayon, siguro nasa airport na ako. 7:20 ang flight namin papuntang Los Angeles. Kung isa ka man sa Bangungot, sa loob ng isang drawer may mga letters kayo galing sa akin. Basahin niyo nalang. Bye.
Love, Rona
Agad naming tinignan ang loob ng drawer at may nakita nga kaming mga papel.
"Namjoon. Seokjin. Yoongi. Hoseok.Taehyung, para sa iyo ito. At Jungkook, sa akin. Hara. Angela, ako na magbibigay sa kanya neto." basa ni Jungkook sa lahat ng letter na nandoon.
"Kookie, ba't di mo binasa yung pangalan ko?" tanong ko.
"Huh? Wala talaga hyung." sagot niya. Dahil hindi ako naniwala, tiningan ko lahat ng pangalan na nandoon at wala talaga akong nakita ni isa. Shit.
"Anong oras na?!" tanong ko. Pinindot naman ni Taehyung yung button sa relo niyang Ben 10.
"7:28 na."
"Wag mo akong pinagloloko ngayon, Kim Taehyung!"
"Hyung, 7:28 na talaga. Tingnan mo pa yung orasan." sabi ni Kookie sabat turo sa orasan sa dingding.
Shit. Late na ako.
***
Last 5 chapters
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top