Chapter 11
Box
"Jimin?"
"Bakit ka umalis kaagad? Na--"
"Nagseselos? Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? Wala namang tayo diba! Tapos na tayo kaya wala na akong karapatan magselos!" sabi ko sabay tawa nang mahina. Napakunot naman siya ng noo.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Bakit? Totoo naman ah! Hindi kaya ako nagseselos!"
"Wala naman akong sinabi na nagseselos ka ah. Sasabihin ko lang naiwan mo yung panyo mo." sabi niya sabay abot ng panyo ko. Namula bigla yung pisngi ko. Nakakahiya!! Ang tanga ko, jusq! Lupa, kainin mo na ako please.
"Ah, ganun ba? Salamat." sabi ko at naglakad kaagad palayo pero hinwakan niya yung braso ko. Nakakakuryente. Parang dati lang lagi kong hawak yang mga kamay niya.
"Rona, saglit. Ang defensive mo masyado."
"Anong defensive? Di ah!"
"Oo kaya!"
"Bahala ka na nga sa buhay mo Jimin!" sabi ko at naglakad palayo pero tinawag niya ulit ako.
"Rona!"
"Ano nanaman?"
"I'm sorry." sabi niya at umalis.
Pitong letra, dalawang salita. After 6 months, narinig ko na rin iyon galing sa kanya. Siguro ito na nga ang tamang panahon na pakawalan ko na siya.
Alam niyo ba kung ano ang mahirap gawin ng mga taong bitter tulad ko? AMPALAYAin siya.
(credits sa kaklase ko haha)
Habang nakatayo doon, bigla nalang may tumabi sa akin at tumitig lang din sa kawalan.
"Taehyung? Anong ginagawa mo?"
"Ginagaya ka. Ano ba ang ginagawa mo?"
"Hindi ko alam."
"Ako din eh. Hehehe."
"Baliw. Bahala ka na nga diyan, kingina mo." sabi ko at pumunta na sa klase ko. Mabuti nalang at hindi ko kaklase yung Bangungot except kay Kookie.
--
"Minnie, ito na ang iyong pancakee~" pakantang sabi ni Hani. Boses palaka naman, bigyan niyo nga yan ng insekto.
"Kami wala?" reklamo ni Hoseok.
"Wala! Kay Jimin lang ito! Bakit, boyfriend ko ba kayo?!"
"EDI WAG! MAGTINDA KA NALANG NG ISDA!" sigaw ni Jin.
"Hindi naman ako nagtitinda ng isda ah." ang slow naman ng bobitang ito.
"Magtinda, sell! Isda, fish! Sell fish! SELFISH KA! WALA KANG SWAG!" sabi ni Yoongi. Inirapan lang siya ni Hani.
"Hani.." tawag ni Namjoon sa kanya.
"Oh?"
"Bagay talaga kayo ni Jimin." napataas bigla yung kilay ko sa sinabi ni Najoon.
"Talaga? Hihi. Selemet. Ahihihi."
"Oo, parehas kayong walang jams."
"ABA NAMJOON HYUNG, SUMUSOBRA KA NA AH!" sigaw ni Jimin at tumayo siya na parang hinahamon si Namjoon.
Tumayo din si Namjoon at umupo ulit si Jimin. Akala mo kasi kung sinong matangkad, hindi naman talaga. Palibhasa, pandak.
"Ang tangkad mo hyung ahehehe."
"Minnie, tikman mo na dali. Ako nagluto niyan." sabi ni Hani at sinubuan si Jimin. Kumain si Jimin at ngumiti....ng peke.
"Hehe, masarap? Hehe." sabi ni Jimin. Kukuha na sana si Jungkook pero hinampas ni Hani yung kamay niya.
"At ano ang ginagawa mo?!" tanong ni Hani.
"Nakatayo, humihinga at nagsasalita."
"Bakit ka kumukuha sa pancake ni Jimin?!"
"Eh sa gusto ko, bakit ba?! YOU IS NO MINE BOSS!"
"Anong karapatan mo?!"
"BOYPREN AKO NI JIMIN, BAKIT BA?!" sigaw bigla ni Jungkook. Emeyged. JiKook is in the air. Do you see it? Do you smell it? Do you feel it? Do you taste it? Do you hear it? Do you..ano pa ba?
"Kookie..." bulong ni Jimin.
"Ulol mo, joke lang yun. AKO ANG PINAKABATA DITO KAYA LAHAT NG GUSTO KO MAKUKUHA KO KAYA TUMABI KA!" sabi ni Jungkook at kumuha ng pancake.
Kumagat siya at bigla niyang dinura yun.
"ANO ITO?! TAE?!"
"Tinatawag mo ba ako Kookie?" tanong ni Taehyung. Kumuha din pancake yung ibang members at pagkatapos nila kumagat ay dinura din nila yun.
"TAEHYUNG, BA'T KALASA MO?!" reklamo ni Hoseok.
"NATIKMAN MO NA SI TAEHYUNG?!" tanong ni Namjoon.
"OO! ESTE HINDI!"
"EH BAKIT ALAM MO YUNG LASA NIYA?!"
"YUNG TINULAK NIYO KAMI DATI TAPOS NAGHALIKAN KAMI!"
"Ano ba Hoseok hyung! Nakakahiya! Kinikilig tuloy ako dito, hihi." sabi ni Taehyung.
"PAKYU TAEHYUNG!" sabi ni Hoseok at sinipa si Taehyung.
"Bakit niyo dinura yung gawa ko?!" reklamo ni Hani.
"Para kasing ikaw!" sabi ni Jin.
"Maganda? Thank you."
"PANGET KASI! MAS MAGANDA KAYA AKO SAYO ULOL MO!" sabi ni Jin.
"Libre lang mangarap Hani pero yung sayo SOBRA-SOBRA NA! MAS MATAAS NA KAYSA SA HEIGHT NI JIMIN!" sabi ni Yoongi.
"Mas masarap yung gawa ni Rona." sabi ni Jungkook.
"Oo nga!" pagsasang-ayon ng iba.
"Ano ba!" suway ni Jimin. "Kung ayaw niyo sa luto niya, edi wag! Kaya nga sa akin lang yun diba?! Kayo ba si Jimin?! Diba ako yun?! Halikana nga Hani." dagdag niya at hinila si Hani palayo. Edi magsama sila. Kairita.
--
Pagkauwi ko sa apartment ng pinsan ni Jungkook, inayos ko mga gamit ko. Hindi ko pa kasi naayos lahat kahapon. Habang nag-aayos may napansin akong nawawala.
Yung box.
Asan na yun?! Tiningnan ko na ang bawat sulok ng lugar na ito, pati na rin ng bag ko pero wala.
Oh man. Naiwan ko sa bahay ni Jimin. Doon sa cabinet niya. Bawal niya yun makita. Bawal niya makita yung maliit kong box na punong-puno ng mga alala nung kami pa. Agad naman akong pumunta sa bahay niya. Pagkarating ko doon ay kumatok ako pero walang sumagot.
Pinihit ko yung door knob at isang himala. Hindi niya ni-lock yung pintuan.
"Jimin?" walang sumagot kaya agad akong pumunta doon sa cabinet. Pagbukas ko, wala na yung box doon.
"Hala! Asan ka na? Wala ka naman sa mga gamit ko kaya imposible na pati dito mawawala ka rin." sabi ko habang kinakalalkal yung cabinet.
Lahat na ng mga gamit sa cabinet natanggal ko na pero wala na talaga. Naiiyak na ako. Yun nalang kasi ang tanging masayang memorya ng buhay ko dahil simula dati palang miserable na ako.
Walang nagmamahal sa akin hanggang sa dumating sa buhay ko si Jimin. Siya lang ang tanging tao na nagparamdam sa akin na kahit minsan ay may halaga ako dito sa mundo. Ang hirap lang talaga na pakawalan ang tao na nagbigay sayo ng sobra-sobra.
Tapos yung mga loko-loko niyang kaibigan, sila ang kauna-unahan kong pamilya. Sila Jin at Namjoon yung mga tumatayong magulang ko, at yung iba naman ay mga kapatid ko.
"Lahat nalang, nang-iiwan. Pati pa naman mga alaala kong masasaya?" sabi ko habang umiiyak at hinahanap pa rin yung box.
"Rona?" sabi ng isang lalaki at paglingon ko ay nakita ko si Jimin.
"Chimchim..."
"Anong ginagawa mo dito? Ba--teka umiiyak ka ba?"
"Ah ano, hindi." sabi ko sabay punas ng mata ko. "May hina--" May sasabihin pa sana ako pero bigla nalang niya akong niyakap.
"Rona, huwag kang umiyak. Nanghihina ako. Nasasaktan ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top