Chapter 38: Wavering

Chapter 38: Wavering

Nanatili si Zander sa tabi ni Laura. Hawak niya ang kamay nito. Lumabas si Dylan at ang kanyang Lolo sa kwarto. In their grandfather's face was letting go. But at the same time, Dylan never saw his face as peaceful as this. Tila sa pagtanggap niya kay Zander, kasama nitong binitawan ang galit na matagal na naipon sa kanyang puso.

"Gusto ko lang siyang protektahan," sinabi nito habang sila ay nakatayo sa hallway. "Hindi ko nagawa iyon sa kanyang Ama. Kaya noong nalaman ko na buhay ang aking apo, gusto ko siyang ibalik dito. Ito ang kanyang tahanan."

"There is already someone who can protect her more than we can," said Dylan. "She is Zander's mate, the mother of the alpha's child. Hindi natin maaaring alisin ang bagay na 'yon sa kanya."

"Ganoon ba nila kamahal ang isa't isa upang isakripisyo ang sarili nilang kaligtasan? Ang buong akala ko ay ginagamit lamang si Laura upang sila ay maghiganti. Alam mo ang gulo sa pagitan ng ating mga pamilya. Pero noong nakita ko ang kanilang pagsakripisyo, natakot akong isipin na maaaaring ako ang hadlang sa kanilang kaligayahan. Ako ang ginagamit ang sarili kong apo upang makapaghiganti."

Ito ang unang pagkakataon naging bokal ang kanilang Lolo sa kanyang iniisip.

"Laura is a strong girl," said Dylan. "May sarili siyang pananaw at desisyon. Madami na ang kinuha ng kanilang uri sa atin. But not all of them should be treated as enemies. Lalo na ngayong magkaka-anak na sila ng alpha."

His grandfather sighed. Tila ba pagod na pagod na ito.

"Tawagin mo nalang ako kapag may pagbabago na sa kanyang kalagayan."

Tumalikod ito at sinamahan ng dalawang bantay paalis. Ngunit bago tuluyang umalis sa hospital, may huli itong hinabilin.

"Pakainin niyo ang alpha at gamutin ang kanyang sugat.
Hindi ko gustong madatnan ng apo kong sugatan ang kanyang mapapangasawa."

Yumuko si Dylan sa kanyang Lolo at nagpaalam. Isang ngiti ang makikita sa labi nito.

"Salamat, Lolo."

Bumalik sa kwarto ni Laura si Dylan. Nandoon parin si Zander at nagbabantay. Naka pikit ito habang hawak ang kamay ni Laura. Dylan wonder if he is conscious. Kanina pa kasi ito hindi gumagalaw sa kanyang position. Lumapit si Dylan at tinapik si Zander. Napaatras siya nang bigla nalang itong bumagsak mula sa pagkakaupo sa silya.

"Zander,"

Hindi ito sumagot. Wala na itong malay. Napamura si Dylan. Akmang lalabas siya sa kwarto upang tumawag ng doctor nang mapansin niya ang linya sa monitor na konektado kay Laura. Nagsimula itong mag ingay. Ano ang nangyayari?

Tumakbo si Dylan sa hallway at tinawag ang mga doctor. Humahangos na pumunta ang isang doctor at ilang nurse sa kwarto. Agad nilang dinaluhan si Zander. Ang iba ay inasikaso si Laura. Nakatitig si Dylan at hindi alam kung ano ang gagawin. Tila konektado ang buhay ng dalawa. Si Zander at si Laura. Hindi. Matatapos na ang problema. Hindi sila maaa ring sumuko ngayon.

Dinala sa emergency room si Zander. The beating and blinking on Laura's monitor continued. The green wave on was slowly wavering. Naihilamos ni Dylan ang palad sa kanyang mukha.

"Pasensya na, Sir pero kailangan niyong lumabas."

Walang nagawa si Dylan kundi iwan si Laura. Nagpalakad lakad siya sa hallway. Naghihintay. Isang bantay ang lumapit sa kanya.

"Sir, may bisita po tayo galing sa Van Zanth."

Tinitigan ni Dylan ang tinutukoy ng bantay. Mula sa pintuan sa dulo ng hallway nakatayo si Miss Loraine at Sebastian.

"Papapasukin ko po ba sila?"

"Yes. Let them in."

Yumuko ang bantay at umalis. Lumapit ito sa dalawang nakatayo sa tapat ng pintuan. Nag usap sila. Maya maya pa naglalakad na si Miss Loraine at Sebastian papunta kay Dylan. Napansin ni Dylan ang nag aalalang mukha ng kapatid ni Zander. Mapupula ang mga mata nito at tila wala pa itong pahinga tulad nila.

Bahagya itong yumuko nang magharap sila. Yumuko din si Dylan bilang pagbati.

"I'm Loraine Van Zanth, Zander's sister. Gusto ko lang malaman kung nandito siya." Her voice cracked. "We've been searching for several days."

"Nandito nga siya," sinabi ni Dylan.

"Nasaan siya?" Tanong ni Sebastian.

Bago pa makasagot, nag salita si Miss Loraine. "He's been deeply injured. Natamaan siya ng bala sa gitna ng laban bago pa dumating si Laura. Tumakas si Zander sa hospital bago pa siya magamot."

Natigilan si Dylan. May tama si Zander? Pero nagawa niyang maghintay ng halos tatlong araw sa ilalim ng ulan. Kung ganoon, sa buong panahon na 'yon may malubha siya na pinsala.

"Nasaan ang kapatid ko?"

"Nasa emergency room siya sa mga oras na ito matapos mawalan ng malay kanina."

Pain flooded Miss Laura. "How about Laura? How is she?"

"Pareho silang nasa kritikal na kondisyon."

Halos bumagsak si Miss Loraine dahil sa panghihina.

"This can't... this can't be..."

Sinamahan ni Dylan si Miss Loraine kay Zander. Sinabi ng isa sa mga doctor na kailangan siyang operahan dahil sa balang nasa kanyang katawan. Madami ang dugong nawala sa kanya at nanghihina nang husto ang kanyang katawan.

Napaupo si Miss Loraine sa isa sa mga silyang nasa hallway.

"I told him not to go. Kailangan niyang magpagaling muna, magpalakas. But he kept saying that Laura needed him."

"She did," said Dylan. "Kung wala siya dito noong mga oras na yon, kung hindi siya nagpumilit pumasok, maaaring napahamak na si Laura. Ngunit noong mga oras na yon walang nakaka alam na may matindi siyang sugat."

"Makakaapekto ang kalagayan ng bawat isa sa kanilang kondisyon," sinabi ni Miss Loraine. "The pain they are feeling right now is doubled because they share each other's pain."

"Ano ang maaari nating gawin?" asked Dylan.

"Let's hope both of them will survive this," sinabi ni Sebastian na kanina pa tahimik. "Dahil maaaring bumitaw ang isa sa kanila upang makaligtas ang isa pa."

Dylan turned to Miss Loraine to confirm Sebastian's statement. Ngunit walang nagawa si Miss Loraine kundi ang tumango. Ito ang epekto ng bond. Maaari nilang mailigtas ang isa't isa dahil dito. Ngunit sa oras na pareho silang nasa bingit ng kamatayan, maaari din pareho nila itong ikawasak.

Naghintay si Miss Loraine, Dylan, at Sebastian. Wala paring doctor na lumalabas sa alin man sa mga pintuan upang kompirmahin ang kalagayan ni Zander at Laura. Lumipas ang oras isang doctor ang lumapit sa kanila.

"Ang buong akala namin ay unti unti ng umaayos ang kanyang kalagayan. Ngunit tila bumalik ang kritikal na kondisyon niya at ng bata," sinabi nito na tinutukoy si Laura. "Wala tayong magagawa kundi ang maghintay."

Nanghina si Miss Loraine dahil sa narinig. "How about Zander?"

Bumaling ang doctor kay Miss Loraine. Naikuyom ni Sebastian ang kamao nang makita ang expresyon sa mukha ng doctor. Pagkabahala.

"Ang alpha, mas matindi ang kanyang lagay. Naalis na namin ang bala. Ngunit ang mga sugat na ilang araw ng hindi naagapan ay unti unti sinisira ang kanyang katawan."

And Laura also feels it. Once Zander recognize the pain, Laura has the tendency to suffer, too. That is the power and downside of having a bond. At this moment, both of them are fighting to live. But if both pain is too much to bare, who would hold on and who would let go?

Muli ay naghintay sila. Nag paalam si Miss Loraine at Sebastian na may kailangan pag usapan. Lumabas sila ng hospital. Pinagtinginan sila ng mga tao. Ngunit hindi tulad ng dati ay hindi sila hinarang o pinaalis. Pumunta sa labas si Miss Loraine upang pansamantalang pakalmahin ang kanyang isip. Umupo si Miss Lorane sa isa sa mga bench sa hardin ng ospital. Nakatanaw siya sa kakahuyan di kalayuan sa ospital.

"Kahapon ay may natanggap kaming sulat," sinabi ni Sebastian. "Sa tingin ko kailangan niyo din itong malaman."

Lumingon si Miss Loraine kay Sebastian. "What is it?"

"Galing ito sa council. Gusto nilang malaman kung bakit umalis si Zander sa Fabrice ng walang paalam. Hindi pa tuluyang natatapos ang kanilang usapan pagdating sa teritoryo ng Van Zanth."

Natahimik si Miss Loraine.

"Kapag nalaman ng council ang sitwasyon, mas lalo nilang gigipitin ang Van Zanth."

Binalik ni Miss Loraine ang tingin kakahuyan. "Laura's child could save Van Zanth. But not until Laura and Zander survived."

"They will," sinabi ni Sebastian. "Nasaksihan ako ang kanilang pinagdaanan. Isa lamang itong maliit na pagsubok para sa kanila dalawa. Kailangan nilang sabay na lumaban."

Pero maging si Sebastian ay nababahala sa takbo ng sitwasyon. Saksi siya sa pinagdaanan ng dalawa. At alam niya ang kayanilang gawin upang masiguro na magiging ligtas ang isa't isa. Laura can't take as much pain as Zander can. She's a human. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi pabor ang nakararami sa kanila noon. It will be too much pain for her.

Isang ingay ang pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Narinig nilang nagtatakbuhan ilang nurse sa loob ng hospital.

"Ano'ng nangyayari?"

Bumalik si Miss Loraine at Sebastian sa loob. Nadatnan nila nagmamadali ang ilang nurse na papunta sa kwarto ni Zander.

"The patient isn't responding," narinig nilang sinabi ng isa sa mga doctor.

Nagmadali si Miss Loraine upang puntahan si Zander. Ngunit natigilan siya nang madaanan ang kwarto ni Laura.

"She's responding," said the nurse. "The patient will wake up any moment now."

Natigilan si Miss Loraine sa kanyang nasasaksihan. Nangilabot siya nang isang bagay ang pumasok sa kanyang isip. Maaari kayang... si Zander... Bumibitaw ba siya para kay Laura?

Nanatiling nakatayo si Miss Loraine sa gitna ng hallway. Habang nagkakagulo ang mga tao sa kanyang paligid isa lamang ang kanyang nasa isip. She was in the middle of the hallway, in front of Laura's room and a few feet from Zander's. At mula sa kanyang kinatatayuan ay malinaw niyang naririnig ang lahat.

Habang unti unting bumibitaw ang kanyang kapatid ay unti unting nabibigyan ng buhay si Laura. Dahil kung parehong kamatayan ang kinakaharap ng dalawa, ang pag bitaw ng isa ay buhay para sa isa.

"He's not responding."
"Her heartbeat is stable."
"His breathing stopped."
"She's awake."

Lumingon si Miss Loraine sa kwarto kung nasaan si Laura. Mula sa salaming binta na nakita niya ang mukha ni Laura. Unti unting bumukas ang kanyang mga mata. Narinig sa hallway ang isa pang ingay.

"We're losing the patient on ER."

***

Author's Note:

I divided the last chapter of #LWAHB into two. So, this is not officially the last chapter yet. We still have Chapter 39. You can now breathe haha. Thank you for reading #LWAHB.

Share your thoughts below! Or tweet me @breatheapril I stalk the hashtag #LWAHB.

Until the last chapter! (I'm serious this time lol)
april_avery

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top