Alternative Ending
Happy 1st anniversary Living with my Ex-Boyfriend! 🎉
🌸 back at chapter 30 before the accident happened 🌸
///
[Jimin's POV]
"Syempre, lahat naman ng problema nalalagpasan natin eh." Sabi ko. "Teka, ano pa ba ang hindi natin napupuntahan? Last destination na natin yun ngayon."
"Sa bahay namin! Hindi ka pa nakapunta! Matutuwa si mama kapag nakita ka niya!" Excited niyang sabi at tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa bench. "Dali, Jimin! Punta na tayo!"
Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Naglalakad na kami para tumawid sa kalsada nang mapansin ko na hindi nakatali ang isa kong sintas.
"Teka, Rona. Yung sintas ko." Sabi ko at binitawan ang kamay niya.
"Bilisan mo! Naeexcite ako sa reaksyon ni mama!" Sabi niya na kasalukuyang nakatayo sa kalsada habang ako nasa sidewalk, nagtatali ng sintas.
Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Feeling ko, may mali. May masamang mangayayari.
Dahil hindi ako makapakali kung saan nakatayo si Rona, hindi ko na tinali ang sintas ko. Inipit ko nalang yun sa loob ng sapatos ko.
"Ang brainy mo naman po Mr. Park. How to be you po?" Sabi niya sabay tawa nang mahina. Tumawa din naman ako.
Nang makatayo ako, bigla nalang akong may nakitang maliwanag na ilaw sa kalsada. Nang bumusina ito, doon ko lang napansin na truck pala yun.
Shit. Hindi pwede. Hindi pwede masagasaan si Rona ng truck.
"RONA!" Sigaw ko.
Napansin din niya ang truck at tumingin pabalik sa akin. "JIMIN!" Sigaw niya rin.
Dali-dali kong hinila pabalik si Rona sa sidewalk at niyakap nang mahigpit habang nakapikit mga mata ko.
Rona, ayaw kong mawala ka ulit sa akin. Ayaw kong mamatay ka nang ganun-ganun lang. Kung mamatay ka, parang pinatay na rin ako. Ikaw lang ang meron ako at di ko kakayanin na mawalay ka ulit sa akin.
Isip ko habang yakap-yakap si Rona.
Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko na ligtas kami habang ang truck ay tuloy-tuloy lang na parang walang nangyari.
Humiwalay agad ako kay Rona at sumigaw kahit alam kong hindi ako maririnig ng driver.
"OY GAGO KA AH. MUNTIKAN MO NA MAPATAY GIRLFRIEND KO. TANGINA MO, PAKYU." Sigaw ko na sobrang lakas.
"Jimin, kalma." Sabi ni Rona na hinawakan ang braso ko.
"Okay ka lang?" Tanong ko. Hinawakan ko naman ang pisngi niya para ipadama kung gaano ako kakaba.
"Oo. Thank you Jimin. Superman kaya kita." Sabi niya at niyakap ako.
"Rona, hindi ako si superman. Hindi rin ako si batman. Pero, I can be your hero. I can be your man." Sabi ko at hinalikan siya sa noo niya.
(MGA MONBEBE MAGSINLABASAN KAYO HAHAHA lol, highkey promoting Monsta X)
"Ang corny mo Jimin." Sabi niya habang nakabaon yung mukha niya sa dibdib ko.
Ang hokage talaga ng babaeng ito. Magpasalamat siya mahal ko siya at siya lang ang pwedeng gumawa nun sa akin.
*coughs* pwede rin si yoongi hyung at jungkook *coughs*
Hinarap ko yung mukha niya sa mukha ko at napansin ko naman na lumuluha siya.
"Shit, ba't ka umiiyak? Diba ayaw kong umiiyak ka ah?" Saway ko habang pinupunasan ko luha niya.
"Kasi naman Jimin eh, huhu."
"Anong huhu? Wala ka sa chat. Mukha kang ewan." Pabiro kong sabi kaya naman binatukan niya ako nang mahina.
"Muntikan na talaga ako kanina eh. Paano kung nasagasaan ako? Paano kung namatay ako? Paano ka na? Di kita kaya iwan ulit, Jimin. Sorry."
"Ako rin, Rona. Di ko kayang mawalay ka sa akin. Saka wag ka magsorry, okay?" Sabi ko at hinalikan ulit yung noo niya. "Namiss kita, sobra."
"Dapat lang."
"Lul. Kapal mo."
"Mas makapal ka. Sabihan mo pa naman ako na mahirap iwanan yang abs mo pagkatapos kitang iwan. Kapal, grabe."
"Totoo naman ah? Di mo pa rin maiwanan abs ko. Hawak mo pa nga eh." Tumingin naman siya sa kamay niya na nakapatong sa may tiyan ko.
"Tangina mo."
"Love you too."
"Gago, iniintay na ako, tayo, ni mama. Halikana." Sabi niya at hinila na ako.
"Luh, kinikilig ka lang kaya iniiba mo usapan eh. Galawan mo, ang corny." Sabi ko sabay tawa.
"Magpatangkad ka muna, nagmumukha kang bata dito sa LA."
"Kung makasabi ka parang mas matangkad ka sa akin."
"Maliit ka pa rin, pandak." Asar nanaman niya.
"Anong pandak ka diyan? Tumangkad kaya ako."
"Lul. Wag ako. Pandak."
"Pu--"
"Pandak. Pandak. Pandak. Pa--" Napahinto agad sa pagsalita si Rona nang halikan ko siya ilong niya.
"Isa pang asar, sa labi na kita hahalikan." Banta ko.
"Abusado ako eh hehehe, pandak. Pandak. Pandak."
"Daya mo." Sabi ko sabay ngiti.
Hinawakan ko muna ang isang pisngi niya at pinatong ang isa kong kamay sa bewang niya habang nilalapit ko ang mukha namin sa isa't isa.
"Ang bad girl mo." Sabi ko ulit habang magkalapit na ang mukha namin.
"Ang dami mong satsat." Sabi niya, napatawa nanaman ako nang mahina.
"Bahala ka sa buhay mo, punta na tayo sa inyo." Sabi ko at inilayo na ang mukha ko.
Nagsimula na rin naman akong maglakad palayo habang tumatawa.
"HALA ANG DAYA NITO! READY NA AKO EH! ANG GANDA NA SANA KANINA EH! BWISET KA!" Sigaw niya at tumakbo palapit sa akin. Nang maabutan ako, agad niya akong binatukan. "Nakakaasar ka talaga."
"I miss you too." Sabi ko sabay smack ng kiss sa pisngi niya. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at hinila na siya para maglakad na kami.
***
After 1 year
"Rona, ang ganda dito sa Busan noh?" Sabi ko sabay ngiti at nawala nanaman ang mata ko. Hindi naman siya sumagot.
"Ganito ba talaga kaganda dito at hindi ka makasagot?" Sabi ko at katulad kanina, hindi ulit siya sumagot.
"Rona..."
"Shh Jimin, ang ingay mo. Natutulog ako."
Sabi ni Rona sabay takip sa bibig ko. Binaba din niya kaagad ang kamay niya nang tumahimik naman ako. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
Kasalukuyang nakaupo ako sa may buhangin sa beach habang nakahiga naman si Rona sa hita ko at natutulog.
"Uy Rona, gising na. Malapit na magsunrise."
"Ayoko pa." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Unti-unti namang sumikat ang araw. "Ang ganda, Rona. Parang ikaw." Sabi ko.
Bumangon naman siya at sumandal sa balikat ko.
"Thank you." Sabi niya.
"First time mo yata di humangin nang sabihan kita na maganda ah?"
"Hindi kasi yun thank you dahil doon."
"Ha? Para saan?"
"Para sa pagtupad ng promise natin. Tinganan mo, nandito tayo sa Busan. Same date, katulad ng panagako natin."
"Para sayo naman, gagawin ko lahat. Bumabawi na ako sa mga kagaguhan kong pinagkakagawa sayo dati. Rona, pangako, hindi ka na iiyak ulit sa akin. Kung iiyak ka man, tears of joy yun."
"Jimin, letse ka. Naiiyak na tuloy ako." Sabi niya habang pinupunasan luha niya.
"Jimin hyung! Rona! Pasok na kayo sa loob, may almusal na!" Sigaw ni Jungkook mula sa resthouse nila Jin dito sa Busan.
"Oo, susunod kami!" Sigaw ko pabalik.
"Jimin, sorry. Sorry kung di kita pinakinggan dati. Sorry kasi--"
Hinalikan ko siya sa kanyang labi.
"Shut up. Di ka dapat magsorry. Ako ang nagkamali, hindi ikaw. Okay?"
"Okay."
"Rona, I less than 3u."
"Jimin, I less than 3u more."
Unti-unting naglapit ang aming mga mukha hanggang sa magkadikit na ang mga labi namin.
Hinalikan ko siya na nagsasabi na ayaw ko siyang mawala. Na ayaw ko nang umalis sa tabi niya. Na akin siya at ako'y sa kanya. Na kung gaano ko siya kamahal.
"Ay yak PDA! Get a room!" Sabi bigla ni Taehyung kaya napahiwalay naman kaming dalawa.
"TAEHYUNG!" Sigaw ko.
"Hehe, kain na kayong dalawa. Wag niyo kainin ang isa't isa, hehe." Sabi ni Taehyung sabay taas baba ng kilay niya.
"TAEHYUNG! ANG EPAL MO!" Sigaw ko at tumayo para habulin siya.
After 2 years
[Rona's POV]
Nang matapos ang trip namin sa Busan ay umuwi na kami kaagad.
Ako? Pumayag na ang nanay ko sa pagsasama naming dalawa sa iisang bubong, sa bahay ni Jimin. Doon din naman daw ang diretso namin pagkatapos namin magpakasal.
Living with my ex-boyfriend was fun. But living with my husband will always be the best.
"J-jimin, aray."
"Okay ka lang?"
"JIMIN!"
"RONA!"
"TANGINA JIMIN, ANG SAKIT NG TIYAN KO! FEELING KO MANGANGANAK NA AKO!"
🌼🌼🌼
Add me on Facebook: Minswaega Wp
Thank you sa lahat ng nagbasa ng storyang ito. Alam kong may galit pa rin kayo sa akin pero HAAHHAA LABYU ALL. THANK YOU ULIT :)
And Living with my Ex-Boyfriend officially ends. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top