Chapter 16: Hurting
Chapter 16: Hurting
Venise is supposed to stay in the mansion for two days. Sa unang araw niya sa mansion ay lagi silang nag uusap ni Miss Loraine. Mukhang kinukumusta niya ang kalagayan ni Zander.
"Hindi pa ba gising si Zander?" tanong ni Venise bago kami magbreakfast noong umagang yon.
"Tulog pa siya sa mga oras na ito." sinabi ni Miss Loraine. "Hindi siya sumasabay sa pagkain gaya ng dati. Dinadalhan na lamang siya ng pagkain ni Senior Helga sa kanyang kwarto."
Bakas ang pag aalala sa mukha ni Venise.
"Kung ganoon gigisingin ko siya. Ako na din ang maghahatid ng breakfast niya sa itaas."
Natigilan ako dahil sa narinig. I felt a light stab on my chest. Like a silent warning of emotional instability. For a moment I thought Miss Loraine stared at me. Muli siyang bumaling kay Venise.
"Sure." She managed to smile. "But you know Zander is never a morning person, don't you?"
Ngumiti si Venise. "I'm very much aware of that."
Habang kumakain ay napansin ko napapatingin sa akin si Miss Loraine. May ilang bagay siyang sinabi, ordinary inquiries like how I plan to spend my long weekend. Sumagot ako subalit wala sa hapagkainan o sa usapan namin ang aking buong attention.
Habang kumakain, sinabi ni Miss Loraine na baka bumalik agad si Venise sa dining room dahil hindi gusto ni Zander na may gumigising sa kanya. Subalit natapos na kaming kumain ay hindi pa bumabalik si Venise.
"Sa tingin ko pumayag si Zander na kumain kasama niya." said Miss Loraine.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain kahit pa tuluyan na akong nawalan ng gana. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan.
Matapos ang breakfast ay nag paalam ako na aasikasuhin ang garden. Sa labas ko napiling magtrabaho ngayon weekend. Para na din maiwasan kong makaharap ang mga tao sa loob ng mansion.
Subalit hindi ko magawang mag focus sa ginagawa ko. I often find myself stopping. Habang nakaupo sa harap ng tini-trim kong halaman hindi ko mapigilan na pakiramdaman ang aking sarili.
My heartbeat was unsually fast. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Hangang sa pumasok sa isip ko si Venise at Zander. Naalala ko ang pag aalala sa mukha ni Venise tuwing si Zander at pinaguusapan. They must have been really close.
Hindi maipagkakaila na isa siya sa pinakamalapit kay pinuno ng bayan na ito. They know each other better than any people in this town. They know each other's weaknesses and strengths. Alam ni Venise ang gusto at hindi nito gusto. Hindi siya natatakot na harapin ito. Because she knows a side of Zander I want to see even a glimpse of.
Magtatanghali na noong pumasok ako sa loob ng mansion. Subalit napatigil ako sa tapat ng pintuan nang mapansin na may kausap si Venise sa sala. Noong makalapit ako ay halos manghina ako nang makita kung sino ang kasama niya.
Zander was indeed on the first floor. He was never on the first floor in broad daylight. But there he was- talking to Venise. Nakakunot ang kanyang noo habang nakikipagusap. Venise on the other hand was talking with a smile on her face. They seemed to be having a friendly banter.
"Oh hi, Laura."
Napapitlag ako nang marinig ang pangalan ko mula kay Venise. Hindi ako nakapagsalita. I stared at Zander. Both of them stared at me. And in that moment I realized how good they look together. Napaka ganda nilang tingan na magkasama. Both high ranking and influential.
My chest constricted. Hindi ko alam kung napansin ba ito ni Zander. Napasin kong natigilan siya nang huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang masamang pakiramdam ko. Pilit akong ngumiti kay Venise bago nag paalam na kailangan kong pumunta sa kusina.
Nang mawala na sila sa paningin ko, napasandal ako sa pader ng kusina. Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko. Mabilis ang pintig nito. Huminga ako ng malalim. Please, calm down. Tumingala ako at sandaling pumikit para kumalma. Muli kong naalala ang mukha ni Zander na nakatitig sa akin. For a moment he almost looked worried.
--
Kinabukasan ay hindi nagbago ang pakiramdam ko. Habang tinutulungan ko si Aunt Helga na magligpit ng mga pinagkainan noong lunch ay hindi ko sinasadyang nabitawan ang ilang plato sa sahig. Nabigla ako. Ito ang unang beses na nakabasag ako sa mansion.
Hindi ako nakagalaw. I was dumbfounded with my own body's reaction. Lumingon si Miss Loraine na paalis na ng kusina noong mga oras na yon. Nagtataka na pinagmasdan niya ako.
"Are you okay, Laura?"
Hindi ako nakasagot. Nang makabawi ako sa gulat ay humarap ako sa kanya at humingi ng paumanhin.
"I'm sorry."
Umupo ako para linisin ang mga nabasag na parte nag nagkalat sa sahig. Akmang pupulutin ko ang mga ito noong marinig ko ang kanyang boses dahilan upang tumigil ako.
"Leave it be."
Lumingon ako at nakita si Zander sa pintuan ng dining area. Tinitigan niya ako. Nanginginig na ang mga kamay ko noong mga oras na yon. Umiwas ako ng tingin. Lumapit si Aunt Helga at sinabi na siya na ang mag lilinis nito. Wala akong nagawa kundi ang tumayo.
"Please take a rest, Laura." sinabi ni Miss Loraine.
Pagtingin kong muli sa pintuan ay nakaalis na si Zander. Piit kong tinago ang nanginginig kong mga kamay mula kay Miss Loraine. Tumango ako at nag paalam na aakyat sa aking kwarto. Pero bago tuluyang nakaalis ay napansin ko ang kakaibang tingin ni Miss Loraine sa akin.
Pakiramdam ko my alam siya sa nangyayari.
--
Bandang hapon nang muli akong lumabas sa aking kwarto. Bahagya ng maayos ang aking pakiramdam kaya naisip kong bumalik sa ibaba. Habang naglalakad sa sala napansin ko ang pusang si Elvis na nangaling sa second floor.
Lumapit ako sa kanya at binuhat ang pusa. I gently pet his head. The cat purred contentedly.
"Minsan nalang kita nakikita sa ibabang parte ng mansion. Saan ka ba nagpupunta?" tanong ko sa pusa. "Madalas ka ba sa itaas? Pakiramdam ko tuloy mas nagiging malapit ka sa kanya kesa sa akin."
Naglakad ako papunta sa kusina habang buhat ang pusa. Subalit tumigil ako sa paghakbang nang mapansin na may nakatingin sa akin. Humarap ako sa pintuan papunta sa balkonahe. Zander was standing at the door. Nakasandal ang kanang balikat niya sa door frame.
He was staring at me.
Bumaba ang tingin ko sa sahig. Balak ko sanang umiwas subalit nabigla ako nang kumawala si Elvis mula sa pagkakahawak ko. Napaawang ang labi ko at balak sana siyang muling kunin sa sahig. Ngunit tumigil ako nang makitang pumunta siya kay Zander.
The cat rubbed its soft fur against Zander's feet. Bumaling ang tingin niya sa pusa. Bahagya siyang umupo. He lightly scratched the back of the cat's ear. It purred contentedly with his touch.
Hindi ko maiwasan na titigan siya. Zander was never gently. He's calm, he's commanding, but he was never gently. But that certain afternoon, I saw a glimpse of Zander that a lot of people can't see.
Bago pa ako makapagsalita pumasok si Venise sa loob ng mansion. Natigilan siya noong makitang magkaharap kami ni Zander. Bahagyang kumunot ang noo niya. Ngumiti siya bago humarap kay Zander.
"What a cute little cat." sinabi niya.
Tumayo si Zander. Humarap si Venise sa akin. Napansin kong tuluyang nawala ang kanyang ngiti.
"Unfortunately, I'm allergic to stray cats."
--
Hindi ako makatulog. Pinagpapawisan ako habang nakahiga sa aking kama. Pakiramdam ko napakainit ng paligid. Pinagmasdan ko ang orasan na nasa pader. Eleven ng gabi.
Umalis ako sa kama at binuksan ang mga bintana. Hinayaan ko na pumasok ang malamig na hangin sa aking kwarto. Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na hangin sa aking mukha. Bahagya akong kumalma.
Muli akong dumilat at pinagmasdan ang madilim na paligid sa labas. Kalmado ang paligid tuwing gabi. Malamig dahil sa mga malalaking mga puno na nakapaligid sa mansion. At payapa ang buong bayan. Tanging ang mga natural na ingay ng paligid ang maririnig.
Isa ito sa mga bagay na gusto ko sa Van Zanth. The atmosphere. Araw araw kong nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw. Magkakakilala ang mga tao mula pagkabata. Bawat sulok ng bayan, bawat likod bahay o kalye, tindahan o mga matatandang naninirahan ay familiar sa bawat isa.
I never had that kind of familiarity. Siguro ay dahil palipat lipat ako ng tirahan mula pagkabata. So rather than someone who interacts, I'm more of an observer. Mas nakikilala ko ang isang tao o lugar sa pagobserba mula sa malayo kesa sa pakikilamamuha dito. Because a lot of times, intruders like me in places like this are hard to fit it.
Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Tahimik na ang buong mansion. Sasaglit lamang sana ako sa baba upang kumuha ng isang bago ng tubig. Subalit noong nasa sala na ako, tumigil ako sa paglalakad nang marinig na may nag uusap malapit dito.
"I noticed you have a soft spot for stray cats."
Boses ni Venise. May kausap siya sa balkonahe. Nakabukas ang isang pintuan papunta dito. Nakasindi ang dim lights na makikita sa garden sa labas. Naaninag ko ang mga silhouettes nila mula sa kakarampot na liwanag.
"I don't know what you're talking about."
It was the voice of Zander. His voice almost sounded low and husky. Napansin ko na tila may iniinom sila. Whiskey? Wine? Beneath the soft lights they looked like two people having a deep conversation.
"Come on, Zander. We both know who I'm referring to." sinabi ni Venise. Sumimsim siya sa hawak na inumin. "Am I wrong? She is a stray cat. An intruder. Why are you even keeping her?"
Natigilan ako sa narinig. Ako ba... ako ba ang pinag uusapan nila?
"You know the goddamn reason, Venise."
"You are letting her stay here even though you know who she really is. Are you out of your mind?"
"This does not concern you."
Bigla akong nanghina dahil sa aking narinig. My feet suddenly lost its strength. Kinakapos ako ng hininga. Ano ba itong mga naririnig ko? Ano ba ang ibig nilang sabihin?
"You can reject her, Zander." I heard Venise said. "Or did you already develop something for her?"
Zander scoffed. "Don't be stupid."
My hand found their way to my chest, clutching it. My chest rise and fall desperately. Gusto kong umalis. Pero wala akong magawa kundi ang humawak sa isang mesa upang makatayo ako ng maayos. Tila naupos ang aking lakas. Nawawalan ako ng hininga.
"Zander, we know each other since we were kids. And I would know when there is wrong with you. And I'm telling you, you are heading to a dangerous direction." said Venise. "Aalis na ako bukas. I can't leave peacefully knowing something like this is happening in Van Zanth- no- happening to you."
"You worry too much."
"Because I care for you!" Venise exclaimed. "Zander, you know so well why I care for you this much."
Venise's voice softens. My breathing was uneven. Hindi ako nakagalaw sa sumunod na nangyari. Venise tip toed until she met Zander's face. Nagdikit ang kanilang labi. Napapikit si Venise.
Venise kissed him.
Narinig ko ang boses ni Zander. Tila may sinabi siya. Ngunit wala na akong naintindihan.
"Venise-"
"Zander, please."
Tuluyang tumahimik ang buong paligid. Their silhouettes became one. Umakyat ang kamay ng Zander sa side mukha ni Venise, deepening the kiss. My heartbeat was deafening.
Everything started to drift off. Wala na akong maintindihan. Narinig ko na may bumagsak sa sahig. May nabasag ako. Pero wala na sa focus ang paningin ko. Tumakbo ako paalis bago pa man nila ako makita.
Nang makapasok na ako sa aking kwarto, mabilis kong sinara ang pinto gamit ang nanginginig kong mga kamay. Halos bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihinang nararamdaman ko. My knees and hands were shaking.
Hinawakan ko ang aking dibdib na kinakapos sa hininga. Please, calm down. Halos nagmamakaawa na ako sa sarili ko. Something inside of me started caving in. Tila may nawawasak.
Pumikit ako habang nakaupo sa sahig at nakahawak sa aking dibdib. Tuluyang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.
I don't understand why. But I'm hurting.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top