Chapter 4: The Letter
Chapter 4: The Letter
Ilang beses akong napapatingin sa staircase papunta sa third floor tuwing maglilinis malapit dito. I shouldn't be curious but I can't help it. Malinaw na ngayon na may tinatago ang mga tao sa bayan na ito. At sino ba talaga ang tinutukoy nila tuwing nababangit ang salitang alpha?
Noong gabi bago ang araw ng unang klase ko sa bayan hindi ako nakatulog ng maayos. Nangangamba ako. Ang mga tao sa bayan, hindi sila normal. At hindi ko gustong malaman kung bakit.
Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos wala akong tulog. Naghanda ako sa pagpasok at nagpaalam kay Aunt Helga bago umalis ng mansion. Simula na ng pasukan sa bayan. Ngayon ko lamang nakita na ganito kabusy sa downtown mula noong unang araw ko dito.
Halos nahirapan akong pumasok sa campus dahil sa mga sasakyan na kasabay ko. May ilang na naglalakad. Pilit kong pinagsawalang bahala ang pangamba ko. Everything seems normal so far.
I parked the car on the parking lot. Bumaba ako mula sa sasakyan. Kinuha ko ang backpack ko at ilang libro. Nagsimula akong maglakad kasabay ang ilang mga estudyante na nagmamadaling pumasok sa building. Subalit hindi pa ako nakakalayo nang pagtinginan nila ako.
I suddenly became conscious of their stares. Ang iba nagbulungan. Ilang salita ang narinig ko sa mga usapan nila. Bagong salta. Mansion ng Van Zanth. Maging ang pangalan ni Aunt Helga ay nabangit nila. At ang familiar na salitang yon. Alpha.
Ilang hindi makapaniwalang tingin ang aking natangap. Ang iba ay tila pinag aaralan ako. May kung ano sa kanilang tingin na dahilan para umiwas ako. Their stares made me feel like they know something I didn't.
Hindi ko sila pinansin at tumuloy sa pagpasok sa building. Ang community college sa bayan ay hindi malaki. Ilang course or certificate programs lamang ang ino-offer dito tulad ng General Education, Liberal Arts, Accounting, Law Enforcement, Technical Courses, and Practical Nursing. I was taking Liberal Arts on Charlotte at nasa huling taon na ako.
Bawat madaanan kong estudyante ay tila napapatingin sa akin. Dumerecho ako sa isang seminar room sa dulo ng hallway. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang halos walang tao dito. Theater style ang seminar room kaya naman bahagyang madilim. Pinili ko ang pinakamataas na row at naghintay doon para sa aming unang subject.
Lumipas ang ilang minuto at nagdatingan ang mga kaklase ko. Halos nasa thirty lamang kami. Karamihan ay muling napatingin sa akin. Pero tahimik akong nagpasalamat sa ibang tila walang pakialam.
Binuksan ko ang librong dala ko at nagbasa habang naghihintay at para iwasan na din ang tingin nila. Inalis ko ang attention sa libro nang may marinig akong familiar na boses.
"Kita mo nga naman magkaklase pala tayo."
Bumaling ako sa lalakeng kanina lamang ay nadaanan kong nakatungo sa kanyang mesa at mukhang natutulog. Ngayon nakaharap na siya sa akin at pinagmamasdan ako.
"Sebastian."
"At your service." sinabi niya. "At natandaan mo din ang pangalan ko."
Dahil hindi madaling kalimutan ang nangyari noong tumapak ako ng unang beses sa campus.
"Liberal Arts?" tanong niya.
Tumango ako. Nakaka panibago na hindi siya naiilang sa akin. Hindi tulad ng halos lahat ng estudyanteng makasalubong ko. Napansin ko na habang kausap ko si Sebastian ay tumigil sa bulungan ang iba.
Lumipas ang ilang minuto at dumating ang guro namin. Pinapunta niya ako sa harapan para magpakilala. Sinabi ko ang pangalan ko, kung saan ako galing, at saan ako nakatira sa Van Zanth.
"Alpha's mansion."
Natigilan ako nang marinig ang sinabi ng isa sa aking mga kaklase. Tumikhim ang aming guro at pina-upo na ako. Nagsimula ang klase namin. And I found myself doodling the word on my notebook.
Alpha.
Naalala ko ang picture na nasa hallway. Siya ba ang tinutukoy nila?
Nagmadali akong lumabas sa building matapos ang klase. Sinadya kong umiwas sa hallway na puno ng mga tao. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Habang nagmamaneho pauwi sa mansion naisip ko na mag research tungkol sa bayan na ito. Dapat matagal ko na itong ginawa. Umasa ako na napa-paranoid lamang ako nitong mga nakaraang araw. Pero kahit anong logical na reason ang isipin ko, ang mga napapansin ko sa school ay hindi pangkaraniwan. I need to know what was happening in this town.
Van Zanth.
A few months back halos hindi ko alam na may nag eexist na ganitong bayan sa Fabrice. Halos walang nakaka alam ng bayan na ito. Tago ito at nakahiwalay sa mataong mga bayan. Siguro ay dahil may tinatago sila. A secret that makes Van Zanth secluded from the world outside.
Plano kong magsimula sa research pag uwi ko sa mansion. It was the first day of classes after all. Wala pang masyadong pinapagawa ang mga guro kaya mabuting umpisahan ko na bago pa ako mawalan ng oras. Pero nabura ang plano ko noong utusan ako ni Aunt Helga.
Kailangan kong alisin ang mga telang nakatakip sa mga furniture at gamit upang malabhan bukas. Kaya sa halip na mag umpisa sa plano ko, bumaba ako sa sala at sinumulan ang aking gawain.
Noong gabing yon ay pabagsak akong humiga sa kama. Pagod na pagod ako. Halos oras na ng dinner noong matapos ako sa gawain kasama na ang pagbabad sa mga tela. Ilang minuto lamang matapos kong humiga ay nakatulog na ako. Malalim ang aking naging pagtulog dahil sa pagod. Pero noong sumapit ang gitna ng gabi, naalimpungatan ako dahil sa isang ingay.
Nagising ako at pinakingang mabuti ang ingay. Para itong ingay na narinig ko ilang araw na ang nakararaan. Pero sa halip na bumagsak na mga gamit sa sahig, ang naririnig ko ay sigaw. Screams of pain. Tila ba nasasaktan ang kung sino mang nagmamay ari sa boses na yon.
Bumangon ako at tumapak sa malamig na sahig. Hindi ako pwedeng magkamali. Nagmumula ang sigaw na yon sa third floor. Nagmadali akong lumabas sa hallway. Paglabas ko nakita ko si Aunt Helga na nagmamadaling umakyat sa staircase na papunta sa third floor.
Sinundan ko siya hangang sa tapat ng hagdan. Nang makaakyat si Aunt Helga sa madilim na hallway sa taas, tuluyan siyang nawala sa paningin ko. Nanatili ako sa bungad ng staircase not daring to take another step. Halos mapa atras ako nang marinig ang boses ni Aunt Helga na tila may kinakausap sa itaas.
"Alpha, kumalma lamang kayo."
"Pakiusap, huminahon kayo."
--
Hindi ako makapag concentrate buong araw. Maging sa paaralan ay hindi ko magawang magfocus. Laging pumapasok sa aking isip ang mga narinig noong nakaraang gabi. Hindi ko magawang tingnan si Aunt Helga. Sino ba talaga ang nasa third floor?
Gusto kong magtanong pero wala akong mapagtanungan. Tila lahat sila ay may tinatagong lihim sa bayan. Hindi pangkaraniwan ang pagiging tahimik ng mga mamamayan dito. They hang out in groups pero hindi sila madalas na nag uusap.
Almost all of them seemed to have this aura of mystery and precision on their every movement. Sa mga tindig nila, sa paglalakad, sa tingin, at maging sa mga salitang lumalabas sa mga bibig nila.
Sa paglipas ng mga araw ay pumasok sa isip ko na tanungin si Sebastian. But I decided against it. Hindi kami ganoon ka-close para tanungin ko siya tungkol sa mansion kung saan ako nakatira. Isa pa alam kong may kakaiba din sa kanya. Pakiramdam ko iba ang turing sa kanya ng mga tao.
Tuwing nakakasalubong ko siya sa hallway o kapag nagkikita kami sa klase, napapansin ko na tumatahimik ang mga tao, ang iba ay tumatabi, minsan naman ay binabati siya. Noong minsan na nagkaroon ng gulo sa campus, makita lamang ang pagdating niya ay agad tumigil ito.
Tila ba nirerespeto siya ng mga tao dito. Maging ang ilang mga guro ay hindi na pinapalaki ang usapan kapag siya ang nala-late sa klase. Minsan narinig kong naguusap ang kaklase ko tungkol sa kanya. Narinig ko ang isang kakaibang salita. They refer to him as Beta.
Lumipas ang unang lingo ng klase. Nabawasan ang mga tingin ng mga tao sa akin, nasasanay na sa presence ko. Pero hindi parin maiwasan na makarinig ako ng bulungan. Maliban kay Sebastian ay wala na akong nakilala o kausap sa paaralan. Hindi na ako umaasa na magkakaroon ng kaibigan. Pero hindi ko parin mapigilang madismaya. I was hoping that things will be better here. Pero halos wala itong pinagbago sa Charlotte.
Biyernes ng hapon. Pag uwi ko sa mansion ay ni-park ko agad ang sasakyan sa garahe. Akmang papasok na ako sa loob nang mapansin ko ang isang sulat na nakalagay sa mailbox sa gate. Kinuha ko ito. Nahagip ng paningin ko kung kanino nakaaddress ang sulat.
To: Zander Van Zanth
Natigilan ako nang mabasa ang pangalan.
Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pintuan ng mansion. Napalingon ako. Lumabas si Aunt Helga at agad na nakita ang hawak kong sulat.
"Aunt Helga." bati ko. "Para kay Zander-"
Bago pa matapos ang sasahihin ko ay kinuha niya ang sulat mula sa mga kamay ko.
"Ako na ang bahala dito. Pumasok ka na sa loob."
Natigilan man ay tumango ako. "Yes, Aunt Helga."
Naglakad ako papasok sa mansion. Napansin ko ang uneasiness sa mukha ni Aunt Helga nang makita niyang hawak ko ang sulat.
Muling pumasok sa isip ko ang pangalan na nakalagay doon.
Zander Van Zanth.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top