Chapter 8: Half Blood

Chapter 8: Half Blood

Kinabukasan hindi ko nakita si Sebastian sa school maghapon. Narinig ko mula sa kaklase kong nag uusap na may inaasikaso daw sila sa border kasama ang mga orders.

Dahil sa mga nabasa ko ay naging malinaw na sa akin ang mga bagay na madalas kong naririnig noon. Dati ay wala akong pakialam sa mga ito. Now everything makes sense. Naging mas observant ako sa galaw ng mga taong nasa paligid ko.

Nakasalubong ko din ang babaeng kaibigan ng lalakeng sumugod sa akin kahapon. Umiwas ito ng tingin. Wala akong narinig na balita tungkol sa mga nangyari kahapon. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Ayoko din na pinaguusapan nila na nalaman ko ang sekreto ng bayang ito sa nakamamatay na paraan. Nanatili na kaming lima lamang ang nakakaalam ng nangyari. I wonder kung ano ang nangyari sa lalakeng sumugod sa akin. Naparusahan ba siya?

Noong una ay hindi ko alam kung iiwas ba ako matapos ang mga nalaman ko. I'm surrounded by hybrids. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanila tuwing nakakasalubong ko sila sa hallway o habang nasa klase.

There a several times na halos hindi na ako nagco-concentrate sa klase. Hindi ako makapaniwala na nakakasalumuha ko ang mga tulad nila. Pero maliban sa mga nalaman ko ay walang nagbago mula noong una ko silang nakilala. They remain silent with their own matters. Silent and eerily mysterious.

Matapos ang klase at pag uwi ng mansion ay muli akong dumerecho sa study room para ipagpatuloy ang pagbabasa ko.
Kinuha kong muli ang libro sa bookshelf. Pero nagulat ako nang isa pang libro ang malaglag sa sahig dahil sa pagkuha ko. Pinulot ko ito at binasa ang title.

Zeref Van Zanth: The Third Alpha.

Kung hindi ako nagkakamali ay Zeref ang pangalan ng magulang ni Zander. Kung ganoon si Zander ang pang apat na pinuno mula noong maitatag bilang bayan ang Van Zanth.

Binuksan ko ang libro at sinimulang basahin ito. Kung ang unang libro ay tungkol sa pagkakatatag ng Van Zanth, ang librong hawak ko ay tungkol sa mga taon ng pamununo ng Ama ni Zander.

Palubog na ang araw sa labas at pumapasok ang matingkad na liwanag nito sa bintana na nasa tapat ko. Tahimik ang mansion noong hapong yon. Umupo akong muli sa silya at nagbasa.

Ayon sa libro, twenty eight years ang pamumuno nito bilang alpha. Mula noong tumuntong ito sa wastong gulang ng labing walo hangang sa maging labing walo ang anak na lalake nito na si Zander. Mas latest ang librong ito kesa sa unang librong nabasa ko. Napublish lamang ito two years ago. Ang taon kung saan natapos ang pamumuno niya at pinalitan ng kanyang anak na si Zander Van Zanth.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Zeref Van Zanth idinaos ang ika-isandaang taong anibersaryo ng bayan mula noong maitatag ito.
Nalaman ko kung gaano kahusay na pinuno ang Ama niya. Even on his early years madami itong nagawang batas bilang alpha. Ginagalang siya bilang pinuno at nirerespeto ng mga tao sa loob at labas ng bayan. Subalit isang bagay ang agad na nakakuha ng attention ko.

Isa sa pinakamalaking problema sa kanyang pamununo. Umibig siya sa isang tao. A pure blooded human. Cassandra Lorainedale. And it was stated here that Cassandra was converted to be a hybrid. Thus, offspring with one or both parents who are converted to become hybrids are considered half-bloods. Zander is not a pure blooded hybrid. Ayon sa libro ang consequences ng nangyari ay mapupunta sa kanilang magiging anak.

Half-bloods possessed two different bloods. The blood of a pure human and the predatory blood of a hybrid. Alphas that are half-blood have a harder time controlling their shifting compared to regular half-bloods or hybrids for that matter. It is because alpha blood is more aggressive in nature. It is the blood that wants to dominate the body.

--

Kinabukasan, umaasa ako na makita si Sebastian sa school. Madami akong gustong itanong sa kanya. Lalo na tungkol sa mga nalaman ko kagabi. Zander is not a pure blooded hybrid. Normal na tao tulad ko ang kanyang Ina. At ayon sa libro ay nagkakaroon ng physical na epekto ang pagiging half-blood. Hindi ko ito nagawang tapusin. But it seems like the book covers the reign of the previous alpha, like an autobiography.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang pumasok na si Sebastian. Hinintay ko dumating ang lunch bago ko siya nilapitan para kausapin. Naglalakad siya sa quadrangle habang nakapamulsa noong nilapitan ko siya. Tumaas ang kanyang kilay nang makita ako.

"Akala ko iiwas ka matapos ang mga nalaman mo nakaraang araw. Pero ikaw pa ngayon ang lumalapit." Ngumiti ito tila nang aasar. "Hindi ka ba natatakot? Pwede kitang saktan."

I almost rolled my eyes at his dark humor. "Hindi mo magagawa yon." sinabi ko. "You are the beta. You must set a good example. Isa pa ay may mga batas kayong sinusunod."

An expression of amusement filled his eyes. "Someone did her research, eh?" sinabi niya.

"I have to." tanging sagot ko.

Tuluyan siyang humarap sa akin habang nakapamulsa. "Ano bang gusto mong malaman?"

Kung titingnan hindi halata kay Sebastian na isa siyang second in command sa bayan na ito. He looks carefree. He has this lazy eyes na akala mo laging inaantok. And disheveled brown hair na tila bagong gising. But looks can be really deceiving. Nakakatakot na magalit ang isang Sebastian McAllister. At kung tingnan ka niya pakiramdam mo pinag aaralan ka. Even his sense of humor is dark.

"Si Zander Van Zanth hindi siya tulad niyo hindi ba?" tanong ko. "He's not a pure blooded hybrid."

His interest was pricked. "He's not a pure blood. But he's definitely higher than us." sinabi niya.

"Kung siya ang pinuno ng bayan na ito bakit nananatili siya sa mansion? May kinalaman ba ito ang pagiging half-blood niya?"

Tinitigan niya ako.

"Your curiosity is dangerous, Laura." Sebastian said. "The more you know the truth about us, the more dangerous it is for you. Kaya bakit gusto mo pa itong dagdagan? Hindi ka ba natatakot?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "I'm scared of things I don't understand. So I need to know the truth."

"Very typical of you." Bumuntong hininga si Sebastian. "Mukhang wala na akong magagawa."

Nakahinga ako ng maluwag noong pumayag si Sebastian. Sinagot niya ang mga tanong ko. Ayon sa kanya mahirap makontrol ang katawan na dalawang uri ng dugo ang dumadaloy. When they were kids Zander was trained to keep his control in particular situations. Zander was known to be calm. His every move is precise. His every decision measured. Ang hindi alam ng madami ay nagtraining siya para iwasan na mawalan ng control.

Madaling ma-trigger ang predatory impulses at territorial reflexes ng isang half-blood kapag hindi nacontrol. Walang problema doon si Zander noong bata pa siya. Nitong mga nakaraang buwan lamang siya madalas mawalan ng control. He started to lose himself.

According to Sebastian- Zander hates his dark side. Dahil wala siyang control dito. Hindi niya alam ang mga ginagawa niya. Malalaman niya nalang ang mga nangyari kapag natapos na ang lahat. Few months back an internal issue in the pack caused Zander to nearly kill two of his own people. Matapos ang nangyari ay siya na mismo ang nagdesisyon na kailangan niya munang umalis hangang sa mabalik niya ang kanyang control.

"It's his way to avoid further problems." said Sebastian. "Kahit na noong bata pa kami yon ang ginagawa niya. Kapag nawawalan siya ng control, hindi niya gustong nakikialam kami. He often tells people to avoid him as much as possible during situations like these."

A strange emotion filled my chest. Halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa emosyon na biglang nararamdaman.

"When will he come back?" I asked.

Nagkibit balikat si Sebastian.

"Ewan. Nakaka usap ko parin siya. Alam niya parin ang nangyayari sa buong bayan. Siya parin ang nagsasabi sa amin ng mga decision na dapat sundin."

Siniksik niya ang palad sa kanyang mga bulsa.

"Being a half blood may not be easy compared to regular hybrids like us. Oo natatapos namin ang mga dapat gawin sa bayan. Naaayos namin ang mga gulo bago pa makarating sa kanya. Pero iba parin kung nandyan ang alpha kasama namin."

Nag stretch si Sebastian ng mga braso. Alam kong ginawa lamang niya yon para iwasan ang tingin ko.

"He is our alpha. Ngunit maliban doon, maliban sa mga taong nasasakupan niya, ano pa nga ba ang rason para piliin niyang bumalik?" tanong ni Sebastian habang bahagyang nakatingin sa langit. "Si Zander na lamang ang natitirang Van Zanth sa bayan na ito. Maybe he started to lose himself because he has no reason left to protect."

--

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ilang araw na ang lumipas mula nang nagkausap kami ni Sebastian. Pero hangang ngayon hindi ako matahimik. Ngayong alam ko na ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa bayan. Dapat okay na ako hindi ba? Pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko na hindi maalis.

Pag uwi ko sa mansion noong araw na yon, pinasok ko ang sasakyan sa garahe katulad ng dati at dumerecho sa front door. Habang naglalakad dala ang aking backpack, hindi ko maiwasan na pagmasdan ang lumang mansion na sa aking harapan. Halos wala paring pinagbago ito mula noong unang beses akong tumapak dito. But it doesn't look as creepy or scary anymore. Siguro nga ay dahil alam ko na kung ano ang tinatago nito.

I'm living with a half blood.

Pumasok ako sa mansion. Ganoon parin ang paligid. Madilim kesa sa normal na mansion, natatakpan ng mga puting tela ang mga gamit, kakarampot ang liwanag na pumapasok mula sa labas dahil sa mga makakapal na kurtina na tinatakpan ang naglalakihang mga bintana. Yet the atmosphere is welcoming. Like a personal sanctuary. Isang payapang lugar na naghihintay sayo matapos ang nakakapagod na araw. It almost feels like a real home.

Bumati sa akin si Elvis pag akyat ko sa second floor. Pumulupot ang mabalahibong katawan nito sa mga binti ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko para kunin siya.

"How's your day, Elvis?" tanong ko habang naglalakad papunta sa aking kwarto. "Parang ang tagal kitang hindi nakita."

The cat purred against my arms.

"Ginagawa mo rin ba ito sa kanya?" tanong ko. "Inaalagaan ka ba niya tuwing wala ako?"

The cat let a silent meow. Napangiti ako. Marahan kong hinaplos ang kanyang balahibo.

"I hope he doesn't feel alone when you're there."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top