Chapter 2: The Alpha

Chapter 2: The Alpha

Bumaba ako sa oras ng tanghalian na sinabi ni Aunt Helga. Madaming tanong ang nakahanda sa isip ko nang magkaharap kami sa hapag kainan. Tulad ng bakit siya lamang ang tao sa mansion? Wala ba siyang katulong sa mga gawain? Nasaan ang amo niya?

Tahimik lamang si Aunt Helga habang kumakain kami. Kaya siguro mukhang abandunado ang mansion dahil siya lamang ang nag aasikaso dito.

"Aunt Helga, kayo lang ba ang nag aasikaso ng mansion?"

Napa-paused siya sa pagkain. "Ako lang," maikling sagot niya.

I'm expecting she would explain further pero nagpatuloy siya sa pagkain. Bigla akong nag-hesitate sa pagtatanong.

"Nasaan po ang nagmamay ari ng mansion?" muling tanong ko.

Napansin ko na muli siyang napa-paused. "Patay na ang mag asawa. Tanging ang anak nila ang natira."

Anak? Kung ganoon siya ang Pinuno?

"Tulad ng sinabi ko hindi gusto ng Amo natin na tumatapak ang kung sino sino sa mansion niya."

"Alam niya po ba na darating ako ngayong araw?" Hindi niya ba ako titingnan man lang?

"Hindi na kailangan. Wala siyang pakialam sa mga tulad natin. Isa lamang ang tatandaan mo."

Biglang tumitig sa akin si Aunt Helga dahilan para bahagya akong mabigla.

"Hwag na hwag kang tatapak sa third floor."

May kung ano sa huling sinabi niya na dahilan kaya nanlamig ang aking mga palad.

"Maliwanag po."

"Maaari kang maglinis sa una at pangalawang palapag maging sa labas o sa garden. Ako ang nag aasikaso sa third floor."

Tumango ako at nag focus sa pagkain.

"May ilang lingo pa bago ang pasukan hindi ba?"

Muli akong humarap sa kanya. "Opo."

Isa sa napagusapan namin ang pag aaral ko sa community college ng Van Zanth. Because according to Aunt Helga, other than helping her in the mansion, my priority should be my studies dahil yon ang pinangako ko kay Aunt Wilhelmina bago siya namatay. Kapag wala na akong ginagawa na may kinalaman sa pag aaral ay doon lamang ako maaring tumulong.

"Maaari ka ng magsimulang magtrabaho bukas. Maari ka ding pumasyal muna sa bayan kung gustuhin mo. Para maging familiar ka sa lugar at hindi maligaw kapag inutusan kita."

"Magta-trabaho po muna ako dito." sagot ko.

Dahil hindi ko din alam kung handa ba akong harapin ang mga tao dito.

Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

--

Noong gabing yon hinayaan kong balutin ako ng katahimikan ng lugar. Tanging ang ingay ng mga puno sa labas na nilalaro ng hangin at ang pag-creak ng bintana ang maririnig sa buong mansion. Napakatahimik.

Nanatili akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto.

Madaming tanong sa isip ko but seems like I can't form them into whole sentences. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Aunt Helga seems guarded. Nakatira ako sa tahanan ng Pinuno ng bayan pero tila abandunado ito. Hindi pangkaraniwan ang katahimikan ng mga tao sa bayan.

Siguro nga napa-paranoid lang ako. Nasanay ako sa Charlotte. Maingay, malaking bayan, madaming tao. Siguro nga naho-home sick lang ako. Kailangan ko lang masanay. Unang araw ko palang. Things will be better.

--

Kinabukasan nagsimula na ang aking trabaho sa mansion. Habang bakasyon pa ay kailangan kong sulitin ang bawat araw para makatulong kay Aunt Helga.

Inaamin ko naninibago ako. Sa Charlotte tinuring akong sariling anak ni Aunt Wilhelmina. Tumutulong ako sa mga gawain pero hindi niya ako pinipilit. It was a normal life- almost a normal family.

Pero kailangan kong tangapin ang pagbabago sa buhay ko noong namatay siya. It could be worse. I could have sleep on the streets and stop schooling. Kaya dapat parin akong magpasalamat na pinatuloy ako ni Aunt Helga sa mansion.

Matapos ang agahan ay sinimulan ko na ang paglilinis sa loob ng mansion. Inuna ko ang pangalawang palapag. Karamihan sa mga pinto ay naka-lock. Isa sa mga bilin ni Aunt Helga na hwag susubukang pumasok sa mga naka-lock na pinto.

Madami pa siyang naging bilin sa akin. Isa na dito ay ang hwag hahawiin ang mga kurtina sa bintana. Hindi ko mapigilang magtaka. Karamihan sa mga bahay ay gusto ang maliwanag na interior. Pero iniiwasan ito dito.

Sa totoo lang hindi ganoon kahirap maglinis sa loob ng mansion. Halos nakasara ang lahat ng kwarto. Hindi pinapagalaw ang mga gamit. Ang tanging gagawin ko ay siguraduhin na malinis ang loob ng mansion.

Habang nasa second floor at nagpupunas ng mga gamit ay napansin ko ang isang picture frame na nakasabit sa hallway. Ang puti telang nakatakip dito ay bahagyang nakalislis. Humarap ako ito upang ayusin.

Natigilan ako nang makita ang mukha na nasa picture. Isang lalake. Mukhang magka edad kami o mas matanda siya ng ilang taon sa akin. Nakasuot ito ng formal- a black tuxedo. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi marunong ngumiti. Mababakas sa tindig nito kung paano siya pinalaki. Proud, confident. He made it seems like this whole town was created for his favor. His head held high, his gaze piercing.

Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasan na matigilan kahit isa lamang litrato ang nasa harapan ko. Hangang sa napansin ko ang isang bagay. Bakit ganoon ang kulay ng kanyang mga mata? They seemed to be the color of a precious metal... the color of gold.

--

Iniisip ko parin ang nakita ko sa hallway noong sumunod na araw. Pero noong madaanan ko ang picture frame sa hallway ay wala na ito doon. May bago ng nakalagay. Natigilan ako. Nasaan na ang dating frame? Medyo nangamba ako. Nalaman ba ni Aunt Helga na nakita ko ang picture doon?

Hindi ko alam kung may nilabag ba akong house rule dahil sa aking ginawa. Ang lalakeng yon ba ang anak ng may ari ng mansion na tinutukoy ni Aunt Helga? Inaasahan ko na pagsasabihan ako ni Aunt Helga. Subalit lumipas ang buong maghapon at wala siyang sinabi sa akin. Nagpatuloy lamang siya sa pagluluto at paglilinis sa third floor.

On my third day isang kakaibang bagay ang muli kong napansin. Pumasok ako sa kusina noong tanghaling yon dahil may nakalimutan akong gamit na panlinis. Nagsimula na kasi ako sa paglilinis sa garden sa labas. Natigilan ako nang may mapansin sa sink.

Binilang ko ang mga plato ang basong nandoon. Three sets. Tatlong dining plates, tatlong soup bowls, tatlong baso ng tubig. Maging ang pares ng kutsara at tinidor ay tatlo. Pero bakit? Walang ibang tao sa mansion maliban sa aming dalawa. At lagi kaming sabay kumakain sa kusina. There must be some logical explanation here. Kailangan kong malaman.

Muli akong bumalik sa garden. Ang garden ng mansion ay tila masukal na lote na binabalutan ng mga damo at patay na halaman. It has this ethereal and peaceful atmosphere that reminds me of a cemetery. Sa bukana nito ay may arko na gawa sa manipis na bakal kung saan nakakapit ang tuyong sanga ng halaman. May mga estatwa na binabalutan ng lumot, most of them are in the form of angels, at sirang fountain sa gitna.

Lumapit ako sa iniwan kong trabaho. Plano kong putulin ang mga patay na rose bushes. Kaya pumunta ako sa kusina kanina upang kunin ang garden scissors. Magsisimula na sana ako ngunit bigla akong natigilan. Isang kakaibang ingay ang narinig ko. Ingay ng nabasag na baso o salamin.

Napatayo ako at linibot ang tingin sa paligid. Saan ito nangaling? Nagmadali akong bumalik sa loob ng mansion para icheck ang pinagmulan nito nang may mapansin akong pag galaw. Bigla akong napatingin sa isa sa mga bintana sa third floor.

Nakabukas ito at sumasayaw sa hangin ang puti at manipis na kurtina nito. I saw something move.

"Laura, anong ginagawa mo dyan?"

Nabigla ako nang marinig ang boses ni Aunt Helga. Napalingon ako sa pintuan ng kusina. Hindi agad ako nakapagsalita. Kanina lamang ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

"Naisip ko na putulin ang mga patay na rose bushes-"

"Hwag mong gagalawin ang mga rose bushes." mariin niyang sinabi na pinutol ang paliwanag ko.

"Po?"

"Ang mga rose bushes ay pag aari ng pamilya. Hindi mo ito gagalawin."

Humingi ako ng paumanhin. "Pasensya na po. Hindi na po ito mauulit."

Pumasok sa loob ng mansion si Aunt Helga matapos niyang sabihin na sa loob na lamang ako maglinis. Tahimik akong sumunod. Bago tuluyang makapasok ay muli akong lumingon sa bintana sa third floor. Natigilan ako. Nakasara na ito saka natatakpan ng makapal na kurtina.

--

Pang limang araw ko sa bayan ng Van Zanth nang utusan ako ni Aunt Helga na pumunta sa downtown. Gamit ang kanyang lumang sasakyan ay sinimulan kong tahakin ang daan na papunta sa bayan. Ito ang unang beses na tatapak ako sa downtown mula noong dumating ako sa Van Zanth.

Hindi ko alam kung saan ang tinutukoy na tindahan ni Aunt Helga. Ang tanging sinabi niya ay nasa dulo ito ng downtown.
Kung tutuusin ay maganda ang Van Zanth. Tahimik ito at pinaliligiran ng mga kakahuyan at bukid. Maaliwalas ang paligid at mahangin. Malayo sa maingay na lungsod.

Habang nagmamaneho ay may nadaanan akong mga tao sa labas ng kanilang tahanan. Pinagmasdan nila ang sasakyan na aking gamit at bahagyang nagbow na tila bumabati.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho papasok sa downtown. Mas madami na ang sasakyan at hindi na ako napapansin ng mga tao. Nakakapagtaka talaga ang mga kinikilos nila.

Nag drive ako hangang sa dulo ng downtown habang hinahanap ang tindahan na sinabi ni Aunt Helga. Subalit nang lumipas ang kalahating oras ay bumungad sa akin ang isang dead end.

Isang lumang parke ang makikita sa dulo ng downtown. Sira at kinakalawang ang swings at mga palaruan. Basag ang street lamps. Puno ng tuyong dahon at kalat ang lupa. Tulad ito ng abandonment sa mansion ng mga Van Zanth o sa train station. Mysterious. Dark. Eerie.

Bumaba ako sa sasakyan. Nagbabakasali ako na may mapagtanungan. May ilang tindahan na malapit. Baka alam nila ang tindahan na hinahanap ko.

Pumasok ako sa tindahan ng mga lumang libro. Tahimik sa loob, tila walang tao. Pumapasok sa salaming bintana ang liwanag na nagpapakita kung gaano kaalikabok ang lugar. Pakiramdam ko nasa attic ako.

Isang babae ang lumabas mula sa backdoor. Nabigla ako. Ngumiti ito sa akin, tila inaasahan na may taong nagmamasid sa kanyang tindahan.

"Yes?"

"Bago lang kasi ako dito sa bayan." sinabi ko. "Alam mo ba kung nasaan ang Vindershack?"

Pinagmasdan niya ako. Lalo na noong sinabi ko na hindi ako tagarito. I noticed a strange glint in her eyes.

"Sa kabilang kalye yon. Malapit sa pangatlong street lamp mula sa lumang park."

Nagpasalamat ako sa tulong niya.

"Saan ka sa Van Zanth?" tanong niya nang akmang paalis na ako sa shop.

"Sa mansion sa itaas ng burol." sinabi ko. "Pamangkin ako ng tagapangasiwa doon."

"Sa mansion ng mga Van Zanth?" tanong niya na halatang nagulat.

"Yes." sagot ko.

"Kung ganoon pakibati si Alpha para sa akin."

Natigilan ako. Balak ko sanang tanungin kung sino ang tinutukoy niya nang may tumawag sa kanya mula sa likod ng shop. Nag paalam siya na kailangan niyang bumalik sa loob. Naiwan ako sa loob ng shop na nagtataka.

Alpha?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top