Chapter 3: Flicker
Chapter 3: The Flicker
Nakauwi na ako mula sa downtown pero hindi maalis sa isip ko ang narinig. Nasa second floor ako noong hapong yon at naglilinis sa study room ng mansion.
Alpha.
Paulit ulit itong sumasagi sa isip ko. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito? Sino ang tinutukoy ng babae sa bookshop?
Hindi ko sinabi ang nalaman ko kay Aunt Helga. Pakiramdam ko siya mismo may tinatago sa akin. Hindi ko gustong maghinala pero hindi ko maiwasan. Habang tumatagal mas nararamdaman ko na may kakaiba sa mansion kung saan ako nakatira.
Noong gabing yon ay sinubukan kong isa-isahin ang mga kakaibang bagay na napapansin ko sa bayan at sa mansion. At maliban sa sinabi ng babae mula sa bookshop ay may isa pang tanong sa isip ko.
Ang Vindershack.
Ang tindahan kung saan ako inutusan ni Aunt Helga. Isa itong tindahan ng mga traditional medicines. Karamihan sa tinitinda nila ay mga halamang gamot. Noong binigay ko ang papel sa matandang lalakeng nandoon tulad ng utos ni Aunt Helga ay inabot niya ang agad ang brown paper bag na tila ba inaasahan na ako. Isang bote ang laman nito. Isang uri ng gamot na pampakalma.
Halos hindi ako nakatulog noong gabing yon. Sari saring tanong ang naglalaro sa isip ko. Isang imahe ang huli kong naalala bago pumikit ang aking mga mata. Ang mukha ng lalakeng nasa picture frame sa hallway.
Sino ba talaga siya?
Alas dose ng gabi nang maalimpungatan ako. Isang kakaibang ingay ang narinig ko. Para bang may bumagsak na mga gamit sa sahig. Malakas at puno ng pwersa.
Tuluyang nawala ang aking antok. Lalo na nang mapagtanto ko na nagmumula ang ingay sa third floor.
Bigla akong napaupo sa kama. Anong nangyayari?
Muling kong narinig ang ingay. Para bang may gustong sirain ang mga gamit na nandoon. Nagsimulang dumagondong ang kisame dahil sa pagbagsak ng mga gamit sa third floor.
Ano bang nangyayari? Bakit mukhang may nagwawala sa loob ng mansion?
Mabilis akong umalis sa kama at dumerecho sa pintuan. Gusto kong gisingin si Aunt Helga. Subalit nabigla ako nang pagbukas ko ng pinto isang maliit na liwanag ang nakita ko sa hallway.
Naaninag ko si Aunt Helga na may dalang lampara habang naglalakad. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan papunta sa third floor. Nakatalikod siya mula sa akin ngunit narinig ko ang isang familiar na salita mula sa kanyang labi.
Alpha.
Pag gising ko kinabukasan, alam kong kailangan ko ng magtanong. Alam kong may hindi tama sa lugar kung saan ako nakatira at kailangan kong malaman ito. Habang kumakain ng breakfast kasama si Aunt Helga ay napag decision kong magtanong tungkol sa ingay kagabi.
"Hindi maayos ang pagkakasalansan ko ng mga gamit kaya nahulog sila sa sahig." sagot niya.
Nagpatuloy siya sa pagkain. Pakiramdam ko inasahan niya na itatanong ko yon. Her answer almost came out as automatic.
Nawala ang plano ko na magtanong pa. Pakiramdam ko wala din siyang balak sagutin ang mga ito. Gusto kong isipin na totoo ang sinabi ni Aunt Helga. Mas mabuti na yon kesa ang tangapin na napa-paranoid na ako tungkol sa lugar na ito.
Lumipas ang mga araw at nanatiling tahimik ang pananatili ko sa mansion. Kung may nakikita man ako ay hindi ko na ito pinagtutuunan ng pansin. Isa lamang ang gusto kong mangyari. Ang maging tahimik ang pananatili ko dito sa mansion. Hindi ko kailangan ng gulo.
Nagkaroon ako ng routine sa araw araw. Sa umaga ay gigising at kasamang mag aalmusal si Aunt Helga. Matapos ang almusal ay pupunta na kami sa kanya kanya namin mga trabaho. Siya sa third floor at ako sa ibaba.
Minsan kapag wala ng masyadong ginagawa sa loob ng mansion ay pinapagayan niya akong maglinis sa labas. Hwag lamang gagalawin ang mga rose bushes na nandoon.
Tuwing hapon ay madalas wala ng ginagawa sa mansion. Kaya malaya akong magbasa sa study room o sa balkonahe. The routine was almost reassuring and comforting. Kung hindi ko papansinin ang mga kakaiba sa bayan o mansion magiging normal ang lahat.
Isang lingo bago ang pasukan ay bumisita ako sa community college ng Van Zanth kung saan ako mag aaral. Minabuti kong bumisita at libutin ang lugar para hindi ako maligaw sa unang araw. Pinahiram ni Aunt Helga ang isang lumang sasakyan sa garahe.
Halos walang tao sa paaralan pagpasok ko. Tahimik ang campus at tanging guard at tagapaglinis ang makikita. Hangang pangalawang palapag lamang ang building at mukhang luma ngunit malinis.
Maaliwalas ang paligid dahil nakabukas ang ilang salamin na bintana ng ilang classrooms. Madaming mga puno at maluwang ang quadrangle na nakapalibot sa campus. Sa kaliwang parte ng campus at sa bandang likuran nito ay makikita ang kakahuyan.
Kinuha ko ang schedule ko sa guidance office sa loob ng building. Nang makita ng babaeng nag assist sa akin ang address kung saan ako nakatira, pinagmasdan niya ako ng ilang segundo. At doon ko napansin ang isang kakaibang bagay sa kanyang mga mata.
A flicker.
Tila mabilis na nagbago ang kulay nito. Umiwas ako ng tingin at tahimik na kinalma ang sarili ko.
Stop imagining things, Laura.
Nang makuha ko ang schedule ay nagsimula akong maglakad lakad sa loob ng building, taking down notes kung saan makikita ang mga naka-assign na rooms sa bawat subject.
Nang matapos ay sa campus naman ako naglibot. Napakaluwang ng campus at bakante ang malaking bahagi nito. It's like a given space on the campus where you can run freely.
Naglalakad ako sa likurang bahagi ng campus nang ilang lalake ang nakita kong lumabas mula sa kakahuyan sa dulo ng campus. Natigilan ako at hindi sinasadyang pinagmasdan sila. Anong ginagawa nila sa kakahuyan?
Nag uusap sila at mukhang nagtatawanan habang naglalakad. Ang iba sa kanila ay hinihingal na tila katatapos tumakbo ng malayo.
Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Subalit nabigla ako nang isa sa kanila ang nakapansin sa akin. Bumulong ito sa kasama niya. Saka sila tumingin sa akin. Pakiramdam ko nag uusap sila kahit hindi ko sila nakikitang nagsasalita. May sinabi ang isa pero tila tumangi ang isa pa, umiling.
Agad akong nagpatuloy sa paglalakad. Noong nakalayo na ako, nagulat ako nang may humawak sa aking balikat. Halos mapasigaw ako.
"Miss."
Humarap ako sa kanila at napaatras ng isang hakbang. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila saka ako muling lumingon sa bungad ng kakahuyan kung saan ko sila nakita kanina. Paano sila nakalapit ng ganoon kabilis?
"Bago ka lang? Mukhang hindi ka taga rito."
"Bago lang ako sa bayan." nagawa kong isagot. Pilit kong tinago ang pangamba sa boses ko. "Nakatira ako sa mansion-"
I sudden movement cut me off. Isa sa kanila ang lumapit sa akin at tuluyan akong nabanga sa pader na nasa likuran ko. He placed one of his hands against the wall behind me. A playful glint flashed his eyes.
"Kaya pala hindi familiar ang amoy mo." sinabi nito. "Bagong salta."
Nabigla ako nang mas lumapit ito. Tila inaamoy niya ang aking leeg. Ano ang nangyayari?
Halos sumayad ang tungki ng kanyang ilong sa aking balat. Kinilabutan ako dahil dito. Napansin ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. There is was. The flicker.
Maya maya pa biglang huminto ang lalake, nagtiim bagang ito. Hangang sa isang boses ang narinig namin.
"Cut it out."
Napalingon ako sa pinangalingan ng bagong boses. Kalmadong naglakad ang isang lalake papunta sa amin. Nakapamulsa ito at bahagyang nagkakamot ng ulo na tila nastorbo sa kanyang pagtulog.
Agad na tumigil ang lalakeng nasa harapan ko at umatras palayo. Bahagya ding lumayo ang kanyang mga kasama. Naghikab ang lalakeng kadarating. Mukhang ka-edad lamang namin siya. Pero tila hindi siya matingnan ng derecho sa mata ng grupong nasa harapan ko.
"Ano nanaman ito?" tila reklamo niya.
Bumaling siya sa grupo. Napailing ang isa sa kanila at tiningnan ng masama ang kanyang kasama, sinisisi sa gulong ginawa nito.
"Wala ito, Sebastian." sagot ng isa. "Naisipan lang naming batiin ang bagong salta sa bayan."
Batiin? Anong klaseng pagbati yon?
Bumaling si Sebastian sa akin, nakataas ang kilay, nagtatanong. Hindi agad ako nakapagsalita. Maya maya pa pinagmasdan niya ako, tila inaalala kung saan ako nakita.
"Alam niyo ang patakaran." sinabi ni Sebastian habang nakatingin parin sa akin. "Nakailang opensa na ba ang grupo niyo ngayong buwan?" tanong niya sa mga lalakeng nasa harap ko.
"Hindi na mauulit, Sebastian."
Bumaling si Sebastian sa kanila. "Siguraduhin niyo lang. Hindi niyo naman siguro gustong makarating pa ito sa kanya."
Napalunok ang isa sa mga lalake. Humingi sila ng paumanhin sa akin saka nagmadaling umalis nang sabihin ni Sebastian. Nawala na sila sa paningin ko pero nanatili paring nakatingin sa akin si Sebastian, nakakunot ang noo, nagtataka.
Nagpasalamat ako sa kanya.
"Ikaw ang bagong salta sa Van Zanth?"
Napakurap ako. "Ah, ako nga." sagot ko.
"Nakatira sa mansion ng mga Van Zanth, tama ba?"
Natigilan ako.
"Maliit lamang ang bayang ito. Mabilis kumalat ang balita." sagot niya nang makita ang nabigla kong mukha.
"Ilang araw ka na sa bayan?" tanong niya.
"Tatlong lingo."
"Matagal na." sinabi ni Sebastian na tumango tango. Saka siya tila may naalala. "Kamusta na siya?"
Tinitigan ko siya. "Sino?"
Pinagmasdan niya ako. Ngumiti siya at umiling. "Wala." Nag stretch siya ng braso. "Sige, mauna na ako." paalam niya.
Nagsimula siyang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang bahagya siyang lumingon sa akin. "Magkikita pa tayo sa pasukan."
I stare at his retreating figure, nakapamulsa siya at muling nag hikab habang naglalakad. Pero maliban doon isang bagay ang napansin ko bago siya tuluyang tumalikod. His eyes. The flicker.
Bakit ko nakikita yon sa kanila?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top