Chapter 2

Live-in

[Jimin's POV]

Hala, author naman eh. Bakit Jimin's POV? Dapat POV ng gwapo.

(Arte mo Jimin. Kung ilagay ko kaya POV ng pandak na walang jams?)

May abs naman.

(Wala namang Kookie.)

ANO SABI MO?!

(Ang sabi ko ang ganda ko. Bumalik ka na nga sa storya mo! Landi kasi eh.)

Bahala ka na nga sa buhay mo. Magpasalamat ka ikaw nagtatype nito.

(Kwento mo nalang sa height mo.)

Oo, ito na. Magkwekwento na.

Ano ba kasing gusto ng babae na yun? Pagkatapos niya ako iwanan, pupunta nalang siya dito sa bahay ko at magmamaka-awang dito tumira? Ganun na ba ako kagwapo?

Bumangon ako sa kama ko at inayos ko ang sarili ko. Paglabas ko ng bahay ko muntikan na ako masubsob sa sahig dahil sa isang harang sa pintuan.

"Aray!" sigaw niya. Aba. Ako na nga ang nadapa siya pa umaray. Galing naman.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya.

"Sinabihan na nga kita na wala akong matutuluyan kundi ang bahay mo lang!"

"Akala ko ba may apartment ka?!"

"Pinalayas na nga ako!"

"Bakit di ka kasi nagbabayad?!"

"Hindi kasi ako tumatae ng pera! Pasensya na ho!"

"Edi sa mga kaibigan mo!"

"Wala nga akong kaibigan! Ikaw lang at yung Bangungot Squad!"

"Edi doon ka nalang sa Bangungot!"

"Sa tingin mo mabubuhay ako kasama isa sa kanila?!"

"ANO BA YAN?! ANG AGA-AGA NAG-AAWAY KAYONG MAG-ASAWA! DOON NGA KAYO SA LOOB! DISTORBO!" sigaw bigla ng isa kong kapitbahay. Mag-asawa? Pangarap namin yan dati eh. Di ko naman alam na mabilis lang pala matapos ang pangarap na yun.

"Basta dito ako sa bahay mo!" sabi ni Rona sabay kuha sa bag niya at pumasok sa loob ng bahay ko. Sinundan ko siya sa loob at nakita na nakaupo sa upuan ko. Malalate na ako nito sa school eh. Kahit kailan, ang kulit talaga niya.

"Pakyu Rona! Lumabas ka sa pamamahay ko! Malalate na ako!"

"Edi pumasok ka na!"

"Umalis ka muna sa bahay ko!"

"Bakit ba ah?! May babae kang tinatago dito noh?!" Ayan nanaman siya eh.

"Kapag sinabi ko bang oo, lalabas ka na?!"

"Hindi! Bakit ba kasi?!" Ang kulit naman ng babaeng ito. Lagi nalang.

"KASI NGA EX KITA! MUKHA BANG IPAPATULOY KO DITO ANG EX KO?!"

"Ano naman kung ex mo ako?!"

"Natatakot ako!"

"Saan?! Sa ipis?! Daga?! Ang bakla mo talaga Jimin!"

"Hindi kasi!"

"Saan nga?!" Ayoko sabihin. "Saan?!" ulit niya.

"NATATAKOT AKO NA BAKA MAHULOG ULIT AKO SAYO!" Napatahimik naman siya sa sinabi ko. Bakit nga ba ako natatakot kung matagal na ako nahulog sa kanya. 

"Bahala ka nga diyan! Huwag kang lalabas ng bahay at huwag mo papakielamin ang mga gamit ko!" sabi ko at umalis na.

[Rona's POV]

"NATATAKOT AKO NA BAKA MAHULOG ULIT AKO SAYO!"

"NATATAKOT AKO NA BAKA MAHULOG ULIT AKO SAYO!"

"NATATAKOT AKO NA BAKA MAHULOG ULIT AKO SAYO!"

Paulit-ulit yun na tumatakbo sa isipan ko. Ilang oras na akong tulala dahil sa sinabi niya. Kasi naman eh!

"UGHH! PARK JIMIN! ANO BA?! PINAPAASA MO NANAMAN AKO!" sigaw ko habang pinaghahampas yung unan.

Bagay talaga sa kanya pangalan niya. Park Jimin. Pak Jimin. Fak Jimin. Fuck Jimin.

Dahil sa hapon na rin, naisipan kong kumain. Hindi pa naman ako nakakakain ng almusal kanina. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ang isang tambak ng mga hugasin.

"Ang tamad mo talaga pandak."Bulong ko. Hinugasan ko yung mga plato at pagkatapos ay binuksan ang ref. Swerte nalang at may pizza sa loob. Yun yung kinain ko.

Dahil sa namiss ko ang bahay na ito, inikot ko ang bawat sulok nito. Ang daming masasayang memories. Lahat nga lang nun nasayang. Gago ka kasi Jimin eh.

May pasok pa talaga ako ngayon pero umabsent nalang ako buong araw. Parehas lang ng school ang pinapasukan namin ni Jimin kaya pwede kaming sumabay pumasok. Nanood ako ng tv hanggang sa nakatulog ako sa couch. Nagising nalang ako nang may marinig akong ingay.

"We're here!!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Tangina mo talaga Hoseok hyung! Sinabi ko na ngang huwag tumakbo sa bahay ko eh!" sigaw ni Jimin.

Bigla nalang akong may narinig na tunog na nabasag.

"Hehe, Jimin. Sorry. Nabasag ko yata yung vase mo."

"Lagi naman Namjoon hyung eh. Lagi naman. PERO PAKYU SAGAD!"

"Teka, si Rona ba yun?" tanong ni Jungkook sabay turo sa akin.

"Rona? RONA!" sabi ni Taehyung sabay yakap sa akin nang mahigpit. Tinulak siya ni Jin palayo.

"Omg Rona. Namiss kita! Teka, anong ginagawa mo dito? Bag mo ba yan? JIMIN, NAKATIRA KAYO SA IISANG BAHAY?!" sunod-sunod na sabi ni Jin.

"Huminahon ka Jin hyung. Hindi ka si Jay-Z para magsalita nang mabilis." sabi ni Yoongi.

"I rap like Jay-Z."

"OHMYGOD! OHMYGOD! HE RAPS LIKE JAY-Z! PUTANGINA JIN! IKAW NA! HE RAPS LIKE JAY-Z! PERIOD!" Ilang asukal nanaman nakain nitong gilagid?

"Yoongi hyung, gusto mo bang lumabas ng bahay ko? Bukas lang yung pintuan para sayo." pagbabanta ni Jimin. Kumalma na rin siya.

"Rona, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jungkook.

"Nakikitira? Kayo, anong ginagawa niyo dito?" Sagot ko.

"Tanong mo kay Jimin pandak." sabi naman ni Hoseok.

"Aba. Ganito kasi yun, dinala ko dito yung buong Bangungot dahil mamimili si Rona kung kanino siya makikitira." 

"ABA! GAGO KA TALAGA JIMIN! NILINIS KO NGA YUNG MGA PLATO TAPOS PAPALAYASIN MO AKO! SABI KO, SAYO LANG AKO MAKIKITIRA!!" sigaw ko sa kanya.

"EH SA AYOKONG NANDITO KA! NGAYON MAMILI KA NA!"

"AYOKO!!"

"MAMILI KA NA!!"

"AYOKO!!"

"ANG GWAPO KO!!" sigaw ni Taehyung bigla.

"PUTANGINA MO!!" sabay na sigaw namin ni Jimin. Ang lutong diba?

"Hehe, salamat." sagot niya. Binugbog naman siya ng mga kaibigan niya.

"Jimin, nagmamaka-awa ako. Kahit isang linggo lang. Isang linggo lang ako makikitira dito tapos aalis na ako. Pangako. Please, Jimin." sabi ko habang lumuluhod. Desperada na ako. Tinitigan lang niya ako. "Sige na Jimin. Kahit gawin mo nalang akong katulong dito sa bahay mo, wala akong pake. Basta payagan mo akong makitira sayo kahit isang linggo lang."

"Fine. Isang linggo."

Napatayo ako sa sobrang saya at nagpatalon-talon. Niyakap naman ako bigla ni Taehyung.

"Ano ba Taehyung?! Bitawan mo ako! Kadiri ka! Ew!"

"Arte mo." sabi niya at binitawan ako. Ayaw ko sa alien, sorry siya.

"Thank you talaga Jimin." sabi ko.

"Oo na. Kayong anim umuwi na kayo. Salamat nalang. Ikaw Rona, sa salas ka matutulog."

"OY ANO?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top