Chapter 36: Bloodbath
Chapter 36: Bloodbath
Nakahiga ako sa malambot na kama. Doon ko napagtanto na sandali akong nawalan ng malay. Muli kong naramdaman ang sakit na bumabalot sa aking katawan.
"Kumalma kayo, Miss Laura."
Narinig ko ang boses ng tagapagsilbi. Pinilit kong bumangon ngunit marahan niya akong itinulak upang ihigang muli.
"My... my baby."
"Maayos pa ang bata. Kaya nakikiusap ako, kumalma kayo at magpahinga."
All I can see was blurred image of the lady servant. Tila hinihila ako ng aking katawan upang humiga at pumikit.
"Kailangan kong makausap si Lolo..."
"Miss Laura, sa ngayon mas kailangan niyong magpahinga. Makakasama sa bata kapag nagpatuloy ito."
Nanghina akong bumagsak sa kama. Mahigpit kong hinawakan ang bed sheet. Dahil wala akong magawa.
"Miss Laura, magpahinga ka na."
Muli ay naramdaman ko ang sakit at pagod na nagpamanhid sa aking katawan. A chaos was brewing but silence became my lullaby.
Gusto kong magising. Pinilit kong paglabanan ang sakit at pagod. Ngunit unti unting pumikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagdampi ng kumot sa aking balat.
"Mas makabubuti kung hindi mo masasaksihan ang lahat."
--
Isang ingay ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. I was disoriented for a moment. Pilit nag adjust ang aking paningin sa madilim na paligid.
Umalis ako sa kama. Muli kong naramdaman ang sakit sa aking sikmura. Tahimik ang loob ng kwarto. Subalit alam kong may mali. Muli kong narinig ang ingay na gumising sa akin. A sharp nerve wracking sound. Nanlamig ako.
Baril. Tunog ng pagputok ng baril.
Pumunta ako sa bintana. Hinawi ko ang makapal na kurtina na tumatakip dito. Halos manlaki ang aking mga mata sa nakita. Fire torches lit up the dark surrounding. Mula sa bungad ng kakahuyan hangang sa palibot ng mansion. May mga taong nagsisigawan. May parte ng kakahuyan na tinutupok ng apoy.
Napaatras ako sa nasasaksihan. Lalo na noong maaninag ko ang familiar na mga tindig at mabilis na pag galaw. Hybrids. They are here.
Pumunta ako sa pintuan ng aking kwarto. Sinubukan ko itong buksan. Nananatili itong nakakandado. Hindi. Kailangan kong makalabas.
Sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig. I could hear the faint sound of hurried footsteps below. No. I tried to unlocked the door for the nth time. Tell me what is happening!
Bumalik ako sa bintana upang makita ang mga nangyayari sa ibaba. Masyadong madilim ang paligid upang mamukhaan ang mga tao. Pero alam, ramdam ko, nandito siya.
Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Lumingon ako at nakita si Dylan.
I gasped. "Dylan."
"Let's go."
Hinila niya ako palabas ng kwarto.
"What's happening?"
"Kailangan mong makalabas habang nagkakagulo pa ang lahat."
Tuluyan kaming nakalabas ng kwarto. Pag tapak kong muli sa hallway doon ko narinig ang gulo at sigawan sa ibaba. Halos lahat ng mga tauhan ni Lolo ay nasa labas ng mansion.
"Saan tayo pupunta?"
Nagmadali kaming bumaba sa hagdan.
"Hindi ka magiging ligtas sa lugar na ito."
"Pero si Zander... kailangan ko siyang makita."
Biglang humarap sa akin si Dylan. Mula sa liwanag ng hallway doon ko napansin ang kanyang estado. Duguan ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
"Dylan..."
Ilang putok ng baril ang muli naming narinig.
"In there is a warzone, Laura." Turo niya sa labas. "You either find a safe place or be stuck in the middle of a bloodbath."
Tinitigan ko siya. Bawat salitang binitawan niya ay parang patalim na tumarak sa aking dibdib.
"Pero ang mga orders... si Zander..."
Humugot ng malalim na hininga si Dylan saka pinakawalan. Tila maging siya ay natataranta na sa aming sitwasyon.
"Laura, kailangan mong tangapin na matapos ng gabing ito may mga hindi na makakabalik pa."
Pilit kong hinila ang aking kamay mula sa kanya. Umiling ako.
"Madami ang napuruhan sa panig ng mga Van Zanth ganoon din sa pamilya natin. And I won't let you be one of the casualties."
"Pupuntahan ako ni Zander... Kapag hindi niya ako nakita..."
"The alpha is out there fighting for his life and you should, too!"
I became rigid. "What?"
Dylan cursed under his breathe. Tila gusto niyang bawiin ang mga salitang nabitawan.
"Si Zander... okay lang siya hindi ba?"
"Laura..."
Bigla kaming nakarinig ng mga nagtatakbuhan. Kasabay nito ang isang sigaw.
"Bumagsak na ang alpha!"
Tila napantig ang aking tenga. Tumigil ang pagtibok ng aking puso.
"Laura, sugatan na ang karamihan sa kanila bago pa sila tumapak dito."
Patuloy sa pagsasalita si Dylan. Ngunit wala na akong iba pang naririnig maliban sa pintig ng aking dibdib. Isang ingay na unti unting tinatakpan ang lahat ng ingay.
"Let me go."
Hindi ko nakilala ang aking boses sa mga salitang aking binitawan.
"Dylan, bitawan mo ako."
I was stunned. Nakatitig ako sa kawalan. Speaking, breathing hard.
"Laura,"
Namalayan ko na lamang na tumulo na ang aking mga luha.
"Please, Dylan bitawan mo ako."
Tinitigan ako ng aking pinsan. Namutawi ang kaguluhan sa kanyang isip. Ngunit pareho kaming hindi nakagalaw nang makarinig ng mga yapak na papalapit sa aming direction. Mula sa dulo ng hallway tatlong tagapagbantay ang nakakita sa amin.
"Shit," sambit ni Dylan.
Maging ang mga tagapagbantay ay nabigla. Agad silang lumapit sa amin.
"Hindi niyo maaaring ilabas si Miss Laura."
Hinila ako ni Dylan papunta sa kanyang likuran.
"This is an emergency situation and I have the power as the second in position."
"Pero kailangan naming sundin ang utos ng inyong Lolo," sagot ng mas nakakatanda sa mga tagapagbantay.
Mahigpit ang hawak ni Dylan sa aking kamay. Hindi niya gustong harapin ang sarili niyang mga tauhan. Ngunit kailangan niyang gumawa ng decision.
"Then, you have to face me."
Natigilan ang mga tagapagbantay.
"Dylan..." sambit ko.
Pinisil ni Dylan ang kamay ko. Bahagya siyang naglean sa akin.
"Kapag binitawan kita, tumakbo ka," tahimik na sinabi niya.
"Pero..."
Nakaharang ang mga tagabantay sa daraanan namin. Humakbang si Dylan palapit. Unti unti kong naramdaman ang pagkalas ng kanyang mga kamay.
"Dylan..."
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tuluyang bumitaw ang kanyang kamay.
"Run."
Hindi ako nakagalaw. Sinuntok ni Dylan ang isa sa mga tagapag bantay dahilan upang matumba ito at gumawa ng puwang sa harang.
"Laura, run!"
Nagdalawang isip akong iwan si Dylan. Lalo na noong makita ang pagsugod ng dalawa pang mga tagapagbantay.
"Run!"
Tinitigan ko si Dylan. I was confused, scared. Hangang sa tuluyan akong umiwas ng tingin at tumakbo. Isa sa mga tagapagbantay ang sinubukan ang pigilan ngunit agad na hinugot ni Dylan ang baril na nakasabit sa bewang nito at pinaputukan ang binti nito.
Tumakbo ako palayo, nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. Bago tuluyang nakalayo, binalikan ko ng tingin si Dylan. Sa gitna ng gulo nakita ko siyang nakatingin sa akin at ngumiti.
"Leave this place."
Pinahid ko ang aking luha at tumango. Because in a span of few meetings, I know I have a family that truly cares for my well being and happiness. And I just hope that Dylan would be fine after this. Because I know he would be a great leader of this clan someday.
"Thank you."
--
Puno ng ingay at kaguluhan ang paligid. Hindi ko alam kung saan pupunta. Madilim ang loob ng mansion. Napatid ang kuryente dahil sa sunog at kaguluhan sa labas. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang nagngangalit na apoy sa kakahuyan.
Wala ng tao sa loob ng mansion. Ang karamihan sa mga tagasilbi ay nagmamadali nang makaalis sa lugar. Wala akong balita kay Lolo. Wala akong balita kay Zander.
Habang naglalakad muli akong nakaramdaman ng matinding sakit sa aking tyan. Sandali akong huminto sa hallway.
"Please, calm down. Makikita na natin ang Dad mo."
Pinilit kong muling maglakad. Hindi ako naniniwala sa narinig ko kanina. Alam kong buhay pa si Zander. Nakarating ako sa ibabang palapag. Ilang hakbang nalang ako mula sa nangyayaring gulo sa labas. Muli kong narinig ang salitang yon. Alpha.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sinundan ko agad ang ingay. Zander. Tuluyan akong nakalabas. The smoke and the breeze greeted my pale skin. Flecks of ember circulate in the night air. Tila nagsasayaw na liwanag sa gitna ng madilim langit.
I stood at the dark side of the mansion. Tila hindi marehistro sa aking isip ang nakikita. The fire. Ang mga sugatang tao. Ang sigawan at mga nagtatagbuhan mga yapak.
Sa gitna ng dilim pilit akong umaninag ng familiar na mga mukha. But they were all veiled by the darkness and the chaos. Humakbang ako palapit until I was nearly exposed. The hem of my white dress danced in the breeze. Someone saw me, but they were too busy fighting to stay alive.
Isang familiar na tindig ang aking nakita. Nakatalikod siya mula sa akin, pilit tumatayo mula sa pagkakabagsak sa lupa. Noong mga oras na yon alam ko... mula sa mga balikat na naging sandalan ko, sa mga braso niyang pinaramdam sa akin ang higpit ng kanyang yakap. Kahit iba ang anyo nita, kahit wala na siyang iba pang nakikilala, alam kong siya ang nasa aking harapan.
Zander.
Pinaliligiran siya ng tauhan ng aking Lolo. Pinagtutulungan na tila isang halimaw. Hinihingal siya. Dumudugo ang bahagi ng kanyang ulo. Sugatan siya at pagod na pagod na. But he remain fighting, kahit wala ng natatamaan ang bawat pag unday ng kanyang matutulis na mga kuko, kahit halos matumba na siya sa bawat pag galaw.
Muli akong humakbang. Sunod sunod na pumatak ang aking luha. Tila wala ako sa sarili habang pinagmamasdan siya, habang naglalakad sa gitna ng kaguluhan. Tama na. Pakiusap. Zander.
A sharp distinct sound caught my attention. Tumigil ang aking mga paa sa paghakbang. Napalingon ako sa pinagmumulan nito. Ilang hakbang mula sa akin ay ang aking Lolo. Nasa bungad siya ng mansion. He didn't notice my presence. Dahil nakafocus siya sa isang bagay. Sa baril na nasa kanyang kamay. Ang ingay na narinig ko... ay mula sa pagkasa ng kanyang baril.
Sinundan ko ang direction kung saan ito nakatutok. Hangang sa namalayan kong nakatitig ako sa nakatalikod na si Zander.
Tila tumigil ang oras sa aking napagtanto. Lolo, hindi! Unti unti niyang kinakalabit ang gatilyo. And in that exact moment I know... it will end here... in this generation... with Zander and I.
I run. Kasabay ng pagkalabit niya ng gatilyo ay ang aking pagtakbo.
Sorry, sorry if I chose your Dad over us. Sorry if things have to end this way. But my child, you always have to remember. Your Dad came for us. He came here to risk his life for us. It's out turn now.
Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. I found myself facing Zander. Lumingon siya sa akin. Unti unting bumalik si Zander sa normal nitong anyo habang naka titig sa akin.
I felt nothing. Everything was normal, my breathing, no pain. Hangang sa isang mainit na bagay ang aking naramdamam. Napakainit at tila binubutas ang aking katawan. Bumagsak ako sa lupa.
The place was swept by silence. Naramdaman kong bumalot ang mga braso ni Zander sa akin. He stared at me. His face shadowed by the moonlight and the trees. It was comforting, the silence, the trees, and breeze as if they were lulling me to sleep.
"Laura..."
My Zander. Hinawakan ko ang kanyang mukha. I smiled. Will I still see you waiting for me down the aisles? I want to see that day...
The searing pain keep digging right into me. I could feel it sipping through every limp of my body. Zander tried to lift me up. His arms were covered with my blood.
"Laura, tumingin ka sa akin. Laura, wag na wag mong ipipikit ang iyong mga mata."
All I can see is Zander. Muli ko siyang hinawakan pero nauupos ang lakas ng aking mga kamay. Nakatungo siya. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata at bumagsak sa aking mukha.
"Zander..."
"Laura, pakiusap. Dadalhin kita sa ospital. Pakiusap. Uuwi na tayo sa Van Zanth."
Van Zanth... I remembered the I place I once called home, the mansion and the downtown. I always thought I could go back.
"Hwag mong gawin sa akin ito. Hwag niyong gawin sa akin ito! Umuwi na tayo. Pakiusap, umuwi na tayo."
I smiled as I slowly let go of my last breath. Unti unting pumikit ang aking mga mata.
In your arms... Zander... home... will always be in your arms. I'm home.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top