Chapter 18: Forbidden
Chapter 18: Forbidden
Tuluyan ng nakaidlip si Sebastian. Nakangiti at napapailing na lamang ang kanyang uncle. Ganyan daw talaga siya kapag umuuwi siya sa bahay. Yon lamang kasi ang tanging oras kung saan malaya siyang makakapag pahinga nang walang iniintiding responsibilidad sa labas.
Nagtingin tingin ako sa shop. Hindi ko siya gustong gisingin. Hintayin ko nalang sigurong makapagpahinga siya. Bumalik sa trabaho ang kanyang uncle. Nagbabalot siya ng mga tuyong dahon sa maliliit na paper bags. Tinitimbang niya din ito sa timbangang gawa sa tanso. It was a kind of herbal tea.
Tahimik sa loob ng shop. But it was a comfortable silence. Natutulog si Sebastian sa sulok, gumagawa ng tea ang kanyang uncle, at ako naman ay nakatayo habang nagbabasa ng libro mula sa bookshelf malapit sa counter. The only noise you would hear is the silent creaks of the metal weighing scale.
Inalis ko ang tingin sa aking binabasa nang mapansin na umalis sa kinauupuan ang uncle ni Sebastian. Tila may hinahanap ito. Umalis ito mula sa likod ng counter at lumapit sa tapat ng isang mataas na shelf. Nakalagay sa itaas ang ilang malalaking kahon.
Kinuha niya ang isang metal ladder sa sulok at umakyat dito. Hawak niya ang isang listahan habang nakatingala sa mga kahon at tila chini-check ang mga ito. Kalaunan bumaba din siya mula sa hagdan. Sinandal niya ito sa shelf. Tiningnan ang mga produktong nasa baba ng shelf at yon naman ang nicheck. I think he was taking inventory.
Bahagya siyang umupo habang binibilang ang mga produkto. Bumalik ako sa aking binabasa. Ngunit natigilan ako nang mapansin ang pag galaw ng hagdan na hindi maayos na nakasandal sa shelf. Bumaba ang tingin ko sa uncle ni Sebastian na nakafocus parin sa ginagawa.
Bago ko pa nabalaan ang matandang lalake tuluyang bumigay ang hagdan mula sa pagkakasandal nito sa shelf. Nabitawan ko ang librong hawak ko. Bago pa tuluyang bumagsak ang metal ladder ay tinulak ko ang matandang lalake palayo. Naramdaman ko ang pagtama ang metal ladder sa likod ko.
Napadaing ako. Tumama ang sulok ng metal ladder sa aking balikat. Kinagat ko ang labi ko dahil sa sakit na naramdaman. The fall created a commotion inside the shop. Bahagya kaming binalutan ng alikabok. Biglang dumilat si Sebastian. Tila ba naramdaman ang nangyari.
"Shit."
Sinubukan kong umalis mula sa ilalim ng mabigat na ladder. Pinuntahan agad ako ni Sebastian na tila ba tuluyang nagising
"What happened?" tila nagpa-panic na tanong niya. Muli siyang nagmura habang tinutulungan ako.
Inalis niya ako mula sa pagkakadagan ng hagdan at tinulungan akong tumayo. Nakita ko ang uncle niya na nakatitig sa akin. Nabigla ito. Dahan dahan siyang tumayo mula sa sahig kung saan ko siya naitulak.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ko.
Hindi ito nakapagsalita.
"Laura, Ikaw ang nasaktan, tapos si pards ang tatanungin mo niyan?" halos asik ni Sebastian.
Lumingon ako kay Sebastian. Nakahawak ako sa kanyang balikat habang hawak niya ang bewang ko, tinutulungan akong tumayo. I manage to smile. "Okay lang naman ako-"
Muli kong narinig na nagmura si Sebastian. "You're not. This is not okay!"
Natigilan ako sa reaction niya. "Sebastian, calm down." sinabi ko sa kanya. "You're over reacting. I'm fine."
Pilit akong umalis mula sa pagkaka alalay niya sa akin para ipakita na okay lang ako. Ngunit nang maramdaman kong muli ang matinding sakit sa aking balikat ay napahawak akong muli sa kanya.
"See?!" he exclaimed. "Hindi na dapat kita dinala dito. Hindi ka sana napahamak-"
"Pasensya na, pards." Pareho kaming napatingin sa uncle ni Sebastian. "Hindi ko napansin. Pasensya na, hija."
Umiling si Sebastian at bumuntong hininga. Bahagya siyang kumalma.
"Hindi, pards. Kasalanan ko ito. Masyado akong naging kampante. Nandito nga pala ako para bantayan siya."
Humarap sa akin si Sebastian. Bahagya siyang nagbow, like a form of respect. "Pasensya na, Laura."
Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam na ganito siya kaseryoso sa sinasabi niyang pagbabantay sa akin.
"S-Sebastian, it's okay. Mawawala din naman ito."
Bumalik sa pagiging attentive ang kanyang uncle.
"Mabuti pa gamutin natin yan. Kahit pasa ay magiging masakit kapag pinabayaan. Kukuha ako ng gamot, sandali lang."
Bumalik sa likod ng counter ang uncle ni Sebastian. May kinuha ito sa mga cabinet na nandoon. Bumaling ako kay Sebastia. Tahimik lamang siyang nakatayo sa tabi ko habang naghihintay tulad ko.
"I'm sorry. I was being careless."
Lumingon siya akin. Sebastian sighed, relief that I was quite okay than what he presumed.
"It's my duty to watch over you. Hindi ko lang gustong nasasaktan ka."
Lumabas mula sa likod ng counter ang uncle ni Sebastian at may inabot. Sinabi ni Sebastian na kailangan na niya akong iuwi. Hindi na ako tumangi pa. Ayokong mas magalit pa siya sa akin. Nagpaalam kami sa uncle niya. Muli itong humingi ng despensa.
"Mas lalo akong mag aalala kapag kayo ang natamaan." sinabi ko.
I manage a smile to assure Sebastian's uncle that it was okay. Bago ako tuluyang nagpaalam at lumabas ng shop. Hinatid ako ni Sebastian hangang bukana ng downtown kung saan nakapark ang sasakyan ko. Tahimik lamang siya. Maging ang mga taong bumati sa kanya tila hindi niya napansin.
Nang makarating kami sa aking sasakyan, humarap ako sa kanya. "Kaya ko ng magmaneho pabalik."
Tiningnan niya lamang ako. "Laura-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang hawakan ko ang magkabilang side ng mukha niya. I held it as if squeezing his face. Natigilan si Sebastian at napatitig sa akin. Bumitaw ako nang makitang kumalma na siya.
"Sebastian, loosen up okay? I'm not going to die." natatawang sinabi ko.
Binuksan ko ang pintuan ng aking sasakyan. "I'm fine. Magkita nalang tayo sa school bukas." sinabi ko.
Wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga. Nanatili siya sa tapat ng sasakyan. Sinigurado niya muna na nakapasok na ako sa loob at pinaandar na ito bago siya bahagyang lumayo.
Hindi parin mawala ang kunot sa kanyang noo. Nagpaalam akong aalis na. Tumango lamang siya.
"Relax, okay?" sinabi ko mula sa bintana.
Napailing lamang siya. "Mag ingat ka na."
Tinaas ko ng tuluyan ang bintana nang makitang tumalikod na siya. Ngunit bago tuluyang matakpan ng engine ng sasakyan ang ingay sa labas, napansin kong napahawak sa batok si Sebastian habang ang isang kamay ay nakapamulsa. Naglalakad na siya palayo ngunit narinig ko ang kanyang sinabi.
"I cared more than I expected."
--
Tahimik akong nagmaneho habang pauwi ng mansion. Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang humigpit ang hawak ang steering wheel. Huminga ako ng malalim at napapikit.
I told Sebastian I'm fine to ease his mind. Subalit noong oras na yon ramdam ko ang sakit na pumipigtig sa aking balikat. Hinawakan ang parte kung saan ako labis natamaaan. Napadaing ako at agad binawi ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Tahimik sa mansion pag uwi ko. Dumerecho ako sa aking kwarto para gamitin ang gamot na binigay sa akin. Isa itong gamot na pinapahid. Naligo muna ako bago at nagpalit ng damit. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin. A purple swollen bruise stained my pale shoulder.
Lumabas ako sa bathroom matapos magbihis. Tila mas lumala ang pamamaga nito. Agad akong pumunta sa mesa kung saan ko nilagay ang gamot. Nang makuha ito, natigilan ako nang mapansin ang putting kurtina sa terrace door na tila hinahangin. Pinuntahan ko ito upang isara. Ngunit natigilan ako nang maramdaman na may nakatitig sa akin.
Lumingon akong muli sa loob ng kwarto ko. Napakurap ako nang makita siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa dibdib habang mariin akong pinagmamasdan. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa ibabang palapag mula noong umalis si Venise.
Zander.
For a moment hindi ako nakalagaw. Ito ang unang pagkakataon nakita ko siyang tumapak sa aking kwarto maliban sa terrace. My confused gaze dropped to the floor avoiding his. Nagpatuloy ako naglakad papunta sa pintuan ng terrace nang hindi lumilingon sa kanya.
Subalit tuluyan akong tumigil nang makalapit siya at hinawakan ang aking braso. Bahagya akong napadaing sa sakit. Malapit yon sa parte ng balikat kung saan ako tinamaan ng ladder.
Napansin ko na natigilan siya sa reaction ko. Wala siyang ano mang sinabi. Pero nagawa niyang muli akong bahagyang hilain upang humarap sa kanya. Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip.
"Let me go." sinabi ko.
Pilit kong hinila palayo ang braso ko. Pero humigpit lamang ang kanyang pagkakahawak sa akin. Ano ba ang kailangan niya? Lumapit siya. Napaatras ako. Ramdam ko ang paglakas ng pintig ng aking puso.
Hindi ko na gusto pang maramdaman ang bagay na ito kapag nasa malapit siya. Umatras ako palayo hangang sa maramdaman ko ang edge ng table sa likod ko. Binitawan ni Zander ang braso ko.
"Courting trouble and hurting yourself." Zander said while staring at me. "I've told you to avoid these things haven't I?"
Hindi ako naka sagot. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba siya ganito? Halos mabitawan ko ang bote ng gamot na hawak ko noong kunin niya ito at ilapag sa mesang nasa likuran ko.
Tumigil ang aking paghinga nang bumalik ang kamay niya sa tapat ng aking damit. Naramdaman kong inaalis niya ang pang itaas na butones ng suot ko. Hindi ako nakagalaw.
"Stay still."
Tila nawalan ako ng lakas. Napakalapit niya at ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg habang nakatungo siya sa ginagawa. Zander's long fingers carefully unbuttoned the second one. I was wearing a white button down shirt. Napahawak ako sa mesang nasa likod ko. My breathing became rushed.
Naamoy ko ang kanyang buhok. Halos nakasandal na ako sa mesa habang nasa harapan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko kapag nasa malapit siya. It almost felt like a time bomb ticking. Bawat galaw niya, bawat paglapit niya, pakiramdam ko nauupos akong kandila.
Nilislis niya ang aking damit hangang sa maexposed ang aking kaliwang balikat. Napapikit ako at huminga ng malalim. I flinched when I felt his fingers stroked my swollen bruise. Dahan dahan niya itong hinawakan. Wala akong nagawa kundi ang kapusin ng hininga.
"Does it hurt?" malumanay na tanong niya.
Hindi ko maintindihan. Why does he care? Bakit siya umaakto na may pakialam matapos halikan at sabihin ang mga salitang yon kay Venise? He hates me. He's cruel. But he cares and he helps me. I don't understand.
Naikuyom ko ang mga palad ko. "Please..."
"I don't want you doing things that can hurt you." Zander said. "Take care of yourself more."
"Please, stop this." I found myself saying. Tuluyan ko siyang tinitigan. "Whatever this game is, please stop."
Zander stared at me.
Huminga ako ng malalim. "You act like you care but you are the one who's hurting me more than anything."
Natigilan siya sa sinabi ko. Muli akong umiwas ng tingin.
"Why are you doing this?" Halos bulong ko habang nakatitig sa bahagya kong nanginginig na mga kamay. "Why are you playing this game? I don't know what to believe anymore."
Muli akong humarap sa kanya. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha. Pilit akong ngumiti para takpan ang sakit na nararamdaman ko. Subalit tuluyan ng bumagsak ang aking luha.
"I'm hurting." I whispered. "So please stop-"
Zander cut me off. He placed his lips against mine. Zander kissed me. Hindi ako nakagalaw.
Tuluyan niyang hinawakan ang gilid ng aking mukha at nilapit sa kanya. Nawala ang namamagitan distansya sa amin. Hangang sa muli akong napapikit nang maramdaman ang pag galaw ng kanyang labi.
The taste of his lips enveloped me. Minty with a hint of something sweet. A feeling so foreign to me. Kinapos ang aking paghinga. Napaatras ako at kumuha ng suporta sa mesang nasa likuran ko. Suminghap ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa beywang ko. Inupo niya ako sa mesa at nanatili siya sa pagitan ng aking hita habang hinahalikan ako.
It was alcohol and fire. Nakakalasing na nakakapaso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. My feelings were contradicting each other. Bumaba ang kanyang mga halik. My breathing became hard and uneven. Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. His penetrating golden eyes stared back at me as he kissed my neck. His lips were blaze slowly setting my body on fire. Napadaing ako sa hindi malamang dahilan.
Narinig ko siyang nagmura. "God, Laura."
Naramdaman ko ang pagigting ng kanyang panga. "Do you even know what you're doing to me?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa edge ng mesa. His voice was low, and for some reason husky and controlled. Nakarating ang labi ni Zander sa aking balikat. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. He was kissing my swollen bruise. I don't know if it was because of the pain or the pleasure pero bigla akong napahawak sa kanyang dibdib.
My fingers clawed the fabrics of his shirt. Hindi ko alam kung patitigilin ko siya o hahayaan siyang magpatuloy.
"We are doing something we'll both regret." Zander breathed. "And God knows I couldn't stay away."
Sa hindi malamang dahilan ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay tila naging mitya lamang ng paglabas ng aming nararamdaman.
I should hate him. I know I should. But his warm lips, his touch on my heated skin, the way my body reacted to him. All this foreign feeling was igniting something forbidden. We are playing fire. And it was something we both can't stop.
Patuloy ang mapupusok niyang halik. I was panting. My breathing uneven. I never wanted anything, never wanted a feeling to fill my body so bad, more than this. More than what Zander can make me feel. There is this attraction between us that's pulling me to him- wanting to be close, craving for his touch. And these foreign feelings scared me.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top