Chapter 10

Apartment

"Ipaliwanag mo sa akin lahat Jimin! Anong nangyayari?!" sigaw ko habang umiiyak. Magsasalita na sana siya nang biglang may pumasok sa loob ng bahay kaya kaagad kong pinunasan mga luha ko.

"Rona?!" sigaw ni Jin sabay takbo papuntang kusina at binuksan yung ref. Gutom yung prinsesa.

"Rona, asan ka?" tanong naman ni Namjoon sabay tingin sa cr. Manyak ang badjao.

"Ang tatanga niyo talaga, ito si Rona oh!" sabi ni Yoongi saby turo sa akin. Agad na lumapit sila sa akin.

"Okay, 1 2 3..." pagbibilang ni Hoseok at "Happy birthday Rona!" sabay-sabay nilang bati. Anong nangyayari?

"Anong birthday? Next year pa birthday ko."

"Ah ganun ba?" malungkot na sabi ni Hoseok.

"Ah! Alam ko na! Merry Christmas Rona!" bati ni Taehyung. Next month pa yun ah.

"Oo nga noh! Advance celebration na!" tuwang-tuwang sabi ni Yoongi. Yung gilagid, nakakasilaw.

"Anong happy birthday at merry christmas? Ano ba ang nangyayari at bigla nalang kayong sumugod sa pamamahay ko?! Teka, parang kulang kayo. Asan si ilong?" sabi ni Jimin. Bigla nalang pumasok sa loob ng bahay si Kookie na hingal na hingal.

"Sabi ko antayin niyo ako eh, hindi kaya madaling tumakbo na may malaking dala." sabi niya sabay turo sa ilong niya.

"Oy Jungkook, anong nangyayari?" tanong ni Jimin.

"May good news ako."

"Ano? Liliit na yang ilong mo?" Lagi nalang ilong niya ang pinupuntirya nila.

"Hindi. May nahanap na akong pwedeng lipatan ni Rona." sabi ni Jungkook sabay bigay sa akin ng susi.

"Ano ito Kookie?"

"Yung pinsan ko, pumunta siya sa states para magtrabaho doon. Mawawala siya for 3 months kaya pwede ka daw muna sa apartment niya magstay."

"Seryoso ka Kookie?"

"Oo!" Niyakap ko kaagad siya sa sobrang saya. Kinuha ko kaagad yung mga gamit ko. Kagabi ko lang din inayos mga yun.

"Halikana." sabi ko sabay hila kay Kookie pero pinigilan ako ni Jimin.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jimin.

"Doon sa apartment ng pinsan ni Jungkook?"

"Mag-usap muna tayo." sabi ni Jimin at hinila naman niya ako pabalik sa sala.

"Anong nangyayari?" tanong ni Jin.

"Lumabas nga muna kayo." sabi ni Jimin at sinipa palabas yung Bangungot.

"Tangina mo pandak! Wala ka talagang jams gago ka!" sigaw ni Namjoon sa labas.

"Anong ginagawa mo Jimin?" Tanong ko.

"Rona, makinig ka nang mabuti para maayos na ang lahat ng ito. Minahal kita. Lahat ng iyon, totoo yun. Yung narinig mo, after ng 1st anniversary natin nagawa yun. Nagpustahan kami ni Namjoon kasi alam nating lahat na hindi pa ako nakaka-abot ng 2 years sa isang relasyon. Rona, mahal talaga kita.

At yung narinig mo sa cr, dare lang sa akin yun ni Taehyung. Naglalaro kaming lahat ng araw na yun at natalo ako kaya yun ang pinaggawa sa akin. Kung sa tingin mo, nagustuhan ko yun? Pwes hindi. Humingi pa ako ng isang dare pero ang binigay sa akin ay hiwalayan ka at hindi ko kaya yun. Rona, mahalaga ka sa akin at hindi ko kayang lokohin ka."

Hindi ko napigilan ang pag-iyak ko at sinampal ko siya. Hindi ako nagsalita bagkus ay kinuha ko ang gamit ko at lumabas.

"Dalhin mo na ako sa apartment." sabi ko kay Jungkook.

"Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa akin."

"Dalhin mo na ako. Ngayon na."

"Rona..."

"Jungkook!!" Hindi na siya nagsalita at pumunta na kami sa apartment.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako." sabi ni Jungkook pagkarating namin.

"Sige. salamat ulit." sabi ko at ngumiti lang siya. Umalis na rin siya.

Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya o hindi. Ayoko ng masaktan ulit.

"Welcome back and I hope tapos na kayo sa pinagawa ko sa inyo kaya ipasa niyo na mga gawa ninyo." bungad agad ni ma'am pagkabalik ng klase. Tumingin sa akin si Jimin pero umiwas kaagad ako. Binigay naman niya kay ma'am yung gawa namin.

"Kim Taehyung!" tawag ni ma'am.

"Ayie, si mam. Miss kaagad ako."

"Oo, miss na kitang tanungin ng mga kung ano-ano kaya spell the word orange."

"Alin mam? Yung kulay o yung prutas? Hehe." Kinuha ni mam yung eraser ng blackboard at binato kay Taehyung pero naka-ilag kaagad siya pero natamaan si Yoongi na natutulog.

Lagot si ma'am tangina. Tumakbo na siya habang maaga pa. Matakot na dapat sita dahil isang Min Yoongi ang natamaan niya.

Napabangon si Yoongi at sinamaan ng tingin sila Taehyung at m'aam.

"PAKYU, PUTANGINA NINYO!" sigaw ni Yoongi at binato pabalik yung eraser ng blackboard. Natamaan naman ni Yoongi si ma'am.

"MIN YOONGI! PRINCIPAL'S OFFICE NOW!" sigaw ni ma'am pero lumabas lang si Yoongi at pumunta sa kabilang daan kaysa sa daan papuntang principal's office.

--

"Oh ito, espasol. Masarap yan. Pampaswag." sabi ni Yoongi.

"Ayoko. Baka maging magilagid din ako." sabi ni Hoseok at binalik kay Yoongi.

"Edi wag! Palibhasa, damo lang kinakain mo gago ka!"

"Ayoko rin, baka magi--"

"SUBUKAN MO LANG IBALIK SA AKIN YAN, ISUSOKSOK KO YAN SA ILONG MO!" pagbabanta ni Yoongi kay Jungkook. Nanahimik naman siya at kinain yung espasol ni Yoongi.

"May jams ba kayo? Masarap ang espasol kapag may jams kaya penge ako." sabi ni Jimin. Wala namang pumansin sa kanya kasi ang liit niya.

"Hi Minnie! Hi Bangungot!" bati bigla ng isang babae at paglingon namin ay nakita namin si Hani. Lumapit siya kay Jimin at hinalikan niya ito. Napatingin nalang bigla sa akin si Jimin. Pake ko?

"Hani bee, tikman mo itong espasol ni Yoongi. Masarap." sabi ni Jimin at sinubuan niya si Hani ng espasol. Ang landi nila, kingina. Ang sakit sa mata. Umalis kaagad ako kasi masyado ng masagwa ang nakikita ko.

"Ang landi, pucha. Magsama sila. Mamatay na sana sila. Maglalandian nalang kasi, sa harap ko pa." bulong ko sa sarili.

Bigla nalang may humawak sa braso ko at paglingon ko ay nagulat ako.

"J-jimin?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top