Chapter 16
Wound
"Hello Rona." bati ni Yoongi sabay ngiti.
"Ang silaw ng gilagid, grabe!" sabi ko.
"Ulol! Naghalikan la--ASDFGHJKL!" agad ko naman tinakpan yung bibig niya. Simula nung nangyari yung kagabi, hindi ako tinigilan ni Yoongi na asarin. Siya lang rin naman yung nakakita.
Bigla nalang kaming may nakita na tumakbo papuntang lababo at sumuka.
"Ayan kasi, ang dami mong ininom kagabi!" sabi ni Hani habang hinihimas yung likod ni Jimin.
"May nagseselos..." bulong ni Yoongi kaya tinapakan ko kaagad yung paa niya. "SHET MASAKET! PAKYU TALAGA RONA!" sigaw naman niya at umalis na.
Gising na lahat except kay Jungkook na tulog na tulog pa rin. Nakakapanibago nga na gising na gising si Yoongi eh. Bigla nalang may kumatok sa pinto.
"Oy buksan niyo yung pinto! May kumakatok!" utos ni Namjoon. Sinundan naman siya ni Hoseok.
"ANO?!" sigaw bigla ni Hoseok.
"Ano nangyayari?" tanong ni Taehyung kaya lumapit na kaming lahat doon.
"Yung pera na binigay sa amin para sa pagrenta ng rest house, pang-isang araw lang. Kaya magligpit na kayo ng gamit niyo at umalis na!" sabi nung babae.
"HA?!" sigaw naming lahat.
"BINGI BA KAYO AH?! AALIS KAYO O AALIS KAYO?!" sigaw pabalik sa amin.
"Magkano ba yung renta sa isang araw?" tanong ni Jin.
"8,000!" sabi niya sabay ngisi. Kinuha bigla ni Jin yung pitaka niya.
"AYAN! 10,000! KEEP THE CHANGE! UMALIS KA NA NGA!" sigaw ni Jin at hinampas niya sa ulo yung babae gamit yung kanyang pink na pamaypay.
"Binayaran mo yun?!" tanong ni Angela.
"Oo! Bakit?"
"GRABE! ANG YAMAN MO TALAGA! PANG-VIP CONCERT TICKET NA KAYA YUN!"
"Oy Yoongi at Hoseok. Bakit di niyo binayaran yun? Akala ko ba dalawang araw tayo dito?"
"OY JIN HYUNG! HINDI KAYA SAPAT ANG PAGBENTA LANG NG DAMO AT NG CHAINS NI YOONGI!" sabi ni Hoseok.
"Jin hyung, ikalma mo yang pepe mo. Alam kong babayaran mo yun kaya yeah. Sweg baby." sabi naman ni Yoongi. Pinaghahampas naman siya ni Jin gamit yung pink na pamaypay.
Nang nakaramdam ako ng uhaw, dumiretso kaagad ako sa kusina. Nakita ko naman si Jimin na tulala habang umiinom ng tsaa. Paglapit ko sa ref, di ko maiwasang mamula dahil sa presensya ni Jimin. Naaalala ko nanaman yung kagabi.
Kinuha ko yung pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Habang nagsasalin, nanginginig ang kamay ko.
"Rona." tawag niya bigla.
"SHIT." sabi ko at nabitawan ko bigla yung pitsel at nabasag.
"Anong nangyari?" tanong ni Jimin kaya lumapit siya sa akin. Yung puso ko, teka lang. Ayaw kumalma.
"W-wala. N-nabitawan ko lang." sabi ko na nauutal. Hanggang ngayon nanginginig pa rin yung kamay ko pero pinulot ko pa rin yung piraso ng nabasag na pitsel. Pagkapulot ko, nagkasugat kaagad yung daliri ko. "Aw."
"Rona, ayos ka lang?" sabi ni Jimin at tiningnan kaagad yung daliri ko. "Alam mo namang mabilis ka magkasugat diba?! Bakit mo pinulot?!" sabi niya habang hinihipan yung sugat ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun. "Maghugas ka ng kamay tapos lagyan mo yan ng gamot. Ako na bahala dito. Sige na!" sabi niya.
Bakit ba ganyan siya? Mag-aalala siya sa akin tapos magagalit. Tapos mangyayari ulit. Nalilito na ako.
"Ano pa ang inaantay mo ah?! Hugasan mo na yan!" utos niya ulit kaya natauhan na ako. Naglakad na ako palayo pero tinawag niya ulit ako.
"Rona, yung paa mo." sabi niya kaya napatingin ako. Doon ko lang naramdaman na masakit ang parehas kong paa kaya napaupo ako sa sahig.
Yung paa ko, parehas na may sugat at dumudugo. Natapakan ko pala yung bubog."A-ang hirap tumayo at maglakad." sabi ko.
"Diyan ka lang." utos niya at tumakbo palayo. Pagbalik niya, kasama na niya si Yoongi. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Yung gilagid talaga, putangina.
"Jimin, ako na bahala dito. Tulungan mo nalang si Rona." sabi ni Yoongi at dumiretso na doon sa nabasag na pitsel. Nananadya yata itong si gilagid.
Bigla nalang akong binuhat ni Jimin at pinaupo sa isang upuan. Kinuha niya yung first aid kit at isang palanggana na may tubig at twalya. Nilinis niya muna yung mga sugat ko at pagkatapos ay binalutan niya nung tela ang paa ko. Nilagyan na rin niya ng band aid yung sugat ko sa daliri.
"Sa susunod kasi, mag-ingat ka sa mga ginagawa mo. Ayan tuloy, ikaw ang naghihirap at nasasaktan sa huli." sabi niya. Natamaan naman ako. Dahil sa nakipaghiwalay ako sa kanya, nahihirapan at nasasaktan ako ngayon.
"Thank you." sabi ko. Tumango lang siya.
"Ano pala nangyari kagabi? Wala akong maalala eh." tanong niya bigla. Namula nanaman yung pisngi ko.
"Kagabi? Hahaha, wala naman. Nalasing ka tapos bumalik na sa loob. Hahaha." sabi ko. "Asan pala yung iba?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nasa labas." sabi niya. Tumango naman ako. Awkward silence.
May nagsabi sa akin, kapag may awkward silence, ibig sabihin nun may nanganganak na bakla. Putangina lang diba?
Gusto kong pumunta sa sala kaya tumayo ako pero bumagsak ako.
"Saan mo ba balak pumunta ah?" tanong ni Jimin.
"Sa labas." binuhat niya ulit ako at nilapag doon sa sofa. Kanina pa nag-iinit itong pisngi ko dahil kay Jimin. Para tuloy tumatakbo si Hoseok sa puso ko, ang bilis ng tibok eh.
"Magpahinga ka lang diyan." sabi niya at umalis na. Buong araw nandoon lang ako sa sala, nanonood ng tv. Yung iba naman pinagsisilbihan at tinutulungan ako dito. Tapos babalik ulit sila sa labas.
Nung naghapon na nagswimming ulit sila sa labas. Naiwan naman ako mag-isa dito. Si Jungkook nagising na rin kanina at kasama na yung mga hyung niya.
Eh dahil nangiingit sila, sinubukan kong tumayo. Humawak ako doon sa upuan at sinubukan maglakad. Masakit siya pero kailangan kong tiisin. Parang pag-ibig lang.
Pero shet, ang saya. Nakakalakad na ulit ako. Para akong baliw na nakangiti dito dahil sa achievement na nagawa ko. Pagkalabas ko, umupo ako doon sa may upuan sa labas at pinanood sila. Nakita naman ako ni Jungkook kaya lumapit siya sa akin.
"Rona, may sasabihin sana ako." sabi niya.
"Ano yun?"
"Huwag kang malukungkot ah. Simula ngayon, susubukan ko ng magmove-on sayo." napatingin naman ako sa ilong niya. Ang laki, grabe. De joke lang.
"Seryoso ka?"
"Oo. Galit ka ba sa akin? Sorry."
"Ako magagalit sayo? Hindi ah. Masaya nga ako para sayo eh. Dapat nga ako magsorry sayo. Pinaasa lang kita. Sorry talaga."
"Talaga? Wag ka na magsorry, nag-enjoy rin naman ako eh. Pero wag kang mag-alala, ikaw pa rin ang cupcake ko." sabi niya sabay kindat. Natawa naman ako.
"Sino na bago mo?" tanong ko. Namula naman ang pisngi niya. Ang cute.
"Rona, wag mo sabihin sa iba ah. Sa tingin ko nagkakagusto ako kay Angela." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Talaga? Sige, goodluck sayo. Fighting! Bumalik ka na nga doon, baka hinahanap ka na nila."
"Hahahaha! Sige! Diyan ka lang cupcake ko ah!" sabi niya at bumalik. May naaamoy akong namumuong pag-ibig, huehue.
Napatingin naman ako bigla kay Jimin na halos wala ng mata dahil sa kakatawa habang nagswiswimming kasama yung Bangungot.
Yung biceps, huhuhu. Tapos yung abs, nakakaiyak. Ang init. Pinagpapawisan na ako dito, ano ba.
Nagulat nalang ako ng biglang lumapit sa kanya si Hani at hinalikan siya. Aba, puta. Tumingin naman kaagad ako sa ibang direksyon. Ang sagwa kaya, kingina.
"Rona!" tawag sa akin ng isang babae. Paglingon ko nakita ko si Hara.
"Uy Hara. Nandoon si Hoseok oh." sabi ko at tinuro ko siya.
"Si Hoseok kaagad? Pero cute siya ah, hihi." napatingin naman siya bigla sa bandage ko sa paa. "Teka, ano nangyari sayo?"
"Ah, wala ito." napansin ko naman yung nakasabit sa leeg niya. "Teka, photographer ka?" tanong ko. May hawak kasi siyang Canon na camera.
"Ah hindi. Trip ko lang magpicture, hehe." umupo naman siya sa tabi ko.
"Pwede naman patingin yung mga pictures?" inabot naman niya sa akin yung camera.
May mga pictures dito yung mga gago kong kaibigan. Halos mga bagong kuha lang. Habang tinitingnan yung ibang pictures, nagulat ako sa isa kong nakita.
Si Hani na may kasamang ibang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top