Chapter 9: The Game

Chapter 9: The Game

Sa paglipas ng mga araw tuluyan ng naging normal ang pananatili ko sa Van Zanth. Everything became acceptable noong nalaman ko ang totoo. Nasanay na ako sa presence ng mga hybrids na nasa paligid ko. Other than their extra ordinary skills specific to the hybrids ay halos normal sila. At siguro nga ay natuto na din akong umiwas dahil alam ko kung ano ang iiwasan.

Dumadalang na din ang mga naririnig kong ingay mula sa third floor. Kadalasan ay tahimik ang buong mansion. Hindi ko alam kung napapansin na ba ni Aunt Helga na alam ko na ang totoo. Kung may napapansin man siya, wala siyang sinasabi. Maybe she knows.

Nasa terrace ako ng aking kwarto noong hapon na yon at gumagawa ng home work. Mula sa likod ng mga puno sa garden ay sumisilip ang matingkad na sinag ng papalubog na araw at tumatama sa mukha ko.

Absentmindedly, I bit the tip of my ballpen while thinking deeply. Pero napa-paused ako nang mapansin ko ang isang bagay.

Lumingon ako saka bahagyang tumingala sa terrace na nasa pangatlong palapag. Tuluyan akong natigilan nang makita kung sino ang lalakeng nakatayo doon. Nakaharap siya sa bayan sa ibaba habang nakasandal ang magkabilang braso sa safety rails ng terrace.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, tila may nakikitang hindi niya gusto. Nasisinagan ng palubog na araw ang mukha niya. And it made his features more defined. His clenched jaw, his sharp nose, ang nakakunot niyang noo, his lips curved into an annoyed expression, even his quite messy hair and lush eyebrows.

Akala ko hindi niya ako napapansin dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Kaya nanatili akong nakatitig sa kanya. Subalit halos mabitawan ko ang ballpen na hawak ko nang lumingon si Zander at magtama ang paningin namin. He stared at me. I was stunned. He was probably wondering why I'm gaping at him. Napakurap ako at agad na umiwas ng tingin.

I bit my lips. I distinctively heard a deep sigh bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng terrace door. Nang masigurado kong nakapasok na si Zander sa kanyang kwarto, iniangat kong muli ang tingin ko at bumuntong hininga ng napakalalim. Gusto kong pagalitan ang sarili ko.

What am I doing staring at Zander like that? Balak ko ba talagang ipahamak ang sarili ko?

--

Maliban sa pagtulong kay Aunt Helga sa pag aasikaso ng buong mansion ay naging busy na din ako sa school. Ilang buwan na ang lumipas mula noong nagsimula ang klase. Ang mga guro at professors ay nagsimula na sa sabay sabay na pagbibigay ng mga requirements.

Madalas ay nauubos ang oras ko sa pagawa ng mga school requirements. Subalit tuwing nagkakaroon ako ng libreng oras o kapag natatapos na ang mga ito ay agad akong bumabalik sa trabaho para tulungan si Aunt Helga.

Noong umagang yon ay naka assign ako na alisin ang mga kurtina sa sala para malabhan. Makakapakal at matataas ang mga ito na binabalutan ang mala higanteng mga bintana ng mansion. Kinailangan kong gumamit ng foldable stairs para lamang maabot ko ang itaas ng mga ito.

Tumingala ako at pinagmasdan ang isa sa mga bintana. Huminga ako ng malalim habang nakahawak sa foldable stairs na nakatayo sa tabi ko. Kinuha ko ito mula sa library ng mansion. Tinapat ko ang hagdan sa tabi ng pader ng isa sa mga bintana. Nagsimula akong umakyat pataas.

Noong una wala akong naging problema sa pagalis ng mga kurtina sa makakapal na gold post ng bintana. Nalaglag ang unang kurtina sa sahig. I heard a soft thud on the floor because of the weight of the fabric. Napaubo ako nang umabot sa akin ang alikabok nito.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. My arms started to sore dahil sa bigat ng mga kurtina at sa pagtaas at pagbaba ng stairs para alisin ang mga ito sa window post. Halos nasa huling pares na ako ng bintana. Umakyat ako sa stairs para abutin ang tuktok nito.
Subalit may hindi inaasahan na nangyari.

Pagtapak ko sa pinakamataas na step ay nakarinig ako ng mahinang creak. Natigilan ako sa tangkang pag abot ng kurtina at napatingin sa ibaba. The stairs started to wobble while I was still on top. Bumalot ang takot sa dibdib ko.

Sinubukan kong maghanap ng mahawakan pero tanging ang kurtinang nasa harap ko ang meron. I grabbed the fabric of the curtain. My feet started to lose the feel of the metal stairs. Napapikit ako ng mariin.

Noong akala ko kasama akong babagsak ng metal stairs, natigilan ako nang maramdaman na bigla itong naging steady. Tila isang tao ang hinawakan ito para hindi tuluyang matumba.

Nanatili akong nakahawak sa kurtina nang buksan ko ang aking mga mata. Bumaba ang tingin ko sa dulo ng hagdan na ngayon ay maayos ng nakatayo sa sahig. Napakurap ako. Walang tao.

Maingat akong bumaba sa hagdan. Ang mga binti ko bahagya paring nanginginig. Nang muli akong makapatak sa sahig, linibot ko ang paningin sa paligid.

I'm sure someone held the stairs. Naramdaman ko ang mga kamay nitong hinawakan ang hagdan para pigilan ang pagtumba.

Bumalot sa akin ang katahimikan ng buong mansion habang nakatayo akong mag isa sa sala. Naging maliwanag ang lugar sa unang pagkakataon dahil sa nakabukas na mga bintana. Binabalutan ng manipis na alikabok ang hangin.

Nagkamali lang ba ako?

--

Isa paring misteryo ang nangyari sa sala noong umagang yon. Maging sa school ay hindi ko ito maiwasan na isipin. Maaliwalas at mahangin noong araw na yon.

Naglalakad na ako palabas ng school building para umuwi nang napansin ko ang usapan ng grupong kasabay ko sa hallway.
Ayon sa isa sa kanila ay may mangyayaring laro sa kakahuyan malapit sa school campus. Ang sabi nila ay nandoon ang mga orders at kasama din si Sebastian.

Kumunot ang noo ko habang patuloy sa paglalakad. Laro sa kakahuyan? Anong klaseng laro?

Noong nasa labas na ako ng building, napansin ko na ang karamihan ng mga estudyanteng tapos na ang klase tulad ko ay may isang direction na pinupuntahan. Lumingon ako sa side ng school kung saan makikita ang bungad ng kakahuyang pinapalibutan ang campus. Ang iba ay excited na naglalakad o nag uusap habang papunta doon.

Nakarating ako sa parking lot. Pero hindi ko magawang buksan ang sasakyan ko. Anong meron sa loob ng kakahuyan? Sinilip ko ang wrist watch ko at tuluyang binulsang muli ang susi ng sasakyan. Alas kwatro ng hapon. Kung tutuusin maaga pa dahil maagang nagpa-dismiss ang last subject namin. Hindi naman siguro masama kung sisilip ako sa nangyayari.

Naglakad ako papunta sa kakahuyan na tinutukoy nila. Umiwas akong makisabay sa ilang mga estudyante. Nang nasa bungad na ako ng kakahuyan ay tumigil ako sa paglalakad. Nagtataasan ang mga puno at dahil hapon na ay medyo mahangin ang paligid. Ito ang unang beses kong papasok sa kakahuyan nang walang kasama o kakilala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa tuluyan akong makapasok sa kakahuyan. Ngunit nabigla ako nang makitang tahimik at walang tao sa loob. Nasaan na ang mga taong pumasok dito kanina? Bakit bigla silang nawala? Napaatras ako. Balak ko na sanang lumabas ng kakahuyan nang may marinig akong ingay. A distant noise. Mga taong nagchi-cheer.

Muli akong humarap sa loob ng kakahuyan. Nasa loob sila. Nasa bandang gitna. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking backpack bago nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig ko sila. They must be here somewhere.

Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay mas lumalakas ang ingay na naririnig ko. Tuluyang bumungad sa akin ang ingay ng mga tao nang marating ko ang gitna ng kakahuyan. Ang espasyo kung nasaan sila ay hindi tinutubukan ng puno at kasing luwang ng isang baseball field. Bumungad sa akin ang likod ng mga tao habang nakapalibot sila sa gitna.

Lumapit ako at pilit sinilip kung anong meron sa gitna. Naririnig ko ang boses ni Sebastian. Pero masyadong madaming tao sa kinaroroonan ko. Halos kalahati ata ng estudyante ng school ay nandito.

"Hey, narinig mo ba?" tanong ng babaeng nasa harapan ko sa kasama niya. "Manonood ang alpha sa laro."

Bigla akong natigilan sa gitna ng pagpupumilit na makita ang mga nasa harapan. Si Zander?

"Saan mo naman narinig yan?" tanong ng kasama niya.

"I heard the orders talking earlier. Pero hindi nila gustong ipaalam. Hindi ba madalas parin siyang bumaba sa bayan? Yon nga lang mga orders at si Sebastian lang ang nakakaalam."

Napaatras ako. Kung ganoon maaari ngang nandito siya. Kinagat ko ang labi ko. Sa tingin ko kailangan ko ng umalis.

Magsisimula na sana akong maglakad paalis nang marinig ko ang sigawan. Magsisimula na ang laro. Nagsimulang mag spread ang mga manonood para bigyang espasyo ang mga manlalaro. Doon ko nakita ang gitna ng field. Ilang lalake ang nandoon at nagstretch. May hawak na baseball bat ang dalawang sa kanila at may makakapal na gloves ang ilan.

A baseball game.

Huminto ako at pinagmasdan sila. May board kung saan nakasulat ang "elites vs. orders". Pumwesto ang mga manlalaro at nagsimula ang laro. Nakita ko si Sebastian. Siya ang pitcher o maghahagis ng bola sa gitna. Hinagis niya ang bola at agad tinamaan ng may hawak ng bat. Nagsimula itong tumakbo habang naghanda sa pagsalo ang iba.

Akala ko noong una isang ordinaryong laro lamang ito. Pero napa-atras ako nang makita ang sumunod na nangyari. The ball was hit with too much force it begun rocketing through the woods. Tumakbo ang mga nagbabantay sa field upang habulin ito. They run with unusual speed they became a blur in front of my very eyes. I was frozen on my spot. Lalo na noong ilan sa kanila ay mabilis na umakyat sa puno para maabot lamang ang bola.

Nakuha ito ng isang lalake saka pinasa sa kanyang kasama. The ball rocketed once more. Hinabol ito ng kanyang kasama, nakuha, at agad tumakbo ng napakabilis papunta sa home base bago pa makahome run ang tumira nito. Sinubukan siyang abutan ng lalakeng tumira ng bola.

Nagpang abot ang dalawa sa home base. Halos masira ang mga damo at umangat ang lupa kung saan sila parehong nagdive. Sandaling katahimikan ang namayani bago nagsalita ang lalake na nag sisilbing referee.

"OUT!"

Nagsigawan ang mga tao. The score went to the orders. Napangiti ako. Nagsimulang muli ang laro. Puno ng excitement ang buong paligid.

Halos makalimutan ko kung nasaan ako o kung gaano hindi normal ang larong pinapanood ko. Their game was strange and yet nerve-wracking.

Nagpatuloy ang laro. Nakalimutan ko ang pag lipas ng oras. Nagsimula ang huling part ng laro. The radiant orange glow of the sunset spilled through the woods.

Doon ako natigilan. Sunset.

Sinilip ko ang wrist watch ko. Five thirty. Shit. Nagpapanic na tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis. Lagot. I was just supposed to stay for a few minutes.

Habang naglalakad paalis ilang mga boses ang narinig ko sa aking likod- sa nangyayaring laro. May sumigaw. Anong nangyayari?

Tumigil ako sa paglalakad at muling humarap. Natigilan ako ng isang bola ang mabilis na bumubulusok papunta sa direction ko. Nabitawan ko ang librong hawak ko at hindi nakagalaw.

Halos hiwain ng bola ang hangin na dinadaanan nito. Sinubukan kong umiwas bago tumama sa akin ang bola. Ngunit isang lalake ang biglang lumitaw sa aking harapan at sinalo ang bola sa kanyang palad.

Natigilan ang mga tao. I stood frozen on my spot.

"The game ends here."

Tila tumigil ang aking paghinga nang marinig ang familiar na boses ng lalakeng nakatayo sa harapan ko.

"A-Alpha." someone from the crowd said.

Naglakad si Zander at binalik ang bolang nasa kamay niya sa pinakamalapit na manlalaro. Halos hindi nakagalaw ang lalake habang pinagmamasdan ang kanilang pinuno.

"Good game." tanging sinabi niya.

Saka ito naglakad siya ng ilang hakbang bago tuluyang nawala sa harapan naming lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top