Chapter 24

Avoid

"Jiminie, padala itong bag ko." sabi ni Hani at binigay niya sa akin ang bag niya. "Thank you." dagdag niya sabay halik sa pisngi ko. Pagkatalikod niya, pinunasan ko kaagad yun.

Habang naglalakad siya, sinusundan ko lang siya kaya lumingon siya sa akin at sinabihan na sabay kaming maglakad. Humawak kaagad siya sa braso ko at nagsimulang maglakad ulit.

Langhiya, di ko na talaga matiis ito. Kailangan ko na talagang gawin ito. Babae si Hani pero pagdating kay Rona, nag-iiba na ang usapan.

Agad ko namang tinulak nang malakas si Hani kaya napaupo siya sa sahig. Lahat naman ng tao sa hallway, napatingin sa amin.

"Aray Jimin! Ano ba ang problema mo?!" galit niyang tanong sa akin. Binato ko naman nang malakas ang bag niya malapit sa kanya.

"PROBLEMA KO?! IKAW! ISA KANG PUTANGINA!" sigaw ko sakanya.

"C-Chimchim, ano--"

"WAG MO AKONG TAWAGIN SA PANGALAN NA YAN DAHIL WALA KANG KARAPATAN!" halos maluha na siya dahil sa ginagawa kong pagsigaw sa kanya sa harap ng maraming tao.

"PWEDE BA HANI, LUBAYAN MO NA KAMI NI RONA! ANO BA ANG GINAWA SAYO NI RONA AT PINAPAHIRAPAN MO SIYA AH?!"

Tumayo naman siya nang dahan-dahan, halos nanginginig na ang buo niyang katawan dahil sa takot sa akin pero hindi lang niya pinapahalata.

"Jimin, matagal ka na niyang iniwan kaya ngayon akin ka nalang. Hindi ka na niya mababawi sa akin."

"Alam mo kung ano ang tawag sayo? Desperada. Kahit kailan hindi ako naging sayo. Para mas maliwanagan ka, rebound ka lang. Tindihan mo? REBOUND!"

"Rebound? How dare you?!" sasampalin na niya sana ako pero nahawakan ko kaagad ang braso niya. Hinigpitan ko naman ang hawak doon.

"Simula ngayon, break na tayo. Subukan mo lang saktan si Rona ulit, hindi na ako magdadalawang isip na ako ang mananakit sayo. Physically or emotionally."

Dahil sa mga binitiwan kong salita, umiyak na nang tuluyan si Hani. Call me a jerk or whatsoever, pero ang babaeng mahal ko ang kinakalaban niya.

(Deym, english ni Jimin)

"I hate you Park Jimin." sabi niya at kumawala sa akin si Hani at tumakbo palayo. Nang napansin niyang nakatingin sa kanya ang mga estudyante, tumigil siya. "ANONG TINITINGIN NIYO AH?! MGA CHISMOSA! ALIS!" sigaw niya at nagpatuloy na sa pagtakbo palayo.

Nakatingin rin sa akin yung iba pero hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa klase ko.

"UY NANDIYAN NA YUNG PANDAK! JIMINIEEE TABI TAYO!" sigaw ni Hoseok pagdating ko.

"Manahimik ka muna hyung." sabi ko at umupo nang padabog.

"Dahan-dahan lang Jimin. Baka masira yung upuan." sabi ni Namjoon hyung.

"Wow naman Namjoon, parang ikaw walang nasirang upuan." sabi ni Jin hyung sa kanya.

"Wala naman ah!"

"Oh talaga? Kwento mo doon sa mga upuan na nasira mo doon!" sabi ni Jin hyung at tinuro yung isang parte ng classroom kung saan nakatambak lahat ng nasira na upuan ni Namjoon.

"Hehe, sorry na Jin. Mahal mo pa naman ako diba?"

"Ulol."

"Uyy Jin! Sorry na!"

"SHHH! WAG KAYONG MAINGAY! NATUTULOG AKO DITO OH!" sigaw ni Yoongi bigla at pinakyu sila. Napatingin naman ako sa paligid at may nakitang dalawang bakante na upuan. Teka, may kulang.

"Asan sila Taehyung at Jungkook?" tanong ko.

"Bakit, selos ka? Nandito naman ako eh hihi." sabi ni Hoseok hyung.

"Umalis yung dalawa, may pupuntahan daw." sabi ni Jin hyung.

"Saan daw?"

"Malay ko doon. Baka sa puso mo yiee."

Bakit umalis yung dalawang yun na hindi man lang ako kasama? Tangina. Edi magsama sila.

Pero ang mahalaga ngayon kung asan si Rona. Kailangan ko siyang mahanap.

[Rona's POV]

Ang ganda ko, omg.

De joke lang, ito na nga.

"Uy teka lang!" sabi ni Taehyung kaya napahinto kami sa daan.

"Bakit?" tanong ko.

"Tae ba ito?" tanong niya sabay hawak doon sa tae sa daan. Tangina, ang baboy. Puta. Ibalik niyo na ito sa planeta niya. "Tae nga! Buti nalang hindi ko natapakan! Hehe."

"Kookie, pakipaliwanag mo nga sa akin kung bakit mo ito sinama." bulong ko.

"Alam ko naman kasi na stressed out ka ngayon. Si Taehyung hyung kasi ang nagpapasaya sa amin, kaya sinama ko siya." pagpapaliwanag niya.

"Ulol, kwento mo diyan sa ilong mo."

"Hyung, maghugas ka nga ng kamay! Ang baboy neto." utos ni Kookie. Pinahid lang ni Taehyung yung kamay niya sa isang kotse na malapit.

"Okay na Kookie!" sabi niya sabay thumbs up at kindat sa kanya.

Tengene, kenekeleg eke. TaeKook shet!

"Uy guys, wag niyo sabihin sa kanila, lalo na kay Jimin, kung saan ako ngayon ah. Gusto ko lang muna makapag-isa. Saka pakisabi kay Angela na magreresign na ako." paliwanag ko pagdating namin kung saan kami dapat pumunta.

Si Jungkook lang talaga ang tinawagan ko at sinabihan na magkita kami kasi kailangan ko ng kaibigan. Di ko naman inaasahan na dadalhin niya si Taehyung.

Alam kong may klase sila ngayon pero gusto ko muna makalimutan lahat ng problema ko kahit ngayon lang. May pagkaselfish itong ginagawa ko pero minsan lang naman eh.

"Rona, pinapahirapan mo lang kasi yang sarii mo. Eh kung dati lumapit ka na sa akin, masaya ka sana ngayon. Pero wag mong isipin na may gusto pa rin ako sayo ah, kay Angela na itong puso ko."

"Sorry na Kookie, bestfriend lang talaga eh. Saka mas okay na rin siguro yung ganito. Saka wag ka mag alala, alam ko naman na kay Gela na yan."

"Tayo na lang kasi, Rona huehue." epal ni Taehyung.

"Ulol."

"Ulol rin. Asa ka namang papatulan kita! Wahaha!" sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Hala shet! Yung kamay niya!

"Yuck Taehyung! Don't touch my haireu. You very very dirtue handeu."

"Bakit diring-diri ka sa kamay ko ah?! Dapat nga magpasalamat ka sa akin kung hindi baka matapakan mo yung tae!"

"May mata kasi ako Taehyung! Ikaw, walang utak!"

"So what if the brain is empty? At least I'm still pogi." sabi ni Taehyung sabay pogi sign.

"Shet hyung! Rhyming! May utak ka na rin!" sabi ni Jungkook sabay apir kay Taehyung.

"Putangina Jungkook wag kang magmura! Gago ka talaga!" 

"Puta naman oh! Sorry na hyung!"

"Pakyu Jungkook. Magpasalamat ka at mahal ka ni hyung, tangina mo. Wag ka na magmumura ulit ah!"

Mukhang gago itong dalawa. Kilala ko ba sila?

Buong araw puro kaming nagtawanan at kung ano-anong kalokohan ang piangkakagawa hanggang inabot na kami ng gabi. Nagpasalamat ako sa kanila at pinauwi na rin sila. Sana lang talaga hindi nila sabihin kung asan ako.

Pagkadating ko sa apartment ko, nakiconnect agad ako sa wifi ng katabi kong apartment. Wala namang password kaya gora lang.

Pagbukas ko ng facebook ko, binungad kaagad ako ng isang article sa school namin. Este sa dati kong school.

Jimin at Hani, wala na?

Pinindot ko kaagad yun at binasa ang article. May video rin na nakuhaan kaya pinanood ko kaagad yun. Purong pagsisigaw ang inabot ni Hani sa kanya. Di ko alam kung dapat ba akong matawa o maawa. Naguguluhan ako.

Napansin ko rin na punong-puno rin ng messages yung inbox ko. Lahat galing kay Jimin. Pero sineenzone ko lang siya.

Sorry Jimin, simula ngayon kakalimutan na talaga kita. Congrats nga pala, pinaasa mo nanaman ako pero hindi mo na ako mauuto ulit.

Sakto na pagkapatay ko ng phone ko ay may tumawag. Akala ko si Jimin ulit pero iba. Dahil number lang ang nakalagay, sinagot ko kaagad yung tawag.

"Hello?"

"Rona. mag-usap tayo bukas. Yun lang ang hinihingi ko at hindi na kita kukulitin ulit. Please, anak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top