Chapter 22

Embarrassed

"Hobi, diba sabi ko wag na wag mong bibigyan ng damo si Jimin." sabi ni Jin hyung.

"Hyung, hindi naman eh!" pagmamaktol ni Hobi hyung.

"Eh bakit kanina pa yan nakangiti at tumatawa mag-isa? Ay teka lang, TAEHYUNG! HINAWAAN MO BA SI JIMIN?!"

"Ng kagwapuhan? Hindi noh! Asa siya!" sigaw ni Taehyung. Binatukan naman siya ni Namjoon. "Aray ko, yung utak ko naalog!"

"Utak? Meron ka ba nun, hyung?" tanong ni Kookie.

"Ewan ko nga rin eh. Baka nasinghot ng ilong mo."

"Teka, hanapin ko lang." sabi ni Kookie at nangulangot. Ang baboy nito puta. "Wala hyung eh, kulangot lang meron dito."

"Oy Jimin, dala na namin yung mga itlog. Ano ba gagawin natin?" tanong ni Namjoon hyung. Natauhan naman ako.

"Ah oo nga pala, hehe. Dali, punta tayo sa bahay ni Hani."

"IBIBIGAY NATIN SA KANYA YUNG ITLOG NATIN?!" tanong ni Hoseok."Ayoko, baka kumati! Higad pa naman."

"Hindi kasi! Basta!" sabi ko at pumunta na kami sa bahay ni Hani.

"Jimin, ano ba kasi gagawin natin? Nastrestress yung beauty ko." pag-iinarte ni Jin hyung.

"Papalayuin ko si Hani sa akin. Unang step palang ito at araw-araw natin gagawin ito." pagpapaliwanag ko.

"Ano ba yun? Gagawa tayo ng kwek-kwek araw-araw?" tanong ni Jungkook.

"Tayo? Yizz naman Kookie. Kilig abs ko. Baby nalang gawin natin kaysa sa kwek-kwek. Hihi." sabi ko.

"Putangina mo gago ka." sabi niya. Ang lutong grabe.

"Ganito kasi! Magbabato tayo ng itlog diyan sa bahay ni Hani! Yun lang!" sabi ko.

"Ahhhh!" sabi ni Taehyung. "Gawin na natin!" sabi niya.

Nagbato kaming lahat ng itlog doon sa bahay ni Hani. Layuan na niya sana ako. Nang matapos kaming magbato, napansin namin si Taehyung na nakaupo lang doon sa lapag.

"Ba't di mo pa binabato yung itlog mo?" tanong ko. Bigla na lang siya naglabas ng frying pan at nilapag doon sa sahig.

"Lulutuin ko yung itlog, nagugutom na ako eh. Mainit naman yung sahig dahil sa araw." sabi niya at naglagay ng oil doon sa frying pan.

"ANONG NANGYARI DITO?!" sigaw ng isang katulong na galing sa bahay ni Hani. "KAYO BA GUMAWA NITO?!" tanong niya sa amin.

"Langhiya Taehyung umalis na tayo!" sabi ni Hoseok.

"Oo na!" sabi niya. Binato naman niya yung itlog doon sa katulong nila.

"Takte! Wahahaha!" tawa namin at tumakbo palayo.

"Teka lang, yung frying pan ko!" sigaw ni Taehyung at bumalik. Binato rin niya yung frying pan niya at tumama sa sasakyan nila Hani.

"Shet Taehyung! Idol!" sabi ko at nag-apir kami. Tumakbo na ulit kaming lahat palayo.

"Teka nga lang Jimin hyung, bakit mo ba gusto palayuin si Hani sayo? Akala ko ba mahal mo siya?" tanong ni Kookie.

"Anong mahal? Luh, kailan pa? Si Rona lang mahal ko! At ikaw."

"Ayun naman pala eh, bakit di mo hiwalayan si Hani?" tanong ni Jin.

"Bawal." sabi ko.

"Bakit?"

"Basta, tinatamad magtype si otor." naguluhan naman sila sa sinabi ko.

"Otor? Ahhh! Gets na kita Jimin!" sabi ni Taehyung. "May story nga rin ako eh, yung title, My Guardian Alien. Basahin niyo." mas lalo naman silang naguluhan sa sinabi ni Taehyung.

"Si Yoongi nga yung next eh!" dagdag niya.

"Teka nga lang, asan si Yoongi?" tanong ko.

"Natutulog." sagot nilang lahat.

"Lagi naman eh." sabi ko.

"Jimin, bakit nga kasi bawal mo siya hiwalayan?" tanong ulit ni Jin hyung. Pinaliwanag ko naman sa kanila lahat. Nang maintindihan na nila, umalis na ako kaagad dahil magtatanong pa mga yun.

Pauwi na ako nang maalala ko si Rona. Teka, papangitiin ko ulit siya.

["Hello?"] sabi niya pagkasagot ko sa tawag ko.

"Asan ka?" tanong ko.

["Sa bahay natin."] ay langhiya, ako dapat yung magpakilig sa kanya pero bakit ako yung kinikilig? ["Ang aga mo kaya umalis. Saan ka ba pumunta?"]

Nasa puso mo lang naman ako eh.

"Gumala lang kaming magkakaibigan. Pauwi na ako."

["Ah okay. Bakit ka pala tumawag?"]

"May tanong kasi ako. Alam mo ba kung bakit may gap sa gitna ng mga daliri natin?"

["Ha? Para doon ilagay yung daliri ng kapareha natin?"] luh, daming alam nito.

"Pinagsasabi mo?"

["Eh bakit ba kasi?!"]

"Wala lang. Gusto mo ba yung dikit-dikit?" bigla nalang naputol yung tawag. "Hello? Rona? Nandiyan ka pa ba?" tanong ko.

Langhiya, binabaan ako ng telepono. Kung bigyan ko kaya siya ng punishment mamayang gabi? Hehe.

Hindi kasi yun! Ang berde niyo ah! Gusto niyo bang ingudngod ko yang pagmumukha niyo sa abs ko?

Tinawagan ko siya ulit at buti ay sumagot.

["Ano nanaman ba?!"]

"Galit ka sa akin?"

["Hindi."]

"Ah okay. Bye."

["TEKA! Ano pala ibig sabihin nung I is still less than 3u? Kailan ka pa tumalino?"] uy curious siya.

"Grabe siya oh. Basta. Secret. Tanong mo kay Taehyung baka masagot."

["OY ANO NGA?!"]

"Basta! I is less than 3u." sabi ko at binababa na.

Kinabukasan, masaya pa rin ako. Pinakilig nanaman ako ni Rona eh. Hihi. May pag-asa yata ulit kami.

"JIMIN ANO BA?! PANSININ MO AKO!" sigaw ni Hani.

"Puta ano yon?!"

"Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka yata nakikinig." sabi niya sabay pout. Luh. Cute nga pero hindi siya si Rona kaya bahala siya sa buhay niya.

"Wala kasing kwenta pinagsasabi mo, parang ikaw."

"Ohhhhh!" sigaw bigla ng ibang estudyante sa tabi namin na nakarinig ng sinabi ko. Mga chismosa.

"Kung wala kang sasabihin na maganda pwede bang wag ka na magsalita?!" irita na sabi niya.

"Lee Rona. Soon to be mrs. Park Rona." sabi ko bigla at sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit? Maganda naman yung sinabi ko ah?"

"Ohhhh!" sigaw ulit nung mga estudyante.

"Shut the fuck up!" sigaw ni Hani sa kanila at naglakad palayo. Nakipag-apir naman ako doon sa mga estudyante na sumisigaw.

Yung isang bakla sa kanila muntikan nang mahimatay pagkatapos ko makipag-apir sa kanya. Gwapo ko talaga.

Sa tingin ko sisimulan ko ng gawin yung step 2 para layuan niya ako. Ang pahiyain siya sa harap ng marami. Nang matapos lahat ng klase ko, bigla nalang siyang sumulpot ulit at hinawakan yung braso ko.

"Minnie, date tayo." sabi niya.

"Anong Minnie?! Mukha ba akong daga?!" sigaw ko kaya napatingin ulit sa amin yung mga tao.

"Edi Jimin. Date tayo ngayon."

"Date? Sa kalendaryo ka maghanap ng ka-date mo, wag ako!" sigaw ko ulit at nagsimula namang magbulungan yung mga tao.

"Don't embarrass me you bitch." bulong niya.

"Bitch?" pasigaw na tanong bigla ng isang lalaki. Pagtingin ko, nakita ko si Taehyung. Gago talaga. Bigla-biglang sumusulpot kapag may nagsabi ng beach o bitch.

"Bitch." sagot ko sa kanya. "Taehyung! Diba may date tayo ngayon?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"Tayo? Tayong dalawa lang?" tanong niya.

"Oo, tayo lang." bigla nalang siyang tumalon na parang bata.

"OMG! MAY DATE KAMI NI JIMIN! WAHAHA! ANG GWAPO KO TALAGA!" sigaw niya at hinila na ako palayo. Tumingin naman ako kay Hani na asar na asar na.

Pagkaalis namin ni Taehyung, kumain kami sa labas. Pagkatapos, inuwi ko na siya sa bahay niya. Bilang pasasalamat na rin sa ginawa niyang pagtakas sa akin kay Hani.

"Rona, I is home!" sigaw ko pagkauwi pero walang sumagot. Luh, wala nanaman siya sa bahay. Saan ba kasi yun pumupunta? Sa puso ko?

Lumabas nalang ulit ako ng bahay at napagdesisyunan na kumain nalang sa Whalien 52. Masarap daw pagkain doon, ewan ko lang. First time ko lang pupunta doon eh. Samahan niyo ako gusto niyo? Para kunwari date tayo.

Luh. Kilig nanaman kayo.

Pagkadating ko doon, sa menu agad ako napatingin sabay pila.

"Welcome to Whalien 52, what's order?" sabi nung nasa cashier. Ganda ng boses niya, parang si Rona.

Pero di pa rin ako makapili ng pagkain eh. French fries kaya o burger? Pizza nalang kaya. Hindi, fried chicken. Ay wag, tubig nalang kaya?

"Sir, what's yo--Jimin?" sabi nung babae na kaboses si Rona kaya napatingin ako sa kanya. Shet, kamukha din niya!

"Hala! Kamukha mo si Rona!"

"Gageu, ako nga yun!" sabi niya at natauhan bigla ako. Ay ang tanga ko. Nahawaan na yata ako ni Taehyung.

"Rona? Anong ginagawa mo dito? Nagtratrabaho ka dito? Bakit? Bakit di mo sinabi sa akin? Kailan ka--"

"Ano order mo? Bilisan mo."

"Ikaw Rona ah. Mabilis pala gusto mo." 

"NEXT COSTUMER PLEASE!" sigaw niya bigla.

"Teka joke lang kasi! May order na ako! One Lee Rona please." sabi ko.

"Ba't ang daming gusto akong i-order?! NEXT!" sigaw niya ulit.

"BAWAL! AKO MUNA! ONE LEE RONA PLEASE!" sigaw ko ulit at bigla siyang nagbigay ng number sa akin. Uy nice number, 69.

"AYAN! UMUPO KA MUNA AT MAG-ANTAY SA ORDER MO!" sigaw niya kaya sinundan ko nalang siya. Wala eh, under ako pagdating sa kanya.

Mga ilang minuto ko rin siyang inantay at pagdating niya, may dala siyang hotdog, burger, french fries at coke. Umupo naman siya sa harap ko.

"Di yan libre, bayaran mo yan." sabi niya.

"Pwede bang kiss nalang ipambayad ko sayo?"

"Ulol mo. Ano ba kailangan mo?" tanong niya.

"Bakit ka nagtratrabaho dito nang di mo man lang sinasabi sa akin? Lagi mo kaya akong pinapaalala sayo!" pagsesermon ko sa kanya. Sasagot na sana siya nang bigla siyang napatingin sa likod at nanlaki yung mata niya.

"A-ano Jimin. B-balik muna ako. Maya nalang tayo mag-usap ulit." sabi niya at umalis pero may tumawag sa kanya.

"Rona, anak." sabi ng isang babae.

Shet. Bakit siya nandito? Bakit nandito nanay ni Rona?

Tumakbo kaagad si Rona at hinabol naman siya ng nanay niya. Eh dahil gwapo ako, sinundan ko naman sila.

Naabutan ko na umiiyak si Rona at pilit na pinapataboy yung nanay niya. Nang makatakbo palayo na si Rona, lumapit kaagad ako sa nanay niya.

"Tita, diba sabi niyo dati hindi na kayo magpapakita sa kanya?" bungad ko. Oo, magkakilala kami ng nanay niya na tinuturing niya na patay na.

"Jimin? Tumangkad ka na ah." sabi niya nang makita ako. Tumangkad daw ako! SHET! ANG SAYA! I IS HEPPY!

"Talaga tita? Thank you! Pero mamaya na yan. Diba alam mo naman na ayaw ka na niyang makita?"

"May kailangan siyang malaman."

"BUNTIS SIYA AT AKO ANG AMA?! MAGIGING TATAY NA AKO?!" sinamaan naman niya ako ng tingin. "Joke lang po. Ano ba kasi yun?"

"Basta. Sige Jimin, aalis na muna ako. Gawin mo pa rin ang sinabi ko sayo dati ah." sabi niya at umalis na.

Naalala ko naman bigla si Rona na umalis habang umiiyak. Baka napaano na yun.

Sinubukan ko siyang tawagan pero can't be reach daw. Ganun na ba talaga ako ka-pandak at di ko siya maabot?

Dumiretso kaagad ako sa bahay namin at nakita ko siya sa sala na umiiyak pa rin kaya nilapitan ko na siya.

"Uy Rona, tahan na. Dahil ba yan sa nanay mo?"

"H-hindi lang yun." sabi niya habang umiiyak pa rin. Luh, ano ba gagawin ko?! Di naman kasi ito palaiyak dati!

"Ha? Bakit? Kasi masyado kang maganda?" sabi ko. Malay niyo ngumiti siya diba? Pero walang epekto eh. Umiiyak pa rin. Ano ba kasi problema neto?!

"Uy, bakit?" kaysa sagutin yung tanong ko, kinuha niya yung cellphone niya at may pinakita sa aking text.

'Ms. Lee, sorry pero tinanggal na namin ang scholarship niyo.'

Shet. Hani.

---

Sa mga nakakaalam na ng meaning ng I is less than 3u, wag niyo sabihin please, thank you.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top